Share

Dragon Tattoo 'Equilibrium Series II' (Tagalog)
Dragon Tattoo 'Equilibrium Series II' (Tagalog)
Author: S.B.S

Spring Under the Umbrella

"Spring Under the Umbrella"

8 years ago...

PADIING inapakan ng desi otso anyos na si Trina Ellis ang gasolinador ng kanyang 2016 BMW 5 Series/ M5, halos liparin niya ang malawak na kalye na tila walang kinatatakotan.

Pasado alas tres na ng umaga nang matapos siyang magka-clubbing kasama ang mga kaibigan niya.

Minuto lang ang inabot nang marating niya ang harap ng malaking bahay ng Ellis Residence.

Sunod-sunod na busina ang kanyang ginawa, she impatiently honks the horn until the automated gate opened.

Isang mapaklang ngiti ang sumilay sa kanyang labi, marahas at walang ingat na inusad niya ang kanyang kotse na halos ibangga niya sa pader sa malawak na garahe.

Halos sumadsad sa dashboard ang magandang mukha ng dalaga dahil sa pabigla-biglang apak niya ng preno.

Bumaba siya mula sa loob ng kotseng mabibigat ang mga hakbang na halos mapugto ang takong sa suot niyang Valentino shoes.

Papasok palang siya sa pandalawahang pinto ng malaking bahay ay sinalubong agad siya ni Annie isa sa kanilang kawaksi.

"Seniorita Trina," sambit nito sa pangalan niya, sinara nito ang pinto pagkapasok niya nang tuluyan, kimi-kiming sumunod sa kanya ang babae.

"Bumalik ka sa pagtulog Annie, I don't need you right now," malamig na utos ng dalaga na hindi man lang tinaponan ng tingin ang kawaksi.

"Opo, Seniorita," tumalikod at nagtungo sa maid's quarter si Annie.

Inisa-isang kinalag ni Trina ang strap ng kanyang suot na sapatos, bitbit iyon ay sinimulan niyang akyatin ang matayog na hagdanan ng kanilang bahay.

"Estupida!" tila isang kulog ang boses ni Don Vicente Ellis nang makita siya na papaakyat ng hagdanan.

Napinto niya ang akmang pag-akyat sa baitang, kampanteng inayos niya ang kanyang tayo ngunit nanatiling nakatalikod siya sa kanyang ama.

"Trina Mae Ellis!" Dagdag pa nitong sigaw mula sa ikalawang palapag ng bahay.

Hindi siya sumagot, pinili niyang muling hinakbang ang paa, nagtuloy tuloy na umakyat ng hagdanan na animo'y hindi naririnig ang mura ng kanyang ama.

She couldn't care less!

Sinapit niya ang ikalawang palapag na hindi pinansin ang matanda. Napakislot siya nang kaunti dahil parang sumasayaw ang paligid niya dala ng alak na nainom niya.

"Trina—I am talking to you, young lady!" Bulyaw ng kanyang ama sa likuran niya nang akmang tatalilis siya patungo sa isang pasilyo, nagkunwaring wala siyang naririnig at nagtuloy tuloy siya sa paghakbang.

"Trina! where is your manner?" bakas ang panginginig sa boses ni Vicente.

Napa-ikot niya ang kanyang eyeballs sabay napanguso ang labi, bumuntong hininga muna siya't matamlay na tila hindi interesadong hinarap ang matanda.

Hinarap nga niya ito pero hindi man lang niya tinapunan ng tingin dahilan na mas lalong nagpupuyos ang matanda sa galit.

"Trina! Asaan ba iyang kukuti mo? Hindi ka na nagtanda, anong oras na ba? Gawain ba iyan ng matinong babae?" sunod-sunod na tanong nito. Umalingawngaw ang boses ng matanda sa buong mansion ng Ellis, pati siguro ipis ay nagising sa commotion na nangyayari ngayon.

She hissed upon hearing her dad's words. Napataas niya ang kilay, napa-irap siyang muli, hindi man siya nagsasalita pero halata sa kilos niya ang pagkadigusto sa mga pahayag ni Vicente.

"Punyentang babae!" Isang iglap ay lumagapak sa kaliwang pisngi niya ang kanang palad ng ama.

Bruh! Nawala ang pagka-tipsy niya. It was so painful na tila matatanggal ang bagang niya, tila nabasag ang kanyang eardrum sa lakas ngunit wala nang sasakit pa sa pakiramdam na tila hindi ka naman nag-eexist sa buhay nito.

She had been ignored throughout her life na tila ba kasalanan pa niyang pinanganak sa mundo. Simula nang magka-isip siya ni-fatherly affection ay wala siyang natanggap mula dito, her mother had her own family now, matapos napawalang bisa ang kasal nito sa ama niya and here she was living in her dad's custody.

Ever since, she's longing for a perfect family ngunit tila malabong magkaroon siya kahit kailan.

