Share

KABANATA 6

Author: Yoonchae
Lumakad si Luna palabas ng mansyon nang mayroong mas malalang pilay.

Sa loob ng tatlong taon, tuwing hindi siya sinasamahan ni Ralph para sa family dinner, lagi siyang binubugbog ng pamilya.

Hindi na nga siya nagulat pa.

Ni hindi alam ni Ralph na sa tuwing pinatutunayan niya ang sinseridad niya sa kalaguyo niya, lalo niyang itinutulak si Luna sa bangin.

Para sa mga Montenegro, walang silbi ang isang babae na hindi man lang kayang hawakan ang puso ng kanyang asawa.

Napabuntonghininga ang katiwala. “Bakit naman kasi sobrang honest niyo, Ma’am? Kung gumawa ka lang ng palusot at nagsinungaling sa Lola mo, hindi ka sana napahamak nang ganito.”

“Uncle Roy.” Kalmado ang maliit na mukha ni Luna, ni walang bakas ng hinanakit. “Si Lola ang nagpalaki sa akin. Kaya kong magsinungaling sa kahit kanino, pero hindi sa kanya.”

“Hay.” Makikita ang awa sa titig ng katiwala sa kanya. Tinitigan nito ang namumula niyang palad. “Huwag mo nang patagalin pa iyan. Pumunta ka na agad sa ospital.”

“Sige po.” Tango niya at wala nang iba pang sinabi.

Pinauna na niya si Mang Fabian sa pag-uwi kaya naman bawat hakbang niya ay ramdam niya ang sakit ng katawan.

Kung ang matandang Felicia Camero, pinaluhod si Aubrey sa mabatong bakuran. Ang kanyang Lola Nancy ay may habag pa at pinaluhod lamang siya sa sementadong kalye sa labas ng mansyon.

Dahil na rin sa sunod-sunod na pag-ulan at malamig na panahon, hindi siya nahirapan sa parusang natanggap.

Pero habang nagtatagal, bumabaon ang balat niya sa malamig na semento, at tila ba tinutusok ang kanyang mga binti.

Kapag hindi siya nagbalanse nang maayos, darating ang isang katulong na may dalang pamalo at papaluin ang kanyang mga palad.

At sa pagkakataong ‘yon, sobrang hapdi ng palo dahilan para magsugat at dumugo ang kanyang balat.

Ang mansyon ng mga Montenegro ay nakatirik sa gitna ng mga palayan, napapaligiran ng kabundukan at ilog, maganda ang tanawin.

Sa huli, pinili niyang mag-book ng sasakyan online, pero dahil gabi na at nag-uulan, pumayag lang ang driver na hintayin siya sa dulo ng mahaba at pababang kalsada.

Bawat hakbang pababa ay pahirap para kay Luna.

Malamig ang panahon, pero pawis na pawis ang kanyang masakit na likod.

Sa di kalayuan, isang mahabang itim na Bentley ang dahan-dahang umaandar sa madulas na kalsada. Matalas ang mata ng driver at binilisan ang takbo.

“Sir, parang may dalagang naglalakad sa unahan natin.”

Sa likurang upuan, nakaupo ang isang lalaki, nakasandal, nakakrus ang mahahabang mga binti. Malalim at matalim ang mukha nito, puno ng awtoridad.

Ni hindi man lang niya tinaas ang tingin sa narinig, tanging isang malamlam na “Hmm” lamang ang lumabas sa bibig niya kaya mahirap hulaan ang kanyang iniisip.

Hindi na nakatiis ang assistant sa unahan. “Sir, titigilan ba natin ang dalaga?”

“You really want to?” Mababa at malamig ang boses ng lalaki, ngunit nakakakilabot.

Hindi na nakasagot ang assistant.

Makalipas ang ilang sandali, dumako rin ang tingin ng lalaki sa nanginginig na pigura sa unahan. Naningkit ang kanyang mga mata.

“Check what Ralph Camero is doing tonight.”

“Na-check na po. Magkasama sila ngayon ni Aubrey De Guzman,” mabilis na sagot ng assistant. “Sir, baka ilang oras na si Ma’am sa labas. Hindi na niya kaya.”

Pagkasabi niya noon, biglang bumagsak ang pigura sa lupa.

“Sir, iyon nga ang sinasabi ko—”

“Bang!”

