Dali-daling pumunta si Hiraya sa ospital kung saan na-admit ang kan’yang ina. Sabi ni Alena ay mayroon na raw isang doctor na mag-oopera sa nanay niya. Labis ang tuwa ni Hiraya kung kaya’t ginawa nya ang lahat upang makarating lamang sa ospital. Nanlaki ang kan’yang mga mata nang makita ang isang pigura ng lalaking nakatingin sa glass wall kung saan naka-admit ang ina. Nakilala niya ang Tito Paulo niya na umiiyak habang nakatingin sa glass wall ng silid, nasa gilid nito ang isang lalaking hindi pamilyar sa kan’ya. Nang makalapit siya ay huminga siya ng malalim at nagsalita. “Tito Paulo, kailan pa kayo nakauwi? Bakit hindi man lang kayo tumawag sa akin na darating pala kayo, nasundo ko sana kayo sa airport.” Magalang ang boses ng tono ni Hiraya. “Hiraya, nabalitaan kong mas lalong lumala raw ang sakit ng iyong ina. Bakit hindi mo sinabi sa akin? Kung hindi ko pa nabalitaan kay Alena, hindi ko pa malalaman na gan’to na ang lagay ng iyong ina. Ano ang sabi ng doktor?” tanong ni Tito
Tahimik na naglakad si Hiraya palayo sa silid ng kan’yang ina, huminga siya ng malalim at masamang tiningnan si Reyko. “Sundan mo ako, mag-usap tayo.” Naghanap siya ng tahimik na lugar tipong sila lamang ang makakarinig ng pag-uusapan nila. Nakaabot sila sa pinakadulo ng ospital, mayroon doong emergency exit kung kaya’t doon siya pumasok. Mabuti na lang at sumunod ang lalaki sa kan’ya. Magsasalita na sana siya subalit mabilis siyang idiniin ni Reyko sa pader at malamig na nagtanong, “Paano mo nakilala si Dr. Martinez?” Alam ni Hiraya na natamaan niya ang ego ni Reyko dahil ngayon lang siya nito nakitang may kasama at kausap na ibang lalaki. “Ano ba! Anak siya ng kaibigan ng nanay kong si Tito Paulo!” inis na sabi ni Hiraya at pilit na tinutulak si Reyko palayo sa kan’ya. Ngunit malakas ang pagkakadiin sa kan’ya ni Reyko kung kaya’t hindi siya nagtagumpay na kumawala sa lalaki. Ang malala pa ay pilit siya nitong hinahalikan at mas nagiging marahas din ito kapag nagpupumiglas siya.
“Saan tayo pupunta Reyko?” malamig na tanong ni Hiraya kay Reyko nang makita niyang pinapaandar na nito ang kotse nila. “Pupunta tayo sa mansyon ni Lolo, kailangan daw tayo roon…” Biglang binundol ng kaba si Hiraya nang marinig ang sinabi ng lalaki. “Anong nangyari kay Lolo? Okay lang ba siya?” tanong ni Hiraya sa asawa. Tumango lamang si Reyko bilang sagot at hindi na nagsalita. Nang makita iyon ay nakahinga ng maluwag ang babae saka napailing na lamang. Hindi niya na lamang pinansin ang lalaki at nanatiling nakatitig sa daan. Nang makapasok sila sa loob ng mansyon ay nakita nila ang ina ni Reyko na nakaupo sa sofa kasama nito ang manager at nag-ha-handle sa kanyang ateng si Mayari. Ang pagkakaalala niya ang pangalan ng babae ay Jonah. Nang makita ni Reyko ang dalawang matanda ay agad itong lumapit. “Why are you here Jonah?” tanong nito. “Niyaya ako ni Madam na mag-shopping sa mall. Kailangan niya kasi ng professional designer upang pumili ng mga damit niya. Hindi ko naman in-e
