"Oo naman po, Lolo," tumango si Kris. "Kung hindi kayo naniniwala, tanungin niyo mismo si Reyko. Kilala mo iyon, kung ginawa niya ang lahat, hindi niya itatanggi iyon."May gusto pa sanang itanong ang matanda nang marinig ni Kris ang isang malamig na boses mula sa likuran—"Kris, kailan ka pa nagkaroon ng karapatang makialam sa mga buhay ko?" Napaingos si Reyko at bumuntong hininga, puno ng pagkasuklam ang boses ng lalaki. "Nakakalimutan mo na ba ang sinabi mo noong pinalayas ka mula rito sa Pilipinas ilang na taon na ang nakakaraan?"Napatingala si Kris, nagtama ang madilim na mga mata nila sa isa’t-isa. Hindi akalain ni Kris na naroon pala ang lalaki sa mansyon. Ilang sandali pa lang siyang nasa bahay ay dumating na agad ito kasama si Hiraya! Ang kanilang pagtitinginan ay puno ng tensyon, walang gustong magpatalo sa mga oras na iyon.Nang makita ni Hiraya na medyo awkward ang paligid, dali-daling umupo ang babae sa tabi ng matanda, "Lolo, hindi ba't tumawag ka sa akin kahapon, s
Napataas ng kilay si Hiraya at mapaglarong ngumiti kay Kris, tila hindi maintindihanni Hiraya kung bakit labis na nagagalit ang lalaki. Hindi kaya iniisip nito na dahil itinago ng lolo nito ang nangyari, walang ibang makakaalam?Noong mga panahong iyon, nagtatalo ang ama ni Kris at ang ama ni Reyko para sa posisyon bilang Director sa ospital ng pamilyang Takahashi. Inakala ng ama ni Kris na sa pamamagitan ng pag-alis sa ama ni Reyko ay ang lalaki na ang magtataguyod ng ospital at siguradong ito na ang magmamana ng lahat ng kayamanan ng pamilyang Takahashi. Kaya binayaran ng ama ni Kris ang drayber ng ama ni Reyko para gumawa ng aksidente, na nagresulta sa pagkahulog ng ama ni Reyko kasama ang sasakyan sa isang bangin, na wala man lang iniwang trace. Pagkatapos noon ay umamin ang drayber na ginawa niya iyon dahil sobrang galit siya sa lalaki dahil tinrato siya nito na para bang basura. Ngunit hindi inaasahang pagkakataon, pagkatapos pumanaw ng ama ni Reyko, muling pinamahalaan ng m
"So ano ang nangyari sa Nanay ni Hiraya at sa kanya? Huwag mong sabihing wala kang kinalaman roon? Natatandaan ko pang sinabi ko sa iyo na tulungan mo ang asawa mo na malampasan ang kanyang problema lalo na sa ina niyang may sakit!""Tumulong naman ako, ‘Lo. Pero binenta ni Hiraya ang kanyang studio at wala na rin akong magawa roon. Ano nga ba ang magagawa ko na? At isa pa she’s not asking for my help. Gumagawa pa rin naman ako ng paraan para makatulong sa kanya, ‘Lo.” Matamlay na ngumiti si Reyko at saka tumayo, "Wala ka na po bang ibang sasabihin? Kung wala na aalis na ako at mayroon pa akong ibang gagawin.”Bago pa man makaalis si Reyko ay nagsalita ulit ang matanda."Hijo, ang tanging hiling ko lang ay maging masaya ka. Maraming bagay ang hindi mo nakikita dahil sa katigasan ng ulo mo. Madali lamang suyuin si Hiraya. Suyuin mo siya, hijo huwag mong hintayin na hindi ka na niya kailangan bago mo pa ma-realize ang lahat ng pinaggagawa mo. Baka magsisi ka sa huli.” Biglang natigilan
