Share

First Target

"First Target"

Present...

KYOTO JAPAN

Data Received:

Lists of the targets

*Hono

*Kage

*Taka

*Okami

*Hebi

*Shibane Tatsu

These are the lists of the members of the Gokudo Soshiki that needs to be eliminated.

EQUI Org.

KAGAT KAGAT ang sandwich na binasa ko ang mga detalye ng mission ko dito sa Japan. Hinugot ko ang tinapay na nakasal-sal sa aking bibig at umayos ako sa pagkakasalpak nang upo sa sahig.

Napangiwi ako't nanakit ang pwet ko dahil kanina pa ako naka-upo sa matigas na papag, traditional Japanese hotel kasi itong inuukupa ko sa Kyoto.

Napakagat ako ng labi sabay napa-isip.

Mukhang mapapasubo ako at medyo mapapahaba ang pamamalagi ko dito sa Japan sa assignment na to'.

Anim ka tao ang kailangan kong burahin dito sa mundo. At hindi lang basta basta ang mga ito kundi known as the toughest gang here in Japan.

The head of the Yakuza Organization is 'Shibane Tatsu', followed by the five other members, Hono, Kage, Taka, Okami and Hebi.

The gang involved in illegal transactions such as human trafficking, gambling, importing illegal drugs and so on which makes our country fall even more.

Base sa nakalap kong impormasiyon mula kay Claw, 'Shibane Tatsu' is a faceless gang Leader of the Gokudo.

Napangiwi ako na napa-iling-iling, mukhang mahihirapan ako sa isang to', hindi lang bakbakan ang kailangan ko kundi talas ng isip at pakiramdam.

Oh well, this is kinda challenging, let see!

Equilibrium trusted me for this mission kailangan na matagumpayan ko ito sa abot makakaya ko.

Pabagsak akong nahiga sa Japanese futon, kukurap-kurap kong tinitigan ang kisame.

Napamulagat ako bigla nang marinig ko ang tunog ng message tone ng aking laptop na nakabukas. Walang ingat na bumangon ako mula sa pagkakatihaya ko't muling hinarap ang aparatu. May natanggap akong mensahe-agad kong binasa ang laman.

Sky,

First destination Kabuchiko Shinjuku, Tokyo. 'Hegi Naitokurabu' Eliminate Hono.

EQUI Org.

Wala pang isang minuto mula nang matanggap ko ang mensahe ay naghanda na ako ng kakailanganin ko.

Special weapons, handgun at mga deadly drugs. Kakailanganin ko lahat ng mga ito aside from my ability in hand-to-hand combat.

Agad akong nagbihis, pinili kong suotin ang isang daring na bestida, a nude satin cami dress na hanggang kalahati ng hita ko.

Matiim na tinitigan ko ang sariling repleksiyon sa harap ng salamin. Nahagip nang paningin ko ang tattoo ko sa likod, it was a dragon tattoo.

Dala nang kabataan at barkada ay nagpalagay ako ng tattoo siyam na taon na ang nakalipas.

Pinagsisihan ko talaga ang tattoo kong to' pero andiyan na, hindi ko maibabalik pa ang oras.

Napabuntong hininga nalang akong inayos ang buhok ko upang matakpan ang tattoo ko sa likod.

Muli kong pinatuonan nang pansin ang pagkabit ng sandals ko. Kailangang maging daring at bold ako dahil sa Hegi night club ang sadya ko-sa 'Hegi Naitokurabu'.

Wearing a light make-up mas lalong tumingkad ang mestisahin kong kutis. May kaunting freckles ang pisngi ko. May katamtamang taas na ilong at natural na mapupulang labi.

Hindi na ako nag-abala pang mag-ayos ng buhok hinayaan ko nalang itong nakalugay.

Mas lalong nalilok ang maliit kong mukha dahil sa alon-alon kong buhok.

Nang matapos na ako ay inayos ko na din ang mga secret weapons na dadalhin ko.

