Share

Chapter 4

"Phoebe ano ba? san ba talaga tayo kakain? pangilang kainan na to." Reklamo sakin ni Macy. Tinignan ko sya. Nakakrus ang mga braso nito at ang sama ng tingin sakin. Halatang naiinis na talaga sya.

"Puntahan nalang natin yon," tinuro ko ang isang kainan malapit samin. "Last na promise." sabi ko at niyakap sya.

"Nakakahiya kay David te." Si David ay ang kinakapatid nya. Tinignan ko ang lalaki at tahimik lang itong nakasunod samin. Nakalimutan kong may kasama pala kami. Naguilty ako bigla.

Ilang kainan na kasi ang napuntahan namin. Akala nila ay ayaw ko don sa mga nauna, pero ang totoo ay hinahanap ko sila Steven. Di ko pala alam san sila exactly'ng kumain.

"Last na talaga yun, swear." sabi ko. Huminga sya nang malalim at pinikit ang mata. Parang pinapakalma ang sarili. Pagkadilat  nya ay sinabunutan nya ako.

"Aray Macy!" sigaw ko at inalis ang kamay nya. Ang sakit non ah!

"Pasabunot lang te, nakakainis ka kase." sabi nya at ngumiti na.

Nilingon ko naman si David. "Sorry david ah, last na to swear." Tinignan nya lang ako at tumango. Nakahinga ako ng maluwag dahil don.

Pagkapasok namin sa kainan ay nilibot ko agad ang mata ko sa paligid, nagbabakasakaling nandito si Steven. Bumagsak ang balikat ko nang di sya mahanap ng mga mata ko. Wala sila dito.

Umupo kaming tatlo sa bakanteng mesa sa bungad at agad kaming nilapitan ng waiter. Hinayaan ko silang umorder at sinabi ko rin kay Macy na sya na ang magorder sakin. Wala na ako sa mood.

Sobrang saya ko pa naman kanina akala ko makikita ko talaga si Steven dito. Dami ko pang naisip na sinaryo!

Habang wala pa ang pagkain namin ay nagcellphone nalang muna ako. Sila Macy naman ay  nagdadaldalan. Minsan ay sinasama nila ako sa usapan nila pero tumatango iling lang ako. Malungkot ako ngayon!

Tinignan ko ule ang story ni Veena para tignan kung nay bago syang story, pero wala. Pati kay Steven at sa iba nilang kaibigan ay tinignan ko rin pero wala. Nagiging stalker talaga ako pagdating kay Steven e.

Nang dumating ang order namin ay kumain na kami. Infairness masarap bulalo nila a. Lalong sumarap dahil malamig dito. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Tiyak na babalikan ko to! Ang sarap!

Tinignan ko sila Macy na nasa harapan ko. Nagseselfie silang dalawa ni David. Wow a? sila lang ba magkasama rito? Naoop ako!

Binato ko sya ng tissue kaya napatingin sya sakin, tinaasan ko sya ng kilay at mukan naintindihan nya naman yun dahil tinawag nya ang waiter para picturan kami. Yan ganyan!

Nang matapos kaming kumain ay umalis na kami sa lugar. Bago yun ay nagpicture picture muna kami ni Macy pang i*. Tagal ko narin di nagpopost a. Baka namimiss na ako ng mga followers ko. Wala ng maganda sa feeds nila. Mamaya ko nalang ipopost paguwi ko.

Habang naglalakad ay ineedit ko ang picture ko. Mejo malayo kasi yung pinagparkingan. Si Macy at David naman nasa likuran ko naguusap. Mukang inagawan pa ako ng bestfriend. Iniedit ko yung kuha sakin ni Macy. Full body yun at naka taas ang isang paa ko don pati ang dalawang kamay. Maganda ang pangkakangiti ko sa picture muka akong inosente. Akala mo di mananakit ng tao.

"Ay pota," Sabi ko ng may nabangga akong tao. Nabitawan ko ang cellphone ko kaya nahulog ito. "Ano bayan, uso tumingin sa dinadaanan." saad ko habang pinupulot ang cellphone. Tinignan ko pa ito kung may basag. Mabuti naman at wala.

"Youre the one who's not looking miss." Nanigas ako nung marinig ang boses nayon. Dahan dahan kong tinignan kung sino ang lalaki at nanlaki ang mata ko nang makitang si Steven ito. Nakatingin ito sakin at magkasalubong ang kilay. Hoy ang gwapo!

"S-steven?" tanging nasabi ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko! Ansaya ko kasi nakita ko nga sya dito!

"Next time tumingin ka sa dinaraanan mo." Sabi nya at lumagpas sa akin. Natulala ako don. His voice was so cold. Tumingin ako sa likod at nakitang nakalayo na sya. Don ko lang din napansing may mga kasama sya. Lima sila at isa don si Veena. Nakalingkis ang braso ni Veena sa kanya.

"Cellphone pa. Makulit ka a." Nawala lang ang tingin ko kela Steven nang magsalita sa gilid ko si Macy. Wala na akong nagawa nung paglingkisin nya ang braso namin at hilain na ako papunta sa sasakyan ni David.

