Share

Drowned To You
Drowned To You
Author: prinsesitaaa

Prologue

"Katatapos lamang ng Fina World Championships na ginanap sa Los Angeles ngayong taon. At isa ang Pilipinas sa pinakamarami na nauwing medalya para sa taon na ito. Isa na dito si Steven Montero na muli nanamang nasungkit ang gintong medalya para sa kanyang kategorya sa swimming. Maaalalang isa si Montero sa pinakamagaling na swimmer sa buong mundo, sa edad na 28 ay sya ang pinakamaraming gold medal na naiuwi sa bansa. Di rin naman nagpahuli ang ating pambato sa...."

"I want to be like him..." nawala ang atensyon ko sa tv nang magsalita si Kristoff sa gilid ko habang yakap ang isang garapon ng stick o.

"Really, anak?" Sabi ko at hinaplos ang hanggang balikat nyang buhok. Ewan ko ba dito sa anak kong lalaki na ito, ayaw magpagupit.

"Yes mommy! I love swimming too!" bibo nitong sagot sakin habang nakangiti ng malaki. At the age of 5 he is really good at swimming. Dinaig pa ako. Di ko naman sya tinuruan magswimming dahil bata pa sya, pero nagulat nalang ako isang araw nakita ko syang nagffloating sa pool! Grabe yung kaba ko non. Tinanong ko kung pano nya natutunan yon, napanood daw nya sa youtube. Wtf?! Four palang sya non!

"I know baby, and Im sure you will become a great swimmer someday." Sabi ko naman at hinalikan sya sa pisngi, humagikgik naman ito. Napacute ng anak ko, manang mana talaga sakin. Oo sakin!

"Not just that mommy," nilingon ako nito. "I want to be a swimmer so that I can save Krystal too." Nahabag naman ako sa narinig sa anak ko.

"Bigboy kana talaga baby ko."

Krystal is my daughter, twin sister of Kristoff. So basically kambal ang anak ko. Kung gaano kamahal ni Kristoff ang pool at dagat, ganon naman kaayaw ng anak kong babae dito. Nung dalawang taon kase ito ay nahulog ito sa pool namin dahil busy sa pagccellphone ang yaya na kinuha ko. Sobra akong nagalit non kaya tinanggal ko agad sya sa trabaho. She has only one job! and that is taking care of my children, but still she chooses to put my daughters life at risk.

Speaking of Krystal, naisipan kong silipin sya sa kwarto nilang magkapatid kung gising naba. 9 am na kasi at di pa sya nagaagahan. Ewan ko ba kung bakit laging late to nagigising. Si Kristoff ay kanina pang alasais ng umaga gising, sya pa nga ang naggising sakin dahil gusto magpaluto ng pancake. Wala na kasi silang yaya ngayon. Di ko na kailangan ng katulong dahil malalaki nanaman sila at sa edad na limang taon ay matured na ang mga anak ko. Ang hirap na nga mauto! Kung may pasok naman ako ay iniiwan ko sila sa mama ko. Pero minsan lang naman yon dahil pumapasok na sila sa daycare dito sa village, at pwede sila magstay doon hanggang di ko pa sila sinusundo.

Pagpasok ko sa kwarto ng mga anak ko ay nakahilata parin si Krystal at mahimbing ang tulog. Nilapitan ko ito at marahang ginising para magbreakfast na.

"Good morning mommy." antok na sabi nito at nginitian ako. Napakaganda ng anak ko, mana sakin. Oo sakin!

"Hilamos ka na baby, tas breakfast na ikaw sa baba." I told her while picking her up.

"Why mommy? isnt it saturday today?" tanong nya habang nakasiksik ang ulo sa leeg ko. Naglakad naman ako papasok sa cr habang buhat sya.

"Yes baby." Kala nya siguro at papasok sya sa school kaya ginising ko sya. Wala silang pasok ngayon dahil weekends. Pero pag weekdays, 7 am ang pasok nila hanggang 1 pm. 2 pm naman ang uwi ko galing trabaho.

Nang matapos sa paghihilamos si Krystal ay sabay na kaming bumaba, nanonood parin ng tv si Kristoff pero iba na ang palabas, hindi na balita sa umaga. Agad lumapit si Krystal sa kuya nya at humingi ng stick o, binigyan naman agad ito ng kapatid.

