SAGE's Point of View]
"Sebastian Arellano, the son of the respected Atty. Samuel Arellano, was spotted in a nightclub." Tiim-panga at mahigpit ang pagkakahawak n'ya sa cellular phone habang binabasa ang isang article sa aking harapan.
I thought the heaven opened its gate when she summoned me from my exclusive training in the firm to meet her in her office. But after she read that news with contempt, I realized how silly I am to expect that she just wanted to see me this morning. Of course she has ‘something important’ to say; either to say I'm doing bad or to say I'm doing worst.
She gave me a sharp stare as she stood tall in front of me but a mere, bored look beyond the lens of my eyeglasses was the only thing I gave her.
"What in the deepest hell is this, Sebastian?!" She roared at me.
"What's wrong with that?" I asked her back without any single trail of enthusiasm. Anong big deal kung nasa nightclub ako? As far as I know, it wasn't illegal.
"What's wrong? You don't know what's wrong?" She let a sarcastic laugh and looked at me with disbelief. "A soon to be eminent lawyer and heir of a real estate empire was hanging around in an indecent place full of nasty and irresponsible people and you're asking me what's wrong with that?!"
"Mom, I wasn't there to booze or hang out with anyone," I firmly answered her. She's being too exaggerated again. I was there to look around and... observe.
"And do you expect me to buy that excuse?"
"No. I just want to tell you the truth." I diverted my gaze and mumbled, "You know the truth."
Napahilot s'ya sa kanyang sentido at mariing pumikit. For sure alam n'ya na ang tinutukoy ko. We've fought about this— a lot of times— lately.
"So, this is all about that? That... that stupid passion and... and filthy dream again?" She grimaced and motioned her hands, showing disgust.
"Yes," I blatantly said. "And it isn't stupid and filthy. It's my DREAM, mom."
"Sebastian!— for God's love Sebastian." Pigil ang kanyang paghinga na parang pinipilit n'ya nang huwag sumigaw. Tuluyan s'yang napaupo sa aking tabi. She clasped my hands and looked at me with her teary eyes.
"That isn't a dream, my son. Hindi pangarap ang paghahalo-halo ng kung ano-anong drinks at pagse-serve sa mga tao. Its just a... let's say, its just a mere hobby. It isn't even a real job," she said in a gentle tone like a real mom pleasing her baby.
"And you, Sebastian Arellano, doesn't need to dream. Can't you see that? Nasa iyo na ang lahat. Hindi mo na kailangan pa ng mga pangarap. There is no place for dreams in your reality. Stay focused on the reality."
My brows furrowed as I felt irritated from what she had said. Before, I thought being born as a sole heir of the Arellano's real estate empire and law firm was the craziest thing my mom told me. Pero ang marinig mula sa kanya na ang isang katulad ko ay hindi na kailangang mangarap? I couldn't help but to feel disappointed and pissed.
All people need a dream to live! It isn't living if you're not dreaming. And bartending isn't just a simple thing nor a mere hobby for me. It makes me happy. It's my passion. It's my dream.
"You're smart. I know you understand. So, please son. Stop that nonsense—"
"No, mom." matigas kong tugon sa kanya. Sinalubong ko ang mga nagpapaawa n'yang mga mata with all the courage I got. "I do need a dream. I DO have a dream."
I stood up and removed her hands on mine. Naging mabigat ang mga hakbang ko patungo sa pintuan ng kanyang opisina. Ayoko ng magtagal pa dito. I don't want to reach the tip of my patience and totally forget that she is my mother.
"Sebastian! Where do you think you're going?"
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad patungo sa pinto, ignoring her unseemly question.
"Don't be stubborn, Sebastian! ‘Wag mo akong bigyan ng dahilan na iparating pa 'to sa daddy mo!" sigaw n'ya pa. I took a halt and my hand froze from reaching the doorknob.
She really knows how to give me shivers.
"He will be furious for sure. He will be very disappointed to know that you're engaging to that stupid fondness."
I know. Dad will be disappointed. He never been proud of me, actually. And... I'm used to it. I even doubt it if I can really make him proud.
Bahagya akong natulala sa daliri kong ilang pulgada na lang ang layo sa door knob. Napabuntong-hininga ako at napayuko saka matamlay na ibinaba ang aking kamay. I clenched my trembling fist and turned to her again.
She arched her brow and victoriously smiled at me as she crossed her arms on her chest. I looked at her with a straight face and fixed the glasses resting on the bridge of my nose.
"Do it," I mumbled.
She was caught off guard. Her quivering lips parted as her eyes popped out.
"Go on. Tell dad," pag-uulit ko bago muli s'yang tinalikuran at tuluyang binuksan ang pinto. Unang bumungad sa akin ang kanyang personal assistant na agad ding umiwas ng tingin.
I walked with large steps through the aisle. I traverse the hall with the curious stares of the employees currently working in their respective cubicles. But I care less.
"Sebastian, get back here!" I heard her scream behind my back.