Kabuchiko Shinjuku 10:00 P.M

Kanina pa ako nakamasid sa paligid.

Ang distritong ito'y napaka-ingay, maraming mga taong naggagala. Mga iba't ibang kulay ng signage ang nakapaskil sa bawat gusali at makukulay na mga ilaw. Very nightlife ang lugar na ito, puno ng iba't ibang club at entertainment.

Sinipat ko ang paningin—ayon nakita ko na ang hinahanap ko ang Hegi Night Club o 'Hegi Naitokurabu'.

Habang papalapit ako sa lugar napansin kong may iilang mga armadong mga lalaki ang nakabantay sa bukana. Sobrang higpit ng bantay at kinakapkapan ang mga taong pumapasok.

Napapangiwi ako't mapipilitan akong edispatsa ang dala kong mga sandata. I don't have other choice but to kill the target with my bare hands.

Mabilis akong tumalilis sa isang tahimik na kanto, tinanggal ko lahat ng mga secret weapons na nakadikit sa katawan ko.

LIHIM akong nakahinga nang maluwag nagtagumpay akong nakapasok sa loob ng club ng walang sabit. Agad kong ini-on ang earpiece na naka plug-in sa tainga ko kanina lang.

"Sky, VIP Room 284," boses ni James a.ka Thunder ang narinig ko. Isa sa kasamahan ko sa Equilibrium.

"Copy," tipid kong sagot at daling hinanap ang tamang silid.

Dalawang silid ang nilampasan ko hanggang sa nakita ko ang hinahanap. Napangiwi ako, paano ako makakapasok na hindi ako paghihinalaan ng mga nasa loob?

Napansin kong may babaeng hapon papalapit sa Room 284 akmang bubuksan nito ang pinto—sing bilis ng kidlat na hinarang ko ito.

Isang malakas na open palm attack ang binigay ko sa sikmura nito't nawalan agad ng malay halos magkasabay ang pagbagsak nito at ang pagsalo ko sa dala nitong alak at kopita.

"Gomen-nasai," mahinang paumanhin ko sa babae na nawalan na ng malay.

Dalawang minuto mahigit ang inabot ko na dinispatsa ang babae.

Kinaladkad ko patungo sa banyo kinulong at nilock.

Bitbit ang alak at kopita ay nagtuloy-tuloy ako, agad nagtungo sa Room 284. Humugot muna ako ng hangin at binuga bago maingat na pinihit ang doorknob.

Lihim akong napasinghap sa nabungaran ko sa loob ng VIP Room—nang nakabawi isang napakatamis na ngiti ang pininta ko sa labi, pasimpleng sinipat ko ang paningin.

Parang x-ray ang aking vision na inisa-isa ang panauhin sa loob.

May dalawang lalaking bodyguard na nakatayo sa magkabilang gilid ng pinto, apat na babaeng tantiya ko ay mga escort nakasuot ng mga maiiksing bestida at puno ng kolorete ang mga mukha pawang mga hapon.

And there, my first target, Hono-san a.k.a Flame, anim na pu't siyam na taong gulang, napagitaan ito sa apat na babae.

Napangiwi ako, naalala ko ang description na binigay ni Claw, 'Flame nagliliyab sa kamandag' gusto kong masuka, eh isa lang naman to'ng matandang uugod ugod.

Matapos kong mabusisi ang mga panauhin sa loob. Agad ko nang sinimulan ang unang hakbang.

Ngumiti ako nang pagkatamis tamis na siguro'y langgam ayaw nang lumapit dahil nakaka-umay.

Kinindatan ko ang matanda.

"Mata sete gomen ne (sorry for the wait)," gamit ang lokal na lenggwaheng paumanhin ko.

As expected malapad na ngumiti ang matanda sa akin.

Sinuyod nito ang kabuuan ko. Tuloy nanayo lahat ng balahibo ko sa katawan sa titig na pinukol nito—parang hinubaran na ako.

Naks! ki-tanda tanda ang manyak! Bagay na bagay dito ang edad nitong 69.