Hinanda ko ang pancake para kay Krystal at ang gatas nya. Tinawag ko sya papunta dito sa dining at agad nya nilantakan ang pancake. Favorite nilang dalawa ang pancake. Manang mana sa pinagmanahan.

"Mommy!" tawag sakin ni Kristoff mula sa sala.

"Yes baby!" tanong ko, naghuhugas ako ngayon ng ibang hugasin.

"What channel is spongebob!" tanong nito, siguro na bobored na sa puro commercial sa local channel.

"Its 52! Five and two! you know that?!" si Krystal ang sumagot habang puno ng pancake ang bunganga. Natawa naman ako sa kacutan ng anak ko.

"Ofcourse I know that!" sigaw naman ni Kristoff.

"Ediwow!" napahalakhak naman ako sa sagot ng anak kong babae. Jusko namana pa ata nila kung pano ako magsalita pag kausap ko si Macy.

"Panget!" ganti naman ni Kristoff. Ayan magsisimula nanaman sila.

"I look like mommy! are you saying that mommy is panget?!" Sigaw ule ni Krystal, ubos na ang kinakain at ininom na ang gatas nya.

"No! mommy youre not panget! Si Tally lang!" natawa ako sa sinabi ni Kristoff. Mapangasar rin e.

"Mommy oh!" sumbong ni Krystal at paiyak na. Iyakin talaga tong anak ko na to, pero ang hilig mangasar. Lagi nya sinisimulan ang kuya nya pero pag ginantihan sya ng asar iiyak. Di nya sakin naman yan a. Di talaga sakin promise!

"Youre not panget baby, nagjojoke lang si kuya mo." Sabi ko, "Are you done?" tumango naman sya at pumunta na sa sala. Kinuha ko nag piangkainan nya at hinuhasan narin. Maya maya narinig ko nagtatawanan na ang dalawa, o diba okay na agad sila.

Nang matapos akong maghugas ay umakyat ako sa kwarto ng kambal para ayusin ang damit nilang susuotin, pupunta kaming mall ngayon para ipasyal sila. Routine na namin ito tuwing weekends. Pinangako ko kasi sa sarili ko na every weekends ay ipapasyal ko sila dahil deserve nila yon bilang bata. Nang matapos kong ihanda ang susuotin nila ay pumunta ako sa kwarto ko para maligo na. Mamaya ko na tatawagin ang kambal dahil mukang nageenjoy pa sa panonood. Matagal din naman akong maligo.

Pagtapos kong maligo ay nagbihis na ko, nagsuot ako ng highwaist skinny jeans at squareneck croptop. Pinartneran ko nalang ng 1 inch sandals.

Tinawag ko ang kambal at sinabing maligo na sila. Excited naman silang sumunod sakin at nagunahan pang maligo. Habang naliligo sila ay nagayos muna ako ng buhok at naglagay ng light makeup. Tumayo ako sa tapat ng body size mirror sa kwarto ko at pinagmasdan ang sarili ko. Matangkad ako, 5'5" , 33- 25- 36. Maraming nagsasabi na parang di raw ako nanganak dahil sa postura ko. Well totoo naman. Dahil na maintain ko ang katawan ko dahil sa tamang workout. Saka para narin akong nageexercise noon! ikaw ba naman dalawang malulusog na baby ang laging buhat.

"Mommy tapos na po!" sigaw ni Krystal mula sa kwarto nila. Magkatapat lang naman ang kwarto namin.

Pumasok ako sa kwarto nila at binihisan na sila. Pinagsuot ko sila ng matching outfit. Naka blue polo si black pants si Kristoff at naka black croptop at blue skirt naman si Krystal. This is what i love being a twins mother. Yung imamatch ko yung outfits nila. Ang ccute!!

"Lalaro tayo sa tomsworld mommy?" tanong ni Kristoff nung nasa sasakyan na kami. Sinilip ko sila mula sa salamin. Nakaupo silang dalawa sa likod.

"Yes baby."

"Yehey!" masayang sabi nito.

"San tayo kakain mommy?" tanong naman ni Krystal.

