Masakit ang katawan ni Lyra. Hindi lang dahil halos wala siyang tulog matapos ang kagabi.
Hindi pa rin makapaniwala ang utak niya sa lahat ng nangyari. Ikinasal siya sa isang estranghero. Sa isang lalaking inakala niyang may kapansanan. At sa loob lang ng isang gabi, nadama niya ang pinaka-wild, pinakakakaibang gabi ng buong buhay niya. Habang nakasabit sa balikat ang tote bag at may hawak na paper cup ng kape, pinilit niyang maglakad papunta sa office building ng Revive Media Corp.—ang kompanyang pinagtatrabahuhan niya bilang junior marketing associate. Pilit niyang pinigilan ang sarili na matulala, lalo na’t may trauma pa siyang nararamdaman sa nangyaring kahihiyan kahapon. Ayaw niyang pag-usapan. Ayaw niyang isipin. Isa lang ang nasa isip niya ngayon—magtrabaho at makaipon, kahit na parang sunog pa rin ang puso niya. Pagpasok niya sa lobby, tahimik ang paligid. Karamihan sa mga empleyado ay abala sa kani-kanilang gawain. Ngunit ilang sandali pa lang siyang nakaupo sa desk niya nang biglang lumipad ang bulungan sa buong departamento. “May bagong CEO raw!” “Sobrang private raw ng background, pero powerful ang connections.” “Today daw unang araw niya papasok—international investor!” “Bata pa raw, pero grabe raw ang yaman.” Lyra sipped her coffee, disinterested. Bago na naman? Ilang CEO na ba ang dumaan sa kompanya? Wala namang nagtatagal. Kung tutuusin, hindi niya priority kung sino ang nasa taas—basta siya, makakain ng tatlong beses sa isang araw at mabayaran ang kuryente. Pero natigilan siya nang maramdaman niyang nagbago ang energy sa buong floor. Lahat ay napalingon sa entrance ng marketing department. Kahit si Grace, ang HR officer, ay mukhang hindi alam kung paano tatayo nang maayos. “He's here.” And then… she saw him. Her husband. Elias Montero. Suot ang navy blue Italian suit. May mamahaling wristwatch. Impeccably styled hair. “Good morning,” aniya sa malamig na boses. “I’m Elias Montero. Effective today, I’ll be overseeing Revive Media’s restructuring and operations.” Nagtayuan ang lahat. May mga ngumiti, may mga napatulala. Pero si Lyra? Halos mabitawan ang kape. “Put... ang ina.” Namutla siya. Ang pinakasalan niya kagabi at isa pa lang CEO! Parang mas lalong nabaon si Lyra sa sahig nang biglang tumingin si Elias sa direksiyon niya at ngumiti. Hindi basta ngiti—‘yung ngiting may bahid ng panunukso, pagmamay-ari, at halatang-halatang alam niya ang sikreto nila. “Ms. Santiago,” bati niya sa mas malalim na boses. “Nice to see you again.” Napapikit si Lyra at ilang beses na nanalanging kainin na lang sana siya sa lupa. Makalipas ang ilang minuto, pumasok si Elias sa kaniyang opisina. Lahat ng empleyado ay kinikilig, natsitsismis, nagtatanong kung single ba ang bagong CEO. Si Lyra, tulala pa rin sa kinauupuan niya. Hindi niya alam kung tatawa, iiyak, o tatakbo palabas ng building. “Lyra,” tawag ni Grace, lumapit sa cubicle niya. “Pinapatawag ka raw ni Sir Elias. Now.” Napakunot ang noo ni Grace. “Teka… ginawa mo ba agad something? Galit ba siya?” "Oh my God," bulong niya. "Hindi pwede ‘to. Huwag kang mag-assume, Grace. Hindi mo alam kung anong klaseng gulo ‘to." “Okay ka lang?” tanong pa ni Grace, pero wala na siyang sagot. Tumayo na si Lyra, suot ang pinakapormal niyang itsura, kahit ang totoo ay gusto na niyang