Suminyas ito, itinaas ang palad sa ere, gusto nitong lumapit ako.

Dali akong tumalima na hindi binitawan nang titig si Hono.

Sobrang lagkit na titig ang binigay ko. paninindigan ko ang hook-up role ko ngayong gabi dahil gusto ko nang matapos agad.

Rampang pangmodelo sabay na indayog ng aking balakang kada hakbang hanggang narating ko ang matandang naka-upo sa mahabang couch.

"Anata ga motte iru mono o misetekudasai, josei (Show me what you got, lady)," nanghahamon na kumindat ang matanda—humithit muna ito sa hawak na pipe smoke saka binuga.

Malanding nginitian ko ang matanda, maingat kong nilapag ang dalang alak at baso sa ibabaw ng mesa tapos maharot na yumuko ako't inilapit ang bibig ko sa tainga nito.

"Watashi wa anata o hitori ni shitai, wakai otoko (I want you alone, young man)," kinagat ko ang tainga nito.

Gustong humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan dahil sa ginawa ko but role is role.

Suminyas ang matandang palabasin ang apat na babae, tahimik namang sumunod ang mga ito.

Napakislot ako nang hindi nito pinalabas ang dalawang bodyguard.

"Shit!" Kaya agad gumana ang utak ko. Bahagya kong binuka ang magkabilang hita ko't umupo ako sa kandungan nito't sabay na gumiling giling.

Hinaplos ko ang dibdib nitong tinitigan ng malagkit. Ilang saglit ay napahawak ito sa balakang ko. Sa inaasahan ay nagustuhan nito ang ginagawa ko.

"Watashi wa sore ga sukidesu, redi!" nakangising turan pa nito, gusto daw nito ang ginagawa ko.

Of course, pag-igihan ko talaga, pinag-aralan ko pa kung paano languin ang mga kalalakihan, my assignments always involve man, this is easy for me.

"Sisiw lang to'."

Hinapit ko ang leeg nito at siniksik ko ang mukha ng matanda sa may dibdib ko.

Lihim akong napangiwi sa ginawa ko but as if may pagpipilian ako, trabaho ko ito.

"Hono-san I want you alone," paanas na gamit ang Nihongo language, isa sa requirements sa trabaho ko'y makapagsalita ng iba't ibang lenggwahe. Diniin ko ang mukha nito sa puno ng dibdib ko.

Ilang saglit ay bumitaw ako, tinitigan ko ito sabay kagat labi. As expected nadali ko ang matanda.

Tumikhim ito bago sininyasan ang dalawang bodyguard na lumabas. Napangiti ako ng lihim-pagkasara ng pinto ay nginitian ko ito ng matamis sabay buka ng bibig.

"Any last wish Hono-san—" I used English language, as expected hindi nito naintindihan ngitian lang ako nito.

"—before I'll send you to hell!" pagkasabi ko niyon dali kong dinali ang ulo nito at marahas na inikot, lagutok ng nabaling buto ang bumasag sa katahimikan ng silid.

Naging tabingi ang mukha ni Hono pagkatapos ay nawalan ng ulirat.

Napakagat ako ng labi, breaking his neck is not enough, if somebody walk-in and do CPR I'm pretty sure this old man will come back alive.

Kaya marahas na pinunit ko ang suot nito't kinapa ang gawing likuran ng leeg ng matanda.

Hinanap ko ang cervical spine nito, if I break any vertebrae between the Atlas and C7, the chances of survival are poor without immediate resuscitation techniques.

Karamihan sa mga nakamotorsiklong namatay sa kadahilan nang pagkabali ng vertebrae ng parteng ito. Nangyayari rin ito sa mga spear tackle, pagsisid sa ulo sa isang mababaw na pool o kaya isang gymnast na nawawalan ng balanse.

This is my only chances kaya sagarin ko na.

Gamit ang palad ay marahas kong sinagad ang spine ng matanda, pulled it and break it!