Namutla ang mukha ni Hiraya, agad na natigilan nang sabihin iyon sa kanya ni Reyko. Samu’t-saring mga karayom ang tila ba tumusok sa kanyang dibdib nang marinig ang sinabi ni Reyko. Sobrang sakit na nakakasakal iyon. Ilang sandali pa, hinawi niya ang kanyang buhok saka mahinang tumawa, "Kung gusto kong gamitin si Lolo, noon pa man ay baka nakawala na rin ako sa’yo at hindi na ako mammroblema sa pagpapagamot ng nanay ko. Sana ginamit ko na sana ang utang na loob na iyon para humingi ng tulong kay Lolo. Reyko, hindi ako kasing dumi ng iniisip mo at hindi rin ako kasing tuso ng inaakala mo."Sumingkit ang mga mata ni Reyko tila ba sinusuri si Hiraya. Mahina siyang tumawa saka umiling, "Hindi naman ako katulad mo walang puso at walang pakialam sa iba.” Biglang tumahimik ang kotse, ang maliit na kotse ay napuno ng amoy ng sigarilyo kung kaya’t napangiwi si Hiraya at napatakip ng ilong. Nang marinig ng assistant na nag-aaway na naman ang dalawang mag-asawa ay dali-dali itong lumabas ng
Tinitigan ni Hiraya ang babaeng maluha-luhang nakatitig sa kanya, "Basta ha dating gawi ulit? Tawagan mo ako araw-araw."Tumango si Hiraya, “Oo naman. Palagi kong kakamustahin kayo ni Nanay. Isa pa hindi naman ako mapupunta sa malayo, ano ka ba. Babalik lang naman ako sa dati kong buhay—” Lumuha ang mga mata ni Alena habang nanginginig ang boses ng dalaga, “Dating buhay na parang impyerno naman. Basta, ipangako mo sa akin na magiging matatag ka?” Habang sinasabi ni Alena iyon, hinaplos nito ang pisngi niya, "Hiraya, sabihin mo lang kung ayaw mo na talaga sa kanya, kung ayaw mo na siyang makasama.Talagang pupunta kami ni Nanay ng personal sa Lolo ni Reyko para humingi ng tulong sa kanya at magmakaawang palayain ka na sa malupit nitong apo!"Humingi ng tulong kay Lolo? Bahagyang natigilan si Hiraya, naalala niya tuloy ang sinabi ni Reyko sa kanya.Pero kung hihingi sila ng tulong sa matanda, mas lalong magagalit si Reyko. Hindi niya pwedeng gawin iyon at ayaw niyang magpatalo sa lal
Nang makita niyang lumapit ang lalaki sa kanya ay nanigas ang buong katawan niya.Nagpanggap siyang hindi naiilang kung kinalma niya ang sarili. Sa isip niya— gusto niyang tanungin kung okay lang ba ito at pagod ba ito sa business trip ngunit na-realize niya na hindi na pala siya pareho ng dati. Sobrang mahirap pa lang magpanggap at ibalik sa dati ang lahat. Tumingin si Hiraya sa kanyang relo na para bang nagmamadali. Kinuha niya ang kanyang handbag at tumalikod na lamang para lumabas."Hindi mo ba ako nakita?" Kitang-kita ni Reyko kung paano siya lampasan ng babae. Hindi man lang siya nito binati kagaya ng dati kung kaya’t bigla siyang nainis. Inabot niya ang pulsuhan nito at kitang-kita sa mukha niya ang kanyang pagkadismaya.Medyo nasaktan si Hiraya sa paghawak sa kanya ng lalaki at alam niya ring hindi ito nasisiyahan sa mga oras na iyon.Huminga na lamang siya ng malalim at nagsalita. Ayaw na niyang palakihin pa ang issue, isa pa ang aga-agad ayaw niyang ma-badtrip. "Nakita na
Biglang naging awkward ang paligid at natahimik ang lahat. Si Rhob ay tumayo para magsalin ng tsaa at inilagay ang pasta sa harap ni Hiraya, "Granpa, hindi ba't sabi n'yo sa akin, kakausapin mo si Hiraya tungkol sa gaganaping exhibit?""Ay, oo nga pala, kung hindi mo pa pinaalala sa akin, baka makalimutan ko pa!" Iniabot ng matanda ang tasa ng tsaa at tumingin kay Rhob, "Gagawin ko ang lahat upang matulongan lang ang dati kong estyudante…Kahit gaano pa ako kagalit sa kanya, hayaan mo na. Problema ko na iyon. Hindi naman ako papayag na api-apihin siya ng iba."Naintindihan ni Hiraya kung ano ang ibig sabihin ng matanda. Nang sinabi niyang makikipagkita siya sa matanda ay gusto rin pala siya nitong kitain ngunit hindi alam kung paano siya kakausapin. Medyo ma-pride din kasi si Master Park kung minsan. Dapat lang din na siya ang maunang magkamusta rito dahil siya naman ang may kasalanan. Ngunit paano nalaman ni Rhob na siya ang dating estyudante ni Mr. Park?Bahagya siyang ngumiti, "M
