Trina Ellis grew up from a broken family, so while growing up she instilled in her mind that there is nothing good about getting married 'happy ending doesn't exist' though until she met Chiharu Harriz. *** Trina Ellis A.KA. Sky is a spy agent from Equilibrium Agency. One day, the Agency sent her on a mission in Japan to assassinate all the six members of Gokudo Soshiki also known as Yakuza Organization, one of the toughest gang in the country. On the mission, Sky accidentally met Chiharu Harriz o 'Chin' a Japanese-American. He hated Trina for her existence na halos isumpa nito ang dalaga dahil aksidenteng nasira ni Trina ang proposal nito para sa longtime girlfriend nito. Tila ba nananadya ang panahon at palaging pinagkrus ang landas nila, tuloy mahinuhang aso't pusa ang bangayan nilang dalawa. Ngunit paano kung ang hatred will turn into love? Kakalimutan na ba niya ang kanyang paniniwala na happy ending doesn't exist? Disclaimer: This story written in a combination of Tagalog and English Cover design Sheryl Singh
View More"Spring Under the Umbrella"
8 years ago...PADIING inapakan ng desi otso anyos na si Trina Ellis ang gasolinador ng kanyang 2016 BMW 5 Series/ M5, halos liparin niya ang malawak na kalye na tila walang kinatatakotan.Pasado alas tres na ng umaga nang matapos siyang magka-clubbing kasama ang mga kaibigan niya.Minuto lang ang inabot nang marating niya ang harap ng malaking bahay ng Ellis Residence.Sunod-sunod na busina ang kanyang ginawa, she impatiently honks the horn until the automated gate opened.Isang mapaklang ngiti ang sumilay sa kanyang labi, marahas at walang ingat na inusad niya ang kanyang kotse na halos ibangga niya sa pader sa malawak na garahe.Halos sumadsad sa dashboard ang magandang mukha ng dalaga dahil sa pabigla-biglang apak niya ng preno.Bumaba siya mula sa loob ng kotseng mabibigat ang mga hakbang na halos mapugto ang takong sa suot niyang Valentino shoes.Papasok palang siya sa pandalawahang pinto ng malaking bahay ay sinalubong agad siya ni Annie isa sa kanilang kawaksi."Seniorita Trina," sambit nito sa pangalan niya, sinara nito ang pinto pagkapasok niya nang tuluyan, kimi-kiming sumunod sa kanya ang babae."Bumalik ka sa pagtulog Annie, I don't need you right now," malamig na utos ng dalaga na hindi man lang tinaponan ng tingin ang kawaksi."Opo, Seniorita," tumalikod at nagtungo sa maid's quarter si Annie.Inisa-isang kinalag ni Trina ang strap ng kanyang suot na sapatos, bitbit iyon ay sinimulan niyang akyatin ang matayog na hagdanan ng kanilang bahay."Estupida!" tila isang kulog ang boses ni Don Vicente Ellis nang makita siya na papaakyat ng hagdanan.Napinto niya ang akmang pag-akyat sa baitang, kampanteng inayos niya ang kanyang tayo ngunit nanatiling nakatalikod siya sa kanyang ama."Trina Mae Ellis!" Dagdag pa nitong sigaw mula sa ikalawang palapag ng bahay.Hindi siya sumagot, pinili niyang muling hinakbang ang paa, nagtuloy tuloy na umakyat ng hagdanan na animo'y hindi naririnig ang mura ng kanyang ama.She couldn't care less!Sinapit niya ang ikalawang palapag na hindi pinansin ang matanda. Napakislot siya nang kaunti dahil parang sumasayaw ang paligid niya dala ng alak na nainom niya."Trina—I am talking to you, young lady!" Bulyaw ng kanyang ama sa likuran niya nang akmang tatalilis siya patungo sa isang pasilyo, nagkunwaring wala siyang naririnig at nagtuloy tuloy siya sa paghakbang."Trina! where is your manner?" bakas ang panginginig sa boses ni Vicente.Napa-ikot niya ang kanyang eyeballs sabay napanguso ang labi, bumuntong hininga muna siya't matamlay na tila hindi interesadong hinarap ang matanda.Hinarap nga niya ito pero hindi man lang niya tinapunan ng tingin dahilan na mas lalong nagpupuyos ang matanda sa galit."Trina! Asaan ba iyang kukuti mo? Hindi ka na nagtanda, anong oras na ba? Gawain ba iyan ng matinong babae?" sunod-sunod