Nang makalabas si Hiraya sa silid ng matanda ay nakasalubong niya ang manager ng kanyang kapatid. “Uy, Hiraya, napaamo mo na ba ang matanda?” tanong nito na para bang close na close sila. Napaawang ang labi ni Hiraya dahil sa sobrang gulat, hindi niya kasi inaasahan na kakausapin siya ng babaeng ito. I mean aware siya at kilala niya kung sino ang manager ng kanyang kapatid dahil napapanuod niya ito kasama sa mga interviews pero hindi naman sila nagkakausap ng personal. Hindi na lamang niya pinansin ang babae saka dire-diretsong naglakad ngunit agad siya nitong hinawakan sa braso kung kaya’t napalingon siya sa babae habang nakakunot ang noo. “Problema mo?” tanong niya. Ngumiti lamang ng pilit si Jonah at sumagot. “Ikaw naman gusto ko lang kamustahin ang nanay mo. Okay na ba siya? Sobrang nag-alala ang kapatid mo sa nanay niya, hindi mo ba alam na bumisita si Mayari sa nanay mo noong nakaraang araw?” “Alam ko bakit mo natanong? At ano naman ang pakialam mo? Pwede ba, alam kong naki
Nasa loob na ng kotse sina Hiraya at Reyko, tahimik lamang sila habang bumayahe patungo sa kanilang mansyon. Ilang minuto rin ang nakalipas nang magsalita ang lalaki. “You really need to give up your studio, Hiraya. Kailangan mo ng pera para sa gamot at gastusin ng nanay mo, nag-offer lang naman si Joan sa’yo tanggapin mo na. Ayaw mo namang tanggapin ang tulong ko sa’yo, isa pa buntis ka—hindi mo naman na-ma-manage ang studio na iyon ilang buwan na…” Marahas na napalingon si Hiraya sa sinabi ng kanyang asawa. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Reyko. “Seryoso ka ba? Iyan na nga lang ang pinagkukunan ko ng income kukunin niyo pa sa akin? Napaka selfish niyo naman!” Hindi man lang pinansin ni Reyko ang sinabi niya at nagpatuloy sa pagsasalita. “Bukas na bukas ay ooperahan ko na ang iyong ina, huwag kang mag alala.” “Hindi ako papayag doon, mayroon na akong nahanap na doktor kung kaya’t pwede bang tigilan mo na ako?” inis na sabi ni Hiraya sa lalaki. Matapos sabihin nitong ibenta
Sina Rhob at Hiraya ay nasa Ikigai Cafe, isang sikat na coffee shop malapit sa ospital na pinagttrabahuan ni Dr. Rhob. Habang nag-di-discuss si Hiraya ng plano ay taimtim na nakikinig ang doktor sa babae. Manghang-mangha si Rhob dahil sa taglay na talento ni Hiraya bilang isang coordinator. Grabe rin ang suggestions ng babae at nabanggit din ni Hiraya na isa siyang photographer kung kaya’t pwede siyang kunin ng binata. Lahat gagawin ni Hiraya upang magkaroon lang siya ng kita, katunayan nga ay ibinenta na niya ang kanyang studio sa walang-hiyang Joan na iyon. Wala siyang choice kung ‘di ang ibenta ito sa babae dahil gipit na gipit na talaga siya. Hindi naman niya pwedeng pabayaan ang ina sa ospital, baka kapag hindi niya ibinenta ito ay mawawalan ito ng gamot pang-maintenance. Hindi rin kasi sapat ang naipon niyang savings dahil hindi niya inaasahan na magkakaroon ng surgery ulit ang nanay niya. Baon na baon na rin siya sa utang kung kaya’t wala siyang ibang pagpipilian kung ‘di ang
Kinabukasan ay nagkita nga sina Attorney Reyes at Hiraya sa isang cafe malapit sa apartment niya. Alas dos ng hapon ang usapan nila ngunit bago pa man mag-alas dos ay naroon na si Hiraya. Matiyaga siyang naghintay sa abogado habang kumakain ng paborito niyang cheesecake. Mayamaya lamang ay nakita na niya ang abogadong si Atty. Reyes na naglalakad papunta sa table niya. Umupo ng maayos si Hiraya saka binati ang abogado. Nang makaupo ang lalaki ay agad siyang nagsalita. “Attorney, hindi pinirmahan ni Reyko ang divorce paper na ibinigay ko sa kanya. Ilang linggo na rin ang nakalipas ngunit wala akong balita tungkol sa desisyon niya. Mukhang ayaw ng kumag na ‘yon na hiwalaya ako. Kaya naman napagpasyahan kong mag-file na lamang ng divorce sa korte kung maari,” sabi ni Hiraya sa abogado. Napasandal sa malambot na upuan ang abogado saka seryosong tinitigan si Hiraya. Napailing pa ang lalaki at pagkatapos doon na nagsalita. “Mrs. Takahashi, alam kong pinagkakatiwalaan mo ako tungkol sa b
