Huminga ng malalim si Hiraya habang nakatingin sa labas ng mansyon nina Reyko Takahashi, pinapanalangin niyang sana ay naroon ang lalaki upang sabihin dito na nagdadalang-tao siya at ito ang ama. Kinakabahan man ngunit kailangan niyang gawin iyon para sa kan'yang ina, balak niyang sabihin sa lalaki na buntis siya at humingi na rin ng tulong upang makahingi ng gamot sa lalaki. Kailangan na kailangan niya iyon para sa pagpagamot ulit ng kan'yang ina. Naiiyak man siya ngunit pinigilan niya iyon. Kinusot-kusot pa niya ang kan'yang mga mata habang naglakad papalapit sa mansyon. May nakita siyang isang guard na nakatayo sa gilid kung kaya't nilapitan niya ito. "Manong Guard, nariyan po ba si Reyko Takahashi?" tanong niya sa guard, hindi na niya ito nagawang batiin dahil nagmamadali siya. Sandaling kumunot ang noo ng guard sa kan'ya at napailing. "Wala rito si Dr. Reyko, Miss. Sino ba kayo?" "A-Ako? Kaibigan niya ako! Baka naman alam mo kung nasaan si Reyko, sabihin mo sa akin, gu
"Masaya ka na ba?" Napalingon si Hiraya kay Reyko, madilim ang mata nitong nakatingin sa kan'ya. Punong-puno ng magkamuhi siya nitong tinitigan na para bang lalapain siya nito ng buhay. Iniwas niya ang tingin sa lalaki, namumula ang kan'yang mukha pati na ang kan'yang mga mata. Kanina lamang ay hinawakan nito ng mahigpit ang kan'yang leeg kung kaya't nahirapan siyang huminga. Para siyang isang isdang napunta sa lupa't nawawalan ng hininga. Hindi niya napigilan na maubo dahil sa sobrang sakit ng kan'yang lalamunan. "Lumapit ka kay grandpa para ano? Tinake-advantage mo ang kabutihan niya't nagsumbong ka pa na buntis ka? Sino ka para gawin iyon sa akin, Hiraya!?" sigaw ni Reyko habang galit na galit na tiningnan ang babae. Kitang-kita ni Hiraya kung paano tumayo si Reyko at inayos ang sarili. "Talagang nagpabuntis ka pa talaga para makuha mo ang gusto mo? Para mapabilang sa angkan namin? What a gold digger! Tangina, nakakadiri ka, Hiraya." Alam ni Hiraya na kinamumuhian na siya ni
Sa mansyon ng mga Takahashi. Ang Don ay tahimik na nanunuod ng telebisyon habang umiinom ng isang tasang kape. Ang mukha ng matanda ay mabangis at sobrang napakalamig. Talagang kitang-kita mo ang galit na galit na ekspresyon sa mga mata kung kaya't walang tao roon na nangahas na kausapin ang Don. Si Butler Naiko na sanay na sanay na sa galit na ekspresyon ng Don ang nangahas na lumapit at kinausap ito. "Don Raymundo, ang young master po at si Madam Hiraya ay papunta na po rito. Huwag po kayong mag-alala, malapit na raw po sila." "Tanginang Reyko na 'yan. Malapit na ang kaarawan ko, ni hindi man lang ako binigyan ng katahimikan! Gumawa pa talaga ng isang scandal sa medya!" galit na galit na sabi ng Don. At dahil narinig iyon ni Olivia ay agad nitong pinagtanggol ang anak nitong si Reyko. "Kilala mo naman ang apo mo, Dad. Kung tutuusin, kasalanan ito ni Hiraya, alam naman niyang may ibang mahal ang anak ko ay kinanti pa nito. Nagpabuntis pa talaga ang punyeta. Kung hindi sana niya
“Kailan ba magbabago ang lalaking iyon? Sobrang nakakainis na ang pagkabarumbado niya!” inis na sabi ng Don nang umalis si Reyko sa sala. Nakatingin lamang ang Don kay Hiraya, malamig at mabangis ang mga mata nito, alam ng Don kung gaano kalayo ang mag-asawa sa isa’t-isa. Alam iyon ng Don noo pa man. Natawan ng mahina si Hiraya at napailing. Hindi na lamang niya pinansin ang sinabi ng matanda at nakinig lamang ng tahimik. “Ang nangyari noon ay matagal na rin naman. Anak niya ang dinadala mo kung kaya’t bakit ang hirap nitong tanggapin ka sa buhay niya? Isa pa, obligasyon niyang panagutan ka!” inis na sabi pa ng matanda. Nang marinig ang sinabi ng matanda ay agad na nagsalita ang ina ni Reyko. “Papa, hindi mo naman mapipilit ang isang tao sa hindi niya mahal. Kaya ganyan ang apo niyo dahil hindi naman niya mahal si Hiraya at naanakan lang niya ito. Ano bang mahirap intindihin doon?” “Huwag mong sabihin at mahiya ka naman sa harap talaga ni Hiraya? Kasalanan ba ni Hiraya ang lahat?”
