Share

Chapter 5

last update Last Updated: 2022-12-09 20:31:46

Babysitter?

"Jusko di talaga ako makapaniwala eh" tinawagan ko agad si Tasha kahit na break time nito.

"So, ang alam mo lang ay kasambahay ka lang as in tagalinis at tagaluto ganun?" Tanong niya.

"Oo" sagot ko.

"Hayyss ang hirap pala kapag may tinatago unting unti mo nalalaman." 

'Correct ka dyan insan'

"So, anong balak mo?" Tanong niya.

"Syempre itutuloy sayang naman wala pa akong isang buwan dito" sagot ko.

"Di mo ba sasabihin kina Tita at Tito or sa mga friends mo?" Napahinto ako sa tanong ni Tasha.

'Dahil ayaw ni Levis na mapahamak si Levin dahil isa siyang artista' nagflashback sa aking isip ang sinabi ni Mam Lessandra.

"Di muna saka na kapag medyo maayos na rito sa bahay" 

"Nat! Tara na andun na daw si Sir Panot" nagulat ako huling sinabi ng kaibigan ni Tasha.

"Siraulo ka ba? Baka marinig ka nung mga teacher dito ay ma-CSDL pa tayo. Naku baks ayokong magkaroon ng pangit na TOR kapag gumraduate na tayo" rinig kong sermon ni Tasha.

"Sorry ha, masyadong matabil kasi yung dila ng baklang ito kaya natatakot kami baka may makarinig sa kanya eh mapapahamak pa kami. O siya just careful your words na lang ah masyado ka pa naman madaldal" nanlaki ang mata ko sa sinabi nito.

"Oy! Ako lang ba ang madaldal pati naman ikaw ah" sigaw ko.

"Sige na baka may natutulog pa dyan nangbubulabog ka pa dahil sa sigaw mo." Binaba na niya ang tawag.

'Jusko! sino kaya nagbansag ng Sir Panot doon sa teacher nila sa Math?' Napatawa na lang ako sa naiisip ko.

Sumapit ang gabi ay inayos ko na lang ang mga lulutuin ulam dahil ako ang nakatoka sa pagluluto ngayon. Naisip ko rin na kumanta kahit mahina dahil baka marinig pa ako at mapagalitan pa.

"Scrolling through my cellphone

For the 20th time today" nagumpisa na akong kumanta.

"Reading that text you sent me again

Though I memorized it anyway

It was in afternoon in December

When it reminded you of the day

When we bumped into each other

But you didn't say hi 'cause I looked away

And maybe that was the biggest mistake of my life

And maybe I haven't moved on since that night

'Cause it's 12:51 and I thought my feelings were gone

But I'm lying on my bed, thinking of you again

And the moon shines so bright, but I gotta dry these tears tonight

'Cause you're moving on and I'm not that strong to hold on any longer" ninamnam ko ang aking pagkanta.

"A such a good voice huh?" nanlaki ang mga mata ko kung sino nagsalita sa aking likod. Lumingon ako bigla.

'Si Sir Levis'

"Eh... Sir ganito po ako kasi sa amin kapag nagluluto po ako or may ginagawa sa bahay hehehe" paliwanag ko. Tumango na lang siya at umalis na.

'Umalis agad'

'May time talagang di ko mabasa yung trip ni Sir Levis kahit ganun siya crush ko pa rin siya hihihihi' 

Natawa at napailing na lang ako at pinagpatuloy ang aking pagluluto. Stop ko muna ang pagkanta baka bumalik na naman si Sir at sasabihin na maganda boses ko pero biglang aalis agad.

Natapos na ang aking pagluluto ay hinain na namin ito sa lamesa. At tinawag na ni Manang ang mga amo namin para kumain na siyempre kumain na ako sa kusina at di ko na narinig ang mga pinagusapan nila ngayon gabi.

Sina Ate Mandy na ang kumuha ng mga pinagkainan nila at tumulong na rin ako sa paglilinis ng lamesa at pagkakaalam ko kay Manang ay nasa living room sina Mam Lessandra at si Sir Levis at yung dalawa ay nasa kani kanilang room na dahil magaaral pa ang mga ito. Wala si Sir Valerio at nasa Malaysia ito at inaasikaso ang kanilang family business.

Habang naglilinis ako ay todo pagtikim naman ng mga katabi ko na ikinanuot ng noo ko.

"Oww bakit?" Takang tanong ko.

"Sir Levis andyan nasa likod mo" 'na naman!'

"Hi Sir what do you need este bakit po?" Muntik na ako magkamali.

"We need to talk after mong maglinis dito. Understood" tumango ako.

