Share

Chapter 6

"So sinasabi mo boyfriend mo na si Steven?" tanong ni Macy sakin pagtapos ko sabihin sa kanya ang nangyari kanina.

Paglabas namin ng building ni Steven ay sinabi nyang may klase pa raw sya kaya hinayaan ko syang umalis. Sakto namang tumawag sakin si Macy at hinahanap ako. Pumunta daw sya sa natatorium at wala ako roon. Nandito kami ngayon sa room. May natitira pang 20 minutes sa 2 hours break namin.

"True." sabi ko habang kinikilig. Nigalay ko pa kunyare ang buhok ko sa likod ng tainga ko.

"Ulul, wag ako Phoebe. Kabaliwan mo nanaman yan kay Steven." Sabi nito. Di parin sya naniniwala.

"Di wag ka maniwala."

Di ko kinuwento sa kanya ang about sa kiss. Sinabi ko lang na kinulong ko sa isang room si Steven at di ko sya papalabasin kung di sya pumayag maging bf ko. Di naman talaga kapanipaniwalang dahil sa ganon lang ay magiging bf ko si Steven.

Ako rin naman ay hanggang ngayon di parin makapaniwala sa nangyari kanina. Tangina kung alam kolang na dahil sa ganon ay magiging bf ko sya edi sana matagal ko na ginawa.

Halos dalawang taon rin na nagpapapansin lang ako sa kanya pero di naman nya ako pinapansin. Di naman ako agad agad nakakalapit dahil pinanghihinaan agad ako ng loob. Pag sa chat saka pag malayo lang sya sakin malakas ang loob ko.

Bigla pumasok sa isip ko ang halikang naganap kanina. Masarap iyon. Napakalambot ng labi nya. Nararamdaman ko parin sa labi ko yung paraan pano sya humalik. Magaan iyon at mabilis. Nakakalunod.

Pero di parin mawala yung katanungan sa isip ko. Bakit nya ako hinalikan? Gusto nya ba ako? Ihhhh kinikilig ako. Nagtataka kasi ako. Alam nyang gusto ko sya at alam kong wala syang pake don. Di kaya namiss nya ako? Kasi ilang araw ako di nagpakita sa kanya. Kapal ng muka ko hahaha. Pero malay natin diba.

"Tambay muna ako sa apartment mo." sabi sakin ni Macy pagkalabas namin ng gate.

"Ayoko, magpapahinga na ako." Ayoko nga sya patambayin. Nagkakalat lang ang isang to e. Sinabi ko dati na magapartment narin sya pero sagot nya sakin ay di nya kayang mabuhay magisa.

"Sige na Phoebe, ayoko pa umuwi." Pamimilit nya sakin at yumakap sa braso ko. Agad ko namang inalis yun dahil nabibigatan ako.

"Pagod nga ako. Gusto ko nalang magpahinga." Sabi ko sa kanya sa pagod na boses.

"Ano bayan. Kela David nalang ako tatambay." at nilabas nya ang cellphone nya. Maya maya ay may kausap na ito sa cellphone.

"Phoebe."

Napalingon ako sa tumawag sakin. Si Steven yon. Nakatingin ito sa mga mata ko at nakangiti. Naramdaman ko namang kumabog agad ang puso ko. Ang lakas talaga ng epekto sakin ng lalakin to.

"Hi!" Masiglang bati ko sa kanya.

"Uwi kana?" tanong nya sakin. Nakita kong pinagtitinginan pa kami ng ibang estudyanteng nadaan sa gilid namin.

"H-ha?" Shet ka Phoebe wag kang kabahan.

"Ayain sana kita. Road trip." Prenteng sabi nito. Parang alam nyang di ako tatanggi.

Well totoo naman.

"Ha sure ka?" di makapaniwalang tanong ko.

"Bakit? Am I not allowed to invite my girlfriend for roadtrips?" Nakangising sabi nya sakin. Bigla kong naalala na boyfriend ko na pala sya! So seryoso nga sya?! Ang saya ko!

"Tara! to where ba?" masayang sabi ko sa kanya at agad na nilingkis ang braso ko sa kanya. Di na ko mahihiya no. Napatawa naman sya ng mahina dahil sa ginawa ko.