Sino ba ang nagsasabi marriage is a happy ending? Fucking shit! Eh naging miserable ang buhay niya dahil sa walang katuturang pag-ibig na iyan!

Financially she has everything from cars, signature things at kung anu-ano pang mga kapritso pero aanhin niya ang mga iyon eh perpektong pamilya wala nga siya, money is nothing if you don't have a strong foundation like-a loving parents or a loving family either.

Kaya nga pinili niyang sumama sa mga kaibigan niya, magparty buong magdamag, dun na lang niya hinugot ang lakas at kasiyahan niya.

Nakakatawa ngunit pakiramdam niya wala siyang masasandalan sa tuwing kailangan niya nang supporta kaya she thought having so many friends would be enough for her na akala niya gagampanan nito ang ilang pagkukulang na hinahanap hanap niya pero hindi pala, they stay with her. Yes. Masaya silang kasama pero hanggang dun lang iyon when she got back home, seems loneliness will eat her alive. She's empty... very empty... she's nothing like a big box yet very empty. Malaki nga pero wala namang laman. Kaya nga she doesn't believe in a happy ending; marriage is just a f ucking s hit! Happy ending doesn't exist!

"What was that all about... dad?" Isang ngiting mapakla ang sumilay sa kanyang mga labi, pinilit niyang umaktong tila hindi nasasaktan sa lakas ng sampal na binigay nito. She claimed her composure na tila nakataas noo pang hinarap ang ama, isang malayelong titig ang binigay niya sa matanda, mahigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang sapatos.

"Trina! P*****a ka!" malakas na sigaw ng ama niya dahilan upang nagtatakbong lumabas ang madrasta niyang si Laila Daza mula sa master's bedroom.

"Anong nangyayari mahal?" naiiritang tinapunan siya nang tingin ng babae, niyakap nito ang ama niya na akala mo loving wife.

Bitch! Kung alam lang ng ama niya kung anong klaseng babae ang kinakasama nito. She's nothing but a gold digger, ilang beses na niyang nahuli na may kasama itong lalaki, pero hindi niya masabi sabi kay Vicente baka atakehin sa puso, mahal na mahal pa naman nito ang babae.

"Ang babaeng iyan pinapa-init ang ulo ko, Laila!" si Vicente na nakatiim bagang na nakatingin sa kanya.

"Mahal ko, bakit ba pinagtuonan mo pa ng pansin iyang anak mong sobrang tigas ng ulo mahal," pairap na sinulyapan siya ni Laila.

Napa-irap din siya and here she is again so defenseless against Laila who always very kind, loving and good in her father's eyes. "Kung wala ka man lang ibang gagawin Trina mabuti pang umalis kana, wala ka nang ibang ginawa kundi bigyan ng sakit ng ulo ang daddy mo!"

"Why would I do that Laila? I am an Ellis and I have the right in this household, eh ikaw who are you, do I have to tell Vicente some of your foolishness?" Balik niya sa babae, kita niyang napaatras ito medyo nawalan ng kulay ang mukha't namumutla.

"Enough Trina! H'wag kang bastos sa harap ni Laila, wala lang siyang iniisip kundi ang kabutihan ang pamilyang ito!" Sabat ni Vicente na akma siyang sunggaban uli nang sampal.

Isang malakas na tawa ang pinakawalan niya. "So ibig sabihin ba niyan dad, gusto mong umalis ako dito para sa kapakanan ng pamamahay na ito? Ganun ba? Ako na ang masama ngayon?"

"Watch your mouth estupida!" Pagkasabi niyon muli isang sampal na naman ang binigay nito sa pisngi niya. Sobrang lakas na nalasahan niya ang maalat na likido sa loob ng bibig niya, dumugo ang bagang niya. "Umalis ka at h'wag kang magpapakita sa akin hangga't hindi ka natutong pakisamahan ang asawa ko!"

Pagkadinig niya sa sinabi niyon, tila ba milyon milyong karayom ang tumarak sa dibdib niya. Her dad defended Laila than her who is his daughter mula sa sariling dugo't at laman. Her life is so unfair, na kinamumuhian niya kung bakit pa siya pinanganak dito sa mundo.

Padabog niyang tinapon ang bitbit niyang sapatos, walang gatol na tinakbo niya ang hagdanan, ibig na niyang liparin iyon, gusto niyang makaalis at makalabas agad ng mansyon.

"Trina!" dinig niya ang tawag ni Vicente pero hindi na niya ito nilingon pa. Naga-ulap na ang kanyang mata dahil sa luhang nais umalpas. Lumabo ang paningin niya habang binaybay niya ang mahabang lane ng bakuran. Pabalya niya sinara ang metal na bakud, tumatakbong nakapaang binaybay niya ang subdivision.