"Pumunta ka na lang sa library pagkatapos mo dyan" umalis na agad siya.

"Mukhang sinabi na ni Mam Lessandra yung tungkol sa totoong trabaho mo ah" tumango ako.

"O siya tapusin mo na dyan ako na bahala sa iba pang gagawin baka mainip yun at abutin pa ng topak" sabi ni Manang. Tumango naman ako at ipinapatuloy ang ginagawa ko.

Pagkayari ko sa aking ginagawa ay pumunta na ako sa library at nagdala na rin ako ng kape ni Sir. Sinabi ni Manang kung ano paborito ni Sir Levis at pati na rin ang anak nito. Parehas sila ng hilig at paborito pagdating sa pagkain kaya lang ang pinagkaiba dito ay allergy si Levin sa mga seafood even yung peanut. Mukhang namana ito sa kanyang mommy.

"Good evening po Sir si Zoey po ito papasok na po ako ah" paalam ko.

"Yes come in" binuksan ko na ang pinto at naabutan ko si Sir Levis na nakaupo sa isang couch.

"Sir eto po kape niyo" inilagay ko agad ang kape na tinimpla ko mismo. Mas maganda kasi kung sariling timpla para di masyado mapait o matapang yung kape kahit gabay ko na yung coffee machine doon pero mas gusto ko na magtimpla ng kape.

"Hmm taste good I like it" nanlaki ang mga mata ko at itinago ang kilig.

'Grabe nakakakilig pala yung mga papuri niya'

"Hehehe mas maganda po kasi yung sariling timpla para matantsa yung lasa po na kape kung matamis ba o matabang o di kaya mapait ganun po" napakamot na lang ako sa ulo sa mga sinabi ko.

"So, lagi mo na ako titimplahan ng kape" nahihiya akong tumango.

"Pwera lang po kapag nasa taping po kayo o nasa ibang lugar" paliwanag ko.

"Yeah" maikling tugon niya.

"Anyway next 2 days ay nandito na si Levin galing sa lolo at lola niya. I want you to be aware about Levin." Tumango ako.

"Ano po yun?" Tanong ko.

"First, si Levin ay masyadong makulit at pasaway pero kapag sinuway naman ay sinusunod niya kapag ako lang ang kasama niya" nagtataka ko siyang tiningnan.

"He doesn't follow his Nanny if nagiging makulit siya." Tumango ako.

"Ibig niyo pong sabihin may nauna pa po sa akin" tumango siya.

"Actually pang-20 ka na at yung iba ay sumusuko sa kakulitan ni Levin" 'jusko ang hirap naman pala akala ko madali'

"Next is did you know about his like and bawal sa kanya" tumango ako.

"Sinabi po sa akin ni Manang" tumango naman siya.

'Puro tanguan na lang ba kami kapag sasagot'

"And the last is habaan mo ang pasensya mo sa kanya. Mom told me na masyado kang malapit sa mga bata kaya lang maikli ang pasensya mo kaya itindihin mo na lang siya" tumango ako.

Totoo yun malapit ako sa mga bata kaya lang maikli lang pasensya ko kapag naencounter ko na ay mga batang makukulit at pasaway pero feeling ko challenge ata sa akin ito eh.

"And one more we talk about" napaangat ang tingin ko sa kanya.

"Ano po yun ulit?" Magsasalita na sana si Sir nang may tumawag sa kanya.

"Hello" bungad na sagot ni Sir

"Okay I'm coming" binaba na ni Sir ang tawag.

"Saka ko na sasabihin sayo kapag dumating na si Levin" tumango ako.

"Sige po Sir" tugon ko.

"I go ahead now" tumango ako at lumabas na si Sir ng library. Kinuha ko na rin ang pinaginuman ni Sir Levis.

'Hmm ano kaya itsura ni Levin?'

'Sana kamukha niya si Sir Levis' kinilig ako sa naisip ko na yun. Lumabas na ako ng library at nilagay na sa kusina ang pinagkapehan ni Sir.

"Ano teh ayos ba yung timpla mo?" Tanong agad ni Karen. Pinigil ko naman ang ngiti ko.

"Oo nagustuhan daw niya tapos sabi niya sa akin na palagi ko na daw siyang itimpla ng kape" kinikilig kong sabi.

"Hay naku ikaw talaga pigil pigilan mo yung kilig mo baka mapaghalataan ka dyan ng iba lalo na si Ate Mandy at Ate Odette napakadaldal pa naman mga iyon" sermon ni Karen. Kasing edad ko lang din siya at nagtatrabaho rito para may pangsuporta sa kanyang pag-aaral.