na tanong nito. Umalingawngaw ang boses ng matanda sa buong mansion ng Ellis, pati siguro ipis ay nagising sa commotion na nangyayari ngayon.She hissed upon hearing her dad's words. Napataas niya ang kilay, napa-irap siyang muli, hindi man siya nagsasalita pero halata sa kilos niya ang pagkadigusto sa mga pahayag ni Vicente."Punyentang babae!" Isang iglap ay lumagapak sa kaliwang pisngi niya ang kanang palad ng ama.Bruh! Nawala ang pagka-tipsy niya. It was so painful na tila matatanggal ang bagang niya, tila nabasag ang kanyang eardrum sa lakas ngunit wala nang sasakit pa sa pakiramdam na tila hindi ka naman nag-eexist sa buhay nito.She had been ignored throughout her life na tila ba kasalanan pa niyang pinanganak sa mundo. Simula nang magka-isip siya ni-fatherly affection ay wala siyang natanggap mula dito, her mother had her own family now, matapos napawalang bisa ang kasal nito sa ama niya and here she was living in her dad's custody.Ever since, she's longing for a perfect family ngunit tila malabong magkaroon siya kahit kailan.Sino ba ang nagsasabi marriage is a happy ending? Fucking shit! Eh naging miserable ang buhay niya dahil sa walang katuturang pag-ibig na iyan!Financially she has everything from cars, signature things at kung anu-ano pang mga kapritso pero aanhin niya ang mga iyon eh perpektong pamilya wala nga siya, money is nothing if you don't have a strong foundation like-a loving parents or a loving family either.Kaya nga pinili niyang sumama sa mga kaibigan niya, magparty buong magdamag, dun na lang niya hinugot ang lakas at kasiyahan niya.Nakakatawa ngunit pakiramdam niya wala siyang masasandalan sa tuwing kailangan niya nang supporta kaya she thought having so many friends would be enough for her na akala niya gagampanan nito ang ilang pagkukulang na hinahanap hanap niya pero hindi pala, they stay with her. Yes. Masaya silang kasama pero hanggang dun lang iyon when she got back home, seems loneliness will eat her alive. She's empty... very empty... she's nothing like a big box yet very empty. Malaki nga pero wala namang laman. Kaya nga she doesn't believe in a happy ending; marriage is just a f ucking s hit! Happy ending doesn't exist!"What was that all about... dad?" Isang ngiting mapakla ang sumilay sa kanyang mga labi, pinilit niyang umaktong tila hindi nasasaktan sa lakas ng sampal na binigay nito. She claimed her composure na tila nakataas noo pang hinarap ang ama, isang malayelong titig ang binigay niya sa matanda, mahigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang sapatos."Trina! P*****a ka!" malakas na sigaw ng ama niya dahilan upang nagtatakbong lumabas ang madrasta niyang si Laila Daza mula sa master's bedroom."Anong nangyayari mahal?" naiiritang tinapunan siya nang tingin ng babae, niyakap nito ang ama niya na akala mo loving wife.Bitch! Kung alam lang ng ama niya kung anong klaseng babae ang kinakasama nito. She's nothing but a gold digger, ilang beses na niyang nahuli na may kasama itong lalaki, pero hindi niya masabi sabi kay Vicente baka atakehin sa puso, mahal na mahal pa naman nito ang babae."Ang babaeng iyan pinapa-init ang ulo ko, Laila!" si Vicente na nakatiim bagang na nakatingin sa kanya."Mahal ko, bakit ba pinagtuonan mo pa ng pansin iyang anak mong sobrang tigas ng ulo mahal," pairap na sinulyapan siya ni Laila.Napa-irap din siya and here she is again so defenseless against Laila who always very kind, loving and good in her father's eyes. "Kung wala ka man lang ibang gagawin Trina mabuti pang umalis kana, wala ka nang ibang ginawa kundi bigyan ng sakit ng ulo ang daddy mo!""Why would I do that Laila? I am an Ellis and I have the right in this household, eh ikaw who are you, do I have to tell Vicente some of your foolishness?" Balik niya sa babae, kita niyang napaatras ito medyo nawalan ng kulay ang mukha't