Share

Kabanata 4: The Escape

Author: Rouzan Mei
last update Last Updated: 2022-12-26 18:07:26

AIRISH

Naririnig ko na lang ang mga kaluskos mula sa labas at ang paglayo nito mula sa kinaroroonan ko. Ano'ng nangyayari sa labas?

Umalis ba si Dean?

Nakakuha ako ng pagkakataon para makatakas sa pwader nito. Muli akong nag-isip ng paraan para makalaya mula sa pagkakatali.

Nagkaroon ako ng pag-asa nang makita ko ang lalagyanan na pinagkuhanan ni Dean ng baril kanina. Sa palagay ko ay mayroong patalim na naroroon. Dahil sa pagkadesperada kong makatakas ay in-adjust ko ang katawan ko para marahang makalapit ang paa ko sa box na 'yon.

Inangat ko ang mga paa kong nakatali para mabuksan ang takip ng box. Sandali akong nahirapan dahil sa higpit ng pagkakatali sa 'kin ngunit hindi ko 'yon inalintana. Pinilit kong buksan ang takip at doon ay nagtagumpay ako sa ginawa ko.

Muli kong ginamit ang mga paa ko para mahila ang box. Hindi ko siya pwedeng sipain para kumalat ang mga gamit dahil siguradong makakatunog ang ibang tao rito.

Hinila ko pa ito papalapit sa 'kin at sa wakas ay naaninagan ko ang laman nito. May mga iba pang handgun at magasin ang nasa loob. Halos magliwanag din ang mukha ko sa saya nang makakita ako ng patalim.

Pilit ko pang inilapit sa 'kin ang box. Gamit ang mga paa ko ay nilikot ko iyon para matanggal ang kahit isa kong sapatos para iyon ang gagamitin kong panguha sa patalim. Hindi na kayang abutin ng kamay ko dahil sa sobrang higpit ng pagkakatali sa likod.

Sandali pa akong nahinto sa ginagawa nang makarinig ako ng kaluskos mula sa labas ng tent. Kinakabahan ako dahil baka nand'yan pa si Dean sa labas o 'di kaya'y may papasok dito na ibang tao.

Nang wala namang sumulpot sa tent ay saka ko na ginamit ang paa ko upang kunin ang patalim at marahan iyong hinagis patungo sa malapit sa kamay ko. Kinakabahan ako sa ginagawa ko pero dahil naabot ng kamay ko ang patalim ay abot tainga rin ang ngiti ko. Doon ko sinimulan ang paglagari nito sa tali dahil sa kapal.

"S-Salamat!" sambit ko na lang sa sarili ko dahil nakalagan ko na ang mga kamay ko. Mabilis ko namang tinanggal ang tali sa mga paa ko kaya't tuluyan akong nakawala sa kinauupuan ko.

Ngayon ay paano ako makakaalis dito sa tent?

"Pare, ikaw na ang bahala sa mga naiwang gamit. Mamayang gabi rin ay aalis na tayo. Narinig mo naman ang sinabi ni Amresel, hindi ba?"

Sandali akong natigilan sa kinaroroonan ko dahil sa dalawang lalaking nag-uusap mula sa labas.

"Oo. Teka, bakit hindi pala nila tayo sinama sa lakad? Akala ko ba na mamayang hapon pa natin tatanggalin ang checkpoint? Saan sila nagpunta?"

"Saan pa? E 'di sa bangko. Alam mo namang kapag kakapusin na tayo, manggugulo lang tayo sa mga bayan-bayan."

Napakuyom na lang ako sa galit dahil sa narinig ko. Napakasama ng Dean na 'yon. Dapat siyang makulong sa mga pinaggagagawa niya!

Nang marinig ko ang pag-alis nila ay doon lang ako naglakas-loob na sumilip para makita kung mayroon pa ba'ng ibang nakabantay sa labas. Tahimik ang paligid. May mga nakatayong malalaking tent sa iba't ibang parte ng gubat at hindi ito nagkakalayo mula sa tent na kinaroroonan ko.

Naglakad ako nang dahan-dahan at maingat na inapakan ang mga tuyong dahon sa lupa. Siguradong kaunting kaluskos lang ay maririnig nila ako.

Hindi ako tumigil sa paglalakad at kailangan kong umabot sa isang puno na medyo malayo mula sa tent. Kapag nalampasan ko na iyon ay siguradong wala ng makakakita pa sa 'kin. Pwede na akong tumakbo para makatakas ng tuluyan.

