AWKWARD. That explains the atmosphere now. Iniwan kami ng manager so we could talk about the offer. Kailangan daw naming mag-come up sa iisang decision whether we'll accept the job or not. If one of us says no then, there's no job for everyone. I found it tricky, to be honest. I mean, what's with the idea of oneness?
"So!" the girl in an employee's uniform suddenly said, breaking the ice and getting our attention. May kasama pa itong paghampas sa low wooden table sa gitna. I bet that hurt.
We all gave her a look pero matapos n'un, wala ng nagsalita ulit. Nagpalitan lang kami ng mga tingin. We couldn't blame anyone though. We're completely strangers. And me, personally, rarely talk to strangers.
"Guys, let's accept the job na please?~"
I couldn't help but to grimace because of her singsong tone and her conyo way of speaking. Idagdag pa ang pag-nguso ng mga labi at pagbukas-sara ng mga mata n'ya. This is the first time I encounter a special child— I mean, a childish young adult.
"Alam mo kasi Lany, maganda naman sana 'yung trabaho. Kaya nga lang... medyo nakakaduda talaga, e." The guy in a punky aura answered the childish employee girl.
"Oh God, its LOVELY. Hindi Lany, okay?" mataray n'yang sagot.
"E di sige, LOVE."
"—ly!"
"Kaya nga, LOVE LEE."
"LOVELY. One word lang 'yun, ano ba! Lovely! Lovely!"
"Oo na, sige na Lovely-lovely."
"Argh! You're so... you're... nakakabuwisit ka!"
I hopelessly bowed my head and heaved a sigh. Hindi ko akalaing may mga taong katulad nila na humihinga dito sa mundo. Childish freaks.
Parang gusto ko na lang tuloy umalis. Iniisip ko pa lang na makakasama ko sila sa trabaho, umaayaw na ang utak ko. Pero mas mabigat ang pangangailangan ko ngayon rather than my reasons of leaving.
I have nothing now. My parents cut my cards out. I have to work to sustain my needs. Hindi naman gano'n kalaki ang kinikita ko sa paglilinis at pagse-serve sa club. When I saw the salary on the contract, I know it will be enough for me. Malaki ang sweldo kaya lang doubtful nga 'yung trabaho. There's something off about this job.
"How about we talk about the job, instead?" I told them to cut their petty rumpus about Lovely's name.
"Tama!" pagsang-ayon ng lalaking sa pagkakatanda ko'y Psalm ang pangalan. "Ito kasing... ano na 'to, e. Napaka ano,"
"Ano, ha? Ano? What? Tell me!—"
"You're right. The job is doubtful," pagputol ko na naman sa kanilang dalawa.
I didn't wait for them to say a word. Nagpatuloy ako sa pagsasalita dahil lahat naman sila nakatingin na sa akin.
"Just come to think of it, kung every weekend maglalabas ng pera ang owner para sa sinasabi nilang bonding ng staff either out of town o hindi, hindi ba't parang malulugi sila? Hindi ganun kalaki ang cafe. More or less 30 lang ang sitting capacity ng lugar at nag-o-operate lang sila every weekdays. If I'll make an assumption, kukulangin ang kikitain ng cafe sa loob ng limang araw para sa expenditures like utilities, that bonding saka sweldo ng mga staff."
I don't know what made them freeze and look at me with amusement. I just stated the obvious. Kung titigan nila ako, parang ngayon lang sila nakarinig ng may sense magsalita.
Nagsimulang pumalakpak ng mabagal si Psalm na sumira sa katahimikan.
"Alam mo, 'yun din mismo ang nasa isip ko e. Naunahan mo lang akong magsalita. Sasabihin ko na sana, e." Pagyayabang n'ya bigla. He leaned a little closer and gave me an intent look.
"By the way I'm Psalm," pakilala n'ya. "Gusto ko lang malaman, open-minded ka ba?— aray!"
Mabilis na tumama sa mukha n'ya ang folder na inilabas kanina ng manager. It was Lovely who threw him that.
"Tumigil ka na, will you? Se-segway ka pa sa ibang job, e. Let's focus on this nalang, p'wede?" gigil n'yang tanong matapos itapon sa pagmumukha ni Psalm ang folder.