namumutla."Enough Trina! H'wag kang bastos sa harap ni Laila, wala lang siyang iniisip kundi ang kabutihan ang pamilyang ito!" Sabat ni Vicente na akma siyang sunggaban uli nang sampal.Isang malakas na tawa ang pinakawalan niya. "So ibig sabihin ba niyan dad, gusto mong umalis ako dito para sa kapakanan ng pamamahay na ito? Ganun ba? Ako na ang masama ngayon?""Watch your mouth estupida!" Pagkasabi niyon muli isang sampal na naman ang binigay nito sa pisngi niya. Sobrang lakas na nalasahan niya ang maalat na likido sa loob ng bibig niya, dumugo ang bagang niya. "Umalis ka at h'wag kang magpapakita sa akin hangga't hindi ka natutong pakisamahan ang asawa ko!"Pagkadinig niya sa sinabi niyon, tila ba milyon milyong karayom ang tumarak sa dibdib niya. Her dad defended Laila than her who is his daughter mula sa sariling dugo't at laman. Her life is so unfair, na kinamumuhian niya kung bakit pa siya pinanganak dito sa mundo.Padabog niyang tinapon ang bitbit niyang sapatos, walang gatol na tinakbo niya ang hagdanan, ibig na niyang liparin iyon, gusto niyang makaalis at makalabas agad ng mansyon."Trina!" dinig niya ang tawag ni Vicente pero hindi na niya ito nilingon pa. Naga-ulap na ang kanyang mata dahil sa luhang nais umalpas. Lumabo ang paningin niya habang binaybay niya ang mahabang lane ng bakuran. Pabalya niya sinara ang metal na bakud, tumatakbong nakapaang binaybay niya ang subdivision.Tila nakisama ang panahon sa pakiramdam niya't isang malakas na kulog na sinundan ng kidlat ang umalingawngaw sa buong paligid kasunod ay ang unti unting pagpatak ng munting butil ng tubig mula sa kawalan. Doon din, malaya niyang pinakawalan ang luha na kanina pa niya pinigilan, binuhos niya lahat ng hinanakit niya sa buhay! Binuhos niya ang luha hanggang sa iyon ay maubos, sinabay niya sa malungkot na kalangitan na walang tigil ang pagpatak ng ulan. People see her as perfect, but the truth is Trina Mae Ellis is so miserable and very empty.Napa-upo siya sa gutter nang mapagod siya sa kakatakbo. Unti-unting binasa ng ulan ang buo niyang katawan, kahit na backless ang suot niya sa halip na lamigin siya ay parang namamanhid na ang katawan niya dahil sa sakit na pinatamo ng ama niya sa kanya.Walang tigil ang mga luha niya't wala siyang paki-alam kung mukha siyang kawawa sa sandali ito, tila ba nadala siya sa emosiyon at hindi niya mapigilan ang sarili't basta nalang tumutulo ang luha niya nang walang tigil. Pinagsakob niya ang braso saka niya sinandal ang sariling ulo sa ibabaw ng tuhod niya, humihikbi nang walang kataposan hanggang sa-may mga pares ng paa ang tumambad sa harapan niya, may dala itong payong. Kita niya ang anino nito sanhi ng ilaw mula sa poste sa tapat ng kina-uupuan niya."Are you okay?" isang napakalalim na boses ang nadinig niya, bahagya siyang tumigil sa paghikbi ngunit nanatili siyang nakayuko. Ang boses nito tila napakagandang pakinggan at nakakawala ng hinanakit. Tantiya ng dalaga ay kaedad lang niya ang may-ari ng boses. Hindi siya nag-abalang tumingala, ayaw niyang makita nito ang namumugto niyang mga mata. Narinig niya ang pagbuntong hininga ng panauhing estranghero."Malungkot ka ba!?"Hindi parin siya sumagot at nakamasid lang, bahagya siyang sumingot."I guess you are," ilang sandali nakadama siyang na-upo ito sa tabi niya, Trina can smell his masculine perfume na kay banayad sa ilong. "If you're sad let it out-gaya ng ulan, kusang titila pagdumating ang ginoong araw, ang sakit kusa din iyang hihilom pagdating ng panahon-time heals, just forgive and forget."Mas lalong bumalong ang luha niya sa mga mata mula sa narinig. Gusto niyang sapakin ang lalaki dahil mas lalo siyang nalungkot sa narinig."Alam mo bang-kung may taglagas may tagsibol? May panahon na nalalagas ang mga dahon ngunit muli itong sumisibol sa tamang panahon, ganyan din ang emosyon pa iba-iba. Malungkot ka nga