Alam ni Karen na may gusto ako kay Sir Levis dahil nahuli niya na nakatingin sa kanya.

"Uy Zoey tulungan mo akong ayusin yung garden sa rooftop" nakatingin ako kay Sir habang naliligo sa pool. Di ko pinansin si Karen.

"Zoey!" Di ko pa rin siya pinansin dahil nakatuon ang paningin ko kay Sir Levis.

"May gusto ka kay Sir noh?" Nagulat ako at nilingon si Karen.

"Hehehe Karen piece tayo di ba" nalintikan na.

"Hmm sige secret natin ito kung tutulungan mo ako sa paglilinis ng rooftop pati na rin sa paglalaba" tumango ako.

"Yun lang naman pala eh hehehe" napakamot na lang ako sa ulo at sumunod na sa kanya.

Kaya lagi niya ako sinesermon na mag-ingat sa mga kinikilos ko dahil mabilis sila makahalata.

"Ano ba ang itsura nung anak ni Sir Levis?" Tanong ko.

"Kung nakikita mo yung mga throwback photos ni Sir Levis ay ganun si Levin" nagtatakang tiningnan ko siya.

"Di mo alam?" Umiling ako. Kinuha niya ang cellphone at binuksan yung I*******m niya.

"Eto oh" nanlaki ang mga mata ko na nakita ko ang picture ni Sir Levis nung bata.

"Saka eto si Levin ngayon" nakita ko rin sa gallery ang larawan ni Levin.

"Saan mo nakuha yan?" Takang tanong ko.

"Ahh nagselfie kasi kami ni Levin eh" kumibit balikat siya.

"O siya tatapusin ko muna ito magdidiwara na naman si Manang" pumunta na siya sa labas dahil naglilinis ito ng pool.

Tumulong na rin ako kina Manang na maglinis ng kwarto ni Levin dahil dito muna ito matutulog at kinabukasan ay babalik na sa bahay mismo ni Sir Levis.

"Oh pakilagay sa mismong basket dyan yung nasa pintuan" tinuro ni Manang ang basket sa may pintuan at kinuha ko ito.

"Kailangan walang maiiwan na alikabok at linggo-linggo dapat pinapalitan ang mga bedsheet dahil mabilis siyang mabahing kapag nakakalanghap ng alikabok." Paliwanag ni Manang sa akin.

"Masyado po pala siyang maselan?" Tanong ko.

"Oo sobra kaya ingat na ingat kami dyan sa batang yan eh." Paliwanag pa ni Manang.

Pinalitan ko din ang mga kurtina at pinunasan ang bintana. Pupunasan ko sana yung aircon pero sabi ni Manang ay may tinawag na daw silang maglilinis ng aircon.

Natapos din kami at nilock muna ang kwarto ni Levin at tumulong na rin ako sa mga gawain bahay at sa pagluluto.

Saktong alas dose ng tanghali kami natapos sa pagluluto. Ang ulam na niluto ko ay pininyahan sina Manang naman ay kare kare.

"Tumawag si Sir Levis di daw muna siya uuwi rito dahil may guesting daw pero paguwi daw po niya ng linggo ay kasama niya na daw po si Levin" sabi ni Ate Odette.

"Sabihin mo kay Mam Lessandra" tumango naman si Ate Odette at pumunta na siya sa library.

"Kaya naman pala nagmamadali eh" mahinang bulong ko.

"Sige na ilagay niyo na sa lamesa yan at tawagin mo na sina Mam Lessandra mo at yung dalawa sa taas." Tumango sina ate Mandy at Karen.

Lumabas muna ako at pumunta sa pinakafavorite kong tambayan no other than yung garden. Umupo ako sa mukhang kahoy na upuan at napaisip na lang ako.

'Kakayanin ko kaya na magalaga ng bata kahit na di alam sa publiko kung sino siya' napalumbaba na lang ako. Si Tasha palang ang nakakaalam tungkol dito. Gusto ko man tawagan ang mga friends ko ay di ko magawa dahil natatakot ako sa mangyayari kung sakali man may alam sila.

Sunday ng gabi ay nagluluto na kami sa kusina dahil ngayon ang dating nina Sir Levis kasama ang kanyang anak na si Levin. Medyo kinakabahan ako kung sakaling makita ako ng bata kaya kailangan kong magpaimpress para makuha ang loob ng bata.

"Ihanda mo na yan sa lamesa, ikaw Zoey magtimpla ka ng juice yung orange paborito niya iyon eh." Tumango ako at kinuha ang pinalamig ng pitsel babasagin at kinuha ang juice na tang orange. 

'Parang balak kong maging endorser ng tang orange juice' Tumawa na lang ako sa naisip ko.