“Boss, sundan pa ba natin ang asawa niyo? Malakas ang buhos ng ulan sa labas, mukhang nagpaulan pa ito—”Napailing si Reyko at matalim na titigan ang assistant niya. “Don’t mind her, let’s go.” Sa isip ni Reyko, kung susundan pa niya ang babae ang babae ay malamang mag-aaway pa rin sila. Mas minabuti niya ring hindi na pasundan ang asawa dahil alam niya kung saan ito pupunta, malamang sa nanay nito. Samantala, si Hiraya naman ay sumilong sa isang waiting shed kung saan doon ang hintayan ng mga pasahero. Nang makakuha siya ng taxi ay agad siyang pumunta sa ospital.Nang makita siya ni Alena na basang-basa ay agad itong lumapit sa kanya. Nag-aalala siyang tinitigan ng matalik na kaibigan. “A-Anong nangyari sa’yo? Bakit ka naman nagpaulan baka lagnatin ka niya. May extra ka pa bang damit sa room ni Tita?” Nanginginig siyang tumango kay Alena. “Dito ka lang muna sa labas, ako na ang kukuha ng damit mo sa loob. Huwag na huwag ka talagang magpapakita sa nanay mo baka sermon ang abutin mo
Sa madilim na gabi, mabilis na bumabaybay ang isang itim na Sedan sa malawak na kalsada. Nakaupo si Hiraya sa likod ng kotse at mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang bestida. "Madam, babalik po ba tayo sa mansyon?" tanong ng driver na kinuha sa kanya ni Reyko."Hindi, sa St. Luke Hospital tayo," pilit na sabi ni Hiraya.Nakita ng drayber sa rearview mirror na hindi maganda ang pakiramdam ni Hiraya at dahil mahigit isang oras din ang babaeng nasa loob ng istasyon, natatakot ang lalaki na may mangyari dito, kaya nagtanong ulit ito, "Madam, tatawagan ko na po ba si Boss para pumunta rin ng St. Luke Hospital?"Kahit alam ng lalaki na hindi masyadong maganda ang relasyon ng mag-asawa, mag-asawa pa rin ang dalawa at kung may mangyari sa Madam, hindi ng Boss niya ito papalampasin at baka madamay pa siya!"Hm... busy siya, huwag mo na siyang isturbuhin."Pagod na pumikit si Hiraya at dahan-dahang sumandal sa bintana ng kotse na para bang natutulog. Pero hindi siya tulog noon marami lang talag
Nakahinga ng maluwag si Hiraya nang palayain siya ni Reyko. Nakarating sila sa mansyon ng matiwasay at hindi na nagiimikan pa. Dire-diretso siyang pumunta sa kwarto at uminom ng gatas. Pagkatapos noon ay nakatulog siya ng mahimbing. Kinabukasan… Dahil wala namang masyadong ginagawa sa kanyang studio ay nagpahinga na lang muna si Hiraya sa bahay buong araw. Maraming masasarap na pagkain ang inihanda ni Manang Koring para sa kanya, kaya naman bumalik ang kanyang sigla."Madam, ipinagluto ko kayo ng sopas, tikman niyo!" Inilapag ni Manang Koring ang isang malaking mangko sa mesa, "Mamayang gabi, ipagluluto ko pa kayo ng tinola at adobo na paborito niyo!."Agad namang nagsalita pa ang matanda, "Simula ngayon ako na ang mag-aalalaga sa’yo, hija, hindi na kita papayagang kumain kung saan-saan sa labas, sumakit daw ang tiyan mo kagabi!"Ngumiti si Hiraya at nang akmang magsasalita na sana siya ay tumunog naman ang kanyang cellphone na nakapatong sa mesa.Nang tingnan niya ito, isang hindi p