Kitang-kita ni Hiraya ang pag-aalala at takot sa mukha ni Reyko nang makita ang kapatid niyang punong-puno ng dugo habang tinitingnan ng doktor. Parang may gustong sabihin ang lalaki ngunit hirap itong magsalita. Napaawang ang mapupulang labi nito upang handa na sanang magtanong ngunit naunahan ito ng doktor. “Pasensya na Mister. Nakunan na ang misis mo’t hindi na namin naligtas ang bata sa sinapupunan niya. Kailangan ng maraspa ang loob nito sa lalong madaling panahon baka ika-lason pa ng asawa mo ito. Pakipirmahan na lamang sa kin ng pasyente.” Agad na binigay ng nars ang form kay Reyko. Nanginginig namang kinuha ni Reyko ang papel at agad na pinirmahan ito. Si Mayari ay agad na pinasok sa emergency room upang maraspa na ngayon ay namimilipit sa sakit. Nang makita ang sitwasyong iyon ay hindi mapigilan na sumikip ang dibdib ni Hiraya. Hindi siya makapaniwala sa nagawa ng asawa niya sa kan’ya. Sa harap niya mismo at sinampal pa siya ng katotohanan—niloloko na pala siya ng asawa m
“Talagang okay lang, Hiraya? Sabi ng doktor ay maselan ang pagbubuntis mo ngayon kaya dapat ay huwag kang magpapagagod at magpapa-stress. Alam mo na ang dapat mong gawin, okay? Mag-te-text ulit ako sa’yo mamaya, mag-se-send din ako ng list ng mga masusustansyang pagkain na kakainin mo,” sabi ni Mayumi habang nag-aalalang nakatingin sa kaibigang si Hiraya. Nasa harapan na sila ngayon ng bahay nila ni Reyko, hinatid kasi siya nito, ayaw na sana niyang makaisturbo pa sa babae ngunit ito naman ang nag-insist sa kan’ya. “Naiintindihan ko, Mayumi. Pasensya na, inisturbo at pinag-alala pa kita.” Hinawakan ni Mayumi ang kan’yang kamay saka pinisil iyon, sumilay ang mapait na ngiti ng kaibigan at seryosong nakatitig sa kan’ya. “Hiraya, kailan ka pa magttyaga riyan sa asawa mong nuknukan ng kasamaan? Iyong nangyari noon ay hindi mo naman kasalanan, hindi mo naman ginustong mabuntis niya, ‘di ba? Ginawa mo lang naman ang lahat upang magkaroon ng kompletong pamilya iyang anghel na nasa sinapup
Malamig na tinitigan ni Reyko ang divorce paper na hawak-hawak ni Hiraya, nilampasan lamang ng lalaki ang papel at umupo sa malambot na kama nila.Kinuha ang isang sigarilyo at humithit doon. Alam niyang alam na ng lalaki kung ano ang naglalaman ng papel na hawak-hawak niya. Kita niya ang paghithit ng sigarilyo ni Reyko at mabilis na ibinuga iyon kung kaya’t nagkaroon ng usok ang silid. Napaubo si Hiraya at napahawak sa kan’yang tiyan. Gan’to ang lalaki, walang pakialam sa kan’ya kahit na buntis siya. Siguro naman alam nitong masama sa usok ng sigarilyo ang buntis ngunit patuloy pa rin ang paninigarilyo nito sa harap niya. Matapos ang sandaling katahimikan ay nagsalita ang lalaki, “Napag-isipan mo na ba ‘yan ng mabuti? Sigurado ka na ba sa desisyon mo?” Ang ekspresyon ni Reyko habang tinatanong iyon ay kalmado, ni walang nakikitang ibang ekspresyon si Hiraya rito. “Oo naman.” Hindi maiwasang manginig ni Hiraya habang nagsasalita. Pagod na pagod na rin kasi siya sa relasyong siya
