Share

Chapter 10

Araw ng linggo. May date kami ngayon ni Steven. Di nya sinabi kung saan kami pupunta dahil surprise daw. Ang lalaking yon, di ko inexpect na sweet guy type of person pala sya. Lagi ako nagugulat sa mga pinaggagawa nya.

Kahapon ay binigyan nya ako ng bulaklak. Tinanong ko kung para saan, sabi nya lang ay deserve ko raw bigyan ng bulaklak. Edi syempre ako kilig to the bones nanaman. Di pa nga ako nakakamoveon sa sinabi nyang mahal nya ako nung nasa condo nya kami.

Nung sinabi nyang mahal nya ako ay ilang segundo ako natulala bago ako bumalik sa katinuan. Naiyak nga ako non dahil sa sobrang saya. Syempre no! sinong di maiiyak don. Tangina mahigit isang taon ako nagpapapansin kay Steven e. Tapos wala pang isang linggong naging kami ay sinabi nya na mahal nya ako.

Syempre may pumasok sa isip ko na baka di naman nya minimean yon. Dahil sa panahon nyayon ay bumaba na ang kahulugan ng salitang 'i love you'. Pero pinagsawalang bahala ko yun. Basta mahal ako ni Steven, tapos ang usapan. Yieee
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status