Share

Chapter 2

"Magmove-on kana lang Phoebe, dami daming lalaki jan nagpapakabaliw ka roon sa Steven nayon. Di mo pa nga sure kung daks e!" Sabi sakin ni Macy, habang kumakain ng piatos.

"Wala akong pake.. tsaka sabi ko diba wag kang kakain sa kama ko!" sigaw ko sa kanya nang mapagtantong kumakain pala sya ng chicherya sa kama ko. Baka langgamin ako mamaya!

"Di naman ako makalat kumain, gaya mo ko sayo." irap nito sakin, tignan mo tong babae na to. Napakakapal ng mukha.

"Kama mo to?" tinaasan ko sya ng kilay. Ako nga di kumakain sa kama ko e.

Nandito kami ngayon sa apartment ko. Simula nung magcollege ako ay nakiusap ako sa parents ko na magsariling apartment nalang ako malapit sa university. Medyo malayo rin kasi ang bahay namin at nakakatamad bumyahe araw araw, kaya pinayagan nila ako.

Studio type ang inuukupahan ko dahil ako lang naman magisa. At mas gusto ko to kesa sa malaking condo na sinasuggest ni daddy. Di ko naman kailangan ng malaking place. Basta may kama at lababo at cr ay okay na ako. Mas madaling maglinis din pag maliit lang. Palagi rin  nandito si Macy para tumambay

Tulad ngayon araw. Araw ng sabado ngayon, wala kaming klase. Gumagawa ako ng activity sa laptop ko nang biglang sumulpot si Macy na may dalang mga chicherya at The Bar Pink. Magiinom daw kami. Pero di pa namin naumpisahan dahil tinatapos ko pa ang activity ko. 3 pm palang naman.

"Pero pano yan? sila pala ni Veena?" maya maya'y tanong nya sakin.

"Bakit? bawal agawin?" kibit balikat kong sagot. Asawa nga naaagaw, bf pa kaya. Saka di sila bagay no! Di sila para sa isa't isa!

"Gaga kaba? ibababa mo talaga sarili mo para sa Steven na yan? Wake up nga Phoebe!" gulat na sabi sakin ni Macy, muntik nya pa mabuga yung iniinom nyang c2. Sinamaan ko sya ng tingin dahil don. "Oh walang natapon a."

"Mababa na kung mababa, kung di sya mapupunta sakin, edi tatanda syang binata." sagot ko rito.

"Seryoso kaba te?" di makapaniwalang tanong ni Macy sakin. Di nya siguro inakalang seryoso talaga ako kay Steven.

"Dead serious Macy."

Bandang alasinco ay inumpisahan na naming uminom. Nakakailang shots palang ako ay umiikot na agad ang paligid. Gosh! ang lakas ng tama! Nararamdaman kong nalalasing na ako pero itong si Macy ay parang wala lang! Ayon at nagseselfie nanaman para ipang story nya. Tinapat nya pa sakin ang camera kaya ngumiti ako at nagfuck you.

"Oh my gosh Phoebe!"

"What?! no need to shout, gosh." sabi ko at pinagpatuloy ang paglalaro sa cellphone ko. Ganto kami pag umiinom, may sariling mundo.

"Nagreact si Steven sa story ko!" nagpantig ang tainga mo sa narinig at sinabunutan sya. "Aray!!!!!" sigaw nya.

"Gaga ka, bakit nagreact sa story mo! yung story ko nga di nya nasiseen e tas sayo nagreact pa!" Ewan ko ba don sa lalaki na yon, nakafollow naman sya sakin pero kahit isang beses di nya pa na seen story ko.

"Bitawan mo muna buhok ko! sadista ka talaga!" binitawan ko naman ang buhok nya. "Dito kase sya nagreact oh," pinakita nya sakin ang story nya na video, video ko yun na nakangiti at nagfuck you. Nakaheart react si Steven don! Heart react! "Jan lang sya nagreact sa video mo, yung iba kong story na selfie ko di sya nagreact." paliwanag nya.

Kinikilig ako!

"Sabi ko na may gusto sya sakin e!" sabi ko habang kinikilig.

"Malay mo napindot lang." tamo tong babae na to panira talaga ng moment.

"Gusto nya ako!"

"Ows?"

"Oo kaya, di nya palang na rerealize." Tinawanan nya lang ako.

"Bwisit ka ang sakit ng anit ko, sumakit din tuloy ulo ko. Nahilo ako bigla." Natawa ako sa sinabi nya. Di ko naman sinasadya na sabunutan sya e. Nabigla lang ako! Nadala ng bugso ng damdamin haha.

