"Why you hate me so much?" tanong nito sa akin habang nagmamaneho. Nagtanong pa talaga siya. Hindi ko naman siya hate. Hindi ko lang siya like. Kapag hate na kasi ang usapan masyado nang malalim iyon. "Stop pestering me. I don't know why are you doing this but I want you to stop." Ano ba ang gusto niyang gawin ko para lang tantanan na niya ako? Hindi ko maunawaan kong bakit pilit niya akong kinukulit at ginugulo. Kung iniisip niya na bubukaka akong muli sa kanya gaya nang nangyari noon ay nagkakamali siya. "I can't. You are making me interested in you," sagot nito na lalong nagpainit ng ulo ko. "I don't feel the same way. Sa iba mo na lang ibaling ang atensyon mo. Hindi ko kailangan niyan," diretsang pambabara ko sa kanya. Anong iniisip niya na kikiligin ako? "Why are you too hard on me, Tigress. Can't we be at least friends?" Binigyan ko siya nang hindi makapaniwalang tingin dahil sa tanong niya. Nagpapatawa ba siya? "Friends? Are you serious? Lahat ba ng babaeng ikinama mo
Kinaumagahan kahit medyo puyat ako ay maaga pa rin akong gumising dahil may pasok. Humihikap pa ako nang magtungo ako sa kusina para magkape nang magising man lang ang katawang lupa ko. Nakahinga ako nang maluwag nang hindi ko makita si Inay. "Asan si Inay?" tanong ko kay Mikael na siyang nadatnan ko sa kusina na kumakain ng almusal. "Maagang nagtungo sa palengke," simpleng sagot nito. Nagtimpla ako ng kape at umupo sa katapat. Pinakatitigan ko ito habang umiinom ako ng mainit na kape. "Saan ka nagpunta kagabi?" tanong ko dito dahilan para magtaas ito ng tingin. Kumunot ang noo nito na para bang hindi alam ang sinasabi ko. "Hindi ko alam ang sinasabi mo. Maaga akong natulog kagabi, ate," tanggi nito at nagpatuloy sa pagkain. "Ilang beses na kitang nakikitang lumalabas ng gabi. Huwag mong sabihin na doubleganger mo lang iyon? Hindi naman kita tatanungin kong hindi kita nakita." Nakita ko ang pag-iwas nito ng tingin sa akin. "Kay Marlon lang, may hinirap lang ako para sa project
"So kayo na ba?" agad ay tanong sa akin ni Anji nang makaupo kami sa food court malapit sa pinagtatrabahuhan namin. Madalas na kaming tumambay na dalawa palagi dito pero ngayon niyaya niya ako dito dahil gusto niyang sumagap ng tsismis.Kauuwi pa lang namin at eksaktong hindi ito sinundo ng boyfriend niya kaya ako ngayon ang kinukulit nito. "Hindi nga," saad ko at sumubo ng barbecue na binili namin kanina bago kami naupo."Hindi kayo pero nagpatuka ka." Inginuso pa nito ang labi sa akin na para bang hahalik.Sinamaan ko siya ng tingin. Malay ko bang nanakawan ako ng halik ng gonggong na iyon."Hindi ako nagpapatuka anong akala mo sa akin manok?" pamimilosopo ko na lang sa kanya."Ang swerteng manok mo naman. Ang yummy ni Attorney. Siya iyong tipo ng lalaki na parang magino pero bastos. Tangina iyong tattoo pa lang niya nakakapaglaway na paano pa kaya kapag hubad na?"Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. Kung pagpantasyahan niya si Delgado ay daig pa niya ang walang boyfriend
Abala akong nagdudutdot ng cellpone ko habang naghahanap ng available space for rent sa social media. Baka may kakilala akong may alam na malaki ang space pero mura lang kaya nakatutok ang mga mata ko sa selpon habang may mga ka-chat ako nang biglang may nagpop na mensahe sa akin. "Hi?" Kulang na lang ay umusok ang ilong ko nang mabasa ko ang pangalan nito. Napanganga na lang ako nang sunod-sunod na messages ang dumating sa akin. "Accept my request, Tigress." "I know you are online." "Don't block me, I know you. You already blocked my number." "How are you?" "Did you eat already?" "What do you want for breakfast for tomorrow?" Nagsalubong ang mga kilay ko sa mga mensaheng ipinadala niya sa akin. Gaano ba kabilis magtype ang daliri niya at wala pang segundo ang pagitan ng mga ito. Agad na blinocked ko ang account niya kahit na sinabi niyang huwag ko siyang i-block. Hanggang sa social media ba naman guguluhin niya ako? My goodness, daig pa ng lalaking ito ang stalker. Tapos