"Okay, fine! Sorry! Nagbibiro lang naman, e. Ang sadista mo," Psalm said in surrender while suppressing his laughter.
She just rolled her eyes and turned to her right. Nakaupo doon ang isa pang babae. She has this weird hairstyle and a very plain get-up. Kanina pa s'ya tahimik. I never heard her utter a word since everyone started talking. Is she mute?
"Pen, tanggapin mo na 'yung trabaho para magkasama tayo," Lovely entreated her. Bakas ang gulat sa mukha n'ya nang hawakan ni Lovely ang magkabila n'yang kamay like she was not used to be touched.
"Ah—"
"Wala, madaya! Namimilit!" reklamo naman ni Psalm habang nakaturo kay Lovely.
"Shut up!" singhal naman ni Lovely.
"Ah— o-okay lang... sa akin 'yung trabaho." Finally, the girl with a weird hairdo spoke up. Unlike the other two, her voice was low and shy. Bago sa pandinig ko. I often encounter loud, boisterous, hostile and blatant people.
"Oh my— yieee! Thank you, Pen!" Lovely giggled and hugged the girl she called Pen.
I found it amusing seeing that Pen girl being uncomfortable and tensed. Parang never s'yang nagkar'on ng connection with real people. Hmm, that made me think what would be her reason for applying in this kind job which requires social interaction. Interesting.
"So now, its 2-2!" Lovely proudly said.
"It's nonsense," I rebutted. "Kahit pa maging 3-1 ang vote, since may isang hindi pumayag, hindi n'yo pa rin makukuha ang trabaho."
"Tama!" Psalm seconded.
"That's not fair! Dapat majority wins na lang!" Lovely, again, disagreed. Pen doesn't have any plan of saying anything.
"Sorry pero hindi mo ako mapipilit na um-oo kahit pa umabot pa sa pisngi ko ang pag-nguso mo." Ani Psalm at pinagkrus ang mga braso n'ya.
"Kadiri. And what made you think na pipilitin kita? Si Sage ang balak kong pasagutin ng oo, no!"
Pasimple akong napasapo sa noo ko. These guys are unbelievable. Habang tumatagal, palabo ng palabo ang pinag-uusapan namin. They always find a way to insert their rumpus. Para silang mga grade school students na kailangan palaging sawayin at pigilan.
"This is going nowhere,"
——
PEN's Point of View
"This is going nowhere." Bulong ni Sage and somehow, sang-ayon ako sa sinabi n'ya. Mukhang magiging olats nga kami dito. Sana pala natulog na lang ako sa bahay at tiniis ang sermon ni mama."Guys naman kasi! Let's just accept the job. Maganda naman 'yung offer ni Miss Maggie, 'di ba? Ba't pa natin puproblemahin ang pamamalakad ng cafe kung hindi naman 'yun pinuproblema nung mismong may-ari? 'Di ba, Pen?"
Pilit akong napatango kay Lovely dahil sa gulat. Bakit kasi nadamay pa ang pangalan ko?
"Alam mo kasi Love,—"
"Don't call me Love. Hindi tayo close." Pagtataray n'ya kay Psalm.
"—ly. Alam mo Lovely, hindi lang naman kasi 'to tungkol sa ganda nung trabaho. Syempre nag-aalangan din kami. Anong malay natin kung scam pala 'to? Baka imbes na out of town ay ibebenta pala tayo sa mga drug lord o 'yung mga ginagawang TNT sa ibang bansa? Maraming possibility. Sabi ko nga kanina, it's too good to be true." Seryosong paliwanag ni Psalm. Pupusta ako, pagkatapos nito ay magpipikunan na naman silang dalawa.
"Fine. Ba't hindi na lang natin tanungin mismo si Miss Maggie tungkol sa mga doubts n'yo? After that, let's decide." Matapang na hamon ng katabi ko.
"O, sige!" Taas-noo ding sagot ni Psalm. "Basta ba ikaw ang magtatanong."
"Bakit? Natatakot ka? Kasi sinasabihan mo sila Miss Maggie na scam! Isusumbong kita!"
Sinasabi ko na nga ba. Nagsimula na naman sila ng asaran. Sa pagkakaalala ko, wala pang isang oras nung magkakilala sila sa labas ng cafe. Maayos ang pakikitungo nila sa isa't isa pero ngayon para na silang aso't pusa na di magkasundo.