Bumukas ang pinto ng kotse. Bumaba ang lalaki nang malamig ang ekspresyon ng kanyang mukha. Binuhat niya si Luna at binalot ito gamit ang kanyang suit.

Agad namang bumaba ang assistant at binuksan ang likurang pinto ng sasakyan. “Sir, sa ospital po ba o saan?”

“Let’s go back to the mansion first.”

“Opo.”

“Siguraduhin mong nandoon na ang doktor.”

“Nakontak na po.”

Tahimik na pinatay ng driver ang aircon sa sasakyan.

Sa loob ng kotse, napagmasdan ng lalaki ang mga tuhod ni Luna. Kumislap ang malamig na galit sa kanyang mga mata, ngunit nanatiling malamig ang boses nang magsalita, “She was pretty ruthless.”

“Matagal na pong malupit si Madame Nancy,” bulong ng assistant.

“Dean Montenegro is going back to Manila one of these days, right?”

“Opo.”

“Make an arrangement then.”

“Magkano po?”

Mariin niyang tiningnan ang assistant, ang makakapal niyang kilay ay galit. “What do you think?”

***

Ramdam ni Luna ang kawalan ng lakas nang magising siya.

Gayunpaman, hindi na ganoon kasakit ang kanyang katawan.

Ang mga palad at tuhod niyang dapat ay namamaga at masakit, ngayon ay halos wala nang hapdi, bagama’t nakakatakot pa rin ang itsura ng mga ito.

Maging ang kirot sa kanyang balakang na ilang araw na niyang iniinda, ngayon ay nabawasan na rin.

Pero hindi siya dapat naroon sa lugar na ‘yon.

Napakunot ang kanyang noo at muntik nang tawagan ang front desk ng hotel para magtanong, ngunit napahinto nang maamoy niya ang kung anong gamot na pinahid sa kanyang katawan.

Napatulala siya, at pagkaraan ng ilang sandali ay kinagat niya ang ibabang labi. Kinuha niya ang pamilyar na bote ng special ointment sa side table, pagkatapos ay mabilis na nag-check-out at umalis sa lugar na ‘yon.

Nang makauwi, napansin niyang tila payapa ang lahat.

“Luna, you’re back!” Masaya siyang sinalubong ni Aubrey.

Malamang, masaya ito dahil pinaligaya ito ni Ralph kagabi.

Wala siya sa mood para tapunan pa ng atensyon ang babae.

Ngunit hindi nagpatinag si Aubrey. Lumapit siya kay Luna at inayos ang buhok, saka ipinakita ang pares ng pink diamond earrings na kanyang suot. Kumikislap ang mga ‘yon at nakakasilaw sa ganda.

Kabilang sa rare collections ang pink diamonds na suot ng babae.

Matagal nang gusto ni Luna ang set na iyon. Naghintay pa siya nang matagal hanggang sa ibalik sa auction ang set. Nangako si Ralph na bibilhin iyon at bibigay sa kanya.

Sabi pa nito, bagay na bagay daw sa kanya ang link pink at bagay daw ang pink diamonds sa kanya.

At ngayon, mukhang ginamit din ni Ralph ang pangbobolang iyon kay Aubrey at binigay dito ang pink diamonds.

Hindi nakaligtas kay Aubrey ang lungkot sa mukha ni Luna. Nagtaas-noo siya at ngumiti, “Narinig ko noon kay lola na marunong ka raw sumuri ng alahas. Paki-tingnan mo naman itong hikaw. Ano sa tingin mo? Ralph bought them for me, and it’s over 10 million pesos. Ano, bagay ba sa akin?”

“Hmmm, ayos lang.”

Pinilit ni Luna na pigilan ang pait sa dibdib at saka ngumiti. “Pero huwag mong kalimutan, kasal pa rin kami ni Ralph. Kalahati ng perang winaldas niya ay akin.”

“Kung tama ang tanda ko, 12 million daw ito.”

Kinuha niya ang kanyang phone at may tinype.

“Ah talaga? Well, siguraduhin mong ita-transfer mo ang anim na milyon ko sa bank na ito bago maggabi. Kung hindi, si Lola ang sisingilin ko.”

Pagkasabi niya noon, tumunog ang phone ni Aubrey, indikasyon na pumasok ang isang text message.

Account number ng banko!

Nagdilim ang paningin ni Aubrey sa sobrang galit.

Punyeta!

