เข้าสู่ระบบTumingin si Hunter sa kumikislap niyang mga mata, at tuluyang nawalan ng lakas na tumanggi.Pagkatapos ng ilang segundo, inabot niya ang pisngi nito at madiing pinisil iyon. "Fine. Sa study room muna.""Yehey!" Hindi na nagulat si Luna. Kamakailan lang, sinusunod nito ang lahat ng gusto niya, sa takot na ma-stress siya at maapektuhan ang baby nila sa sinapupunan niya. Ipinulupot niya ang mga kamat sa braso nito habang naglalakad sila papunta sa elevator. "Alam mo, sabi ng doktor na napakatatag na ng kapit ng baby ngayon. Kung may hilingin man akong hindi makatwiran, pwedeng-pwede kang tumanggi. Hindi naman ako isang spoiled brat."Tumingin si Hunter sa kanya. "Sa tingin mo ba ginagawa ko lang ang lahat ng 'to dahil sa baby?"Napakurap si Luna, naguguluhan. "Bakit... hindi ba?"Pinitik ni Hunter ang noo niya, nagkukunwaring inis. "Gamitin mo nga 'yang utak mo.""Ouch!" Hinawakan ni Luna ang noo niya, at tsaka lang pumasok sa isip niya ang katotohanan.Dahil pala sa kanya mismo... Ang
Habang papalapit ang Christmas, nararanasan ng Maynila ang napakalamig na klima.Sa nakalipas na ilang araw, malaki ang naging pagbuti ng kalusugan ni Luna. Nakatayo sa tabi ng bintana, nagliwanag ang mga mata niya habang nakatitig sa bakurang nababalot ng mga Christmas lights, halos manginig siya sa sobrang excitement.Pinapanood siya ni Hunter, at lumalambot naman ang puso nito. "Gusto mong lumabas?""Yup!" Mabilis na tumango si Luna, kumikislap ang mga mata sa gitna ng nagniningning na tanawin.Masyado na kasi siyang matagal na nakakulong sa loob kaya halos mamatay na siya sa pagka-inip. Ngayong buhay na ang mga subdivision sa labas, imposibleng maupo lang siya sa loob ng mansyon at hindi pagmasdan ang nagniningning na kalsada.Isang matamis at halatang-halatang in-love na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Hunter. Are you in, or not?"Nagkataong paakyat si Elmer mula sa basement lounge at nagkataon na nakita ang hitsura ng kanyang boss. Nangingilo sa sobrang kasweetan sa paligid, mah
Agad na napatayo si Era sa matinding takot. "Gagawin ko na! Makakaisip ako ng paraan!"Nakatitig siya kay Janus, puno ng sindak ang kanyang mga mata.Paano ba niya nakalimutan? Hindi na nga pala siya isang Padilla ngayon. Wala na siyang alas, walang posisyon, at wala nang karapatang makipagtawaran pa. Iniligtas lang siya ng lalaking ‘to para sa layuning nito kaya kapag pumalpak siya, kayang-kaya rin siyang itapon nito pabalik sa kulungan!Malamig at kalkulado siyang tiningnan ni Janus bago dahan-dahang ibinalik ang phone sa bulsa. "Ganyan nga. Mag-isip ka nang tama."Naikuyom ni Era ang kanyang mga kamay, nag-alinlangan nang ilang segundo bago nagtanong sa lalaki, "Gusto mo ba talagang mamatay si Luna?""Gusto mo ba siyang mamatay?" Mabilis na ibinalik ni Janus ang tanong, na parang hindi man lang sineseryoso ang babae.Hindi na nag-abalang maglihim pa si Era. Siyempre, gusto niya! Bakit pa ba siya hahantong sa ganitong matinding sitwasyon kung hindi niya gustong mawala sa mundo si Lun
May point naman. Mas mabilis at mas malalim ang koneksyon at network ni Hunter kaysa sa kanila.Tumikhim si Enzo. "Don't let Era contact your father again."Pareho na silang dumistansya sa ama nila, at hindi na ito tinatawag pang “Dad” kapag pinag-uusapan nila. Agad namang sumang-ayon si Ethan. "That won't be a problem." Dahil sa sobrang pagkabulag ng isang Raul Padilla sa Era na ‘yon, kahit pa pumatay ito ng tao, konting paawa at luha lang nito, siguradong tutulungan pa rin 'to ng ama nila na itago ang mga ebidensya. Kahit na tinanggalan na ito ng kapangyarihan, dala pa rin nito ang apelyido ng pamilya, kaya marami pa rin ang magbibigay ng pabor sa kanya. At ang proteksyong 'yun ang mas magpapadali kay Era na magtago at magiging mas mahirap para sa kanila na mahanap ang dalaga.***Samantala, sa isang tahimik at nakatagong villa sa dulo ng lungsod, nakasiksik si Era sa sofa. Namumutla ang mukha niya at gulo-gulo ang hitsura habang hawak-hawak ang isang basurahan at duduwal-duwal.
Para sa ibang tao, ang malaking pagkakaiba ng status ng pamilya nila ang nagtakda simula't sapul na hindi magiging equal ang relasyon nila, at walang malinaw na future para sa kanilang dalawa.Nung lumapit sa kanya ang pamilya nito taon na ang nakakalipas habang may dalang malaking pera para lang iwan niya si Enzo, nagkaroon siya ng kaunting self-doubt. Pero mabilis ding nawala 'yun. Alam niya ang marahas na hierarchies sa society, pero tumanggi siyang tanggapin na mas walang kwenta ang pagmamahal at oras niya dahil lang hindi siya ipinanganak na mayaman.Nagulat naman si Enzo sa mga sinabi ni Dani, hanggang sa mapangiti siya nang mapait. "Is that really what you think I believe?" Naintindihan niya ang hinanakit sa likod ng mga salita ni Dani—sinasabi nito sa kanya na 'wag paglaruan ang puso niya.Hindi pa rin natinag si Dani sa naging reaksyon nito at pabalik na nagtanong sa malamig na boses, "Kung hindi 'yun, ano pa ba?"Kung wala naman palang future para sa kanila, bakit ba pilit p
Ang mabilis na pag-atake ay matagal nang naging habit ni Dani dahil sa mga taon niya sa courtroom battles.Ngunit 'di na bago kay Enzo ang matalim na side na ‘to ng babae. Nung nagde-date pa lang sila, ito mismo ang nakahatak sa kanya palapit dito. Magaling si Dani humawak ng tempo—alam nito kung kailan lalapit at kung kailan lalayo. Tulad nung bago naging sila, si Dani ang unang gumawa ng move, at nung naghiwalay sila, tinapos rin nito ang lahat sa isang malamig na salita bago tuluyang naglaho at nag-cut of contact.Kahit nahuli, walang kahit na katiting na hiya si Enzo. Titig na titig ang madilim niyang mga mata sa dalaga, at malamig ang boses nang magsalita, "Nakatayo ako sa labas ng mismong pinto ng apartment ko. How is that eavesdropping? You simply failed to notice me." Napakurap si Dani. Naisip niya kung ginagago lang ba siya ng utak niya—kasi sa isang segundo, parang nakarinig siya ng kaunting tampo at pride sa tono ng lalaki.‘Imagination ko lang 'yun,’ sa isip-isip niya. Si