manuntok ng pader. Pagkapasok niya sa opisina, agad siyang sinalubong ng tanawin na hindi niya inaasahan. Si Elias na nakaupo sa swivel chair. Nakapatong ang isang paa sa lamesa. At ngumiti ulit nang makita siyang pumasok. “You look like hell,” aniya. Napatingin siya sa pinto. “Can I walk out?” “No. Close the door, Mrs. Montero.” “Don’t call me that,” mariing sagot ni Lyra. “Why not? You’re my wife, aren’t you?” “Hindi rito. Hindi ngayon.” Tumayo si Elias, marahang lumapit sa kanya. “Bakit ba?” usal niya. “Bakit hindi mo sinabi na ikaw ang CEO ng kompanya ko?” “Kompanya natin,” aniya habang tumigil sa harapan niya. “You’re my wife now. Anong say mo, co-owner ka na rin.” Sinampal siya ni Lyra—hindi malakas, pero sapat para iparamdam ang inis niya. “I trusted you! Akala ko… akala ko simpleng tao ka lang! Hindi pala! Niloko mo ako!” Elias leaned in, eyes darkening. “I never lied, Lyra. I just didn’t correct your assumptions. You married me without asking a single question. And I liked that.” “Anong ibig mong sabihin?” “I liked that you didn’t know who I was. That you married me not for my name. Not for my money. Not for what I can give you.” Napaurong si Lyra. “You’re insane.” “You’re mine.” “Don’t you dare—” Pero bago pa siya makapalag, hinawakan ni Elias ang baywang niya at hinila siya papalapit. Parang automatic ang katawan ni Lyra na tumutol, pero ang puso niya? Bakit parang... gusto pa rin niya ‘yung init na ‘yon? “'Wag kang mag-alala,” bulong ni Elias, “hindi ko sasabihing asawa kita. Pero kung aarte ka pa ng ganiyan sa harap ko, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.” “Stop it,” bulong ni Lyra, namumula na sa inis. “Make me.” Hinawi niya ang kamay nito, pero ngumisi lang si Elias. “By the way,” dagdag nito habang bumalik sa kaniyang upuan, “I’ll need your full cooperation this week. You’ll be reporting directly to me. Every day. Every hour. In my office.” “Excuse me?!” “It’s an order, Ms. Santiago. Or should I say... wifey.” Umalis si Lyra, galit at naguguluhan. Paglabas ni Lyra mula sa opisina ni Elias, parang gusto niyang maglaho na lang sa sahig. Mabuti na lang at nakapagsara siya agad ng pinto bago niya maibulalas ang sarili niyang mura. Pero hindi pa man siya nakakalayo, sinalubong na siya ng ilang katrabaho. “Lyra, okay ka lang?” tanong ni Mariel, na halos hindi mapakali sa curiosity. “Tiningnan ka ng bagong CEO kanina… tapos pinatawag ka agad. Pinagalitan ka ba?” “Bakit ka ang unang pinatawag?” sabat naman ni Renz. “May nagawa ka ba? As in, first day pa lang niya!” Hindi alam ni Lyra kung ano ang sasagot. Literal na parang sinusunog ang utak niya sa dami ng iniisip. Pakiramdam niya ay isa siyang walking timebomb—isang maling salita lang, puputok na siya. “Wala, okay lang,” sagot niya, sabay yuko. “Baka… baka hindi rin ako magtagal dito.” “What?” halos sabay-sabay na tanong ng mga kasama niya. “Hindi ko lang vibe ‘yung bagong CEO,” bulong niya, sabay isinubsob ang mukha sa mesa. “Promise, mukha siyang… manipulative na mayabang.” “Grabe ka, Lyra,” tili ni Mariel. “He’s strict, yes. Pero girl, he’s so hot. Kung ako ‘yan, okay lang mapasigawan ako sa meeting basta siya ang sumisigaw.” “True,” sabay tango ni Renz. “May pagka-Christian Grey vibes. Ayoko ng bossy sa life, pero pag gano'n kagwapo… I might