Share

CHAPTER 6.2

[PEN's Point of View]

"I guess, may nakita s'ya na something special sa applications n'yo kaya hinire n'ya kayo agad and don't worry, we're operating legally." Dagdag pa ni Miss Maggie at itinuro ang isang frame na naka-display malapit sa counter. Business permit yata 'yun.

Ilang minuto din ang lumipas bago s'ya muling magsalita. Wala kasing nagbabalak na umimik sa aming apat.

"Okay, kung wala na kayong tanong, I have here the contract." Kinuha n'ya ang isang envelope at inilabas ang sinasabi n'yang kontrata. Binigyan n'ya kaming apat at hinayaang basahin muna iyon.

"Go on. Read the terms and conditions carefully. You can take your time."

Binasa ko naman ng mabuti ang kontrata. Nakalagay dun na weekly ang sweldo namin. Monday to Friday ang trabaho, mula alas-sais ng umaga hanggang alas-quatro ng hapon. Malaki-laki din ang sweldo kung tutuusin. Actually, first time kong magtatrabaho kaya hindi ako aware sa mga salary rate pero para sa akin, malaki na ang nakalagay na sweldo.

"The company values oneness that is why all employees are liable to their co-workers thus, a mistake of one is a mistake of all and a resignation of one employee means the resignation of his/her co-workers. What do you mean by that?"

Napalingon kaming lahat dun sa lalaking huling dumating kanina, Sage sa pagkakatanda ko, nang magtanong s'ya bigla. Hinanap ko tuloy kung alin 'yung tinatanong n'ya. Parang ang bilis n'ya naman yatang magbasa. Nasa first page pa nga lang ako, e.

"That's the catch. Golden rule ng cafe ang pagkakaisa ng mga staff. Kaya kung mapapansin n'yo, wala ng staff dito ngayon kasi nagpapalit kami palagi ng employees tuwing matatapos ang contract. Sabay-sabay silang pumapasok, sabay-sabay din silang aalis. At syempre, gan'on din kayo."

"Ah, I see.." bulong ng katabi kong si Lovely.

"That is why the four of you must bond together. Kailangan n'yong magkasundo lahat. Ang pagkakamali ng isa, magiging pagkakamali n'yong lahat. Kaya kapag natanggal ang isa sa inyo, I'm sorry but we all have to bid goodbye." Dagdag pa ni Miss Maggie.

Taas-kamay na nagtanong din si Lovely habang nakatingin sa kontrata.

"Here's another one. Saturday is our employee's day? What is that? Parang holiday, day-off namin? I don't get it."

"Yup. Sabihin na nating bonding day n'yo 'yan. Remember when I said, you guys need to bond together? Kailangan n'yong maging malapit sa isa't isa at maging connected para sa mas magaan na pagtatrabaho. After all, nakasandal kayo sa bawat isa kaya dapat maging strong ang relationship n'yong apat. I don't want to boast pero big-time ang pagbibigay ng budget ng owner para sa bonding ng mga staff. 'Yung huling batch ng staffs, pumunta sila ng Boracay. All paid expenses."

"What? For real?" hindi din makapaniwalang tanong ni Lovely. Natatawa namang tumango si Miss Maggie. Literal din akong napanganga. Para sa pagiging close ng mga staff gumagastos ng ganun ang owner ng cafe?

"Walastik," komento din ni Psalm.

"Oh my God. Imagine that guys. Every weekend tayong nasa beach!" tuwang-tuwang sambit ni Lovely habang pumapalakpak.

"Don't be too excited, dear. Hindi naman lahat ng bonding n'yo ay palaging out of town o sa beach. Minsan dito lang din sa cafe o sa place ng isa sa inyo. Depende 'yun sa magiging performance at mage-generate n'yong revenue within your working days," paglilinaw agad ni Miss Maggie pero hindi nun nabura ang saya sa mukha ni Lovely.

"Okay lang din. Basta libre ang pagkain, ba't hindi?" sagot ni Psalm.

"Hindi naman 'yun ikakaltas sa sweldo namin, tama?" Sa lalim ng boses n'ya, hindi ko talaga mapigilang lumingon kapag s'ya na ang magsasalita. Nakakapagtaka. Ano bang meron sa kanya?

"Of course not. Gagastusan kayo ng owner for the sake of the effectivity of your work. Ini-expect n'ya din na dahil dito, madadagdagan ang productivity n'yo sa trabaho."

Napatango-tango kaming lahat. Nakakahanga isipin kung gaano ka-unique ang tactic ng owner pagdating sa business n'ya. 

Napansin ko na lang na nagpapalitan na naman kaming apat ng mga tingin. Parang nagtatanungan kami kung ano bang sunod naming dapat gawin.

Kung sa pagiging praktikal lang din naman, magandang opportunity na 'to. May sweldo ka na, may libreng bakasyon ka pa.

Pero... kakayanin ko kaya 'to? Kakayanin ko bang makisama sa mga taong 'to? Buong buhay ko nagkukulong lang ako sa bahay. Ni hindi ko maalalang nagkaro'n ako ng kaibigan. Kaya paano ako magiging konektado sa mga taong hindi ko naman kilala? Ni hindi ko nga magawang maging konektado sa sarili kong pamilya.

Isa lang namang... madaliang desisyon ang ginawa ko kagabi. Susubukan ko pa lang naman sana. Hindi ko inakalang... ganito. Tinignan ko silang lahat at pinakiramdaman. Weird ba na parang magaan ang pakiramdam ko dito— sa kanila— kesa sa bahay?

"Like what I've said, you guys are already hired," muling pagsasalita ni Miss Maggie. "But the decision is yours. Tatanggapin n'yo ba ang trabaho o hindi?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status