Halos marinig ko na ang paglakas ng kabog ng dibdib ko sa kaba at takot. Gusto ko ng umuwi at umalis.

Nakahinga ako nang malalim dahil sa loob lamang ng ilang minuto ay napuntahan ko na rin ang puno at doon ay napasandal. Muli akong sumilip sakaling may lumabas na lalaki. Nang makasigurong wala ay saka na ako naglakad ng mas malaking hakbang at saka tumakbo paalis.

MAHIGIT fifteen minutes din akong tumakbo mula sa kuta ni Dean ay narating ko ang isang kalsada na napapaligiran pa rin ng mga puno't halaman. Pansin ko rin ang pagkulimlim ng kalangitan. Mukhang uulan pa yata.

Hindi ko alam kung saan ako maglalakad. Dahil hindi ako sigurado ay tumabi muna ako sa daan at maghihintay na lang ako ng sasakyang pwede kong mapakisuyuang sakyan papuntang bayan.

Hindi naman nagtagal ay may nakita akong paparating na kotse. Kinikilala ko muna ito dahil baka sasakyan iyon ni Dean. Ngunit nang mapagtantong hindi ay saka ako humarang sa kalsada. Iwinawagayway ko ang mga kamay ko bilang paghingi ng tulong.

"P-Papunta po ba kayo sa bayan?" tanong ko kaagad nang huminto ito. Takang tinignan ako ng matandang lalaki na may salamin sa mata.

"O-Oo. Teka, bakit gan'yan ang hitsura mo, ineng?" takang tanong na lang nito dahil suot ko pa rin ang suot ko sa club.

"Pasabay naman po ako. Kailangan ko lang po makarating sa pulis station. Please po," pakikiusap ko sa matanda.

"O sige. Sumakay ka na," saad lamang nito kahit gulong-gulo sa biglaan kong pagsulpot. Walang ano-ano ay sumakay na ako sa passenger seat at saka nito pinaandar ang sasakyan.

Sa pagmamaneho ay in-explain ko sa matanda ang dahilan. Halos matakot siya gaya ng nararamdaman ko lalo na nang sabihin ko na ang most wanted criminal ang dumukot sa 'kin.

Sa pagdating namin sa bayan ay nagtago ako nang bahagya sa kinauupuan ko. Wala akong tiwala sa paligid lalo na't pakalat-kalat si Dean at ang grupo niya.

Mayroong checkpoint. Dali-dali namang pumaroon ang sasakyan at napansin ako ng officers.

"Ano'ng nangyari sa kaniya?" tanong na lamang ng isang pulis sa matanda nang makita ako.

"Police officer, kailangan po ng babaeng ito ang tulong niyo," sambit na lamang ng matanda sa pulis habang ako ay hiyang-hiya sa nakikita nila sa 'kin ngayon.

IN-ENTERVIEW ako ng pulis sa interrogation room nang sabihin kong si Dean ang dumukot sa 'kin. Ang most wanted criminal.

Kaagad nilang tinawagan si Inspector Jake Warren na siyang may hawak ng kaso kay Dean. Siya ngayon ang kaharap ko sa room.

"Ginalaw ka ba ni Amresel? Sinaktan? Hiningian ng pera" tanong na lamang sa 'kin ng pulis habang nakatingin sa 'kin.

"Hindi po," tugon ko sa kaniya.

"Kung gano'n ay ano'ng sinabi niya sa 'yo bakit ka niya binihag?" tanong pa niya. Hindi ako makasagot dahil kahit ako ay hindi alam ang isasagot.

"H-Hindi ko alam. Tinanong ko siya kung kailangan niya ng pera o ano pero ang sabi niya, ako lang ang kailangan niya. H-Hindi ko alam kung bakit," pilit kong pagpapaliwanag kahit na nababalutan ako ng takot sa katawan.

Hindi ko narinig ang tugon ni Inspector Jake sa sagot ko. Nang tignan ko siya ay para siyang nakatitig sa mismong mga mukha ko. Tila kinikilatis ako.

"Airish Madrigal..." tawag niya sa pangalan ko at huminga nang malalim. "...M-May nasabi ba sa 'yo si Amresel na personal na bagay?" tanong pa niya.

"Kagaya po ng alin?" tanong ko naman pabalik dahil sa hindi ko maintindihan ang tanong ni officer.