Nakahinga ako ng maluwag nang buong araw na hindi ko nakita si Delgado kinabukasan. Hindi ito nagparamdam sa akin kaya buong araw na hindi uminit ang ulo ko. Sana lang talaga magtuloy-tuloy na ito. Baka bumalik na siya sa syudad, sana lang huwag na siyang bumalik.Naging maayos ang takbo ng araw ko. Naunang umuwi si Rebecca kinahapunan gaya ng palagi niyang ginagawa dahil susunduin pa niya ang kambal. Mahirap talaga maging single mother kaya saludo ako sa kanya na nagagawa pa niyang balansehin ang trabaho at pagiging ina niya sa kambal.Nagreready na kami ni Anji para sa closing nang biglang dumating si Mr. Ramirez. His girlfriend is one of our clients. "Hi, Marg!" nakangiting bati nito sa akin."Hi, Sir. Hindi n'yo po kasama si Ma'am?" tanong ko sa kanya ng hindi ko makita ang girlfriend nito.Ngumiti ito. "Nope, she is busy but we need to attend a party next week, and I want to find something she can wear.""A surprise?"Nahihinyang napakamot ito sa ulo bago tumango. Napangiti ako
COHENI was in my niece birthday party today. She's five years old and there are a lot of kids everywhere. I was just sitting on the corner with my friends, Sven and Troy. Dwayne is too busy chasing the love of his life in San Antonio.I also want to stay there, but my mom called me a hundred times to come home and attend in this party. I know I will be bored in this kind of party so I dragged these two."Kids are cute but once they will become teen, they'll starting to be a headache," Troy said while looking to the kids that playing games."Maybe that was Tita Ancelle felt towards you," nakangising saad ko sa kanya.Itinaas nito ang gitnang daliri sa akin. "Gago, hindi ako naging sakit ng ulo ni mama. Ako ang pinakamabait niyang anak.""Ikaw lang naman anak niya, bobo ka," balik ko sa kanya."Watch your words, guys. We are surrounded by kids," paalala sa amin ni Sven.Minsan hindi ko alam kung paano namin ito naging kaibigan, e. Masyadong matino, daig pa ang tatay namin kung umakto m
MARGARITANasa office ako ni Rebecca habang nag-aayos ako ng mga brochure at ito naman ay abala sa mga drawings niya.Ilang araw ng normal ang araw ko. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero hindi ko maiwasang mainis kay Delgado. Halatang ginawa lang niya akong pampalipas oras habang nandito siya sa San Antonio. Kinulit niya ako dahil bored siya tapos bigla siyang aalis na parang walang nangyari. Na parang hindi niya pinakulo ang dugo ko.Nagpapasalamat ako ngayon na wala na siya, sana lang huwag na siyang bumalik pa. Dapat lang na manatili siya sa syudad dahil nandoon naman talaga ang buhay niya. Nananahimik ako dito sa San Antonio at pansamantalang nawala ang katahimikan ko sa biglaang pagdating niya.Alam ko na maaring magkita pa kaming muli dahil kaibigan siya ng asawa ni Reb. In short we have the same circle of friends kaya hindi na iyon nakapagtataka pero sa ngayon hindi muna iyon ang iisipin ko.May bagong place raw na kaming lilipatan kung sakali pero nagdadalawang isip pa si Reb
Gumawa nang malakas na ingay ang pag-angat ko sa high stool para makaupo dito. Sa salon ni Pola ako dumiretso. Mabuti na lang at wala nang customer dahil nagdidilim na."Anong problema? Bakit parang papatay ang hitsura mo?" nagtatakang tanong ni Pola sa akin nang lumapit ito."Gaya pa rin ng dati," tamad na sagot ko dito bago bumuga ng hangin.Naiiling na umupo ito sa tabi ko. Kahit hindi ako magkwento dito ay sigaurado akong alam na nito ang tinutukoy ko. Sanay na sanay na ito sa akin na palaging sa salon nito tumatambay kapag nag-aaway o may pagtatalo kami ni inay. Wala naman kasi akong ibang mapupuntahan kaya dito ako madalas nagpapalamig ng ulo."Alam mo kong ako sayo, aalis na talaga ako sa poder ng mga magulang mo. Palagi na lang pinag-iinitan ng nanay mo ang beauty mo."Napasimangot ako sa sinabi niya. Sana nga ganoon lang kadaling gawin iyon. Kaya ko naman e. Kaso ayoko pa. kaya ko pa naman magtiis kahit papaano."Bad mode ka hindi ba? Bakit hindi na lang tayo gumimik? Baka ka