Dahan-dahang minulat ni Hiraya ang kan’yang mga mata. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang nasa loob pa rin siya ng kanilang kwarto. Salamat sa Diyos dahil hindi pa siya patay, akala niya’y malalagutan na siya ng hininga dahil sa pagkakasakal sa kan’ya ni Reyko. Tumulo ang luha ni Hiraya habang nakatingin sa kisame. Napahinga siya ng malalim saka napahawak sa kan’yang tiyan. Mabuti naman at ligtas sila ng anak niya. Subalit hindi na sila magiging ligtas pa kung mananatili pa siya sa tabi ni Reyko. Matapos na makapag-ayos ay agad na bumaba si Hiraya upang mag-almusal dahil sobrang nagugutom siya. Nang makaupo sa mesa ay agad na pinaghandaan siya ng mga katulong doon. “Madam, ang sir po ay maagang umalis kanina,” sabi ng katulong kung kaya’t tumango na lamang siya. Palagi niya kasing tinatanong sa mga katulong kung nasaan na ang sir nila upang paghandaan sana ng almusal. Nang matapos mag-almusal ay agad na bumalik si Hiraya sa kwarto, kinuha ang maleta at wallet nia at bumaba ul
Biglang naalala ni Hiraya ang tungkol sa anibersaryo ng Takahashi Group kung kaya’t agad siyang nagsalita, "Tungkol naman sa anniversary niyo, wala talaga akong oras para mag-organize nito. Mas mabuti siguro na sa ibang studio niyo na lang ganapain ang event. Iyon lang at ingat ka pala sa byahe."Tiningnan siya nang matalim ni Reyko, napailing ang lalaki at umalis na. Sumunod naman si Assistant Green sa amo.Ngunit alam ng mga taong nasa mansyon ay galit ang among si Reyko base sa ekspresyon nito. Kaya naman, kahit umaga pa lang ay lahat ng katulong na naroon ay nagsitaguan. Hindi man lang makahinga ng maayos habang nakatitig sa nakakatakot na mukha ni Reyko.Hanggang sa umalis ang lalaki, saka lang lumapit sa kanya si Manang Koring at nagtanong. "Madam, mukhang nag-away po kayo ni Sir?""Hindi naman, Manang Koring. Wala naman akong lakas ng loob para kalabanin ang lalaking iyon. Gusto ko pang mabuhay ng matiwasay, ayaw ko pa pong mamatay,” pabirong sabi ni Hiraya sa matanda at ngu
Nagulat si Hiraya nang marinig ang sinabi ng kanyang asawa. “Wala," mahinang sabi niya sa lalaki."Anong wala?" Napataas ng kilay si Reyko at nagpatuloy, "Dahil ba nagtapat na sa’yo ang childhood sweetheart mo noon kung kaya’t mas nagiging cold ka na sa akin ngayon?" Habang sinasabi ito, kinuha ni Reyko ang teleponong nakapatong sa bedside table at inilagay sa harap niya, "Bakit nga ba sobrang daming lalaki ang umaaligid sa’yo? Bakit nga ba pag sa akin ang cold mo? Pero pag sa ibang lalaki sobrang tamis ng ngiti mo?” Sumingkit ang mga mata ni Hiraya at tiningnan ang litratong nasa screen ng telepono ni Reyko, sakto namang kuha iyon ng magkita sila ni Lucas at nakaakbay pa ang lalaki sa kanya. May mga anggulo rin na kinuhanan sila sa loob ng kotse. So, nasa studio ang lalaki kanina? Napabuntong hininga si Hiraya at mapait na tumawa, "Sinusundan mo ba ako?"Hindi sumagot si Reyko, tinitigan lang siya nito, "Sino ang lalaking kasama mo?""Hindi ba’t masyado ka ng nakikialam sa buhay ko
Matapos ang kanilang pananghalian ay napagkasunduan na gaganapin ang exhibit ay sa katapusan ng taon. Isa rin si Lucas sa naging estudyante ng ama nito at mahilig din sa pagpipinta. Hindi rin ito gaanong sikat sa mundo ng sining ngunit ang lalaki naman ang manager ng matanda. Hanggang sa nalaman din ni Hiraya na ang si Mr. Park at ang lolo ni Rhob ay magkaibigan pala. Alas sais na ng gabi ng inihatid ni Rhob si Hiraya sa mansyon. Ang plano ay si Lucas sana ang maghahatid sa babae ngunit bigla itong