"Hmm... Mukhang wala. Hindi na bale," saad lang nito bago umayos ng pagkakaupo. "I received a phone call lately bago ako makarating dito. Hinahanap ka ng lalaking nagngangalang Eljoe. Sinasabi niya na girlfriend ka niya."

"O-Opo! Nasa saan na po siya?" pagkasabik ko nang marinig ko ang pangalan ng boyfriend ko.

"Kailangan nating bumalik ng Maynila at magsasagawa kami ng operasyon para hanapin si Amresel sa sinasabi mong lugar. Hindi gano'n kadali hulihin si Amresel pero h'wag kang mag-alala dahil bibigyan ka namin ng proteksyon para hindi na siya makalapit pa sa 'yo," paliwanag niya sa 'kin pero hindi pa ako nakakampante.

"Officer, gawin niyo po ang lahat para mahuli at makulong siya. Masyado niya ng ginugulo ang buhay ng karamihan. Ayoko rin'g mapunta pa ulit sa kaniya."

Ramdam ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ko at ang panginginig sa kaba at takot. Hindi ko inaasahan ang ganito kalaking problema na darating sa 'kin.

"H'wag kang mag-alala, gagawin namin lahat ng aming makakaya."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Epilogue

    EPILOGUENARRATOR KINAGABIHAN, nagkita sina Dean at Roman sa isang bar. "Bro," sabi ni Roman at nag-fists sila ni Dean bago ito naupo sa katabing upuan at nag-order ng alak."Bakit pala?" tanong ni Dean."Wala. Mag-inuman lang tayo," sabi ni Roman at tinungga ang alak niya. Napakunot naman ang noo ni Dean at kinuha ang order niyang alak."Inuman? Hindi ako naniniwala," sabi nito. Tiningnan naman siya ni Roman at napangisi sa kanya."Yung totoo? Kilala kita, Roman," sabi ni Dean at saka uminom ng alak. "Yung totoo? Ano ba talaga 'yang dinadala mo?" tanong pa nito."Si tatang. Kilala mo naman siya, 'di ba?" tanong ni Roman. Tumango naman si Dean bilang tugon dito."Hmm! Hindi ka pa nakakamove-on sa mga pumatay sa kanya? Sabagay, tatang mo 'yon," sabi naman ni Dean bago inumin ang alak."Nagsaliksik ako kung sino yung Solivanne na sinabi ng lalaki no'n. Ito yung nakita ko," sabi ni Roman at may pinakitang picture kay Dean. Kinuha naman ni Dean 'yon at tinitigan."Sino 'tong babaeng naka

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 46

    After 2 months...DEAN I'M STARING at my wife's tomb while letting my tears falling down."Thank you, Eloisa. My love," I just said to her. Hindi ko mapigilang maiyak dahil asawa ko parin siya.Now, everything's gone.My wife...My friend...My family...And my frienemy.Yeah, life is short. And we don't know what will going to happen next.Gusto ko munang mapag-isa. Alam kong sariwang sariwa ang kaso ko sa mga pulis pero mas maganda kung magpapagaling muna ako.That's what I promised to Airish when we were at the hospital.I just smiled at her when she followed me. Yes, she's alive. She's fine."A-Ang yaman pala ng kambal ko," She said while her tears starting to fall down. She walk towards her twin sister's tomb then she lightened the candle."Hello, E-Eloisa. Nandito na 'ko, oh? Y-Yung twin sister mo."I felt a sudden pain inside my body when I saw her like this. Parehong pareho silang umiyak ni Eloisa.Lumapit ako sa kanya para patahanin siya. Hindi na naman siya makapagsalita da

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 45

    NARRATOR TININGNAN ni Dean si Eljoe ngunit hindi matalim tulad ng kanina."H-Hindi kita gustong patayin, b-b-best friend boy," sabi nito. Napahinto nalang si Eljoe nang marinig niya ang tawag sa kanya ni Dean noong mga bata pa sila."Tumahimik ka, Dean," mariing sabi ni Eljoe at tila bumigat ang pakiramdam."Eljoe--ahh..." daing ni Dean sa natamo niya.Samantala, patakbo si Airish nang isuot niya ang kuwintas. Nagtago nalang siya nang makita sina Dean, Eljoe at si Roman.'Anong ginagawa ni Dean?' takhang tanong niya sa sarili."Bakit naduduwag ka, Dean?! Bakit 'di mo 'ko kayang patayin, Dean. You are a damn lunatic, boy. You are! So stop acting like an angelic demon or i'll kill you!" sigaw ni Eljoe at biglang tumulo ang mga luha niya."Dean, ano ba?" tanong naman ni Roman. Ang galit ni Dean sa dating kaibigan ay napalitan ng lungkot dahil sa mga ala-ala nila."S-si..." samantala, hindi na natuloy pa ni Airish ang sinasabi nang makita niya ang tumatayong lalaki na pamilyar sa kanya.