"S-sir Sebastian, t-tinatawag ka po ng mommy n'yo," aligagang paghabol sa akin ng kanyang personal assistant. "Bumalik na po kayo d'un, sir."
Hindi ko s'ya pinansin at nagpatuloy sa aking paglalakad paalis ng lugar. She kept on pleasing me to go back but I chose to ignore her. No one will stop me this time. Not my mom or this assistant. Not even my dad.
This is my life and I should have full control of it. This is my final decision.
Nakarating ako sa elevator. Agad na nagpulasan ang mga dapat ay sasakay dito. I don't want to be treated like this, to be avoided. But because I am an Arellano, people think I am someone to be afraid of.
"Sir, please! Bumalik na po kayo doon," pagmamakaawa pa din ng assistant hanggang sa makatapak ako sa loob ng elevator. I pressed the ground floor button and stood tall as I removed my spectacles and threw it on one side. I inserted my hands inside my jeans' pocket and before the door closes, I firmly told her;
"Tell Mrs. Arellano that this time, ako naman ang masusunod."
[SAGE's Point of View]When I finally decided to do what I want, I thought it was already it. Pakiramdam ko sobrang tapang ko na dahil nagawa kong sabihin sa kanila kung anong gusto ko. Akala ko 'yun na 'yun, e. That everything will fall into place when I chose to be who I am. But I was wrong. Really wrong.I never thought world could be this cruel, that life could be this hard. Ibang-iba pala ang mundo sa labas ng nakagisnan kong buhay."Hoy! Bilisan mo nga d'yan! Napakarami pang kailangang linisan. Ang kupad-kupad mo!" the grumpy manager shouted at me. Wala akong nagawa kundi mas lalong bilisan ang pagma-mop ng sahig habang nililigpit din ang mga silya.It's already 4 in the morning but here I am, still mopping and cleaning the club's damn floor. Never in my life, not even once, I experience cleaning even a single dust. Pero tinalikuran ko ang buhay na 'yun for the sake of my dreams. And I'm starting to regret it."Sage, patulong naman muna du'n
[LOVELY's Point of View] "I’m really sorry, Miss Ferrell. Kumpleto na kasi talaga ang batch ng model namin for this summer," the fatty agency personnel told me with her forced and plastic smile. "What?! But why naman gano'n? I saw the poster outside saying na naghahanap pa kayo ng model. Like duh? Joke ba 'to?" reklamo ko sa kanya and rolled my eyes heavenward. "Kumpleto na nga, e. Naiintindihan mo ba? Kumpleto na. Don't worry, aalisin na namin mamaya 'yung poster para sa ikaliligaya mo." Hindi ko mapigilang magngitngit sa mataray n'yang sagot sa akin. She's so rude! Akala mo kung sinong maganda! E, drawing lang naman 'yung eyebrows n'ya. "Kung gusto mo, iwan mo na lang sa akin 'yung contact number mo para masabihan kita sa mga susunod na projects. Sa Halloween season, for sure makukuha ka. Sa ngayon, p'wede ka ng umalis—" "Wait a sec!" I cut her words off. "What do you mean by that, huh?" She huffed a litt
[LOVELY's Point of View]Tinanaw ko ang crossing lane. When I saw na tumawid ang mga taong kanina pa naghihintay na makapunta sa kabilang side despite of the exhausting heat, I made my first step and walked with confidence. Hindi ko iwi-waste ang fitted crop top shirt, high waist scalloped shorts, ang mamahalin kong aviators at pati na rin ang ankle booties ko para lang magmaktol. I dressed fashionably today thus, I'll ramp this with pride.Tinuring kong runway stage ang pedestrian lane at sumabay sa mga tumatawid. I let my hips move left and right as well as my swaying arms. Hindi na 'ko nag-care sa mga taong napapa-second look pa sa akin. Like duh? Why should I care?So, matapos ng pangmalakasan kong rampa sa street ay pumasok ako sa isang cafe na una kong nakita. Hindi ko pa din nakakalimutang my stomach was screaming hunger already.When I opened the door, the cold whiff from their air conditioner touched my heated skin. It was heaven! Dumiretso