"San nyo ba gusto?"

"Chowking gusto ko mommy." sagot ni Kristoff.

"Ayaw ko don! Jollibee nalang mommy." singit ni Krystal. Potek pano bato?

"Hmm how about shakeys?" suggestion ko.

"Okay mommy!" sabay nilang sabi at himagikgik pa. Napangiti naman ako.

"Just hold eachother hands okay? Wag kayo aalis sa tabi ni mommy." paalala ko sa kanilang dalawa nung makababa na kami sa sasakyan.

"Noted mom."

Una kaming pumunta sa Toms World dahil excited na sila maglaro. Bumili ako ng 200 worth of tokens para panglaro nila. Una ko silang pinasakay sa kabayo ay sobrang saya naman nila. Tawa sila ng tawa kaya vinideohan ko sila. Pinagtitinginan rin sila ng ibang tao.

"Look ang cute oh."

"Kambal ata."

"Ang gwapong bata."

"Bata palang ang ganda na, mas muka pang dalaga sakin. Sanaol."

"Nanay ata nila yung nagvvideo"

"Siguro, kamuka ni baby girl e. Pero mukang model no?"

"Artista ata yan e"

"Siguro pogi rin daddy nyan"

At marami pang iba. Di na bago sakin ang pagusapan sa tuwing lalabas kaming magiina. Agaw atensyon naman talaga ang mga anak ko dahil sa pisikal na kaanyuan nito. Muka silang mga child model.

Marami pa silang sinakyan na mga pambata ay nagenjoy naman sila. Pinalaro ko pa sila sa basketball at pumasok si Kristoff sa loob na malapit sa ring at isa isang pinasok ang bola doon. Napakautak din a. Si Krystal naman ay naglaro sa tambol tambolan di ko alam ano tawag, and shes doing great.

Nang mapagod ay pumunta kami sa national bookstore para bumili ng mga kailangan nila. Mahilig si Krystal magdrawing kaya binilan ko sya ng mga coloring material at panibagong sketchpad. Si Kristoff naman ay Nagpabili ng mga puzzle. Bumili rin ako ng mga kailangan ko para sa trabaho. By the way, Im working as Finance Head Manager.

Nasa likod ko sila nung magbabayad na ako ng mga binili namin, kaya nagulat ako nung paglingon ko wala sila sa tabi ko nung matapos akong magbayad. Agad namang hinagilap sila ng mga mata ko. Nagtanong ako sa ale na sunod ko sa pila at sinabing pumunta banda sa book section. Agad naman akong pumunta don.

"Thankyou po." rinig kong sabi ni Krystal sa lalaking nakatalikod sakin. Tinignan ko ang mga anak ko at nakatingala lang si Kristoff sa lalaki.

"Your welcome little girl, be careful next time little boy okay?" Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang boses na yon na nagmula sa lalaking kaharap ng mga anak ko. It cant be right? Busy sya! Imposibleng nandito sya! Diba?!

"Opo." sagot naman ni Krystal na ngiting ngiti. Hinawakan naman ng lalaki sa ulo ang anak ko.

"Wheres your mom?" tanong nito. Tatalikod na sana ako pero nakita na ako ni Krystal. Shit.

"Mommy!" Lumingon sakin ang lalaki at napansin kong nagulat ito. LALO NAMAN AKO!

"P-phoebe?" gulat na bulong ng lalaki.

"Tara na mga a-anak, kakain na tayo." Sabi ko at lumapit sa kanila pilit na hinihila, pero ayaw magpahila ni Kristoff, "Baby? lets go." Wag ngayon anak pls.

"Mommy muntik na po mabagsak kay kuya yung book, good thing this mister saw it coming." Pagkwento ni Krystal sakin.

"I told you w-wag kayong aalis sa tabi ni mommy." Sabi ko at nilingon si Steven, yes si Steven Montero ang kaharap ng mga anak ko. Anak ko lang. "Thank you." Sabi ko dito. Di parin ito gumagalaw at nakatitig lang sakin. Halata sa muka nito ang pagtataka at pagkalito. "Tara na, kakain na tayo." aya ko ule sa dalawa.