just reconsider.” “Hay naku,” ungol ni Lyra. Bigla namang nag-vibrate ang phone niya. Kinuha niya ito mula sa drawer ng desk at napakunot ang noo nang makita ang pangalan sa screen. Elias Montero. Napakunot ang noo niya. How the hell did he even get my number? Binasa niya ang message. Elias: Lunch. Sa office ko. 12:30. Huwag kang tatanggi. Kapag pumayag ka, I’ll increase your salary. Umigting ang kilay ni Lyra. Anong klaseng boss ang nag-o-offer ng raise kapalit ng lunch?! Muling nag-text si Elias. Elias: Don’t overthink. You’re my wife. I feed what’s mine. Lalong uminit ang ulo niya. Napasubsob ulit siya sa desk. Bakit parang mas madali pang kausapin si Satanas kaysa sa lalaking ‘to?Maagang gumising si Lyra, gaya ng nakasanayan niya sa tuwing may espesyal na araw. Pero ngayong araw, kakaiba ang sigla niya. Si Elias kasi, ang asawa niyang matagal nang naging sentro ng buhay niya, ay magdiriwang ng ika-60 na kaarawan. Tahimik niyang inayos ang tray ng almusal — kape, pandesal, itlog, at kaunting fruits. May maliit din siyang cake na may nakasulat na “Happy 60th, My Forever Love.” Habang inaayos niya iyon, hindi niya maiwasang mapangiti. Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang, sinasaway pa niya si Elias sa kakulitan nito noong una pa lang silang nagkakilala. Ngayon, animnapung taon na ito, pero sa paningin niya, siya pa rin ang pinakaguwapong lalaki sa mundo. Habang paakyat siya sa hagdan, dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kwarto nila. Tulog pa si Elias, pero kahit nakapikit, bakas pa rin ang lalim ng mga linya sa mukha nito — mga linyang dulot ng taon, ngunit para kay Lyra, iyon ang patunay ng bawat sandaling ipinaglaban nila ang isa’t isa. Nilapag niya
Tahimik na ang buhay ng mag-asawang Montero. Matapos ang mga gulong pinagdaanan nila, tila bumalik na sa normal ang lahat. Wala nang mga pagtatangka sa buhay nila, wala nang mga lihim na biglang sumasabog. Sa unang pagkakataon matapos ng napakaraming taon, tunay na kapayapaan ang naramdaman nila. Araw-araw, si Lyra ay abala sa pagpapatayo ng Montero Hope Foundation — isang proyekto niyang matagal nang pinangarap. Isa itong malaking gusali sa Quezon City, kung saan ilalagay ang mga batang palabuy-laboy sa kalsada at bibigyan ng pagkain, edukasyon, at tahanan. “Sir Elias, Ma’am Lyra, maganda na po ang progress sa construction site,” ulat ni Leo, ang project manager, habang tinitingnan nila ang mga trabahador na abala sa pagbubuhat ng semento at bakal. “Baka next month, ready na po for partial opening.” Napangiti si Lyra, habang nakatingin sa mga batang naglalaro sa tabi. “That’s good news, Leo. I want the place to be ready before Christmas. Gusto kong may matitirhan na sila bago mag-h
Lumipas ang mga buwan, at habang dahan-dahang lumalaki ang tiyan ni Bianca, napansin ng lahat ang pagbabago sa kanya. Noon, palaban siya — mabilis makipagtalo, laging may matalim na sagot sa kahit sinong mang-insulto. Pero ngayon, tahimik na siya. Hindi na siya halos nagsasalita maliban kung kailangan. Para bang may sariling mundo, laging malalim ang tingin, laging may iniisip. “Bianca, okay ka lang?” tanong ni Minda minsang nag-aayos sila ng mga pinagkainan sa mess hall. “Hindi ka na gaya dati ah. Dati, isang mura lang, may sagot ka agad. Ngayon, tahimik ka na parang multo.” Hindi agad sumagot si Bianca. Tinitigan lang niya ang kanyang mga kamay na nanginginig habang hinuhugasan ang plato. “I’m just tired,” mahina niyang sabi. “Ayokong makipagtalo. Wala namang sense.” “Sense?” umirap si Minda. “Hindi ka na ba marunong magalit? Eh, dati, ikaw ‘yung unang bumabangka rito.” Napabuntong-hininga si Bianca, at tumingin sa kanya. “I still get angry, Minda,” aniya. “But I learned that sho