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 44

    NARRATOR SINAMAAN lang ni Dean ng tingin ang dating kaibigan. LSamantala, pasimpleng napapaamoy si Roman at napapatingin sa magkabilang gilid nang maramdaman niyang may mga nakapalibot sa kanila."Ano, Dean Amresel? Kill me!" sigaw ni Eljoe. Pinaputukan naman ni Dean ang braso ni Ortaleza imbis sa kaniya dahilan at dumaing ito.Tiningnan naman ni Eljoe ang kasama niya."I said kill me!" sigaw ulit ni Eljoe pero matalim na tingin lang ang binato ni Dean sa kanya habang nakatutok ang baril nito.AIRISH LUMINGON-LINGON ako sa paligid kung may paparating na tauhan ni Eljoe. Kinuha ko ang baril ng lalaking nakahandusay at maingat na umalis.Nangangalay parin ang magkabilang braso ko. Ang buo kong katawan. Para akong hindi kumain ng ilang araw dahil sa pagkakakadena ko kanina.Nababaril ko naman ang mga nakakasalubong ko pero may iba, sablay. Hindi na 'ko bago sa ganito dahil nagawa ko naring kumitil ng buhay noong nasa puwader ako ni Dean.Dahil sa panghihina, bumagsak nalang ako sa sahi

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 43

    AIRISH NAPATINGIN ako kay Dean na matalim namang nakatitig kay Eljoe."Alam mo, Dean? Akala mo swerte ka kay Eloisa? Hindi!" sigaw ni Eljoe at natawa. Para siyang baliw. "Hindi ikaw ang totoong minahal niya. Ako! Ako ang totoong minahal niya!"Hindi naman nagsasalita si Dean at tila inaabangan ang mga sasabihin pa ni Eljoe."Noong gabing pinakilala mo siya sa 'kin, 'yon ang naging simula ng paghulog ng loob namin sa isa't isa. Alam mo dahil sa katangahan mo? Hindi mo alam na palihim kaming nagsasama lalo na tuwing gabi. Kasi ang ibig sabihin no'n, hindi siya maligaya sa'yo," sabi pa ni Eljoe."Binigay niya ang lahat sa 'kin, lahat-lahat ng kanya. Hindi katulad ng kambal niya, walang kwenta," sabi pa niya at tumingin sa 'kin."Pero sumama ang loob ko nang malaman kong ikakasal na kayo. Dahil lang do'n kaya pinilit ni Eloisa na makipaghiwalay sa 'kin kahit alam kong ako ang mahal niya. Dapat pa nga, sa mismong kasal niyo ako manggugulo para patayin siya, kaso may awa pa ako. Kaya sa ho

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 42

    AIRISH "L-Lola, kailangan po ako ni Dean. Mapapatay po siya kapag hindi pa 'ko nakagawa ng paraan," sabi ko."Pero apo, delikado," sabi nito nang hawakan ang braso ko."Pero lola, sinalba po niya ang buhay ko. Sinalba niya tayo. Kaya ito na po siguro ang paraan para bumawi naman ako sa kanya," sabi ko. Tiningnan ako nito habang tila nag-aalala."Pero paano ka? B-Baka may mangyaring masama sa'yo.""Lola. Magiging ligtas po ako kapag napakawalan si Dean. Magtiwala po kayo," sabi ko. Binigyan ko siya ng mahigpit na yakap bago ako umalis."Apo!" tawag niya dahilan at napalingon ako. "Babalik ka," sabi nito. Ngumiti at tumango ako bilang tugon bago ako tuluyang umalis."Ano b--""Kailangan lang!" sigaw ko sa nakuhanan ko ng cellphone habang tumatakbo ako. Kaagad akong nagtago at ki-nontact ang lalaking sinasabi ni Dean. Nilabas ko ang papel na nakuha ko sa kanya."Hello?"[Sino ka? Bakit mo 'ko tinawagan?] sagot ng lalaking may kalaliman at nakakatakot din ang boses."Ikaw ba ang kaibigan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status