"Kung ayaw mong magpahatid sa akin hindi kita pipilitin, pero isuot mo na 'tong jacket ko at sobrang mainit pa naman. Sabi ni Alena, mahina raw mainitan ang buntis at yung katawan mo mahina pa, hindi ka dapat mainitan ng husto," nakangiting sabi ni Rhob, saka kinuha ang jacket at ipinatong ulit sa balikat ni Hiraya. "Sa susunod na may problema ka, huwag mo nang sarilinin, okay? Uulitin ko, kung kailangan mo ng tulong ko, huwag kang mahihiyang kontakin ako…”Ngumiti si Hiraya, "Sige. Sinabi rin iyan sa akin ni Alena.” “Magiging okay rin ang lahat, Hiraya. Huwag kang mag-alala. Magpalakas ka para sa anak mo…” Medyo naluha si Hiraya ngunit pinilit niyang ngumiti, “Alam ko, maraming salamat, Rhob—”Hindi niya natapos ang sasabihin nang biglang nahagip ng kanyang mga mata si Reyko na papalit habang malamig ang tingin sa kanila. Nawala ang ngiti niya sa kanyang labi at pinaningkitan ang asawa. Nakasuot ito ng custom-made suit at napaka-eleganteng tingnan. "Reyko..." mahinang tawag niya
Sa madilim na gabi, mabilis na bumabaybay ang isang itim na Sedan sa malawak na kalsada. Nakaupo si Hiraya sa likod ng kotse at mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang bestida. "Madam, babalik po ba tayo sa mansyon?" tanong ng driver na kinuha sa kanya ni Reyko."Hindi, sa St. Luke Hospital tayo," pilit na sabi ni Hiraya.Nakita ng drayber sa rearview mirror na hindi maganda ang pakiramdam ni Hiraya at dahil mahigit isang oras din ang babaeng nasa loob ng istasyon, natatakot ang lalaki na may mangyari dito, kaya nagtanong ulit ito, "Madam, tatawagan ko na po ba si Boss para pumunta rin ng St. Luke Hospital?"Kahit alam ng lalaki na hindi masyadong maganda ang relasyon ng mag-asawa, mag-asawa pa rin ang dalawa at kung may mangyari sa Madam, hindi ng Boss niya ito papalampasin at baka madamay pa siya!"Hm... busy siya, huwag mo na siyang isturbuhin."Pagod na pumikit si Hiraya at dahan-dahang sumandal sa bintana ng kotse na para bang natutulog. Pero hindi siya tulog noon marami lang talag
Nakahinga ng maluwag si Hiraya nang palayain siya ni Reyko. Nakarating sila sa mansyon ng matiwasay at hindi na nagiimikan pa. Dire-diretso siyang pumunta sa kwarto at uminom ng gatas. Pagkatapos noon ay nakatulog siya ng mahimbing. Kinabukasan… Dahil wala namang masyadong ginagawa sa kanyang studio ay nagpahinga na lang muna si Hiraya sa bahay buong araw. Maraming masasarap na pagkain ang inihanda ni Manang Koring para sa kanya, kaya naman bumalik ang kanyang sigla."Madam, ipinagluto ko kayo ng sopas, tikman niyo!" Inilapag ni Manang Koring ang isang malaking mangko sa mesa, "Mamayang gabi, ipagluluto ko pa kayo ng tinola at adobo na paborito niyo!."Agad namang nagsalita pa ang matanda, "Simula ngayon ako na ang mag-aalalaga sa’yo, hija, hindi na kita papayagang kumain kung saan-saan sa labas, sumakit daw ang tiyan mo kagabi!"Ngumiti si Hiraya at nang akmang magsasalita na sana siya ay tumunog naman ang kanyang cellphone na nakapatong sa mesa.Nang tingnan niya ito, isang hindi p