Muling pamainlang ang ingay ng butong lumagutok. I hissed upon seeing the old man's face.

Kasunod ay dinama ko ang ilong nito kung humihinga pa ba?

Napangiti ako nang wala akong maramdamang hangin na binuga nito, hindi pa nakontento ay dinama ko ang pulso nito, napa-iling ako sabay na tumayo ng tuwid mula sa pagkakandong dito.

Kita kong lumaylay na ang ulo ng matanda at wala nang buhay.

"First target eliminated!"

"Sky, leave the place at once!" boses ni Thunder mula sa earpiece na nasa tainga ko.

Nakamata ang buong team sa assignment na to'. Claw hacked all the CCTV nearby.

"Got it!" pabalikwas at agad akong lumabas sa inaasahan ay nandun ang dalawang bodyguard ni Hono naka-abang.

Nakatunog ang dalawa at akmang sugurin ako pero hell!

Shit! I am prepared for this mabilis na dinepensahan ko ang sarili at agresibong umatake isang malakas na tadyak sa dibdib ang tinapon ko sa isa at sinundan ng sapak sa batok nito, natumba at nawalan ng malay. Ganun din ang ginawa ko sa kasama nito at wala sa oras na sumimplang sa kung saang espasyo.

Ilang saglit nakarinig na ako ng mga yabag papalapit sa pasilyo na kinatatayuan ko, alerto at mabilis akong tumalilis at lumiko sa isang kanto, nagtuloy tuloy na binaybay ko ang hallway.

"Baka! on'nanoko o sagashite kudasai."

Dinig kong pasigaw na utos ng isa sa tauhan ni Hono.

Binilisan ko ang mga hakbang nang may nakita akong nakaawang na pinto sa di-kalayuan. Wala na akong pagpipilian pa halos liparin ko marating lang ang tapat ng silid. Walang pahintulot na pumasok ako sa loob.

Humihingal ay bumungad sa akin ang isang lalaking nakatalikod at nakapamulsa.

Mahaba ang buhok na nakapusod. Tantiya ko'y lampas anim na talampakan ang tangkad nito. May ka-usap sa phone.

"Chikaku ni iru? Watashi wa anata o matteimasu... watashi wa anata o aishiteimasu—

Hindi ko na pinagtuonan ng pansin ang mga sinabi ng lalaki sa ka-usap sa kabilang linya.

Nanatiling alerto ang aking pandinig—dinig ko ang sunod sunod na yabag ng mga tauhan ni Hono papalapit sa silid na kinaroroonan ko dahil naka-awang lang naman ang pinto.

Wala sa oras ay mabilis kong hinablot ang lalaking nakatalikod, pinaharap at tinulak pahiga sa pandalawahang kama.

Sa gulat ay hindi agad nakahuma ang lalaki at nawalan ng balanse at napatihaya sa ibabaw ng kama.

Hindi nanghingi ng permiso ay dali kong dinaganan ang lalaki. Pinunit ko ang suot nitong puting polo, nagtalsikan ang mga butones niyon.

Lihim akong napakagat labi nang lumantad sa paningin ko ang magandang hubog ng pangangatawan nito.

"Fuck! No time for that Trina! Focus!"

Lihim na saway ko sa sarili. Wala na akong ibang ma-isip pa. Hinawi ko ang strap ng suot kong bestida at binaba, leaving my body half naked.

Wala pa naman akong suot na bra sa oras na ito. Lantad sa mga mata nito ang hubad na kong dibdib.

Kita ko ang paglaki ng mga mata ng lalaking nakatitig sa akin, pero wala na akong oras pa para pagtuonan ng pansin ang reaksiyon nito.

Dali kong dinakma ang kapwa palad nito at dinala ko pahawak sa magkabila kong dibdib. Pansin kong nagpumiglas ang lalaki ngunit wala na akong oras magpaliwanag pa—kaya hinigpitan ko pa—

Dinig ko ang mga yabag ng tauhan ni Hono na tumapat sa pinto ng silid kaya dali akong umarte.