"Hoy sabi mo pagod ka." Nawala ang ngiti ko nang magsalita si Macy. Wala na itong kausap sa cellphone at mukang narinig ang pinagusapan namin.

"Nandyan ka pala?" sabi ko rito.

"Hoy Phoebe sabi mo pagod ka diba?! Gusto mo na magpahinga sabi mo!" sigaw nito sakin.

Nilakihan ko sya ng mata. "Shut up." I mouthed. Tumingin ako kay Steven na nakatingin lang samin. "Di totoo yun, di ako pagod." Tumingin ito sakin at nginitian ako. Natunaw naman ako don baby.

"Inamo malan---"

"Ayan na si David oh!" laking pasasalamat ko nang makita ko si David na papalapit sa pwesto namin. Lumingon sa likod si Macy kaya hinila ko na si Steven paalis. Thank you David!

Dinala ako ni Steven sa parking lot sa tapat ng University. Sumakay kami sa bmw na pagmamayari nya. Di ko na hinintay na ipagbukas nya ako dahil baka mahimatay na ako sa kilig. Sobra sobra na ang nangyari ngayong araw.

"Di kaba pagod?" tanong ko sa kanya nung sinimulan nya na magmaneho.

"What do you mean?" tanong nito nang di lumilingon sakin.

"Nagtraining ka kanina, then class. Baka lang gusto mo magpahinga?" pagdadahilan ko.

Oo gusto ko sya makasama. Gustong gusto. Pero naisip ko rin na baka pagod sya at magddrive pa. Nakakapagod din ang magmaneho ah. Kaya nga ayoko magpabilu ng sasakyan. Kung kailangan ko ay meron naman sa bahay.

"But this is our first day as a couple. I should atleast take you out, right?" Sagot nya. Tumigil ang sasakyan dahil sa stoplight. Lumingon sya sakin at inabot ang kamay ko gamit ang kanang kamay nya naiwan ang kaliwa sa manibela.

Di ko alam na may kasweetan pala sa katawan ang lalaking to. Tangina totoo ba talaga lahat nang ito? Parang panaginip talaga s***a.

"Ako nalang magdrive?" suggest ko.

"No need, baby."

"B-baby?" nanlalaking mata na sabi ko. Nakatingin ako sa muka nya at nakangiti sya sakin.

"Yes. Di mo naman din alam san tayo pupunta. Just sit there and hold my hand." Sabi nya at nagsimula ulit magmaneho.

"O-okay......baby." nangingiting sabi ko. Tinignan ko ang muka nya at nakangiti sya.

Kinilig ata sakin.

Dinala ako ni Steven sa Antipolo. Di ko alam san banda ito pero maganda dito. Para kaming nasa taas ng bundok dahil kitang kita ang mga city lights mula dito. Ang ganda. Kami lang ang nandito. Hindi ko alam pano nya nalaman ang lugar na ito dahil walang masyadong nadaan na mga sasakyan.

"Gusto mo burger?" Tanong ni Steven na nakaupo sa gilid ko. Nilingon ko sya. Kahit na ang dilim dito sa pwesto namin at ilaw mula sa sasakyan nya lang ang liwanag ay kitang kita ko ang kagwapuhan nya. Di na ako nagtataka talaga kung bakit ang daming nagkakagusto sa kanya.

"No, busog pa ako." sagot ko. At tumango lang sya.

Kanina papunta kami dito ay dumaan kami sa mcdo at nagdrive thru. Mejo marami rin ako nakain sa sasakyan kaya busog pa ako ngayon. 7 pm yun at mag aalasnuebe palang ngayon.

"Steven."

"Hmm?"

"Totoo to diba?"

"Huh?"

"I mean, totoo to diba? This, you and me, together."

"Ofcourse, baby." Nakangiting sabi nya ay inakbayan ako. Napangiti naman ako ng lihim dahil don.

"Boyfriend na talaga kita?" Paninigurado ko.

"And girlfriend kita." sagot nya. Kinilig ako kaya tinulak ko sya ng mahina. Narinig ko namang tumawa sya.