"Hmm sarap" kumuha ako ng maliit na baso para tikman yung juice kung matamis ba o katamtaman o matabang.

"Ilagay mo na rin sa lamesa ang mga dessert pati na rin yung juice." Kinuha ko muna yung dessert. Si Mam Lessandra ang gumawa ng macaroni salad kahit di pa pasko dahil nagrequest si Levin ng macaroni salad.

'Pinag-advance ata ni Levin yung christmas ah'

Saktong lagay ko ng dessert buti na lang isununod na ni Karen yung juice at nilagay yung juice sa lamesa ng bumaba na sina Mam Lessandra at kasunod lamang sina Mam Lexie at Sir Logan.

"Mom, matraffic daw sila sa Sta. Rosa" tumango naman si Mam Lessandra. 

Makalipas ng 30 minutes ay may narinig na kaming sasakyan.

"Mam! Andyan na po sila" tumayo na sina Mam Lessandra at sumunod din yung dalawa. Binuksan na ni Ate Mandy ang pinto at bumungad sa amin ang fresh na mukha ni Sir Levis na di nakakasawang tingnan at biglang may lumabas na bata sa mismong likod ni Sir Levis.

"Lola!" Tumakbo ang bata papunta kay Mam Lessandra at kina Mam Lexie at Sir Logan.

"Levin, my grandson" niyakap naman ni Mam Lessandra yung bata. Pinagmasdan ko maigi ang mukha ng bata habang kinakausap siya ng kanyang lola at doon ko napagtanto na siya pala ang anak ni Sir Levis.

'Jusko parang bumalik lang ako sa childhood past ni Sir Levis'

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Dream To Be With You   Chapter 21

    Going homeAndito pa rin ako sa bahay ni Kimberly at nandito sina Mam Lessandra at Levin na nakayakap lang sa akin na parang ayaw niya akong paalisin.“I ask Mang June kung anong oras ang byahe papuntang cubao” tumango ako.“Bakit di ka na lang magpahatid hanggang sa inyo?” takang tanong ni Kim.“Ayokong mapagod yung driver sa bahay dahil pagkahatid naman sa akin saka aalis eh syempre sayang yung pagod at gasolina kaya mgcommute na lang ako” paliwanag ko.Mahirap kasi eh kung magpapahatid pa ako sa amin eh may mga chismosang kapitbahay kami baka pagkamalan ay nagtatrabaho as escort. Matatabil pa naman ang mga dila nun.“Gusto mo muna bang dumaan muna sa bahay?” Tumango ako.“Gusto ko po kasing magpaalam ng maayos” saad ko.“Tita, nandun ba ang anak mo?” Biglang tanong ni Kim.“Oo umuwi nang lasing kagabi buti naiuwi pa ni Darrien kaya ayun tulog pa hanggang ngayon” hinaplos ko ang likod ni Levin na nakatulog na sa balikat ko. “Anong oras ka aalis Zoey?” Tanong niya.“Mga 5 pm ng hapo

  • Dream To Be With You   Chapter 20

    Meet KimberlyBigla akong namangha dahil maganda ang bahay."In fairness Sir maganda yung design ng bahay at saka mukhang nakita ko na ito dun sa mga bahay sa ibang bansa like sa London at US" sabi ko."Hmm.. para ka na rin isang engineer" namula ako pero iniwas ko baka kasi mahalata niya.“Paano niyo naman po nasabi sir?” Tanong ko.“Sa pagtingin pa lang ng bahay medyo may alam ka na” ngumiti lang ako sir.‘Kung alam niyo lang sir na yun ang kinukuha ko ngayong first year"Levin press the doorbell" binuhat niya si Levin at sinunod naman ni Levin ang daddy niya. Hinintay namin na may dumating na magbubukas."Good morning po Sir" tumango si Sir Levis."Is Kim there?" tumango ang kasambahay nung ninang ni Levin."Pasok muna po kayo tatawagin ko lang po muna si Mam Kim" tumango si Sir at pumasok na kami. Pinaupo kami sa sofa nila at nilibot ko ang paligid na napakaganda talaga ng bahay at feeling ko mamahalin yung mga gamit dito dahil parang kumikinang ang mga gamit dito."Levis" lumingo