"Oh... fvck me baby," ungol ko na animo'y nakikipagniig sa lalaki.

Umarteng umiindayog ako sa ibabaw ng lalaki. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa pulsuhan nito dahil kanina pa ito nagpumiglas at ayaw hawakan ang dalawang malulusog kong dibdib.

"Shit! How come this guy resisting on my sexy and firm breasts," hindi ako makapaniwala.

Sige akong umiindayog nang dumungaw ang isang tauhan ni Hono sa silid na kinaroroonan ko.

Nahagip ng paningin nitong nakapatong ako sa isang lalaki—bahagya itong natigilan at yumuko pagkatapos.

"G-Gomen-nasai!" Paumanhin nito at yumuko't daling tumalilis palabas.

Nang mawala ang lalaki ay isang maluwag na hininga ang pinakawalan ko. Sadyang nakalimutan ko ang lalaki na aking dinali at dinamay sa eksina.

Nakalimutan ko din ang mga palad nitong nanatiling nakasakop sa magkabilang dibdib ko.

Isang tikhim ang nagpagising sa aking diwa, wala sa sariling napatitig ako sa lalaking dinaganan ko. Lihim akong napasinghap nang masuyod ko ang mukha nito. Tila nanuyo ang lalamunan ko.

The man is devilishly handsome for heaven's sake.

Singkit ang mga mata nito halatang may dugong hapon, matangos ang ilong, katamtamang kapal ng kilay at mga labing natural na mapupula at kissable.

Tuloy napalunok akong nakatitig sa labi ng lalaki.

"God! What wrong with you Trina bitch! Umayos ka!" saway ko sa sarili.

Minsan lang akong humanga sa lalaking mahaba ang buhok pero ang isang to' gosh! iba, his long hair fits him perfectly, his skin color is not too bright instead a lil darker that a usual Japanese breed.

Ang mga titig ko'y bumaba sa leeg nito. Natuon ang paningin ko sa adam's apple nito, kita ko ang paggalaw niyon dahil sa lihim na paglunok, gosh!

Kailan pa ako nagka interes sa lalaking lumunok ng laway bullshit but to be honest, he looks so hot doing it.

Bumaba pa ang aking mga mata sa matipunong dibdib nito, napigil ko ang hininga nang makita ko ang magandang pattern ng mga tattoo nito sa dibdib, hindi ko man maintindihan ang disenyo pero he looks so hot with his tattoo. Aminin ko man o hindi pero I am actually attracted to a man with tattoo.

Unang pagkakataong nagagawapohan ako sa isang Japanese national.

Oh well, he's not really a pure breed but makikitaan parin talaga na may halong Japanese blood ang lalaking to'.

Sa totoo, ayoko sa ganitong lahi, wala lang hindi ko lang type. Pero ang isang to' girl pwede na.

"Watashi no karada no benkyo wa owarimashita ka (tapos ka na bang pag-aralan ang katawan ko?"

Napatigalgal ako sa tanong nito.

Am I really that obvious?

Gusto kong pamulahan. At mas lalong gusto kong tadyakan ang sarili dahil hawak ko parin ang braso nitong nakasapo sa dibdib ko.

"Bullshit!" Nanigas ako at hindi agad gumana ang utak ko.

"Tebanashite—" nahinto nito ang sasabihin sabay na sinuyod ang mukha ko.

Napansin nitong hindi naman ako hapon, may pagka spanish ang mukha ko dahil namana ko sa ina kong may dugong espanyol, "—am I okay to let go of—" English na ang gamit nito sabay na tinapunan ng sulyap ang mga palad nitong nakasakop sa dibdib ko.

Tuloy parang nakuryenteng nabitawan ko ang braso nito—nasa ganung ayos kami nang may biglang sumulpot na panauhin sa loob ng silid.

"Chin, kore wa doiu imidesu ka (Chin, anong ibig sabihin nito)?" Pasinghal na tanong ng babaeng hapon sa nabungaran nito sa loob ng silid.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status