Napatayo ako nang may maalala. Pumunta ako sa kotse nya at kinuha ang cellphone ko sa bag ko.

"Picture tayo!" Sabi ko at pumunt sa harapan nya.

Kumagat ito sa burger bago sya tumayo at umakbay sakin. "Sure."

"Picturan mo muna ako, hehe." Nagpacute pa ako sa kanya. Tumawa sya at tumango. Inabot ko sa kanya ng cellphone ko pero di nya iyon kinuha. Nilabas nya ang cellphone nya at sinabing puwesto na ako. Napangiti naman ako dahil doon.

Alam nya bang kanina pa ako kinikilig sa mga simpleng kilos nya?

Puwesto na ako kung saan kitabang city lights sa likod ko at nagsimulang magpose sa camera. Una ay nakangiti ako, pangalawa ay tumingin ako sa kanan at nagpose pa ako nang nagpose. Seryoso naman si Steven habang kinukuhaan ako. Nang marealize ang sitwasyon ay bigla akkng nahiya. Pano pala kung ang panget ko sa ibang picture!

"O-okay na yon!" sabi ko at lumapit na sa kanya.

"Why? Ang ganda mo nga e." Sabi nya habang tinitignan ang mga kuha. "Here, you look gorgeous here." dagdag nya. Nakatunganga lang ako sa kanya. At parang normal lang ang sinasabi nya na akala mo di nagdudulot ng mga paruparu sa tiyan ko.

"O-oo nga no." sabi ko at tinignan ang mga pictures. Ang galing nya kumuha. May di b kayang gawin ang lalaking to?

"I told you."

"Picturan kita!" sabi ko at tinulak sya sa pwesto ko kanina. Wala na syang magawa nung kinuha ko ang cellphone nya at nagsimula syang picturan.

"Magpose ka! Nakatayo kalang jan e." reklamo ko sa kanya. Pano nakatayo lang sya don kala mo manekin.

Tumawa naman sya at nagsimulang gumalaw. Ako naman ang pindot nang pindot. Ang effortless nyang magmukang model.

"That's enough. Come here, baby." Kalaunan sabi nya. Tanginang baby yan, kanina pa ako naiihi sa kilig e.

Lumapit ako sa kanya. Kinuha nya ang cellphone at itinaas ang kamay nya. Umakbay sya sakin at nagpicture kami. Madami kaming pinicture dahil ang ganda talaga ng background. At ang ganda naming tignan sa picture.

Nang makuntento ay tumigil na kami at umupo ule. Ang saya ko. Kahit simple lang at walang magarbong date ay sobrang kuntento ako. Bukod sa dahil si Steven ang kasama ko ay kuntento ako dahil tahimik lang sa paligid. No ones here except for me and Steven. Just Phoebe and Steven.

"Pasa mo sakin lahat ng pics." sabi ko. Ipopost ko kasi sa i* ko. Tiyak na maraming magkakagulo pag pinost ko ang picture naming magkasama.

"Okay, baby." Sagot nya. Tanginaaaaaaa.

"Airdrop ko sayo." Sabi nya pa.

"No, i* mo nalang ipasa.......hoy!" Gulat syang napatingin sakin nung hampasin ko sya sa balikat. Kala nya nakalimutan ko ah!

"Aray Phoebe. Bakit?" sabi nya at hinimas ang parteng hinampas ko. Alam kong masakit yun dahil fullforce ko yun.

"Bat inii*nore mo mga messages ko sayo sa i*! Chat ako nang chat sayo don! Pero kahit isa di ka nagseen kahit sa mga story ko! Grabe ma sakin." Sumbat ko.

Inipon ko lahat to no. Kala nya ba. Ang sakit kaya ignorin. Tipong magchachat at tapos di nya papansinin pero nakakapagstory. Well isang beses lang naman nangyari yun dahil once in a blue moon lang sya magstory.

"I did'nt ignore it." Simpleng sabi nya na parang wala lang sakanya yung outburst ko kanina.

"E bakit di mo siniseen?!"

"Hindi dahil di nakaseen ay ibig sabihin na non ay di ko nabasa, Phoebe." Sabi nya at ngumisi sakin.

Gwapo! Ay galit pala ako.