Habang nagsasalita silang dalawa ay dumating naman si Hiraya na inaalalayan si Sunshine papalapit sa kanila. For the lapit naman si Rhob upang tulungan si Hiraya. “Hiraya, umuwi ka na, ako na ang maghahatid kay Sunshine.” “Mukhang naparami ang inom ni Sunshine kung kaya’t dahan-dahan lang sa pagmamaneho baka masuka na naman siya,” bilin ni Hiraya kung kaya’t tumango at ngunitian pa siya ng matamis ni Rhon. "Sige, huwag kang mag-alala, hindi ko bibilisan ang pag-drive…" Tumingin si Rhob kay Reyko, at nag-aalangan na tumingin kay Hiraya, "Kung kailangan mo ng tulong o may kailangan ka, huwag kang mahiyang tumawag sa akin." Tumango si Hiraya, "Sige, magiingat kayo." Dalawa na lang silang nakatayo sa harap ng restaurant. Tapos ng kumain si Hiraya kung kaya’t medyo sumasakit ang kanyang tiyan. Mukhang naparami siya ng kain ngayon. Sobrang sarap din kasi ng pagkain at iyon ang hanap-hanap ng nila ng kanyang anak. “Bakit ang aga mong bumalik? Hindi ba’t mahigit isang linggo ka sa busin
Ilang araw ng tutok na tutok si Hiraya sa kanyang pagpipinta kung kaya’t naisipan niyang yayain ang kanyang mga kaibigan na sina Alena at Mayumi sa isang bagong bukas na restaurant malapit sa kanyang studio. Ngunit ang dalawa ay saktong sobran busy at may inaasikaso ang mga ito sa ospital kung kaya’t sa sunday pa raw ang off ng dalawa. Naiintindihan niya naman iyon, babawi na lang daw ang dalawa sa kanya kapag off nila. Sakto namang walang ginagawa si Sunshine ang bago niyang kaibigan kung kaya’t agad na niyaya siya nitong kumain. Sinuggest na lang niya ang restaurant na malapit sa studio niya. Nang makarating sila roon ay nakita niyang naroon din pala si Rhob. Nakahanda na ang kanilang kakaining pagkain at nag-order din ng isang kahon ng beer si Sunshine dahil gusto nitong mag-inuman sila. Nang ibuhos ni Sunshine sa kanya ang isang beer ay agad na pinigilan ni Rhob ang babae. "Sunshine, buntis si Hiraya kaya hindi siya pwede sa alak." Nagulat silang tatlo sa sinabi ni Rhob. Agad
Rinig na rinig ni Hiraya ang pambabaeng boses sa kabilang linya. Mahinang natawa si Hiraya, mahigpit niyang hinawakan ang kanyang telepono at hindi na nagsalita pa. Akala ng kausap niya ay hindi siya nakakaintindi ng English kung kaya’t baluktot itong nagsalita ng tagalog, "Sobrang dami nang nainom ni Mr. Takahashi kung kaya’t pumunta siya muna ng banyo. Kung nakakaintindi ka sa sinasabi ko, huwag mo na kaming isturbuhin pa!"Napahaplos si Hiraya sa kanyang noo at bahagyang tumatawa. "Ah, ganoon ba? Naiintindihan ko na. Have fun!"Pagkasabi niya ay agad niyang ibinaba ang telepono, napatingin sa magandang tanawing ginawa niya kanina. Ang kanyang pininta ay sobrang layo sa kanyang relasyon nilang mag-asawa.Mukhang nambabae na naman ang kanyang asawa??Huminga nang malalim si Hiraya, handa na sanang umuwi nang marinig niya ang malalim na boses ng isang lalaki sa kanyang likuran, "Ang aga mo namang natapos sa trabaho!" Nang marinig ang boses, lumingon si Hiraya at tiningnan ang lalaki
Biglang naalala ni Hiraya ang tungkol sa anibersaryo ng Takahashi Group kung kaya’t agad siyang nagsalita, "Tungkol naman sa anniversary niyo, wala talaga akong oras para mag-organize nito. Mas mabuti siguro na sa ibang studio niyo na lang ganapain ang event. Iyon lang at ingat ka pala sa byahe."Tiningnan siya nang matalim ni Reyko, napailing ang lalaki at umalis na. Sumunod naman si Assistant Green sa amo.Ngunit alam ng mga taong nasa mansyon ay galit ang among si Reyko base sa ekspresyon nito. Kaya naman, kahit umaga pa lang ay lahat ng katulong na naroon ay nagsitaguan. Hindi man lang makahinga ng maayos habang nakatitig sa nakakatakot na mukha ni Reyko.Hanggang sa umalis ang lalaki, saka lang lumapit sa kanya si Manang Koring at nagtanong. "Madam, mukhang nag-away po kayo ni Sir?""Hindi naman, Manang Koring. Wala naman akong lakas ng loob para kalabanin ang lalaking iyon. Gusto ko pang mabuhay ng matiwasay, ayaw ko pa pong mamatay,” pabirong sabi ni Hiraya sa matanda at ngu
