แชร์

KABANATA 25

ผู้เขียน: Yoonchae
“Para sa visa,” pagsisinungaling ni Luna sa natural niyang tono. “Niyaya ako ni Dani na magbakasyon sa Europe, pero maraming dapat asikasuhin na papeles. Narinig ni Mama kaya sabi niya mag-a-arrange daw siya ng agent na tutulong sa akin.”

Pagkatapos niyang magpaliwanag, biglang tumunog ang kanyang phone.

You have received 5,000,000 pesos in your account xxxx-0617

Natanggap na niya agad ang limang milyon.

Hinayaan na ni Ralph ang topic na ‘yon at binanggit ang tungkol sa text na na-receive niya
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก
ความคิดเห็น (3)
goodnovel comment avatar
Jhoyen Domingo
...........................
goodnovel comment avatar
Analyn Nonong
nako Luna mapurnada pa yata ang Plano mo
goodnovel comment avatar
DaisyandDigs Querubin Oguing
ang igsi naman ang ganda sana kaso daming storbo.. ..
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 694

    Kitang-kita na maganda ang mood ni Hunter.Akala ni Luna ay nagbibiro lang ang lalaki kaya sinakyan na lamang niya ang biro nito.“Hmm, talaga lang ha? Baka ang susunod na mangyari, ibibigay na rin sa akin ni Kuya Ethan ang position niya bilang CEO?”Mahinang natawa si Hunter at marahang kinurot ang pisngi niyang namumula dahil sa init ng shower. “Kung hihingin mo talaga, baka pagbigyan ka talaga.”Hindi maikakailang nagulat siya nang malaman niyang agad na ibibigay ng mga Padilla kay Luna ang five percent shares. Pero higit sa lahat, masaya siya para kay Luna dahil kitang-kita kung gaano siya pinahahalagahan ng pamilya nito.Sumulyap si Luna kay Hunter at nagpasyang tigilan na ang pakikipagbiruan dito.“Bilisan mo na at patuyuin mo ang buhok ko.”Siguro dahil nitong mga nakaraang araw ay naging maalaga sa kanya si Hunter, nasanay na si Luna na inaalagaan ng lalaki. Matagal na rin mula nang ito mismo ang magpatuyo ng buhok niya.Tinitigan siya ni Hunter nang may lambing.“Yes, my lady.

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 693

    Iyon naman ang katotohanan.Sa loob ng maraming taon, walang sinuman sa mga Padilla ang sumuko sa paghahanap kay Luna—kahit din ang Daddy nila.Pagdating kay Don Richard, ang paulit-ulit niyang pag-aalinlangan tungkol sa shares ay dahil lamang sa takot niyang baka magkaroon ng lamat sa relasyon ng apat na magkakapatid dahil dito.Nang makita ng matandang Gabriella na malinaw ang desisyon nilang lahat tungkol sa bagay na iyon, tumingin siya sa asawa bago humarap sa mga apo nila..“Hindi lang kayo ang nakakaramdam na may utang kayo kay Luna. Matagal na kaming nagdesisyon ng lolo ninyo na kapag dumating ang araw na mahanap namin siya, ibibigay ko sa kaniya ang lahat ng hotel na nasa pangalan ko.”Ang tinutukoy niya ay ang mga ari-ariang legal niyang minana nang pumanaw ang kaniyang mga magulang. Kahit gaano kalaki ang kinikita ng mga iyon ngayon, personal niyang pag-aari ang mga ito.Ramdam naman ni Pia na totoong gustong bumawi ng mag-asawang matanda kay Luna. Pero iniisip din niya ang n

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 692

    Pagdating sa shares ng Padilla Group, may bahagi ang matandang Gabriella, habang tig-sampung porsiyento naman ang hawak nina Raul, Ethan, at Enzo.Si Pia naman ay may thirty percent, kung saan ang twenty percent na hawak niya ay para kina Eve at Luna.Kumunot ang noo ni Don Richard."You don't need to worry about Luna's shares; Matagal nang nasa pangalan ng Mommy ninyo ang mga iyon. Pwede na iyong ilipat sa kaniya kapag dumating ang tamang panahon.”Malinaw na ayaw niyang guluhin ang balanse sa pagitan ng kumpanya at ng pamilya. Anuman ang mangyari, anak niya pa rin si Raul. Bukod doon, sa kahit anong pamilya, hindi naman talaga problema ang kakulangan sa pera. Ang tunay na problema ay kapag hindi fair ang paghahati nito.Kaya mula pa noon, palaging open at fair ang paraan ng mga Padilla sa pag-aasikaso ng kanilang yaman.“Lolo, , since when did you start playing dumb when you know perfectly well what's going on?" Ngumiti si Enzo na parang hindi niya napansin ang pagtutol ng matanda. “