"Nginingisi mo jan?" nakataas kilay na tanong ko.

Tumawa sya at ginulo ang buhok ko. Tinampal ko ang kamay nya.

"Wag na natin pagusapan okay? Ang importante ngayon ay ako na ang laging magmemessage sayo." Sabi nya. Ano ba tong lalaki nato? Bakit ang galing nya magpakilig?

Nagising ako dahil sa magaan na pagtampal sa pisngi ko. Nilibot ko ang mata sa paligid at nakitang nasa tapat na kami ng  gate ng apartment na tinutuluyan ko. Mukang nakatulog ko sa byahe.

"Sorry nakatulog ako." Sabi ko sa kanya at naghikab pa.

"Its okay." Sabi nya at inayos ng buhok ko.

Nagtitigan kami nang ilang segundo bago ko naramdaman ang labi nya sa labi ko. Hinahalikan ako ni Steven. Katulad kung pano nya ako hinalikan kanina.

"Fuck. Kung alam ko lang na ganto sa pakiramdam ang halikan ka edi sana matagal ko na ginawa." Bulong nya pero di ko naintindihan masyado. Pinagdikit nya ang mga noo namin. At hinawakan ang pisngi ko.

"Ha?" tanong ko.

"Sana di na ako nagpigil noon pa." sabi nya ule pero di ko naintindihan ng maayos.

"Ano bang sinasabi mo?"

"Wala, baby." Tumawa sya at hinalikan uli ako. Agad ko namang sinagot iyon.

Nang maubusan ng hininga ay bumitaw kami sa isat isa. Ramdam kong namumula ng mga pisngi ko. Sobra rin akong nakakaramdam ng init. Shit iba na ata to. Kailangan ko na ba bumaba?

Tumingin ako kay Steven at nakatingin lang sakin to habang nakangiti. Nailang ako bigla. Baka sobrang pula ng muka ko.

Magpapaalam na sana ako nang biglang may maalala. May tatanong pala ako.

"Steven."

"Hmm?"

"Bakit ka pumayag?"

"Ha?"

"I mean, bakit ka agad pumayag kanina na maging boyfriend ko." Hanggang ngayon ay nagtataka parin talaga ako bakit pumayag sya agad.

Huminga ng malalim si Steven. "Ayaw mo ba?" tanong nya.

"Gusto syempre! Nagtataka lang ako. Ang bilis. Napipilitan ka lang ba kasi kung napipilitan ka---"

"Di ako napipili---"

"Wala akong pake."

"Ha?"

"Kung napipilitan ka ay wala akong pake. Basta boyfriend na kita. Wala ng bawian."

Sabi ko.

Tumawa si Steven. "Wala akong balak bawiin, baby. Cute mo tangina." Sabi nya at kinurot ako sa pisngi.

"Kung alam ko lang edi sana matagal ko na ginawa yun!" Sabi ko. Puta, kung alam ko lang na ganon kadali edi sana matagal na kami ngayon.

"Right. Sana nga ginawa mo na dati pa. Di ko na sana sila pinakinggan." Seryosong sabi nya.

"Ha? What do you mean, Steven?" Tanong ko. Anong ibig sabihin nya sa sinabi nya? Sinong di nya dapat pinakinggan?

"Don't mind that, baby." Sabi nya at hinalikan ako sa pisngi.

"Steven!" Gusto ko malaman anong ibig sabihin nya sa sinabi nya.

"Bakit di mo na ako tinatawag na baby?" Pagiiba nya ng usapan. Nakataas anv kilay nito sakin.

"Youre changing the topic." sagot ko.

"No. Kanina ko pa napapansin Steven lang tawag mo sakin." Sabi nya at parang nagtampo pa. Hala?! Ganto ba talaga sya? Di halata!

"Okay. Sorry na baby. Wag kana magtampo hmm?" Pangaamo ko rito. Di parin nag ffunction sa utak ko na ang isang Steven Montero ay nagtatampo ngayon na akala mo ay bata.

"Kiss moko." Sabi nya. Di pa ako nakakasagot pero naangkin nya na ang labi ko.

Steven Montero nakakarami kana ah!! Good yan, tuloy mo pa.

___________

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status