Padapa akong humiga sa kama nung makauwi ako. Hinatid ako nila David dito sa apartment. Sobrang pagod ako ngayon. Gusto ko nalang matulog pero kailangan ko pa maglinis ng katawan.

Habang naliligo ay naalala ko nanaman ang nangyari kanina. Ang lamig ng pagkakasabi nya sakin non. At yung tingin nya parang di nya ako kilala, parang wala syang pake sakin. Di ko alam bat ganon sya sakin kanina samantalang niligtas nya pa ako kaninang umaga at kinausap ng maayos.

Nasasaktan ako kasi kala ko nakalapit na ako sa kanya. Akala ko kahit papaano ay papansinin nya na talaga ako. Pero di pala. Anlayo nya parin pala talaga sakin. Umasa ako tangina. Akala ko talaga nakalapit na ako puta.

"Baka nga fan lang ang tingin sakin non e hahaha." sabi ko sa sarili.

Alam ko naman na alam nyang may gusto ako sa kanya. Vocal naman ako about don. Kahit tanungin ako ng kahit sino kung sino gusto ko, ipagsisigawan kong si Steven yon. Di naman siguro sya manhid diba? Tangina mo Steven! Nananakit kang gago ka!

Lalo akong nasaktan nung nakitang nakalingkis sa kanya si Veena kanina. Sila ba talaga? Ganon ba yung type ni Steven? yung kaparehas nya ng gusto? Edi magsswimmer din ako! tangina nila.

"Sarap putulin ng kamay ampota. Kung di ko lang pinigilan ang sarili ko baka nasabunutan ko na yung Veena na yun e! Bwisit kang Veena ka!" sigaw ko sa cr habang nagpupunas na ng twalya.

Naisip ko na pano kaya kung abangan ko si Veena sa gate bukas. Pero wag, malaki katawan non lugi ako. Laki ng braso nya. Body builder yarn? Natawa ako sa naisip. Ang sama ko don.

Humiga na ako sa kama at panty lang ang suot. Mas presko pag ganito. "Hays Steven. Ano kayang gagawin ko sayo? Pakidnap nalang kaya kita?." sabi ko habang nakatingin sa kisame na akala ko ay si Steven ang kausap.

Totoong kaya ko syang ipakidnap. Pera lang naman ang kailangan. Marami si Papa non. Isang tawag ko lang doon ay papadalhan nya ako. Dapat lang no! iniwan nya kaya kami noon. Pero syempre di ko papakidnap si Steven baka lalo sya magalit sakin.

"Steven!! kelan mo ba marerealize na mahal mo ako ha?! pakipot ka ata e." Sigaw ko ule sa kisame.

Matutulog na sana ako nang may bi*la akong maalala. Magpopost nga pala ako sa i*. Kinuha ko ang cellphone ko at pinost ang picture na kanina ay ineedit ko. Nagcaption ako doon.

'Smile Phoebe, thats the only thing you can do rn."

"Ayaw mo ba talaga sumama, anak?" tanong uli sakin ni mama, di ko na mabilang ilang beses nya na ako tinanong tunggkol dito. Nasa loob sya ng sasakyan at ako naman ay nasa labas nito. Nakababa ng kaunti ang bintana.

Umiling ako. "Ayoko nga ma." sabi ko nanaman. Huminga sya ng malalim at ngumuso. "Enjoy nalang kayo don ni daddy." Walang nagawa si mama kundi tumango, pero bakas parin ang pagkalungkot sa mukha nito.

"Tawagan mo kami pag nagkaproblema." Sabi naman ni daddy na nakasilip sakin at nakaupo sa driver's seat.

"Noted." sagot ko. Kumaway ako nung umalis na sila. Pumasok ako sa loob ng bahay nung di ko na natanaw ang sasakyan nila.

Araw  ng Biyernes ngayon. Nandito ako sa bahay, kung saan ako lumaki. Tinawagan ako kaninang umaga ni mama at pinapunta rito. Sakto naman at wala akong klase kaya pumayag ako.

Pagpunta ko dito sa bahay ay nakabihis silang dalawa ni daddy. Aalis daw kami, papuntang Bicol sa grandparents ko. Pero dahil tinatamad ako at boring don sa Bicol ay sinabi kong ayokong sumama.

Kaya ngayon ay magisa ako rito sa bahay. Siguro dito muna ako hanggang maglunes. Halos isang buwan din na di ako nakauwi dito. May mga damit naman ako sa kwarto ko rito at malinis naman ang kwarto ko, nililinis siguro ni mama. Wala kaming katulong, pero may pumupunta punta rito para sa mga labahin. Wala rin naman laging tao dito sa bahay dahil busy sa work si daddy, si mama naman ay laging nasa kaibigan.

Umupo ako sa sofa sa sala at binuksan ang tv. Napagdesisyonan kong manood nalang. Gumawa rin ako ng nachos para may makain ako. Buti nalang ay kumpleto ang mga sangkap sa kusina.