nagkaroon ng emergency kung kaya’t walang choice silang si Rhob na ang maghatid sa kanya. Ang kotse ni Rhob ay huminto sa harap ng mansyon. Lalabas na sana si Rhob nang pigilan niya ito. “Huwag mo na akong pagbuksan pa. Kaya ko namang buksan ang pinto, Rhob…”Napatitig lamang si Rhob sa kanya at huminga ng malalim. “Natatakot ka bang makita niya tayong magkasama?”Hindi na nagsinungaling pa si Hiraya at mabilis na tumango. “Ayaw ko na ring magkaroon pa ng gulo. Alam kong magagalit siya ka
Ilang araw ng nagpapahinga si Hiraya at nang gumaling na ang sugat niya sa kamay ay pumasok na rin siya sa kanyang studio. Nang makapasok siya sa kanyang studio ay tila ba ginanahan siya sa mga oras na iyon. Nakapag-alam na rin siya sa kanyang kaibigan na si Sunshine na lilipat na rin siya dahil bumalik na rin sa wakas ang studio niya. Nang makita ang tambak na dokumento sa kanyang mesa at napahilot siya sa kanyang sentido. Agad niya itong tinrabaho hanggang sa malapit na rin ang uwian, pumasok ang kanyang assistant na si Minerva at iniabot kay Hiraya ang mga dokumentong hawak nito, "Hiraya, ito na ang mga impormasyon tungkol sa year-end art exhibit at narito na rin ang mga materyales na ipinadala ni Mr. Park, pakitingnan na lang, girl!""Ah, nga pala bago ko makalimutan, paulit-ulit na tumawag ang mga empleyado ng Takahashi Group of Companies. Gusto rin nilang dito gaganapin ang charity auction event para sa anniversary celebration nila sa katapusan ng taon,. Mukhang malaki ang b
Mas lalong natakot ang mukha ni Jonah, agad na lumuhod at hinawakan ang laylayan ng pantalon ng lalaki, "Sasabihin ko na, sasabihin ko na po, huwag niyo lang ako idedepatsya... huwag muna kayong umalis, sasabihin ko sa inyo ang lahat! Pero ipangako niyo sa akin na kapag sinabi ko na ang totoo—palalayain niyo na ako at ang mga magulang ko at…” Humigpit ang hawak ng dalaga sa laylayan ng pantalon ni Reyko. “ Ipangako niyong bibigyan ako ng isang milyon..."Kumunot ang noo ni Reyko, malamig at matalim ang mga mata nitong tiningnan ang babae. Mabilis niyang inalis ang hawak ng babae sa pantalon niya kung kaya’t tumilapon ang babae sa sahig. Si Marco naman na naninigarilyo ay nakasandal lamang sa sofa, "Saan ka pupunta Reyko?" Kailan pa si Reyko nawalan ng pasensya?"Magpapahangin lang, ituloy mo ang pagtatanong dito," sabi ni Reyko.Hirap na bumangon si Jonah, gulo-gulo na rin ang mukha ng dalaga. “Kahit huwag na pala ang pera, sasabihin ko na lang sa inyo ang lahat pero please lang sa
Sa kabilang banda, hindi man lang makatulog si Hiraya, nakaupo lamang siya sa kwarto. Sa totoo lang, pagkatapos niyang uminom ng gamot, dapat sana'y natutulog na siya nang mahimbing pero hindi siya makatulog, sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata, para bang bumabalik siya sa aksidente na nangyari noon. Sobrang kalunos-lunos ang aksidente. Sinadyang binangga ng ama ni Kris ang kotseng minamaneho ni Reyko. Kung hindi dahil sa harang na nasa seaside ay nahulog na sana ang asawa. Nagmamaneho siya sa likod ng lalaki at sinunundan ang lalaki, kahit buntis siya noon ay nagawa pa rin niyang sundan si Reyko. Hindi niya alam kung bakit naisipan niyang sundan ng lihim ang lalaki pero para bang may nag-udyok sa kanya na sundan ito. Kitang-kita niya ang paghinto ng kotse ni Reyko at ang lalaki sa driver's seat ay puno ng dugo, nakasubsob sa manibela at wala ng malay. Sa puntong iyon nanlalaki ang kanyang mga mata nang makita ang truck na papaandar upang banggain ang kotse ni Reyko. Agad