"Kinikilig ako Macy." sabi ko sa kanya, totoo naman, kinikilig talaga ako hanggang ngayon!

"Alalahanin mo may gf, si Gabriel na mismo nagsabi sayo diba?" paalala sakin ni Macy. Tinagayan nya ako ay pinagpatuloy namin ang pagiinom.

Nang kumpirmahin ni Gabriel nung isang araw na sila nga ay di na ako bumalik sa klase, dumeretso na ako ng uwi. Wala na ako sa mood para makinig, tinext ko nalang si Macy na umuwi ako. Tinawagan nya pa ako at tinanong kung anong nangyare, sinabi kong dinatnan ako pero di sya naniwala. Di narin sya tumuloy sa klase at pinuntahan ako sa apartment. Nagalit pa ako sa kanya dahil pano kung may ituro ang prof namin, edi parehas kaming walang alam! Binalewala nya yung sinabi ko at sinamahan nalang ako sa apartment manood ng n*****x. At kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil kasama ko sya.

Si Macy lang ang kaibigan ko, sya yung diary ko. Sa kanya ako nagrarant lagi, minsan nga ay nabubuhos ko pa sa kanya yung galit ko pero naiintindihan nya yon. Ganon din naman sya sakin! Kapatid ang turing namin sa isa't isa, dahil parehas naman kaming only child.

"Ayoko na lasing na ako gago." sabi ko nang di ko na kayahin ang pagkahilo ko, sobrang naaantok na talaga ako. Gusto ko nalang matulog.

"Ano bayan! napakahina mo talaga Phoebe!" reklamo neto sakin, at binato pa sakin ang isang pack ng chicherya.

"Maginom ka magisa mo! ako matutulog na!" tumayo ako muka sa sahig at hinubad ang damit ko, naiwan ang bra at panty ko. Humiga ako sa kama at nagbalot ng kumot. Di naman nahihiya kay Macy dahil nakita nanamin ang kasingitsingitan ng isa't isa.

"Sino maglilinis neto?"

"Ikaw!"

"Wow! wala ka ngang ambag e!" bakit sinabi ko bang magiinom kami ngayon?

"Oo na! bukas ako maglilinis, so please shut up na. Sakit talaga ng ulo ko." napangiti ako nang hindi na nga sya magsalita. Good.

Maya maya ay biglang may humawak sa ulo ko at winagwag ito. Tawa naman ng tawa si Macy habang winawagwag ang ulo ko.

"Tangina ka talaga!" binitawan nya ang ulo ko at lalo akong nahilo. Tumakbo ako sa cr nang maramdamang masusuka ako. Si Macy naman ay tawa parin ng tawa. Demonyo!

"Tulog pa." sabi nya habang nakasandal sa pintuan at hawak ang cellphone. Vinivideohan ako! Patuloy parin ako sa pagsusuka. "Story ko ule to para makita ni Steve-- ay putangina mo!"

sinabuyan ko sya ng tubig gamit ang tabo, makulit ka a.

Araw ng lunes. Kumakain kami ni Macy sa Mcdo nang makitang pumasok sa loob si Steven magisa. Umorder sya sa counter at umupo sa bakanteng lamesa medyo malayo samin. Nakatingin lang ako sa kanya habang kinakalikot ang cellphone nya.

"Sino naman kayang kausap neto? Sana masira lcd non, kung sino man yon." bulong ko, at humigop sa drinks ko.

"Matunaw si Steven te." sabi ni Macy. Di ko sya pinansin at patuloy na pinagmasdan si Steven. Ang pogi talaga ng baby ko.

Naramdaman ata ni Steven na may nakatingin sa kanya kaya nagtama ang mata namin, nginitian ko sya pero di nya ako pinansin! Binalik lang nya yung tingin nya sa cellphone nya. Nakakainis a. Okay lang atleast nakita nya ako.

Nilabas ko ang cellphone ko at kinuhaan sya ng litrato. Nilagay ko ito sa i* story ko at may caption na 'mine'. Tatag ko sana sya kaso di naman nya siniseen story ko kahi itag ko pa sya.

Tumayo si Steven nang tawagin ang number nya, kinuha nya ang order nya for take out at lumabas na. Di na ako tinapunan ng tingin.

Nang matapos kaming kumain ay nanglakad na kami pabalik sa klase, malapit na kami sa room nung may tumawag sakin.