Araw-araw na lang bang gagamitin ni Luna ang matandang Felicia na ‘yon para takutin siya?!

At anim na milyon!

Ni hindi pa nahahati ang yaman ng pamilya Camero! Limang milyon lang ang nakuha niya nang mamatay si Randall!

Samantala, walang pakialam si Luna kung may perang pambayad si Aubrey o wala. Matapos maligo, nagsimula siyang magligpit ng gamit.

Binasura niya lahat ng walang silbing gamit para hindi na makaabala pa kapag umalis na siya.

Dinala niya ang basurahan at itinapon ang lahat ng walang kwentang bagay. Ni hindi na siya nag-atubili pa.

Kinuha pa niya ang kanyang wedding dress, ipinabalot, at inutusan si Manang Celia na itapon iyon sa ibaba.

Sakto namang dumating si Ralph at nadatnan iyon.

Nakita niya ang nakabalot na wedding dress at biglang kinabahan.

“Why did you take out your wedding dress?”

Diretsong tinitigan siya ni Luna at malamig na sagot, “Itatapon ko na.”

Ang mga bagay na wala nang silbi, dapat lang na itapon.
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 200

    Namayani ang sandaling katahimikan sa pagitan nila.Tiningnan ni Hunter si Lian, malamig na kaunting aliw ang mga mata, na para bang nakarinig siya ng isang nakakatawang na biro. “Kailan pa ba naging maganda ang reputasyon ko?”Sa loob ng pamilya Montenegro, isa siyang bastos at walang galang na apo. Sa labas naman, sino ba ang hindi nanginginig sa takot kapag nakikita siya? Nasamid si Lian, ang boses ay naging matigas. “At ang reputasyon niya? Wala ka bang pakialam kay Luna?”“Meron.”Iyon ang dahilan kung bakit hindi niya binalak na isapubliko ang relasyon nila bago ang annulment ni Luna.“Pero kung ipagpapatuloy mo ito, ang reputasyon ni Luna ang—”Malamig siyang pinutol ni Hunter. “So you better shut your mouth and don’t tell anyone.”Kalahating paalala, kalahating babala.Madalas siyang suplado at malayo ang loob, pero nang dumapo ang tingin na iyon sa kanya, naramdaman ni Lian ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.“N-Naintindihan ko.” Ang kanyang mga kuko na maayos ang pagka

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 199

    Ang kamay ni Hunter na kanina pa nakahawak sa kanyang bewang ay hindi niya namalayang bumaba, at may natuklasang bahagyang kabasahan… doon sa parteng ‘yon… Biglang napaatras si Luna at itinulak ang lalaki.“Huwag!” Kahit na inihanda na niya ang kanyang sarili para rito, talagang hindi pa ready si Luna sa ngayon. Sa kaibuturan niya, conservative pa rin siyang babae. Kahit babae lang siya nito, gusto niyang ang kanyang first experience ay mangyari sa isang lugar na ligtas. Hindi rito, kung saan may maaaring pumasok anumang sandali.Nanginig ang kanyang boses. Inalis ni Hunter ang kanyang kamay, ang tono ay matigas at hirap. “Not here?”“Oo.” Tumango si Luna at hinawakan ang marble na doorknob. “Babalik na ako sa private room.”Nang hindi mag-react ang lalaki, mabilis siyang lumabas, nag-ayos ng lipstick sa banyo, at nagmamadaling bumalik sa silid. Kahit habang binubuksan niya ang pinto, mabilis pa rin ang tibok ng kanyang puso. Kung alam niya lang noon na mahilig pala si Hunter sa

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 198

    Para sa mga outsider na gaya ni Lian, napaka-normal lamang ng tanong na ‘yon. Kasing-normal ng pagtatanong sa isang bata, “Sino ang mas gusto mo, ang Mama mo o ang Papa mo?” Pero ang relasyon nina Luna at Hunter ay malayo sa normal. Kaya naman, ang tanong ay naging hindi rin normal para sa kanya…Sabay na tumingin sa kanya sina Hunter at Ralph, pati na rin ang lahat ng naroon, tahimik na naghihintay sa kanyang sagot. Bahagyang ngumiti si Luna at tapat na sumagot. “Walang importante sa kanila.”Ang sagot niya ay nagpatawa sa lahat, bagaman wala ring nagulat. Iniwan siya ni Hunter sa loob ng walong taon. Hindi naman siya tinabihan sa kama ni Ralph sa loob ng tatlong taon dahil kay Aubrey. Kaya totoo, pareho lang silang may pagkukulang.Matapos ang ilan pang round ng laro, may nagmungkahi ng mahjong. May dalawang mesa sa loob ng private room na pinaghihiwalay ng isang screen. Relaxed na relaxed ang atmosphere doon; walang nangingialam sa bawat isa. Sina Hunter, Ralph, Miguel, at Da