[PSALM's Point of View] “In the midst of your dream, you'll experience a nightmare.” Hindi ko mapigilang ngumiti habang tinitingala ang dalawang palapag na bahay na ngayon ay malapit nang matapos. Tignan mo nga naman, oh. Parang kahapon lang puro pa 'yan pinagtagpi-tagping kahoy pero ngayon, isa ng mansyon. Sa wakas, matatapos na din. Matatapos na din ang bahay na katabi lang ng sa amin. Tsk, tsk. Kainggit. "Hoy Psalm! Ang gara ng suot natin, ah? S'an ang party-party?" Napaismid ako sa sinabi ng dakilang tambay na si Mang Gano na tumigil sa tabi ko. Ki-aga-aga ay amoy alak ito at wala pang pang-itaas na damit kaya nagsusumigaw ang bola-bola n'yang tiyan. "May gig ho ako ngayon e," swabe kong sagot ko sa kanya at inimuwestra ang sukbit kong bag ng aking gitara. "Gig, gig. Sus! E, manlilimos ka lang naman sa kalye habang ngumangawa ng kanta." Unti-unting napawi ang ngisi ko dahil sa sinabi n'ya at lihim ako
[PSALM's Point of View]"Jude sige na, oh. Kahit isang gabi lang. Sige na!" pagpupumilit ko kay Jude na akala mo ina-allergy kung makakamot ng batok n'ya."Hindi nga p'wede, pare. May nakuha na kaming singer, e. Hindi talaga kita maisisingit sa ngayon. Pero hayaan mo, kapag may bakante tatawagan agad kita.""Sure ball 'yan, ha? Aasahan kita," paniniguro ko."Oo, oo! Sige na, may gagawin pa ako e. Sa susunod na lang!"Mabilis n'ya akong tinalikuran at muling pumasok sa bar. Kasabay nito ang pagbagsak ng mga balikat ko. Bahagya akong sumilip sa glass door nito at nakitang nagpa-praktis s'ya kasama ang kanyang buong banda. Hindi ko maiwasang isipin na baliktad na talaga ang mundo. Dati sila itong nagmamakaawa na kumanta ako para sa banda nila. Nawala lang ako ng ilang linggo, mukhang nakalimutan na nila ako. Kaya heto ako ngayon, hindi basang-basa sa ulan pero 'yung mata ko malapit ng bumaha."Hays Psalm," kagat-labi kong bulong s
Chapter's Theme: “A mere coincidence might be a tricky destiny.”[PEN's Point of View]Kanina pa kumakatok sa pinto ko si Faye. Sa ilang minuto n'yang pagkalampag ng pintuan ko, dapat alam na n'yang ayoko s'yang pagbuksan. Hindi naman sa ayaw ko talaga s'yang pagbuksan. Sabihin na lang nating... ayoko lang.Matapos n'yang sabihing bumaba na lang ako para kumain, tumigil na din s'ya sa pagkalampag ng pintuan ko. Kaya naging tahimik na ulit ang paligid ko. Tahimik at madilim. Tanging ang isang bukas na lampshade sa ibabaw ng drawer chest ang maliwanag. Tumatama ang ilaw nito sa aking mukha dahilan para mas lalo kong makita ang katangahang ginawa ko.Tulala ako sa sarili kong repleksyon sa salamin habang hawak-hawak ang isang gunting. Nanginig ang mga labi ko kaya agad ko itong kinagat."Bakit ko ba naisip na gawin 'to?" tanong ko sa kawalan habang pi
[PEN's Point of View]Makailang beses akong napakurap. Huli na ng ma-realize ko kung sinong kaharap ko."Ah— g-good morning, ma'am?" Kinakabahan kong pagbati. Ngayon ko nakumpirma na mabagal talaga ang proseso ng utak ko dahil inabot ako ng isang minuto bago mag-sink in sa utak ko kung sino s'ya.Tinignan n'ya ako pabalik na umabot din ng ilang segundo bago s'ya tumawa ng mahina. Bahagyang naningkit ang kanyang mga mata at sumilay ang mapuputi n'yang ngipin. Nakakainggit. Parang hindi n'ya naranasang mabungi dahil perpekto ang kanyang ngiti."Ma'am? I'm just an applicant here, silly."Nabalik ako sa wisyo at naramdaman ang paglaki ng mga mata ko. Tinignan ko ulit s'ya mula ulo hanggang sa takong ng sapatos n'ya.S-seryoso? Aplikante s'ya sa lagay n'yang 'yan?Nakasuot s'ya ng fitted na pink blouse at pencil skirt na hindi man lang umabot sa tuhod n'ya kaya kitang-kita ang makinis at kumikinang sa puti n'yang
Chapter's Theme: “Dare to do the things that scare you.” [PEN's Point of View] "Thank goodness!" Natauhan ako nang marinig ang sigaw ni Lovely at ang pagtunog ng chime hudyat ng pagbukas ng pinto kaya mabilis akong lumingon ulit paharap. May nakatayong babae sa may entrance. Base sa suot n'yang uniform, s'ya yata ang manager ng cafe. Malinis at pormal s'yang tignan pero nakaguhit sa kanyang mukha ang isang matamis na ngiti. "Oh, kayo na pala 'yan. Akala ko may narinig akong aso't pusang nag-aaway," malumanay at medyo natatawa n'yang sambit. "Anyway, come in." Nag-unahang pumasok si Lovely at Psalm kaya halos ma-stuck sila sa pinto. Kung hindi pa nagpaubaya si Psalm ay baka hindi na din ako nakapasok. Malalaki ang hakbang ko papasok pero agad ding akong napatigil nang makita ko ang kabuuan ng loob ng cafe. Katulad ng inaasahan ko, hindi ito masyadong malaki pero dahil maayos ang pagkaka-ayos ng mga kagamitan, maluwag itong tignan.