ngayon pero malay mo bukas masaya ka na."Nanatili parin si Trina na nakayuko at tahimik. Nanatiling nakahawak ang lalaki sa dilaw na payong sa tapat at sinisilungan ang dalaga. Napabuntong hininga ang lalaki nang walang makuhang sagut man lang sa kanya."Do you know that my favorite season is spring?""B-bakit?" wala sa sariling napatanong ang dalaga kahit na nanatili siyang nakayoko, nakukuryuso siya. Hindi tuloy niya nakita ang magandang ngiti ng lalaki."Because my name means 'spring', tsaka gusto ko ang panahon na namumukadkad ang mga bulaklak."Hindi na muli pang nagsalita si Trina at nanatiling nakayuko. Makalipas ang ilang saglit ay tumayo na ang lalaki mula sa pagkaka-upo, lihim nitong sinuyod ang likod ng dalaga."Lumiliwanag na ang paligid, pwede na kitang iwan," sabi nitong lumalayo ang mga yabag, tunog mula sa bakud na metal ang lumagitgit. Nang inangat ni Trina ang paningin ang likod nalang ng lalaki ang kanyang naabotan, pumasok na ito sa isang matayog na bahay sa tapat ng kina-uupuan niya. Napangiti ang dalaga habang sinuyod ang payong na iniwan nito sa tapat niya.Month of MaySpring season in the Philippines, napadaan si Trina sa tapat ng bahay kung saan nakatagpo niya ang estranghero. Napahugot ng malalim na hininga ang dalaga na tumingala sa bahay. After that morning binalikan niya ang lugar, nagbabakasaling makita uli niya ang lalaki at upang isauli ang dilaw na payong pero sabi ng housekeeper ay umalis na raw ang may-ari, kaya hanggang sulyap nalang siya sa bahay na iyon sa tuwing napadaan siya."Makikita ko pa kaya siya ulit'?" Tanong ni Trina sa isip sabay na sinulyapan ang payong na nakalagay sa kanyang backseat."Finale"Winter Season February"Hijo ni kenkona otokonoko, wakai masuta (Isang napakalusog na batang lalaki, young master.)" si Daiki ang personal na doctor ng Hayashi, nilahad nito ang sanggol na bagong silang. Chin eyes went into tears as he looks the little angel in his arms.All his life he wanted to live a simple life with his family and here he is his dream came true. Well, not so simple he still lives in the present with a golden spoon in his mouth. But having Mae and this little angel he couldn't ask for anything more. The blessings he received are too many. Natagpuan niya ang kanyang diwata sa hindi inaasahang lugar at oras pero hindi niya iyon pinagsisihan sa halip tinuring niya iyong isang blessing in disguise."Young master," si Grayson na maluha-luha na hinawakan ang kamay ng bata. "He looks like you-Biglang umiyak ang sanggol. "Grayson!""And of course his attitude too!" nagmamaktol na inilayu ni Grayson ang sarili sa bata."I will name him Fuyuki-" sabi niya na ng
"Ang Diwata sa Taglagas"INGAY mula sa walang kataposan ulan ang nagpagising sa aking diwa mula sa mahimbing na pagkatulog. Dama kong may nakadagan sa beywang ko. Nakapulupot na mga braso. Again I am naked under the sheet but this time I am with the man that I've been longing all my life.Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ko sa labi sabay na binaling ang sarili sa gwapong lalaki na katabi ko. Walang sawang pinaglakbay ko ang tingin sa gwapong mukha ng binata. A breathtakingly image right in front of me. "How do you manage to be so handsome in the morning and you smells good too?"Kusa kong dinala ang mga daliri sa pisngi ni Chin upang haplosin iyon. "I love you, Chin." bulong ko.Napa-igtad ako nang biglang hagipin ni Chin ang palad ko, sinakop iyon, gising na rin pala ito. "I love you too, Mae," paos na sabi nitong nanatili ang mga matang nakapikit. He smiles sexily. "So now, where's that mentally ill boyfriend of yours, huh?" nanghahamon na turan nitong sabay binuka ang s
