LOGINSa Sacred Heart Hospital, sa loob ng VIP suite.Pagkatapos malaman na ligtas na nakabalik si Luna sa mansyon kagabi, naging maayos na ang tulog ni Pia.Nang imulat niya ang mga mata niya nang mag-umaga, nakita niyang nakaupo sina Raul at Eve sa tabi ng kama niya, ayaw siyang iwan kahit isang segundo.Binalewala nang tuluyan ni Pia ang asawa niya. Iniharap niya ang pagod niyang mga mata sa panganay niyang anak, nagtatanong nang may matinding pag-aalala, "Eve, bakit 'di ka umuwi kagabi?""You're my mother," mahinang sagot ni Eve, puno ng lambing ang boses. "How could I sleep comfortably knowing you were in a hospital bed?" Kahit bakas ang pagod sa paligid ng mga mata ni Eve, pilit siyang ngumiti. Tinulungan niya ang mommy niya sa banyo para mag-ayos, at pagkatapos lang magmakaawa ni Pia nang paulit-ulit tsaka ipinaliwanag ni Eve ang lahat ng nangyari kagabi.Kahit na ligtas na ang lahat ngayon, napasinghap sa takot si Pia nang marinig ang mga detalye. "Sinasabi mo ba na... napabagsak ni
Binalingan ng tingin ni Hunter si Luna. Sobrang natural lang ng mukha nito, walang kahit kaunting bakas ng guilt.Napatawa siya nang mahina. "So alam ni Lola, but I'm kept in the dark?" Kumuha si Luna ng mainit na karne, isinawsaw sa suka, at sumagot nang 'di man lang kumukurap, "Sinabi ko na sa 'yo ah.""Kailan mo sinabi?" Napaisip si Hunter. "Was it while I was sleeping?" Nanatiling tahimik si Luna. 'Di naman niya pwedeng sabihing, Nung tulog ako, hindi nung tulog ka.Nang gabing iyon, naipagtapat na niya ang lahat, kaso masyado itong nadala ng emosyon para makinig. Ang akala lang nito noon, pilit niyang pinapaako ang anak ng ibang lalaki para mahalin nito bilang sarili nitong anak."Why aren't you saying anything?" Nang makitang tahimik si Luna, bubuksan pa sana ni Hunter ang bibig niya para asarin pa ito, kaso nahuli ng mga mata niya ang pamumula ng mga tainga nito.Nung ma-realize niya kung anong ibig sabihin noon, naglagay si Lola Divina ng steamed dumpling sa plato niya."Kah
'Di na nagulat si Aubrey sa nakakadiring salita nito. Alam niya simula’t sapul pa lang na hayop ang lalaking 'to.Nakakuyom ang mga kamay niya sa galit, umiyak siya nang husto sa harapan nito, "Pero sabi ng doktor na maselan ang pregnancy ko! Kapag may ginawa kang kalokohan ngayon, baka malaglag ang anak natin!"Akala niya, kahit papano, maaawa ang lalaking 'to sa sarili nitong dugo't laman.Pero sa halip, tumawa lang ang isang hayup na Paul Manzano na parang may narinig na nakakatawang biro. Inabot nito ang switch ng ilaw para patayin iyon, at saka nagsalita. "Akala mo naman gawa sa purong ginto 'yang baby mo. Kung mamatay siya, edi mamatay."Ramdam ni Aubrey na parang itinapon siya sa napakalamig na ilog. Nanginginig siya na parang dahon, sinusubukang gisingin ang anuman ang natitirang kunsensya ng lalaking ‘to. "Paul naman! Dala-dala ko ang anak MO!"Lalong lumakas ang tawa ng lalaki, puno ng disgusto ang mga mata nito."At sino namang nakakaalam kung kaninong anak 'yang dala-dala
Halos hindi maitago ni Jane Manzano ang tuwa niya sa narinig mula sa driver. Tinakpan niya ang bibig, kunwari’y gulat at tumingin sa asawa niyang si Carlo Manzano. "Oh my goodness, darling, anong gagawin natin ngayon...?"Namutla nang tuluyan ang mukha ni Paul. Binalewala niya si Aubrey at natatarangang humarap sa driver. "Teka! Ibig mong sabihin... hindi siya totoong Padilla? Kung ganun, paki-sabi naman kay Enzo na… willing akong pakasalan ang totoo nilang nawawalang kapatid!”Malamig at napilitang ngumiti ang driver. "Mr. Manzano, payong kapatid lang, 'wag mo nang iuulit 'yang mga salitang 'yan sa harap ng boss ko. Mabilis uminit ang ulo nun. Kapag narinig ka niyang sinasabi ‘yan, baka patayin ka pa nun nang wala sa oras."Pagkasabi nun, tinapakan na ng driver ang gas para umalis."Teka muna! Please!" Nataranta na nang tuluyan si Paul, 'di na niya pinansin ang mga nang-uuyam na tingin ng pamilya niya. Kumapit siya sa pinto ng kotse, nanginginig ang boses sa desperasyon. "Please, tel
Ang mga histerikal na sigaw ni Aubrey ay binalewala lamang ng driver.Ang driver na ito ay isa sa mga personal na tauhan ni Enzo—mas walang awa at mas 'di strikto ‘di gaya ng mga tauhang nagtatrabaho para kay Eve o Ethan. Isa lang ang sinusunod niyang utos… gawin ang utos ng boss niya nang wala nang marami pang tanong.Biglang tinapakan ng driver ang preno at gumilid sa kalsada. Agad namang huminto ang tatlong malalaking itim na SUV na sumusunod sa kanila, pinalilibutan ang bawat posibleng daan kung sakaling tumakas si Aubrey.Nakatitig si Aubrey sa labas ng bintana dahil sa matinding takot. 'Di lang pala isang driver ang ipinadala ni Enzo—isang buong squad ang ipinadala nito. Kahit lumaban pa siya ng buong lakas niya, 'di na siya makakatakas sa mga ito!Nang makitang nanginginig ito sa takot, humarap ang driver sa babae. "Miss Aubrey, kung 'di ka makikipag-cooperare tatawagan ko na si Mr. Paul Manzano para siya mismo ang sumundo sa 'yo dito. Alam mo naman kung anong klaseng tao ang l
Mabilis pa rin ang traffic sa mga kalsada ng lungsod kahit gabi na.Isang driver lang ang ibinigay ni Enzo para ihatid si Aubrey. Pero walang pakialam si Aubrey—basta 'di siya naka-house arrest o pinipigilang makapasok sa pamilya ni Ralph, kuntento na siya.Napasimangot siya sa sarili habang nakatingin sa labas ng bintana, pero bigla siyang natigilan. "Wait... mali 'yung daan mo ah? Mag-waze ka kung 'di mo kabisado ang daan!"Hindi siya pinansin ng driver, tuloy-tuloy lang sa mabilis na pagpapatakbo sa madilim na kalsada nang 'di nag-iiba ng direksyon.Tuluyang nagalit si Aubrey, "Bingi ka ba?! Sinabi ni Enzo na dadalhin mo ako sa mga Camero, di ba! Kung dito tayo dadaan, anong petsa pa tayo makakarating doon?!"Maling-mali talaga ang direksyong ito…Huminto ang kotse nang mag-red light, at tiningnan siya ng driver mula sa rearview mirror nang may inis sa mga mata. "Kailan sinabi ni Sir Enzo na ihahatid kita sa mansyon ng mga Camero?”Mabilis na tumibok ang puso ni Aubrey sa kaba. "Ano