Tila nakisama ang panahon sa pakiramdam niya't isang malakas na kulog na sinundan ng kidlat ang umalingawngaw sa buong paligid kasunod ay ang unti unting pagpatak ng munting butil ng tubig mula sa kawalan. Doon din, malaya niyang pinakawalan ang luha na kanina pa niya pinigilan, binuhos niya lahat ng hinanakit niya sa buhay! Binuhos niya ang luha hanggang sa iyon ay maubos, sinabay niya sa malungkot na kalangitan na walang tigil ang pagpatak ng ulan. People see her as perfect, but the truth is Trina Mae Ellis is so miserable and very empty.

Napa-upo siya sa gutter nang mapagod siya sa kakatakbo. Unti-unting binasa ng ulan ang buo niyang katawan, kahit na backless ang suot niya sa halip na lamigin siya ay parang namamanhid na ang katawan niya dahil sa sakit na pinatamo ng ama niya sa kanya.

Walang tigil ang mga luha niya't wala siyang paki-alam kung mukha siyang kawawa sa sandali ito, tila ba nadala siya sa emosiyon at hindi niya mapigilan ang sarili't basta nalang tumutulo ang luha niya nang walang tigil. Pinagsakob niya ang braso saka niya sinandal ang sariling ulo sa ibabaw ng tuhod niya, humihikbi nang walang kataposan hanggang sa-may mga pares ng paa ang tumambad sa harapan niya, may dala itong payong. Kita niya ang anino nito sanhi ng ilaw mula sa poste sa tapat ng kina-uupuan niya.

"Are you okay?" isang napakalalim na boses ang nadinig niya, bahagya siyang tumigil sa paghikbi ngunit nanatili siyang nakayuko. Ang boses nito tila napakagandang pakinggan at nakakawala ng hinanakit. Tantiya ng dalaga ay kaedad lang niya ang may-ari ng boses. Hindi siya nag-abalang tumingala, ayaw niyang makita nito ang namumugto niyang mga mata. Narinig niya ang pagbuntong hininga ng panauhing estranghero.

"Malungkot ka ba!?"

Hindi parin siya sumagot at nakamasid lang, bahagya siyang sumingot.

"I guess you are," ilang sandali nakadama siyang na-upo ito sa tabi niya, Trina can smell his masculine perfume na kay banayad sa ilong. "If you're sad let it out-gaya ng ulan, kusang titila pagdumating ang ginoong araw, ang sakit kusa din iyang hihilom pagdating ng panahon-time heals, just forgive and forget."

Mas lalong bumalong ang luha niya sa mga mata mula sa narinig. Gusto niyang sapakin ang lalaki dahil mas lalo siyang nalungkot sa narinig.

"Alam mo bang-kung may taglagas may tagsibol? May panahon na nalalagas ang mga dahon ngunit muli itong sumisibol sa tamang panahon, ganyan din ang emosyon pa iba-iba. Malungkot ka nga ngayon pero malay mo bukas masaya ka na."

Nanatili parin si Trina na nakayuko at tahimik. Nanatiling nakahawak ang lalaki sa dilaw na payong sa tapat at sinisilungan ang dalaga. Napabuntong hininga ang lalaki nang walang makuhang sagut man lang sa kanya.

"Do you know that my favorite season is spring?"

"B-bakit?" wala sa sariling napatanong ang dalaga kahit na nanatili siyang nakayoko, nakukuryuso siya. Hindi tuloy niya nakita ang magandang ngiti ng lalaki.

"Because my name means 'spring', tsaka gusto ko ang panahon na namumukadkad ang mga bulaklak."

Hindi na muli pang nagsalita si Trina at nanatiling nakayuko. Makalipas ang ilang saglit ay tumayo na ang lalaki mula sa pagkaka-upo, lihim nitong sinuyod ang likod ng dalaga.

"Lumiliwanag na ang paligid, pwede na kitang iwan," sabi nitong lumalayo ang mga yabag, tunog mula sa bakud na metal ang lumagitgit. Nang inangat ni Trina ang paningin ang likod nalang ng lalaki ang kanyang naabotan, pumasok na ito sa isang matayog na bahay sa tapat ng kina-uupuan niya. Napangiti ang dalaga habang sinuyod ang payong na iniwan nito sa tapat niya.

Month of May

Spring season in the Philippines, napadaan si Trina sa tapat ng bahay kung saan nakatagpo niya ang estranghero. Napahugot ng malalim na hininga ang dalaga na tumingala sa bahay. After that morning binalikan niya ang lugar, nagbabakasaling makita uli niya ang lalaki at upang isauli ang dilaw na payong pero sabi ng housekeeper ay umalis na raw ang may-ari, kaya hanggang sulyap nalang siya sa bahay na iyon sa tuwing napadaan siya.

"Makikita ko pa kaya siya ulit'?" Tanong ni Trina sa isip sabay na sinulyapan ang payong na nakalagay sa kanyang backseat.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status