Tamad na lang akong napasandal sa backrest ng upuan habang pinapanood silang dalawa. 'Yung usapan naming tungkol sa trabaho parang switch ng ilaw. On and off dahil sa panay na batuhan ng pang-aasar nitong dalawa.
Nawala lang ang tingin ko sa kanila nang biglang tumayo si Sage. Akala ko papunta s'ya ng CR pero tumigil s'ya sa may counter at sumilip doon.
Kibit-balikat ko s'yang pinabayaan sa ginagawa n'ya. Hindi pa rin tumitigil sina Lovely at Psalm sa pag-aaway. Oo, away na ang ginagawa nila at hindi na simpleng pikunan. Naririndi na nga ako sa kanila, sa totoo lang. Ngayon ko lang na-realize na may mas iingay pa pala kay mama.
Iginala ko na lang ang tingin ko. Sobrang ganda ng interior ng cafe. Kung hindi lang sa ingay ng dalawang kasama ko, maganda na din sana ang ambience ng lugar.
Tumama ang tingin ko sa bookshelf. Napagdesisyunan kong lumapit dito para na din makalayo sa dalawang maingay na 'to.
May tatlong shelf sa cafe. Napapagitnaan ng dalawang mas maliit na shelf ang pinakamalaki. Sobrang daming libro. Organize din ang pagkakalagay at walang kahit na anong dumi.
"Harry Potter!" Impit kong bulong nang makakita ako ng librong may nakalagay na Harry Potter. Matagal ko ng gustong mabasa ang book version nito.
Nasa taas ito nakalagay kaya kinailangan ko pang tumingkayad para abutin 'to. Naging katanggap-tanggap naman ang height ko para makuha ang libro kaya lang may napasama pang isang libro na bumagsak sa sahig. Ngayon ko ipagpapasalamat ang ingay nina Lovely dahil natakpan nun ang tunog ng pagbagsak ng malaking librong nahulog ko.
Agad ko 'yung kinuha at chineck kung nagkar'on ng sira. Mabuti na lang dahil wala kung hindi baka napagbayad pa ako.
Balak ko na sanang ibalik ulit 'yun sa shelf nang mapansin ko ang title na naka-engrave sa cover nito.
THE DREAMERS BOOKOnce a dreamer, Now a believer[LOVELY's Point of View]Isa-isa kaming bumaba sa van nang bigla na lang itong huminto at bigong mapatakbo ulit ni Sage."Anong nangyari?" tanong ni Pen na pupungas-pungas pa dahil sa biglaang paggising.Nakapakibit balikat na lang ako at pabulong na sumagot ng, "I don't know.""Aist! Malas talaga! Grabeng malas!"Napabaling kaming dalawa ni Pen kay Psalm nang bigla itong maghimutok at parang inis na inis habang nakapamewang at nakatingin somewhere sa taas. Napatingala din tuloy ako pero wala naman akong ibang nakita kundi ang kulay orange na langit dahil papalubog na ang araw. Sinong sinasabihan nya ng malas?I just rolled my eyes to dismiss the thought about him. Bahala nga sya dyan. Bat ko ba sya iniintindi? Tsk.Napagdesisyunan ko na lang na lumapit kay Sage na nasa bandang likuran ng sasakyan kung saan nakalagay ang makina nito. He seemed checking it."Is there a problem, Sage?" tanong ko at nakisilip na din."The engine must be bro
[LOVELY's Point of View]Everything happens for a reason, ika nga nila. Pero minsan— or should I say madalas— ay parang napaka unreasonable pa din ng mga nangyayari lalo na sa akin.Katulad na lang ngayon. Pauwi na kami sa syudad. Sobrang tahimik ng van. At the moment, kami lang apat ang nasa loob nito. Sinamahan kasi ni Miss Maggie ang kapatid n'yang si Marco kaninang umaga papunta sa isang tournament daw.Medyo tinamaan ng pagka-OA si Miss Maggie kaya hindi n'ya nagawang iwan ang kanyang little brother kaya kahit ayaw ni Marco ay wala s'yang nagawa nang magpumilit ang ate n'ya na ihatid s'ya nito sa pupuntahan n'ya. Ibinilin sa amin ni Miss Maggie ang kanyang baby Volkswagen at i-update na lang daw s'ya once na makauwi na kami sa syudad.Kaya ang ending, si Sage ang nasa driver seat. Magkatabi pa din kami ni Pen sa first row habang mag-isa naman sa likuran si Psalm. Oo, mukha kaming mag
