Share

Chapter 3

Maaga akong pumasok ngayong araw para pumunta sa natatorium. Balak ko panoorin si Steven. Sure akong nandon sya dahil tuwing umaga naman sya doon para magtraining. Pagpasok ko sa natatorium ay wala akong nakitang tao kaya nagtaka ako. Dahil bukas ang mga ilaw at ang scoreboard, imposible namang naiwan tong nakabukas.

Pumasok pa ako at nagtingin tingin sa paligid baka sakaling may tao, pero wala talaga akong nakita. Paalis na sana ako pero may nahagip ang mata ko sa isang upuan sa sulok. Nilapitan ko iyon at bag ito ni Steven. Sure ako don. Nagiisa lang ang bag dito so ibig sabihin ay magisa lang sya.

Nice one.

Naisip kong pumunta sa shower room dito sa loob, di pa ako nakakapasok pero narinig ko na ang lagasgas ng tubig na nagmumula sa shower at ang boses ni Steven na kumakanta. Nandito nga sya!

May naisip ako bigla.

Nilapag ko ang bag ko sa pinakamalapit na upuan sakin at hinubad ang blouse at ang skirt ko. Nakacycling naman ako at sando. Lumapit uli ako sa pintuan ng shower room at pinakinggan ko lang sya mula sa labas para tignan kung tapos na ba sya magshower. Nagtagal sya ng limang minuto pa bago ko narinig ang pagtigil ng lagasgas ng tubig. Tapos na sya.

Agad akong pumunta sa gilid ng pool at nung marinig ang pagpihit ng pinto at lumusong ako sa tubig at nagkunwaring nalulunod.

Mayamaya pa ay naramdaman ko na ang dalawang kamay na humawak sa bewang ko at inangat ako. Nagkunwari akong umiiyak at yumakap sa leeg nya. Naamoy ko ang mint body wash nya. Ang bango!

"Stop crying, okay na." pagpapatahan nya sakin nung nakaahon na kami sa tubig. Umiiyak parin ako kunyari. Tangina mo Phoebe pwede kana talaga magartista.

"I was so s-scared, I thought Im going to die!" iyak ko pa at sinandal ang ulo ko sa dibdib nya. Chansing na dis. Niyakap naman nya ako at hinimas ang likod ko.

"Bat kaba kasi nagswimming?" Tanong nito sakin at pinaupo ako sa upuan. Binigay nya sakin yung towel nya at agad ko itong kinuha. Girl ang lamig!!

"N-namiss ko lang magswimming, di ko naman inexpect na pupulukatin ako." sagot ko at nagkunwaring umiyak ule.

"Buti nandito ako, pano kung walang tao dito." Di ko alam pero parang galit sya. Nanggigigil kasi yung boses nya. Di naman sya siguro galit sakin no?

"T-thank you, S-steven." sabi ko at tinignan sya sa muka, nakatitig ito sa malayo at nakaigting panga. "Galit kaba?" tanong ko rito. Tinignan nya ako at huminga ng malalim.

"No, I was just sca----"

"Steven!!" It was Veena. Nasa entrance sya ng natatorium. Bwisit na babae eksena pa!

Lumapit samin si Veena at nagtatakang tumingin samin. Sinabi ni Steven ang nangyari at agad naman ako dinaluhan ni Veena.

"Oh my God, are you okay?" tanong nito, ewan ko sa babae na to kung sincere ba sya o nampplastik. Naiinis ako sa kanya! panira ng moment!

Tinanguan ko sya, nagpresinta pasya na samahan ako sa clinic pero tumanggi ako. Di ikaw ang gusto ko kasama pls lang. Tumayo si Steven at sinabing magbibihis lang. Oo nga pala! topless sya simula kanina, at pinagsamantalahan ko yun.

Nang makaalis si Steven ay biglang bumitaw sakin si Veena. May binubulong bulong sya pero di ko maintindihan.

"May sinasabi kaba?" tanong ko rito. Tinignan nya ako at nginitian.

"Ha? wala naman. Nagtataka lang ako bakit nandito ka e 7 am palang." sagot nya at nagkibit balikat.

"Bakit masama ba?" tinaasan ko sya ng kilay.

"Nalunod kaba talaga? o naglunodlunuran?" Aba! sabi ko na m*****a tong isang to e!

"Excuse me? are you saying na niloloko ko si Steven?"

"Ikaw nagsabi nyan hindi ako....."

"Pakealam mo ba?"

"Tigilan mo si Steven, di tulad mo ang type nya. Desperada."