Habang nagsasalita silang dalawa ay dumating naman si Hiraya na inaalalayan si Sunshine papalapit sa kanila. For the lapit naman si Rhob upang tulungan si Hiraya. “Hiraya, umuwi ka na, ako na ang maghahatid kay Sunshine.” “Mukhang naparami ang inom ni Sunshine kung kaya’t dahan-dahan lang sa pagmamaneho baka masuka na naman siya,” bilin ni Hiraya kung kaya’t tumango at ngunitian pa siya ng matamis ni Rhon. "Sige, huwag kang mag-alala, hindi ko bibilisan ang pag-drive…" Tumingin si Rhob kay Reyko, at nag-aalangan na tumingin kay Hiraya, "Kung kailangan mo ng tulong o may kailangan ka, huwag kang mahiyang tumawag sa akin." Tumango si Hiraya, "Sige, magiingat kayo." Dalawa na lang silang nakatayo sa harap ng restaurant. Tapos ng kumain si Hiraya kung kaya’t medyo sumasakit ang kanyang tiyan. Mukhang naparami siya ng kain ngayon. Sobrang sarap din kasi ng pagkain at iyon ang hanap-hanap ng nila ng kanyang anak. “Bakit ang aga mong bumalik? Hindi ba’t mahigit isang linggo ka sa busin
Ilang araw ng tutok na tutok si Hiraya sa kanyang pagpipinta kung kaya’t naisipan niyang yayain ang kanyang mga kaibigan na sina Alena at Mayumi sa isang bagong bukas na restaurant malapit sa kanyang studio. Ngunit ang dalawa ay saktong sobran busy at may inaasikaso ang mga ito sa ospital kung kaya’t sa sunday pa raw ang off ng dalawa. Naiintindihan niya naman iyon, babawi na lang daw ang dalawa sa kanya kapag off nila. Sakto namang walang ginagawa si Sunshine ang bago niyang kaibigan kung kaya’t agad na niyaya siya nitong kumain. Sinuggest na lang niya ang restaurant na malapit sa studio niya. Nang makarating sila roon ay nakita niyang naroon din pala si Rhob. Nakahanda na ang kanilang kakaining pagkain at nag-order din ng isang kahon ng beer si Sunshine dahil gusto nitong mag-inuman sila. Nang ibuhos ni Sunshine sa kanya ang isang beer ay agad na pinigilan ni Rhob ang babae. "Sunshine, buntis si Hiraya kaya hindi siya pwede sa alak." Nagulat silang tatlo sa sinabi ni Rhob. Agad
Rinig na rinig ni Hiraya ang pambabaeng boses sa kabilang linya. Mahinang natawa si Hiraya, mahigpit niyang hinawakan ang kanyang telepono at hindi na nagsalita pa. Akala ng kausap niya ay hindi siya nakakaintindi ng English kung kaya’t baluktot itong nagsalita ng tagalog, "Sobrang dami nang nainom ni Mr. Takahashi kung kaya’t pumunta siya muna ng banyo. Kung nakakaintindi ka sa sinasabi ko, huwag mo na kaming isturbuhin pa!"Napahaplos si Hiraya sa kanyang noo at bahagyang tumatawa. "Ah, ganoon ba? Naiintindihan ko na. Have fun!"Pagkasabi niya ay agad niyang ibinaba ang telepono, napatingin sa magandang tanawing ginawa niya kanina. Ang kanyang pininta ay sobrang layo sa kanyang relasyon nilang mag-asawa.Mukhang nambabae na naman ang kanyang asawa??Huminga nang malalim si Hiraya, handa na sanang umuwi nang marinig niya ang malalim na boses ng isang lalaki sa kanyang likuran, "Ang aga mo namang natapos sa trabaho!" Nang marinig ang boses, lumingon si Hiraya at tiningnan ang lalaki
Biglang naalala ni Hiraya ang tungkol sa anibersaryo ng Takahashi Group kung kaya’t agad siyang nagsalita, "Tungkol naman sa anniversary niyo, wala talaga akong oras para mag-organize nito. Mas mabuti siguro na sa ibang studio niyo na lang ganapain ang event. Iyon lang at ingat ka pala sa byahe."Tiningnan siya nang matalim ni Reyko, napailing ang lalaki at umalis na. Sumunod naman si Assistant Green sa amo.Ngunit alam ng mga taong nasa mansyon ay galit ang among si Reyko base sa ekspresyon nito. Kaya naman, kahit umaga pa lang ay lahat ng katulong na naroon ay nagsitaguan. Hindi man lang makahinga ng maayos habang nakatitig sa nakakatakot na mukha ni Reyko.Hanggang sa umalis ang lalaki, saka lang lumapit sa kanya si Manang Koring at nagtanong. "Madam, mukhang nag-away po kayo ni Sir?""Hindi naman, Manang Koring. Wala naman akong lakas ng loob para kalabanin ang lalaking iyon. Gusto ko pang mabuhay ng matiwasay, ayaw ko pa pong mamatay,” pabirong sabi ni Hiraya sa matanda at ngu