Nagchat sakin si Macy, inaaya akong gumala. Kasama raw namin si David. Di ako sumama dahil magiging third wheel ako ron. Sabi ko sila nalang tutal theyre enjoying eachother's company naman e.

Nang matapos ang pinapanood ko ay umakyat na ako sa kwarto para humilata. Wala rin naman ako magawa rito sa bahay pero okay lang dahil ayoko rin namang kumilos. Nakakatamad.

Naalala ko yung nangyari nung tuesday. Yung sa tagaytay. Pagtapos nun ay di ko na nakita si Steven. Di rin muna ako pumuntang natatorium. Saka malaki tin ang university kaya malabong magkasalubong kaming dalawa. At ayoko rin muna syang makita. Naiinis parin kase talaga ako.

Alam kong wala naman akong karapatan mainis dahil sino ba naman ako diba? Pero nagseselos talaga ako! Nagpapapadyak ako sa kama ko dahil sa inis pero tumigil ako nung maalalang wala nga rin pala akong karapatang magselos dahil di ko naman sya bf.

"Ikaw na lagi nasa isip ko, Steven. I should move on from you, thats the right thing to do right? But why I keep on loving you? And I think no one can help me from drowning. Even you." Sabi ko habang nakatingin sa kisame.

Mabilis nagdaan ang tatlong araw. Ngayon ay nasa room nanaman ako kadaldalan si Macy. Andami nyang kwento sakin, naipon siguro. No choice naman ako kundi makinig sa mga kwento nya, char.

"Pero swear dapat sumama ka talaga. Ang ganda sa pinuntahan namin." sabi nito. Di parin sya nakakamoveon sa pagtanggi ko. 

"Tinatamad nga ako, saka thirdwheel lang ako sainyo." sabi ko saka sumandal sa upuan ko. Nilagay ko naman ang paa ko sa upuan sa harap ko.

Oa na tumingin sakin si Macy. "Hoy! friends lang kami a. Issue mo." sabi nya with matching tulak pa.

"Sabi mo e."

"Di tayo pupunta sa natatorium? Last week din di tayo nanonood ng practice a." sabi ni Macy na nagtataka. Napansin pala nya.

"Tinatamad ako Macy." di naman talaga ako tinatamad, ayoko lang makita si Steven. Baka kiligin ako bigla, edi nonsense yung pagddrama ko.

"Ay ganon?" sabi nya nalang at nawala ang atensyon sakin nung may tumawag sa cellphone nya.

Maya maya pa ay may pumasok na prof at nagturo na ito sa harapan.

Naglalakad kami ngayon ni Macy papuntang canteen nang may tumawag sakin. Si Gabriel. Nahihiya itong lumapit samin. Nagkakamot pa ng ulo. May kuto ba to? kalalaking tao a.

"Hi Phoebe." sabi nya nang makalapit samin. Tumikhim si Macy at napatingin sa kanya si Gabriel. "Hi Macy." bati nya rin dito. Napatawa ako sa isip ko.

"Hello, bakit?" tanong ko sa kanya. Nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Bat di ka nagrereply sa mga chats ko?" narinig kong tumawa ng mahina si Macy sa gilid ko kaya siniko ko ito.

Nagchachat sakin si Gabriel sa i* pero di ko pinapansin. Wala ako sa mood mag reply reply, saka nilalandi nya ako. Ayoko sya ientertain kung di ko naman sya type. Di ako paasa.

"Ha? ano kase di ako nagoopen ng i*." palusot ko. Kahit na ang totoo ay babad ako lagi sa i*. Ngitian ko pa ito para maniwala. Nakita ko namang namula ang tenga nya.

"Nagpost kanga last week e, tapos nakita ko nagstory karin nung isang araw." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya at napaubo.

Si Macy naman ay may binulong sakin habang tumatawa ng mahina. "Gago ka a, sagot."

"A-ah a-no, tawag dito? Di ko chinecheck yung mga nagcchat di nagnonotif." sabi ko at tumawa ng peke. Napa'yes' ako sa sarili nung makitang malapit na kami sa canteen.

Napangiti naman si Gabriel at tumingin sakin. "Okay lang, alam ko namang di mo talaga ako gusto, nagbabakasakali lang ako na bigyan mo ng chance. Pero mukang may gusto ka na talagang iba." Tuloy tuloy na sabi nya. Naguilty naman ako dahil don. Pero sinabi ko naman na talaga sa kanya una palang na di ko sya gusto.

"Sorry Gabriel." tanging nasabi ko lang.

"No need to be sorry Phoebe." sabi nya at ngumiti, di yun umabot sa mga mata nya.

"Ah una na kami." sabi ko nung nasa entrance na kami ng canteen. Papasok na kami sa canteen nung tawagin ule ako ni Gabriel.

"I lied," sabi nya. Takang tinignan ko sya. Huminga sya ng malalim at tinignan ako sa mata. "Steven is single."

______________

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status