  • Dream To Be With You   Chapter 19

    Chapter 18Meet KimberlyBigla akong namangha dahil maganda ang bahay."In fairness Sir maganda yung design ng bahay at saka mukhang nakita ko na ito dun sa mga bahay sa ibang bansa like sa London at US" sabi ko."Hmm.. para ka na rin isang engineer" namula ako pero iniwas ko baka kasi mahalata niya.“Paano niyo naman po nasabi sir?” Tanong ko.“Sa pagtingin pa lang ng bahay medyo may alam ka na” ngumiti lang ako sir.‘Kung alam niyo lang sir na yun ang kinukuha ko ngayong first year"Levin press the doorbell" binuhat niya si Levin at sinunod naman ni Levin ang daddy niya. Hinintay namin na may dumating na magbubukas."Good morning po Sir" tumango si Sir Levis."Is Kim there?" tumango ang kasambahay nung ninang ni Levin."Pasok muna po kayo tatawagin ko lang po muna si Mam Kim" tumango si Sir at pumasok na kami. Pinaupo kami sa sofa nila at nilibot ko ang paligid na napakaganda talaga ng bahay at feeling ko mamahalin yung mga gamit dito dahil parang kumikinang ang mga gamit dito."Lev

  • Dream To Be With You   Chapter 18

    Trending PictureBumuntong ako ng hininga habang nakaupo sa sofa. Di ko alam kung paano ko mapapaliwanag ang lahat lalo na sa trending picture. Tumatawag ang mga kaibigan ko sa gc namin kagabi at minemention nila ako. Kahit madilim makikilala pa rin ako dahil sa bracelet ko. Buti na lang hinubad ko ito at tinago sa may maleta ko. Nasa library ang pamilyang Wattson kasama ang manager ni Sir Levis at nag-uusap kung paano ito maayos at kung ano sasabihin sa mga tao lalo na sa mga fans nila ng kalove team na si Mikylla Santos."Teh, trending kayo ni Sir Levis sa twitter" tumawag si Karen at kasama nito si Keith. "Oo nga pero inaalam pa nila kung sino kasama ni Sir Levis alangan naman umamin ako na ako yung kasama at kahawak kamay niya sa picture." Paliwanag ko."Nakita kasi namin maigi yung picture na may nakasuot sayong bracelet. Nasan yun?" Tanong ni Karen."Nasa maleta ko at ayokong ilabas yun malalaman nila na ako yung nasa picture syempre pagdududahan siya ng family niya especially

  • Dream To Be With You   Chapter 17

    PassedWeeks have passed ay kanyang-kanya na kaming balik sa mga trabaho at ganun pa rin naman ang eksena sa bahay. Di pa naman nagbabago si Sir Levis sa pakikitungo niya sa akin na minsan na napansin ni Mam Lessandra pero kumubit balikat na lang ako dahi di ko alam kung ano ang isasagot ko."Insan, lumabas na daw yung result nung mga nagentrance exam last month" bungad na sabi ni Tasha."Wala pa yung course ko doon" sabi ko."Di ka pa ba nagexam sa NEUST?" umiling ako."Di ko alam kung kailan magemail sa akin yung registrar ng NEUST " sagot ko."Basta wait mo na lang yung list ng nakapasa sa CLSU" tumango na lang ako."Sige tumawag lang ako at papunta na dito yung prof namin" tumango ako. Pinatay na ni Tasha ang tawag at ipinagpatuloy ko na ang paglilinis ko sa kusina. Wala ngayon si Sir Levis dahil mayroon silang tour abroad kasama ang ibang artista syempre kasama doon ang kalove team niya na si Mikylla Santos."Mimi, di pa ba tumatawag si daddy?" Umiling ako."Baka tulog pa yun dad

  • Dream To Be With You   Chapter 16

    Summer VacationTwo weeks have passed since nagkasakit ako ay mas lalo akong nastress kay Sir Levis dahil sa biglang pag-uwi nito galing taping na halos sermonan na siya ni Mam Lessandra. Paano ba naman nalaman niya na nandito si Hance sa bahay nila ay bigla itong umalis sa taping. Tumawag ang direktor kay Mam Lessandra at sinabi ay biglang umalis si Levis sa taping tinatawagan ito pero di naman sumasagot. Nalaman na lang namin na hiniram nito ang helicopter ni Diego, ang kaibigan nito sa showbiz."Anteh" nilingon ko si Keith."Bakit?" tanong ko."Matagal ko nang napapansin yan si Sir na kapag nandito si Sir Hance ay bigla na lamang uuwi rito dati rati kapag nandito si Sir Hance ay di biglang umuuwi si Levis at hinahayaan lang niya pero ngayon parang may binabakod itong si Sir" bigla itong tumingin sa akin."Oy! Bakit ganyan ka makatingin sa akin?" Tanong ko."Wala" umiwas ito ng tingin."Mimi where's my snack" hinila ni Levin ang damit ko."Baby, tara doon tayo sa mesa" inaya na ni K

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status