Nagulat si Hiraya nang marinig ang sinabi ng kanyang asawa. “Wala," mahinang sabi niya sa lalaki."Anong wala?" Napataas ng kilay si Reyko at nagpatuloy, "Dahil ba nagtapat na sa’yo ang childhood sweetheart mo noon kung kaya’t mas nagiging cold ka na sa akin ngayon?" Habang sinasabi ito, kinuha ni Reyko ang teleponong nakapatong sa bedside table at inilagay sa harap niya, "Bakit nga ba sobrang daming lalaki ang umaaligid sa’yo? Bakit nga ba pag sa akin ang cold mo? Pero pag sa ibang lalaki sobrang tamis ng ngiti mo?” Sumingkit ang mga mata ni Hiraya at tiningnan ang litratong nasa screen ng telepono ni Reyko, sakto namang kuha iyon ng magkita sila ni Lucas at nakaakbay pa ang lalaki sa kanya. May mga anggulo rin na kinuhanan sila sa loob ng kotse. So, nasa studio ang lalaki kanina? Napabuntong hininga si Hiraya at mapait na tumawa, "Sinusundan mo ba ako?"Hindi sumagot si Reyko, tinitigan lang siya nito, "Sino ang lalaking kasama mo?""Hindi ba’t masyado ka ng nakikialam sa buhay ko
Matapos ang kanilang pananghalian ay napagkasunduan na gaganapin ang exhibit ay sa katapusan ng taon. Isa rin si Lucas sa naging estudyante ng ama nito at mahilig din sa pagpipinta. Hindi rin ito gaanong sikat sa mundo ng sining ngunit ang lalaki naman ang manager ng matanda. Hanggang sa nalaman din ni Hiraya na ang si Mr. Park at ang lolo ni Rhob ay magkaibigan pala. Alas sais na ng gabi ng inihatid ni Rhob si Hiraya sa mansyon. Ang plano ay si Lucas sana ang maghahatid sa babae ngunit bigla itong nagkaroon ng emergency kung kaya’t walang choice silang si Rhob na ang maghatid sa kanya. Ang kotse ni Rhob ay huminto sa harap ng mansyon. Lalabas na sana si Rhob nang pigilan niya ito. “Huwag mo na akong pagbuksan pa. Kaya ko namang buksan ang pinto, Rhob…”Napatitig lamang si Rhob sa kanya at huminga ng malalim. “Natatakot ka bang makita niya tayong magkasama?”Hindi na nagsinungaling pa si Hiraya at mabilis na tumango. “Ayaw ko na ring magkaroon pa ng gulo. Alam kong magagalit siya ka
Ilang araw ng nagpapahinga si Hiraya at nang gumaling na ang sugat niya sa kamay ay pumasok na rin siya sa kanyang studio. Nang makapasok siya sa kanyang studio ay tila ba ginanahan siya sa mga oras na iyon. Nakapag-alam na rin siya sa kanyang kaibigan na si Sunshine na lilipat na rin siya dahil bumalik na rin sa wakas ang studio niya. Nang makita ang tambak na dokumento sa kanyang mesa at napahilot siya sa kanyang sentido. Agad niya itong tinrabaho hanggang sa malapit na rin ang uwian, pumasok ang kanyang assistant na si Minerva at iniabot kay Hiraya ang mga dokumentong hawak nito, "Hiraya, ito na ang mga impormasyon tungkol sa year-end art exhibit at narito na rin ang mga materyales na ipinadala ni Mr. Park, pakitingnan na lang, girl!""Ah, nga pala bago ko makalimutan, paulit-ulit na tumawag ang mga empleyado ng Takahashi Group of Companies. Gusto rin nilang dito gaganapin ang charity auction event para sa anniversary celebration nila sa katapusan ng taon,. Mukhang malaki ang b