"What did you just say?!" di ko napigilan ang pagtaas ng boses ko dahil sa sinabi nya. Gusto ata masaktan ng babaeng to. May sasabihin sana sya kaso di nya na tinuloy nung makitang papunta si Steven sa pwesto namin.

"May extra clothes kaba?" tanong nito sakin.

"Wa----"

"Ofcourse meron yan, nagswimming nga sya e. Right?" singit ni Veena. Tinignan ko sya ng masama at nginisian nya ako. Nanggigil na ako sa babaeng to!

"Oo meron." napipilitan kong sabi. Kahit na ang totoo ay wala! Di ko napaghandaan to! wala akong susuotin. Tinanguan naman nya at at tinitigan ako sa muka. Kinikilig ako!

"Lets go na Steven, hanap ka ni coach."  singit nung paepal na si Veena. Muka namang nagaalangan si Steven dahil ayaw nya akong iwan dito, oo paladesisyon ako.

"Steven?" sabi ulit ni Veena. Ate gurl, di mo ba nakikita na moment namin to?! Naiinis na talaga ako sa kanya gosh!

"Sige na Steven, salamat ule." nginitian ko si Steven at inabot sa kanya ang towel nya. Kinuha nya yun at nilagay ule sa balikat ko. Napasinghap naman si Veena dahil don.

"Keep it, I know nilalamig ka." sabi nya at seryosong nakatingin sakin.

"Okay...." sabi ko at yumuko, di ko kaya yung tingin nya! natutunaw ako!

"Tara na Steven." isa pa Veena sasabunutan na kita. Tinanguan sya ni Steven at kinuha na ang bag. Tumingin ule si Steven sakin.

"Una na kami, ingat ka next time......Phoebe."

Napasinghap ako ng banggiti  nya ang pangalan ko. Napakasarap sa pandinig non.

Ngayon lang ako nagandahan sa pangalan ko.

Tinanguan ko sya. "I will..... Steven." I smiled at him.

Tangina. Lunod na lunod na talaga ako.

"Gaga ka, ano pumasok sa isip mo at nagswimming ka? langoy na langoy ka naba? pwede naman tayo magbeach te." sabi sakin ni Macy at inabot sakin ang damit ko.

Kanina pag alis nila Steven ay tinawagan ko si Macy. Sinabi ko na bago sya pumasok ay dumaan sya sa apartment ko para kuhaan ako ng bra at panty. Di naman sua umangal at sumunod. Sinabi ko kasing nilalamig  na talaga ko.

Nagbihis muna ako bago ko ikwento sa kanya yung nangyare. Di sya makapaniwala sa ginawa ko, kagagahan daw yon.

"Lakas ng tama mo, grabe ka." tumatawang sabi nya sakin. Naglalakad na kami ngayon papunta sa room.

Totoo namang malakas ang tama ko e, tama ko kay Steven.

"Pake mo ba?" I said. Lalo naman nya akong tinawanan. Hinayaan ko nalang sya at nauna ng maglakad.

Nung nasa room na kami akala ko ay titigilan nya na ako, pero nagkamali ako. Inaasar nya parin ako. Iniimagine daw nya kung anong itsura ko nung nagiyakiyakan ako kunyare. Gaga talaga.

"Tigilan mo nga ako Macy, bat wala pang prof?" sabi ko nang mapansing wala paring teacher na pumapasok. Sana absent.

Nagkibit balikat sya. "Ano nga kase muna nagustuhan mo kay Steven?" tanong nya. Ayaw nya talaga ako tantanan.

"Pogi." totoo naman kasing pogi si Steven.

"Yun lang? Daming pogi jan Bee." Inirapan ko naman sya.

"Basta gusto ko sya, ay mahal ko pala sya." sabi ko habang kinikilig. Pagnaiisip ko sya napapangiti talaga ako.

"Bilis magbago ng mood mo a, baliw ka na nga." Sabi nya. "Wait, mahal mo!" oa na sabi ni Macy. Tinakpan ko ang tenga ko sa lakas ng sigaw nya. Bwisit na babae to makasigaw wagas.

Napalingon samin ang iba naming kaklase. "Ingay nyo naman jan." Sabi ni Avery, kaklase naming pabida.

Inirapan ko sya. "Sino ka?" pangasar ko rito. Tumawa naman si Macy sa gilid ko. Nakita kong nagsalubong ang kilay ni Avery dahil sa sinabi ko.

Sasagot na sana sya pero nagsalita uli ako. "Pake ko?" lalong tumawa si Macy sa gilid ko. Narinig ko ring nagtawanan ang iba naming kaklase dahil don. Di na sumagot si Avery at pinagpatuloy ang ginagawa sa desk nya. Kala nya a.

