Dumilim ang mukha niya at bumaba upang kunin ang sparekey ng kwarto ni Hiraya. Habang papaakyat ng hagdan ay tumunog ang kanyang cellphone. Sinagot niya ang tawag habang paakyat, “Kalyx Lee? Anong problema mo? Bakit ka pa tumatawag sa akin?"Kahit na kaibigan ito ni Andrea, hindi rin talaga niya gusto ang ugali nitong si Kalyx. Kung pwede nga lang patayin na nito ay ginawa na niya. Kung hindi lang pumunta sa kanya ang ina nito at ina ni Andrea ay hindi na niya ito tinulongan pa. Mula sa kabilang linya, narinig ang mahinang tawa ng lalaki, "Well, kahit na pinatapon mo ako sa malayo, sobrang laking tulong naman nito sa akin. Mabuti na lang at kaibigan ako ni Andrea kung hindi ay baka sa kulongan ang bagsak ko nito. Ngayon, pwede ba kitang tawaging brother-in-law?"Bahagyang kumunot ang noo ni Reyko, "Kung may sasabihin ka, diretsuhin mo na ako. Busy ako!""Oo naman, alam kong busy ka kaya hindi na ako mag-aaksaya pa ng panahon. Bukas ng gabi ay mag-ce-celebrate kami ng engagement part
Yumuko si Hiraya at tiningnan ang kanyang cellphone. Ang kalmadong mukha niya ay unti-unting nandilim at nag-aapoy pa ang kanyang mga mata. Ang lahat ng galit na nararamdaman niya kanina ay umabot na sa sukdulan sa sandaling iyon.Nangako sa kanya si Reyko ilang araw pa lang ang nakalipas na hindi ito makikialam sa kaso ng kaibigan niyang si Mayumi! Ano na naman ang plano ng lalaking iyon ngayon?Mabilis niyang tinawagan ang numero ni Reyko. Sumusobra na talaga ang lalaking iyon, manganganak na talaga siya dahil sa sobrang stress niya sa lalaki! Napamura siya sa kanyang isipan nang hindi man lang ito sumasagot. Ilang minuto ang nakalipas ay may humintong kotse sa kanya, pagkalingon niya ay naroon na ang driver niya. Saktong pagpasok niya ay sumagot ang gago niyang asawa. “Reyko, nasaan ka?”“Akala ko nakalimutan mo ng may asawa ka pa?” kalmadong tanong ni Reyko sa kanya. Nakalimutan? Kailangan niya bang maalala ang gagong ito? Naalala niya pa nga dati na pag tumawag siya, agad siya
Paglabas ni Hiraya sa ospital, gabing-gabi na rin iyon. Kinuha niya ang kanyang cellphone at nagulat sa nakitang napakaraming missed calls doon. Galing iyon kay Reyko, Marco at ang kapatid ni Mayumi. Ang huling tumawag ay si Attorney Reyes na mas ikinagulat niya. May nangyari kayang masama? Sa isip-isip niya. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa’t tinawagan ulit si Attorney Reyes. Agad-agad naman nitong sinagot ang tawag para bang kanina pa ito hinihintay ang call back niya. “Mrs. Takahashi..” Medyo nagmamadali ang boses ni Attorney Reyes, “Hindi maganda ang sitwasyon ngayon…”Biglang nanigas ang katawan ni Hiraya nang marinig ang sinabi ng attorney. Pagkatapos ng ilang sandali, nagtanong siya, “Ano? Anong nangyari? Tumawag ang kapatid ni Mayumi sa akin, tungkol ba iyon sa kanya?”“Hindi, hindi siya…” Medyo natataranta ang boses ni Atty. Reyes kung kaya’t kinabahan siya ng malala. “Eh ‘di sino?” tanong ulit ni Hiraya.“Si Mr. Takahashi.”Mahina ang boses ni Attorney Reyes, pero para
Parang biglang nanlamig ang puso ni Hiraya nang marinig ang sinabi ni Mayumi. “Mayumi… Seryoso ka ba talaga?” Tumango si Mayumi at ngumiti ng matamis. “Oo naman. May kasalanan sila sa akin kung kaya't bakit ako magba-backout? Ano ang rason kung bakit hindi ako lalaban? Ang lalaking iyon! Magbabayad siya sa ginawa niya sa akin!” basag ang boses na sabi ni Mayumi. Nakaramdam ng kaba si Hiraya, sobrang nag-aalala siya sa mangyayari sa hinaharap. "Mayumi..."“Hiraya, hayaan mo ako. Huwag ka ring matakot sa asawa mo. Kahit anong pananakot niya sa'yo huwag na huwag mo siyang papansinin. Sino ba siya? Pareho lang naman tayong mga tao at ginawa ng Diyos. Kung gusto mong hiwalayan siya, hiwalayan mo. Huwag mo na kaming isipan pa,” naiiyak na sabi ni Mayumi habang hawak-hawak ang kamay niya. "Noong nalaman kong buntis ka at si Reyko ang ama ay sobrang natakot talaga ako. Kilala ko kasi ang lalaking iyon pero alam mo, nanalangin ako sa poong maykapal na sana tratuhin ka niya ng mabuti dahil
On the way na sana si Hiraya upang kitain si Marco nang may natanggap siyang tawag mula kay Alena. Sabi ng nasa kabilang linya ay nahulog daw si Mayumi sa hagdan ng kanilang mansyon at ngayon ay naka-admit sa ospital upang bigyang lunas ang mga sugat at bali sa katawan. Agad na sinabi niya sa kanyang driver na bumalik at pumunta sa address ng ospital. Nang makarating sila roon ay lakad-takbo ang ginawa ni Hiraya habang hawak-hawak ang kanyang maliit na umbok ng tiyan. Maingat siyang tumakbo papunta sa operating room kung saan naroon ang kanyang kaibigan. Nakita niya roon si Alena na umiiyak kung kaya't nilapitan niya ito. “A-Ano ang nangyari?” tanong niya kay Alena nang makalapit siya sa dalaga. “Pupunta sana kami sa’yo at yayayain ko sana siyang magliwaliw dahil alam kong marami na siyang iniisip pero n-nang makarating ako sa loob ng kanilang bahay nakita ko na siyang duguan at nakahandusay sa ibaba ng hagdan.” Si Alena ay nanginginig ang katawan pati na ang labi nito habang nag
Napataas ng kilay si Reyko dahil sa sinabi ni Hiraya. Kita niya ang pagyuko ng asawa sa kanya, hindi man lang niya alam kung ano nga ba ang ekspresyon nito. Kung umiiyak na ba ito o ano. Ngunit sa tingin ni Reyko ay malungkot ang babae. "Ano pa ba ang silbi kapag sinabi ko sa'yo ang problema ko? Wala ka na rin namang pakialam sa akin, tama? Hindi naman ako humingi ng tulong sa'yo, kaya ko namang solusyon ang lahat ng ito basta't huwag ka na lamang makialam sa akin. Please lang," sabi nito sa kanya. Ang boses nito ay malumanay at rinig din niya ang mahihinang hikbi nito. Napakuyom naman ng kamao si Reyko hanggang sa nagsilabasan na ang mga ugat nito sa kamay dahil sa sobrang ini. Ngayon na alam na niyang may problema ang asawa, hindi niya ito papalampasin. Hindi niya makakayang huwag pansinin ang mga nangyayari dahil wala rin naman talaga siyang pakialam doon sa kaibigan ng first love niya. Hinding-hindi niya iyon papalampasin kahit na kaibigan pa ito ni Andrea. Nanginginig ang kata