"Maulan na Kalangitan"HALOS madurog ang bagang ni Chin sa tinding pagtiim bagang dahil sa kanyang natuklasan. How come he was so naive?"Fvck!" umalingawngaw ang kanyang mura sa loob ng silid sabay hinagis ang hawak ng tasa ng tsaa sa kung saang espasyo.Mabuti at maagap si Grayson at naka-ilag agad kundi ang gwapong mukha nito'y nadali."Young master, come down!""Grayson, leave the room at once!""But—"Grayson!""Right away, young master."Tumalilis ang amerikano at deritsong lumabas ng silid.Marahas na kinuha ni Chin ang isang o tanto at walang dalawang isip na inasinta ang isang mamahaling kasangkapan sa loob ng silid at iyon ay nabasag. Isang mapait na ngiti ang pinakawalan ng binata pagkatapos. What he felt towards the woman named Chandra was not an affection but a resentment. Kaya pala ganoon nalang na hindi niya maipakali ang sarili sa tuwina nandyan ang babae nang dahil pala, she was the reason why the Gokudo is suffering today. The woman killed the five members of th
"Ang Babae at Ang Sining"BINABAD ni Chin ang sarili sa maaligamgam na tubig sa loob ng banyo, nakapikit na dinama niya iyon. Hindi niya namamalayan na mapangiti siya ng sobrang lapad. Hindi niya maiwaglit ang mukha ni Chandra sa isipan niya.Hindi niya maintindihan ang sarili ngunit ang puso niya ay puno ng kagalakan nang makasama niya ang babae. Mas lalong hindi niya maipaliwanag ngunit nang madinig niya ang tibok ng puso ng munting anghel sa sinapupunan nito ay tila gusto niyang magtatalon sa tuwa. Parang dinuyan siya sa alapaap. Hindi mapakali ang puso niya. Kung tutuusin she is just a neighbor and nothings more. Anong meron sa babaeng iyon at ganito nalang ang epekto nito sa kanya? Alam niyang hindi siya dapat makadama ng ganito datapwat hindi niya mapigilan. "Holy Sh it!" wala sa oras na natampal niya ang palad sa ibabaw ng tubig, wala sa oras na nagtalsikan iyon. Hindi niya dapat pagtuonan ng pansin ang babae ngunit hindi nalang niya namamalayan ang sarili at pinupuntahan ni
"Punla na Sumisibol"IPINAGLUTO ako ng binata nang gabing iyon. Hindi rin ako tumutol at pinaunlakan ko nalang ang pagmamagandang loob nito. He said that he can offer company until makahanap ako ng makakasama sa bahay."Miss Chandra, if you're bored, I can also accompany you to Misaki, if I have errands when I can't accompany you.""Mr. Chiharu, I'm not paralyzed, I can still do the housework and I have a friend who visits from time to time. I allow you to join me tonight because you persisted."Dinig kong bumuntong hininga ang binata. Naka-upo kami sa balcony ng bahay pinagmasdan ang madilim na kawalan."I am sorry if I persisted, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, Miss Chandra.""Mr. Chiharu—"Did you know that I was diagnosed with amnesia? I had an accident and when I woke up from the coma, some parts of my memory were lost."Mariin akong napakagat ng labi. Now! nasagot na nito ang matagal ng tanong sa utak ko, kung paano ako nito nakalimutan. Chin is mentally ill. If it was
"Let Me Take Care of You"CARRYING the remains of his dog, Chin went to the gate of Chandra's house. Napahinto siya sa kanyang mga hakbang nang mahagip ng kanyang paningin ang babae. Naka-upo sa pandalawahang bench sa bakuran nito. Nakatalikod habang nakatingala sa kawalan. Hindi niya alam kung bakit basta nalang ito naluha kanina habang naghuhukay siya. Dahilan nito'y napuwing daw ito. Hindi nalang din niya kinulit pa.Habang minamasdan niya ito mula sa likuran ay hindi niya maiwasang makadama ng awa. As he looked at her, he saw sadness in her eyes, or maybe he was just mistaken. He suddenly felt that he wanted to care and protect her. Hindi siya dapat makadama ng ganito para sa babae sapagkat bago pa lang sila magkakilala ngunit hindi niya maunawaan ang sarili pero tila may pinukaw ito sa damdamin niya.The lady is pretty she will even looks prettier when she smile, and he wish she could see her wearing those pretty smile.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya na pi
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments