"Sage, I'm sorry. I didn't mean to be judgemental," she gently apologized. I chose not to respond and continue to look around, instead.
"Bakit?" Tanong n'ya Lovely nang mapansin ang paglinga-linga ko.
"They're gone."
"What? Who?" Maging s'ya ay napalinga-linga sa paligid.
"Pen and Psalm."
"Ha?!"
Nagmamadali kong pinuntahan ang booth kung saan ko sila huling nakita. A skinny guy wearing a striped red and white polo shirt with a visor cup greeted me.
"Good morning, sir! I-try n'yo na po 'tong game namin. Stuff toys po ang prize, perfect po para sa girlfriend n'yo—"
"Hinahanap ko 'yung lalaki at babaeng pumunta dito kanina," diretso kong sabi sa kanya, ig
[SAGE's Point of View]I was so sick of my life. Sawang-sawa na akong kontrolin ng ibang tao at maging kung anong gusto nila. I never had a chance to know who I am, to know what I want. That's why when I finally had the courage, I decided to step out of my box and do what I desire, to catch the things I missed— though it never went easy just like how I imagined it to be."This is... embarrassing Lovely," bulong ko habang pasimpleng tinitignan ang mga tao sa paligid. Pakiramdam ko kasi lahat sila nakatingin sa amin— sa akin.Who wouldn't? Kahit ako, na nasa matinong pag-iisip, ay lilingon at mapapatingin kapag nakakita ako nang mga kabataan na nakasakay sa isang umiikot na ride— not to mention that this is for kids. This is crazy."Ano ka ba, Sage! Don't mind them. Bakit? Kilala mo ba sila? Hindi naman 'di ba?" Sagot n'ya habang enjoy na enjoy sa one-sided n'yang pagkakaupo sa kabayo
"What?!" Lovely's jaw dropped and her eyes widened. "Nawawala si Pen?!""Calm down, Lovely." Untag ko sa kanya. "Don't panic. For sure alam n'ya naman ang gagawin. She's not a kid— though she looks like one.""P-pero nawawala si Pen." Her eyes glistened with tears. "She's alone.""That's why we'll find her. Balikan natin kung saan s'ya huling nakita."Psalm nodded and Lovely wiped her tears with her hands. Bumalik kami sa booth area para tignan kung nandun pa si Pen. Unfortunately, mas kumapal pa ang dami ng mga tao lalo't hapon na. Naging mas mahirap hagilapin si Pen.Nagpa-ikot-ikot kami sa lugar at nagtanong-tanong na din. Pare-pareho na kaming pawisan at pagod. It's already 3 in the afternoon. Tirik pa din ang araw but trees around the park gave us some shed."Ganito s'ya kataas tapos nakasuot s'ya ng jumper at yellow shirt. Lampas balikat 'yu
[LOVELY's Point of View]"Love, ‘wag mo naman akong iwan."Binilisan ko pa ang paglalakad dahil parang asong buntot ng buntot si Psalm sa akin. Nakakainis s'ya! Ang sarap n'yang ibalibag."Love!" sigaw n'ya pa kaya napapalingon ang mga taong nadadaanan namin. What an attention-seeker talaga! Argh!I stopped for a moment and faced him."P'wede ba? Wag mo kong tawagin Love! Lovely ang pangalan ko! Love-ly!" Sigaw ko sa kanya bago ko s'ya talikuran ulit at pinagpatuloy ang padabog kong paglalakad.Nang makita ko na ang part ng restrooms, I hastily got in and locked the door. Pinagtinginan pa ako ng mga tao sa loob dahil sa mabilis at malakas kong pagkakasara ng pinto. The cubicles were still occupied so I had to wait pa. Dumagdag pa tuloy ito sa inis ko.Halos mapatalon ako nang biglang may kumatok sa pinto."Love?
Pilit ko s'yang hinatak palayo doon kahit nangangatog pa ang tuhod ko. Hindi ko na rin nilingon pa 'yung dalawang goons at dire-diretso lang ako sa paglalakad at paghila kay Psalm.Nakarating kami sa linya ng mga stall at booth malapit sa caterpillar ride. Actually, I don't know where to go talaga. Basta ang gusto ko lang, makalayo sa mga lalaking 'yun."Teka nga!"Bigla akong napahinto sa paglalakad nang tumigil s'ya at hilahin pabalik ang kamay ko."Anong nangyari? Bakit— sino 'yung— aist!"Psalm tousled his hair when he failed to make a question for me. Nakapamewang n'ya akong hinarap at tinignan ako mula ulo hanggang paa at pabalik. I diverted my gaze to avoid his."Binastos ka ng mga ugok na 'yun, no?" Tanong n'ya na parang nanenermon. Argh! I hate it when someone's scolding me. Nanay ko nga hindi ako sinisermunan e! Napayakap na lang ako sa
[PEN's Point of View]Pabugso-bugso ang ihip ng hangin dahilan para hanginin ang ilang hibla ng buhok ko sa aking mukha. Makailang ulit ko itong hinawi at inipit sa aking tenga habang diretso ang tingin sa mga magwa-water ride sa lawa."Here."Nilingon ko si Sage nang abutan n'ya ako ng ice cream. Kinuha ko 'to kahit hindi ko naman gusto ang kumain ng kahit na ano. Nakakahiya naman kasi kung tatangi ako. Umupo rin s'ya sa kabilang side ng bench. Sa gitna namin ay ang teddy bear na napanalunan ni Psalm kanina sa dart game.Hindi na nakapagtataka na tahimik ang pwesto namin dahil unang-una, hindi ko din alam kung paano s'ya kakausapin matapos nang nangyari kanina sa tulay. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit ako biglang umiyak sa kanya. Parang tanga lang. Nakakahiya. S'ya ang unang taong iniyakan ko. Ang masama pa, sa isang napakaliit lang na dahilan. Ang akala ko kasi talaga, mag-isa na ako&m
Halos maubusan ako ng lakas. Bumilis ang tibok ng puso ko dahilan ng malalalim kong paghinga. At mas lalo pa 'yung lumala nang oras na namin para sumakay sa roller coaster. Tama. ROLLER COASTER. Pangalan pa lang ng ride na 'to ay siguradong mawawala ka na sa ulirat."Hi ma'am, sir! You have the one-pay-price pass kaya p'wede na po kayong sumakay." Malugod na saad ng lalaking nag-a-assist.Halos hindi na ako makagalaw nang nasa harap na mismo ako ng parang tren na ride. Naunang sumakay si Sage na parang hindi man lang s'ya kinakabahan. Bahagya n'yang hinila ang kamay kong kapit n'ya para gumalaw ako."Ah, ma'am! Kunin ko po muna 'yung teddy bear n'yo, ah?" Wala sa sarili akong napatango sa sinabi ng nag-a-assist saka kinuha ang teddy bear sa kamay ko.Tuluyan akong nakasakay at umupo. Halos malagutan na ako ng hininga dahil sa sobrang kaba. Maraming tumatakbo sa isip ko katulad ng paano kung mahulog a
[PSALM's Point of View]"Ang sakit na ng likod ko Love, literal." Daing ko sa kasama ko."And so? Idea mo kaya 'to." Masungit n'yang sagot at bahagyang sumilip sa bandang tenga ko mula sa aking likuran."E, kasi ang arte mo! Kesyo masakit na ang paa mo, namamanhid na ang binti mo, nahihilo ka na etcetera etcetera," sumbat ko sa kanya. Nawalan na ako ng ibang choice kundi ang buhatin s'ya sa likuran ko para manahimik na s'ya at mapagpatuloy namin ang paghahanap kay Pen at Sage. Ang masama lang, mabigat pala ang babaeng 'to. Masyadong mapanlinlang ang kurba ng katawan n'ya dahil ang totoo, saksakan s'ya ng bigat."Then bakit hindi mo na lang ako ibaba, ha?" Panghahamon n'ya sa akin."Bakit? Papayag ka ba?""Hindi," matigas n'yang sagot at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa leeg ko. "Gusto pa kitang makitang nahihirapan. After all, suggestion mo 'to kaya
Bigla kong naalala ang suot namin ni Lovely kaya nakaramdam ako ng konting hiya sa sinabi ni Sage. Ba't ko ba kasi naisip na bumili ng t-shirt? Naku talaga! Walastik ang kamalasan."Hindi nga 'to couple shirt!" Pagtanggi ko. "Bumili kami ng t-shirt, ano... buy one take one! 'Di ba, Love?""Don't talk to me! Hmp," ismid n'ya bago muling lumingon kina Sage at sumigaw. "Peeeen! Waaaah!"Patakbo n'yang pinuntahan si Pen na agad na tumayo at sinalubong s'ya."Oh my God, I'm so worried sa'yo kanina!" eksaheradang sabi pa ni Lovely habang siniil s'ya ng yakap."Ayos lang naman ako," tugon ni Pen. "Nakita ako ni Sage."Bigla akong natauhan at hindi napigilang maging eksaherado din nang maalalang ako nga pala ang dahilan kung bakit s'ya nawala."Peeen! Waaaah!" Inagaw ko s'ya kay Lovely at ako naman ang yumakap sa kanya at hinaplos-haplos ang ulo n'ya. "Sorry, baby Pen! Akala ko kasi ikaw pa 'yung hinahatak ko. Ikaw naman kasi, e. Bigla ka na