I was getting my bags inside a huge, old cabinet nang makita ko ang sarili kong reflection sa salaming nakakabit sa pinto nito. And I looked at myself intently as I asked myself, sino nga ang taong nakikita ko ngayon sa salamin?My brunette hair was disheveled. My face was so pale and there were dark circles under my eyes. I am now wearing a more proper and casual shirt and khaki shorts matapos sabihin na uuwi na kami any moment now.Who is this person staring back at me?Is it still Sebastian? Or the role I undertook, Emmanuel? Or am I Sage again?I'm confused. I feel like I'm dealing with a stranger.Habang nakatitig ako sa sarili kong reflection, naalala ko ang mga pinag-usapan namin ni Lolo Dado kanina. Bago ako umalis sa kwarto n'ya, I had a chance to ask him who really is Emmanuel since mukhang nasa taman
[SAGE's Point of View]Do you know what sucks in this life? It is the idea of dying.There was a time na bigla kong natanong sa sarili ko na... bakit pa nabuhay ang tao kung kailangan n'ya din namang mamatay sa huli?Anong purpose ng buhay?Anong purpose ng death? Ng katapusan?Then this morning, I woke up feeling so drowsy. My head ache so bad pero nagawa kong gumising at tumayo mula sa hinigaan ko. I didn't exactly know why but my feet took me down the stairs and found myself standing in front of Lolo Dado's room.That is when I found out that we will be leaving today because of Lolo Dado's condition.Parang nawala lahat ng iniinda kong antok at sakit nang sabihin sa akin yun ni Ate Rian. I crept inside Lolo's room and sat beside his bed, held his crinkled hand and watched him sleeping.Suddenly, I felt a lone tear
[LOVELY's Point of View]"Argh," daing ko habang sapo-sapo ang noo ko nang makaramdam ako nang pagkirot dito.Halos hindi ko na din mamulat ang mga mata ko dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Gosh, anong oras na ba? Bat parang tirik na tirik na ang araw?"Good morning, Lovely," I heard Pen's voice kaya napamulat ako at nakita s'yang may bitbit ng isang tasa na medyo umuusok pa.Lumapit s'ya sa akin at iniabot ang tasa. Sinilip ko ang laman nito at sa amoy pa lang nito ay agad kong nalaman na salabat ito. Oh, bigla kong naalala si mommy. Gustong-gusto n'yang pinagtitimplahan ako ng salabat sa noong nasa bahay pa ako."Salabat daw yan sabi ni Miss Maggie. Baka daw kasi masama ang pakiramdam mo dahil sa nangyari kagabi at late na tayong nakatulog. Makakatulong raw yan para ma-lessen ang headache," paliwanag ni Pen nang mapansin ang pagtitig ko sa tasa.
[PSALM's Point of View]"Isa! Dalawa! Tatlo, tagay!"Kasabay ng sigawan ng mga taong nanunood, mabilis kong ininom ang lambanog na isinalin sa maliit na baso ni Mang Tagay— yung matandang lalaking nagpakana ng inuman na 'to.Napapikit ako sa sobrang pagngiwi dahil sa lasa ng lambanog at sa pagguhit ng tapang nito sa lalamunan ko. Walastik naman! Ang pangit ng lasa!Nilingon ko ang dalawa kong kasama. Halos umikot ang mata ko nang makita ang mayabang na pagmumuka nung pinsan ni Ate Rian na si Tristan na nakaupo sa harapan ko sa kabilang side ng mesa. Malaki pa din ang ngisi nito at parang hindi iniinda ang lasa ng lambanog."Tss, halatang lasenggero," bulong ko.Bago pa ako tuluyang ma-bad trip, ang katabi ko na lang na si Sage ang tinignan ko. Nakatingin lang s'ya sa baso n'ya at parang inaanalisa pa ang kaunting laman na tira nito. Mukhang hindi din s'