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 197

    Gusto pa ngang ipaliwanag ni Dani kay Luna ang totoong relasyon nina Hunter at Lian. Lumapit siya sa tainga ni Luna at bumulong, “I’ll admit it, ang bilis tumanggi ng boyfriend mo. Mukhang ayaw kang mag-isip ng kung ano.”“…” Gusto sanang sabihin ni Luna ang totoo, pero pinigilan niya ang sarili.Kahit walang pakundangan ang pagtrato ni Hunter kay Lian, nanatili pa rin ang babae sa loob ng private room. Bahagyang nagbago ang timpla ng paligid.Mukhang walang pakialam si Hunter habang kaswal na nakaupo sa sofa. Matapos sulyapan si Dani na nasa tabi ni Luna, ibinaba niya ang kanyang tingin at pinaglaruan ang kanyang phone, tila may tinitext.Hindi nangahas si Luna na tumabi kay Ralph; sa halip ay hinila niya si Dani sa kabilang sulok. Hanggang sa nag-suggest si Miguel na maglaro ng Truth or Dare para sumigla naman ang lahat.Simple lang ang rules, maghahalinhinan sa pag-ikot ng bote. Kung kanino ito tumapat, siya ang talo, at ang nag-ikot ang magtatanong o magbibigay ng dare. Hindi ito

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 196

    Ang New Year na ito ang pinaka-relaxing na naranasan ni Luna sa nakalipas na mga taon. Bihira lang na makaraos siya sa isang taon nang walang anumang gulo.Sa loob ng dalawa o tatlong sunod-sunod na araw, walang ingay mula sa kabilang apartment. Nanatili lang sina Luna at Dani sa loob ng apartment, kapwa abala sa kani-kanilang trabaho. Ang coffee table ay puno ng mga papel na may mga research ideas, at ang desk naman ay may mataas na tumpok ng mga file.Kinahapunan, kakatanggap lang ni Luna ng isang tasa ng kape mula kay Dani nang biglang nag-vibrate ang kanyang phone na nakataob sa mesa.Kinuha niya ito, sinulyapan ang screen, at sinagot ang tawag.“Oh, Migz, napatawag ka?”Sa kabilang linya, nanunuksong sumagot si Miguel, “Hey Luna, New Year na ah! Bakit hindi mo man lang ako tinawagan?”Napangiti si Luna. “Nag-send ako ng text message sa lahat.” Nagpadala siya ng pagbati noong madaling-araw ng mismong araw ng New Year, kabilang na ang mga lalaking naging malapit sa kanya.Tumawa

  • Dumped My Ex-Husband, Claimed by the Top Boss   KABANATA 195

    Siyempre, malinaw na malinaw pa sa alaala ni Rowena ang nangyaring iyon. Sa car accident na iyon, nawala ang pinakamahalagang lalaki sa kanyang buhay. Pagkatapos niyon, hindi na niya naisip pang mag-asawang muli.Isang bakas ng sakit ang kumislap sa mga mata ni Rowena. “Bakit mo binabanggit ‘yan?”“Sigurado akong naaalala mo nang malinaw, Mama?” tanong ni Aubrey.“Of course, I remember.”“Theb, naaalala mo pa ba ang pulis at ang batang babae na nagligtas sa inyo ni Ralph?” patuloy ni Aubrey.“Naaalala ko.” Sa alaala ni Rowena, ang batang babaeng iyon ay may masayahin at maningning na personalidad, parang isang sunflower na maayos na inalagaan. Napaka-kaibig-ibig. Kung hindi lang masyadong nagmamadali ang lahat noon, baka ipinagkasundo pa ni Rowena si Ralph sa batang iyon.Ang pamilya ng mga pulis ay maaaring hindi mayaman, pero malinis ang kanilang pinagmulan. Dagdag pa ang masunurin at kaibig-ibig na ugali ng bata, sila ni Ralph ay magiging perpektong couple sana.Kumunot ang noo ni

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status