"I saw you on tv this morning." Sabi ni Kristoff. "Youre that swimmer right?" Oo anak sya yon, tara na parangawa mo na.

"Y-yes, " tanging sagot ni Steven na ngayon ay titig na titig sa anak kong lalaki.

"I love swimming too!"

"R-really?" Tinignan ko si Steven sa muka at parang may kumirot sa puso ko nang makitang naiiyak ito. Alam nya na, imposibleng di nya mamukaan ang sarili nya sa anak ko.

"L-lets go na anak," pagaya ko ule. Si Krystal naman ay kinakalikot ang mga ballpens sa tabi nya.

"Yes!" bibong sagot ni Kristoff.

"W-whats your n-name?" pls Steven wag mo na daldalin ang anak ko, gusto ko na umalis.

"Kristoff! and this is----"

"Im Krystal!" singit ni Krystal mukang nakikinig sya sa dalawa.

"Im Steven, Im your da-"

"Lets go na," pinutol ko na ang sasabihin nya at hinila ang dalawa. Tumutol pa si Kristoff pero nahila ko na sya. Si Krystal naman ay kusang sumama, walang alam sa nangyayari. Gago ba sya? magpapakilala sya sa mga anak ko? ANG KAPAL NG MUKHA!

Nang makalabas kami ng National Bookstore ay may humablot sa braso ko. Its Steven.

"Phoebe," Masama ang tingin nito sakin. Di ko sya pinansin at naglakad ule. "Lets talk," sabi nito habang nakasunod samin, pinagtitinginan na kami kaya mas pinili ko dumeretso sa parking lot. Mag ddrive thru nalang kami!

Pinasakay ko muna sa backseat ang dalawa at hinarap si Steven na sumunod samin hanggang dito. Yung mata nya, galit, nalilito, malungot at umaasang kausapin ko sya.

"Bakit ba?" tanong ko nang makalapit sya sakin. Di nya ba nahahalata na wala akong balak makipagusap sa kanya? Ang lakas ng loob nya ha!

"Anak ko sila diba." Deretsahang tanong nya sakin. Nakatingin lang ito sa mata ko na parang nakikiusap na sabihin ko ang totoo. Umiwas ako ng tingin at tinignan ang mga anak ko. Nagtatakang nanonood lang sila samin, di naman nila kami naririnig.

"Wala kang anak dito, kaya pwede ba wag kang sumunod naggugutom na ang mga anak KO." Lakas loob kong sabi. Pinagdiinan ko ang huling salita dahil sakin lang ang anak ko. Wala syang karapatan.

"Phoebe please? Lets talk." pagmamakaawa nito pero diko pinansin ay sumakay na sa sasakyan. Humarang pasya sa harapan pero di ko pinansin, inistart ko parin ang makina. Pag di sya umalis jan sasagasaan ko talaga sya! Tangina nya!

Nakahinga naman ako ng maluwag nung umalis sya sa harapan at agad kong pinaandar ang sasakyan.

"Do you know that man Mommy?" maya maya ay tanong ni Krystal sakin.

"Thats kuya Steven, Tally! He's my idol now." ngiting sabi ni Kristoff. Kuya.

"Sabi ko wag kayo makipagusap sa di nyo kilala diba?" Di parin ako natuwa sa ginawa nila kanina.

"Pero he save Toffy mommy," sabi ni Krystal. Okay, salamat sa kanya. Psh.

"And why did you two go there in the first place?" sinabi kong wag silang aalis sa tabi ko e. Edi sana di na nagkakitaan. Edi sana di ako kinakabahan sa mga pwedeng mangyari.

"Sorry mom." sabay nilang sabi ay yumuko. Muka naman silang sincere talaga kaya ngumiti ako at sinabing okay lang. Mahal ko ang mga anak ko syempre di ko matitiis ano.

Dumaan nalang kami sa drive thru ng Shakeys at sa bahay nalang kakainin.

He saw them, Steven saw his children. Now I dont know what to do. He shouldnt meet them in the first place! He can't meet them! He doesnt deserve my kids. He's an asshole. I swear to god, hinding hindi ko papalapitin ang mga anak ko sayo Steven. Tanginaka!

"I don't want to have a child with you, never." That was exactly Steven said to me 6 years ago.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status