"Demonyo ka talaga." tawa pa rin nang tawa. Di ko na sya pinansin at nag cellphone nalang. May sinasabi si Macy sa gilid ko pero di ko na sya pinansin. Napangiti ako nung nagcellphone narin sya. Di na nya ako guguluhin.

"Pares tayo." Sabi ko kay Macy nung maguwian.

December na kasi kaya malamig ang panahon. Masarap mag pares pag ganitong malamig. Malapit narin ang bday ko. And im turning 19. Di ko pa alam kung pano ko icecelebrate ang bday ko. Mas gusto ko nga sana ay wag nalang, pero sabi ni mama ay maghahanda daw kami. Wala naman kasi akong bisita kaya ayoko pero mapilit si mama, baka mga kaibigan nya nalang yung pakainin sa bahay.

Pero siguro magbar nalang kaming dalawa ni Macy, mas better yun. Kamiss din magbar. Di na kasi kami masyado nakakapagbar dahil busy sa school. Sabi ko na panira talaga ang pagaaral sa pagiinom e. Char.

Nang makarating kame sa paresan malapit sa apartment ko ay mahaba ang pila. Dinadayo kase talaga ng mga estudyante to. Pumila na rin kami. Habang nakapila ay nag tingin muna ako sa i*. Si Macy naman ay may kausap na lalaki. Kilala nya ata.

Tinignan ko ang account ni Steven kung may post ba sya o story. Gawain ko naman talaga yun. Tinignan ko rin kung naseen nya ba mga chat ko sa kanya, at di parin. Minemessage ko sya minsan pero kahit isang beses wala sya g reply don, kahit seen man lang!

:Hi baby.

:Congrats! nanood ako kanina:))""

:Good morning Steven:)

:Ano bayan snobber:(

:Okay lang yan baby kahit 2nd ka lang! no.1 kanaman sa puso ko.

:Kayo ba ni Veena?

:Baby may sakit ako:( kawawa naman ako no? feel ko gagaling ako pag nagreply ka.

:Pag di ka nagreply crush mo ako.

:OMG!!!Crush mo ako!!!sorry strict parents ko;)

:sapnu puas lods

:wow, san yan? sino kasama mo?

:sino yung kausap mo kanina?

:okay na Steven, di ka na nya kakausapin ulit.

Marami pa akong chats sa kanya pero di nya talaga napansin yon. Nakakainis nga e. Baka di lang sya masyado nagiig, minsan ko lang rin kasi makitang online sya.

Sunod kong tinignan account ni Veena. Nakita kong may story ito. Nang pindutin ko ay bumungad ang video ni Steven habang nagddrive.

Naginit agad ang ulo ko dahil don. Putangina?! Bat magkasama to! Tinignan ko ang ibang story nya. Sunod don ay picture nya. Ang pangit! may caption iyon 'off to tagaytay para mag bulalo'

Nilagay ko ang cellphone ko sa bag at agad na hinarap si Macy.

"Tagaytay tayo!" sabi ko rito. Nagulat naman sya pati yung kausap nya.

"Ha? seryoso ka?" yung muka nya parang may sinabi akong nakakatawa.

"Oo tara! masarap bulalo don!" sabi ko. Nakatingin lang samin yung kausap nya.

"Te anong oras na, hirap magcommute. Bawal ako magdrive diba?" sabi nya. Nabangga nya kasi yung sasakyan nya last month kaya pinagbawalan muna sya ng daddy nya magdrive. Nagpapasundo sya sa driver nila.

"Okay lang ya---"

"I have car." singit nung kausap ni Macy kanina. Tinaasan ko ito ng kilay.

"Kausap ka?" Para naman itong nahiya sa sinabi ko. Tinignan naman ako ng masama ni Macy. Bakit ba?! di ko sya kilala no.

"Gusto ko rin pumuntang tagaytay, pwede ko kayong isabay." bulong nito.

"Really? Ang bait mo naman." sabi ni Macy. "Oh ano Phoebe? tara na? gusto mo diba?" sabi nya habang nakangiti, parang sinasabi na pumayag na ako.

"Okay kunin ko na yung kotse, hintayin nyo nalang ako dito." sabi nung lalaki at umalis.

"Bobo kaba? Di nga natin kilala yan baka may----"

"Kilala ko sya! Inaanak sya ni Mommy." Sabi nya at hinila na ako nung makitang may pumarada sa harap namin.

Sumakay si Macy sa harap at ako naman sa likod. Nagwoworry parin ako pero may tiwala naman ako kay Macy. Baka nga kakilala nya talaga.

__________

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status