Nagulat si Hiraya nang marinig ang sinabi ng kanyang asawa. “Wala," mahinang sabi niya sa lalaki."Anong wala?" Napataas ng kilay si Reyko at nagpatuloy, "Dahil ba nagtapat na sa’yo ang childhood sweetheart mo noon kung kaya’t mas nagiging cold ka na sa akin ngayon?" Habang sinasabi ito, kinuha ni Reyko ang teleponong nakapatong sa bedside table at inilagay sa harap niya, "Bakit nga ba sobrang daming lalaki ang umaaligid sa’yo? Bakit nga ba pag sa akin ang cold mo? Pero pag sa ibang lalaki sobrang tamis ng ngiti mo?” Sumingkit ang mga mata ni Hiraya at tiningnan ang litratong nasa screen ng telepono ni Reyko, sakto namang kuha iyon ng magkita sila ni Lucas at nakaakbay pa ang lalaki sa kanya. May mga anggulo rin na kinuhanan sila sa loob ng kotse. So, nasa studio ang lalaki kanina? Napabuntong hininga si Hiraya at mapait na tumawa, "Sinusundan mo ba ako?"Hindi sumagot si Reyko, tinitigan lang siya nito, "Sino ang lalaking kasama mo?""Hindi ba’t masyado ka ng nakikialam sa buhay ko
Matapos ang kanilang pananghalian ay napagkasunduan na gaganapin ang exhibit ay sa katapusan ng taon. Isa rin si Lucas sa naging estudyante ng ama nito at mahilig din sa pagpipinta. Hindi rin ito gaanong sikat sa mundo ng sining ngunit ang lalaki naman ang manager ng matanda. Hanggang sa nalaman din ni Hiraya na ang si Mr. Park at ang lolo ni Rhob ay magkaibigan pala. Alas sais na ng gabi ng inihatid ni Rhob si Hiraya sa mansyon. Ang plano ay si Lucas sana ang maghahatid sa babae ngunit bigla itong nagkaroon ng emergency kung kaya’t walang choice silang si Rhob na ang maghatid sa kanya. Ang kotse ni Rhob ay huminto sa harap ng mansyon. Lalabas na sana si Rhob nang pigilan niya ito. “Huwag mo na akong pagbuksan pa. Kaya ko namang buksan ang pinto, Rhob…”Napatitig lamang si Rhob sa kanya at huminga ng malalim. “Natatakot ka bang makita niya tayong magkasama?”Hindi na nagsinungaling pa si Hiraya at mabilis na tumango. “Ayaw ko na ring magkaroon pa ng gulo. Alam kong magagalit siya ka
Ilang araw ng nagpapahinga si Hiraya at nang gumaling na ang sugat niya sa kamay ay pumasok na rin siya sa kanyang studio. Nang makapasok siya sa kanyang studio ay tila ba ginanahan siya sa mga oras na iyon. Nakapag-alam na rin siya sa kanyang kaibigan na si Sunshine na lilipat na rin siya dahil bumalik na rin sa wakas ang studio niya. Nang makita ang tambak na dokumento sa kanyang mesa at napahilot siya sa kanyang sentido. Agad niya itong tinrabaho hanggang sa malapit na rin ang uwian, pumasok ang kanyang assistant na si Minerva at iniabot kay Hiraya ang mga dokumentong hawak nito, "Hiraya, ito na ang mga impormasyon tungkol sa year-end art exhibit at narito na rin ang mga materyales na ipinadala ni Mr. Park, pakitingnan na lang, girl!""Ah, nga pala bago ko makalimutan, paulit-ulit na tumawag ang mga empleyado ng Takahashi Group of Companies. Gusto rin nilang dito gaganapin ang charity auction event para sa anniversary celebration nila sa katapusan ng taon,. Mukhang malaki ang b