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 691

    Hindi makakalimutan ni Luna na nakasalalay sa dalawang taong iyon ang katarungan para sa buhay ng mga taong nagpakalaki sa kaniya.Bumaling ang tingin ni Hunter sa mga dokumentong hawak niya bago napunta sa namumulang mga mata ni Luna. “Haharap sila sa hustisya.”Diretso at walang alinlangan ang sagot niya. Nauna na niyang inutusan si Emilio na maghanap ng mga evidence tungkol sa mga ginawa ni Nancy Montenegro noon. May mga paraan at techniques si Emilio na hindi pwedeng gamitin ng mga pulis dahil sa mga limitation ng kanilang trabaho.Ang problema lang, matagal nang nangyari ang lahat… Kaya kailangan lang nilang maghintay.Tahimik na napabuntonghininga si Luna bago ibinalik sa folder ang mga document nang hindi na binubuklat ang mga ‘yon.“Mm. Gano’n din ang iniisip ko.”Kahit anong baho ang itago ng isang tao, may maiiwan at maiiwan pa ring bakas… Lalo na kung buhay ng tao ang nawala.—Alphaland Villa…Pagkababa ni Eve ng tawag, agad niyang naramdaman ang mga matang nakatuon sa kani

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 690

    Totoo at malambing ang tono ng dalaga. Unti-unting nakaramdam ng ginhawa ang dati’y pagod na isip ni Eve."Then... thank you, too."Ano ba ang ginawa niya para maging karapat-dapat sa ganoong klaseng trust?Pagkababa ng tawag, bumalot sa paligid ang malalim na katahimikan, na paminsan-minsan lang napuputol ng mahihinang ingay mula sa sala.Ang papalubog na araw ay nagbuhos ng malambot na liwanag sa mukha ni Luna. Bigla siyang may naalala. Mabilis niyang ibinaling ang ulo kay Hunter at itinuro ang daliri sa dulo ng ilong nito.“Alam mo na ba noon pa na posibleng may connection talaga sa mga Padilla ang bagay na ito?”Magaan ang tono niya at wala ni katiting na galit. Bahagyang kumurba ang labi ni Hunter."Settling the score later?"“Naging curious lang ako. ’Yun lang.”“Mm.” Tumango si Hunter bago sinabi sa kaniya ang totoo. “Si Chief Douglas—’yung nabanggit ni Eve kanina—ang pinuno ng Tagaytay Police Dept noon. Matagal din siyang naging kasamahan sa militar ng Don ng mga Padilla.”Nang

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 689

    Ang tawag sa ganitong oras ay malamang nangangahulugan lamang na may result na.Kaya hindi na balak ni Hunter na magtago pa ng kahit ano kay Luna. Mabuti man o masama ang balita, may karapatan siyang malaman.Nang makita ang pangalan ni Eve, kusa at mabilis na nanigas ang katawan ni Luna. Kahit walang sabihin si Hunter, nahulaan na niya ang rason kung bakit tumatawag ni Eve.Si Aslan, na nakatayo sa tabi niya, ay naramdaman ang kaba niya. Marahan nitong idinikit ang ulo sa hita niya, isang tahimik na paraan ng pagpapakita ng pag-aalala.Inalis ni Luna ang tingin sa screen at tumingin kay Hunter nang walang pag-aalinlangan.“Sagutin mo na.”Alam ni Hunter na handa na ang isip nito, kaya inakay niya ito papunta sa kalapit na upuan bago pindutin ang speakerphone.“Hello, Eve.”"Is Luna with you?"Sa kabilang linya, matatag at malamig pa rin tulad ng dati ang boses ni Eve, bagaman may bahid ng pagod na halos hindi mapansin.Lalong nakumpirma ni Luna ang kutob niya. Hindi na niya hinintay n

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status