Share

Ang Babae at Ang Sining

"Ang Babae at Ang Sining"

BINABAD ni Chin ang sarili sa maaligamgam na tubig sa loob ng banyo, nakapikit na dinama niya iyon. Hindi niya namamalayan na mapangiti siya ng sobrang lapad. Hindi niya maiwaglit ang mukha ni Chandra sa isipan niya.

Hindi niya maintindihan ang sarili ngunit ang puso niya ay puno ng kagalakan nang makasama niya ang babae. Mas lalong hindi niya maipaliwanag ngunit nang madinig niya ang tibok ng puso ng munting anghel sa sinapupunan nito ay tila gusto niyang magtatalon sa tuwa. Parang dinuyan siya sa alapaap. Hindi mapakali ang puso niya. Kung tutuusin she is just a neighbor and nothings more.

Anong meron sa babaeng iyon at ganito nalang ang epekto nito sa kanya?

Alam niyang hindi siya dapat makadama ng ganito datapwat hindi niya mapigilan. "Holy Sh it!" wala sa oras na natampal niya ang palad sa ibabaw ng tubig, wala sa oras na nagtalsikan iyon.

Hindi niya dapat pagtuonan ng pansin ang babae ngunit hindi nalang niya namamalayan ang sarili at pinupuntahan ni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status