Agad namang inasikaso ni Rhob ang discharge papers ni Hiraya, kumuha rin siya ng gamot at handa na ring umalis. Pero pagkalabas pa lang nila ng pinto ng ward ay may lumapit na pigura sa kanila. Si Reyko ang lalaking iyon. Sa isip-isip ni Reyo, ilang minuto lang siyang nawala ngunit ma-di-discharge na agad si Hiraya? Siya ang asawa ngunit bakit hindi man lang siya sinabihan nito? Pinapunta pa talaga ng asawa niya si Rhob para asikasuhin ang papeles? Napahangos siya ng malalim at akmang hahawakan na sana si Hiraya nang bigla siyang pinigilan ni Rhob. Punong-puno ng tensyon ang paligid sa mga oras na iyon. Dumilim at tumawa ng pagalit si Reyko sa lalaki, "Dr. Rhob, saan mo balak dalhin ang asawa ko, ni hindi ka man lang nagpaalam sa akin?""Tapos na siyang obserbahan ng doktor at pwede na rin siyang lumabas ng ospital. Ihahatid ko na siya pauwi,” malamig na sagot ni Rhob."Oh, ganun ba? Kung gano’n, hindi pala okay ang ospital na ito? Kahit walang pahintulot ng pamilya, basta-basta n
Siguro’y nalaman ni Reyko ang lahat nangyari sa assistant nito. Kung hindi dahil kay Rhob, baka isa na siyang bangkay ngayon o kaya naman ay na-rape na siya ng lalaking iyon. "Pinahanap ko na ang lalaking iyon kay Marco. Huwag kang mag-alala, gagawin natin ang lahat para makulong ang lalaking iyon sa bilangguan."Malamig na tumingin si Hiraya sa asawa at napangiti ng mapait, "Patay na siya, ano pa bang gusto mong gawin, Mr. Takahashi? Baka naman gusto mong pahirapan din ang pamilya niya gaya ng ginawa mo sa akin noon?"Napailing si Hiraya sa lalaki. “Huwag mo ng gawin, maging mabait ka na lang for once. Inosente ang pamilya ng lalaking iyon…” Biglang naalala ni Hiraya ang batang babaeng umiiyak kanina. Napakuyom siya ng kamao at huminga ng malalim. "Sa huli, ikaw naman ang dahilan kung bakit nangyari iyon."Dumilim ang mga mata ni Reyko, matagal na tumitig ang lalaki sa kanya. Napahawak na lamang ito sa batok at nagsalita. "Magpapasuri ka ulit sa doktor mamaya pagkatapos noon ay u
Hatinggabi na nang makabalik si Reyko sa mansyon. Nagulat ang mga katulong nang makita siyang bumalik nang hindi kasama ang asawang Hiraya. Medyo nag-aalala na rin ang ekspresyon ng mga katulong, "Sir, hindi niyo po ba kasama si Madam?"Napataas ng kilay si Reyko sa sinabi ng katulong. Sa katunayan, kanina pa siya balisa dahil hindi niya mahanap si Andrea at nang marinig niyang hindi pa bumabalik si Hiraya, mas lalo siyang napabusangot, "Hindi pa siya bumabalik hanggang ngayon?"Umiling ang katulong, "Akala po namin magkasama kayo ni Madam..."Kinuha ni Reyko ang kanyang telepono para tawagan si Hiraya, pero naka-off na ito. Nandilim ang kanyang mga mata at mabilis na lumabas upang pumunta ulit sa kanyang kotse. Pagkaupo niya sa driver's seat ay tumawag siya kay Assistant Green."Boss, naaksidente po si Madam!"Napamura si Reyko at mabilis na pinaandar ang itim na Sedan sa highway. Mariing humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela kung kaya’t nagsilitawan ang mga ugat sa likod ng kan