"Phoebe." tinignan ko sya, di ko kilala kaya nagpatuloy ule ako sa paglalakad habang magkalingkis kami ni Macy.

"Im Jaypee." sabi neto habang nakasunod samin. Aba sumunod pala sya?

"Okay?" sabi ko, please lang wala akong oras para rito. Badtrip ako ngayon!

"Pwede ka ligawan?" tanong nito, narinig kong tumawa si Macy sa gilid ko.

"Hmmm, bawal e." sagot ko. Ayoko talagang magpaligaw. Wala akong plano magbf pero kung si Steven, sherrrrrr why nourt?

"Please Phoebe, I really like you." pamimit pa nito. Di makaintindi kuya? saka di ko sya type.

"Sorry, study first." sabi ko at tinalikuran na ito.

"Di mo kilala yun?" tanong ni Macy nung makapasok na kami sa room. Umiling ako dahil di ko naman yun kilala. "Si Jaypee yun, nanalo ng Mr. Engineer last year, matalino yun!."

"Oh? good for him." balewala kong sabi. Ano naman kung may title sya at matalino? di naman sya si Steven.

"Sayang nanaman. Nung isang buwan diba umamin sayo yung law student? Gwapo nun a, tas di mo pinansin. Tas may umamin din sayong basketball player, di mo rin pinansin."

"Wala nga akong oras sa kanila, saka alam ko namang gusto lang ako ikama nung mga yon. Galawan na nila yan!" sabi ko. Totoo naman e. Karamihan sa mga lalaki ngayon lalo na mga gantong edad, puro sex nalang ang habol. Kunyari gusto ko nila maging gf pero gusto kalang nila makama! Mga GAGO.

"Sabagay, muntik ka na ngang gahasain nung isa e." sabi nya. Yung med student yung tinutukoy nya. Kala ko mabait talaga nung una dahil magddoctor sya, kaya nung humingi sya mg tulong sakin dahil kailangan nya ng dugo ay pumayag ako. Dugo lang naman e. Pero nung nasa bakanteng room na kami ay bigla nya akong pinuwersang halikan. Buti nalang ay may dumaang mga estudyante at tinulungan ako. Ang pagkakaalam ko ay wala na dito yung gago nayon. Lumipat ng ibang school dahil sa kahihiyan.

Natigil kami sa paguusap nang pumasok na ang prof namin. Nagturo ito at nakinig naman ako dahil baka magpaquiz ito, hobby nya yon!

Pagpasok ko sa apartment ko ay hinubad ko agad ang lahat ng suot ko at pumasok sa cr para maligo. Best feeling talaga to kahit kailan.

Yung tipong pagod ka galing sa labas tas uuwi ka na para maligo at magpahinga.

Pagtapos ko maligo ay nagsuot at ng komportableng damit at umorder sa foodpanda, tinatamad akong magluto ngayon.

Habang hinihintay ang order ko ay nagscroll scroll ako sa i*. Nistalk ko ang account ni Steven '@montero.steven' marami syang followers mas marami pa sakin. Ang kanya ay 12.6k samantalang sa akin ay 9504. Anim lang ang post sya, dalawa lang doon ang may mukha nya, ang iba ay puro litrato na nga swimming pool o dagat.

He really loves swimming, dahil ang bio nya ay "Swimming is life" corny nya sa part na yon I must say.

Wala naman syang bagong post o story kaya tinignan ko ang story ko kung naseen nya ba, kahit na alam kong hindi. Madaming nakaseen ng story ko pero may isang username don ang nakaagaw ng pansin ko. '_dyr_brm' ko itong nakikita na nakaseen sa story ko pero di ko pinapansin. Wala itong picture. Nung clinick ko ang profile neto ay nagulat ako dahil 0 followers at 0 post ito.

Isa lang ang finafollow nito, ako lang! Stalker?! tinignan ko kung may messages ba ito sakin at meron nga! Meron syang reply sa lahat ng mga story ko. At ang latest ay yung story ko last week yung picture sa pool, 'nakaharap nayan nexttime.' yun yung reply nya. At sa kaninang story ko naman ay 'always' ang reply nya! Creepy! di na ako nagpatumpik tumpik pa at blinock ang account.

Sakto naman na dumating ang order ko. Habang kumakain ay pinagpatuloy ako sa pagsscroll. Nanlaki yung mata ko nang makitang may story si Steven. Agad kong pinindot ito. Text lang ang story nya.

'username suggestion anyone?:('

___________

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status