Tahimik ang buong kulungan nang araw na iyon, pero sa loob ng infirmary, ramdam ang bigat ng hangin. Kakalabas lang ni Cassandra doon—puno ng galit, desperasyon, at sakit sa pagkawala ng anak. Sa kabilang selda naman, nakaupo si Bianca, nakatingin sa kawalan habang pinagmamasdan ang pader na tila ba roon niya gustong ibaon ang sarili. Dalawang inmate ang pumasok mula sa labas, nagbubulungan habang naglalakad. “Narinig mo ba ‘yung nangyari kay Cassandra?” ani ng isa, may halong intriga ang tono. “Nakunan daw. Wala na ‘yung baby niya.” “Talaga?” sagot ng isa, nakangiti pa. “Buti nga sa kanya. Akala mo kung sino siyang malinis. Ayan, karma.” Hindi man nakatingin, narinig lahat ni Bianca ang pinag-uusapan ng dalawa. Napapitlag siya. Parang may malamig na dumaloy sa ugat niya. Hindi siya makapaniwala. Cassandra… buntis? At… nakunan? Tumayo siya, nanginginig ang tuhod, sabay hinawakan ang tiyan niya. “No…” mahinang bulong niya sa sarili. “No, this can’t be…” Isang babaeng kasama niya sa
Sa malamig at malagim na paligid ng kulungan, may isang araw na pinayagan si Marco na makausap si Cassandra. Hindi ito basta-bastang permiso—pinakiusapan niya ang isa sa mga guwardiya, at marahil dala na rin ng awa, pumayag ito na magkaroon sila ng maikling pag-uusap sa isang maliit na silid na karaniwang ginagamit para sa mga bisita. Nasa isang sulok si Cassandra, nakayuko, hawak pa rin ang tiyan na parang hinahanap ang sanggol na nawala. Nang makita niyang pumasok si Marco, agad nanigas ang katawan niya. Parang bumalik lahat ng sakit, lahat ng galit, lahat ng pagkawala. “Cassandra…” maingat na bungad ni Marco, mababa ang tono ng boses niya. “Please, let me talk to you.” Agad siyang tumingin kay Marco, punong-puno ng galit ang mga mata. “Ano pa bang gusto mo, Marco? Wala na, 'di ba? Naubos mo na lahat ng pwede mong kunin sa akin.” Huminga ng malalim si Marco, tila nag-iipon ng lakas ng loob. “I just… I just want to say I’m sorry. For everything. Kung alam ko lang na—” “Sorry?” ma
Sa loob ng malamlam at mabahong selda, nakahandusay si Cassandra sa sulok. Walang tigil ang luha, walang direksyon ang mga iniisip. Paulit-ulit niyang hinahaplos ang sariling tiyan na para bang nandoon pa rin ang sanggol na hindi niya kailanman nasilayan. “Anak ko…” bulong niya habang nanginginig ang labi. “Hindi pa kita nakikita… bakit mo ako iniwan?” Naririnig ito ng mga kasamang preso. Sa halip na kaawaan, ginamit nila iyon para siya’y insultuhin. “Aba, aba, aba,” sigaw ng isa, isang babaeng may tattoo sa braso. “Tignan niyo ‘tong baliw. Ina ka raw, pero wala namang anak!” Nagtawanan ang iba. “Hoy, Cassandra,” dagdag ng isa pa, may paos na boses. “Nagdrama ka pa r’yan. Wala ka nang pamilya, wala ka nang baby. Sino ka na ngayon? Wala.” Napatakip ng tainga si Cassandra, nanginginig. “Tama na… please…” Pero hindi tumigil ang mga ito. Lumapit ang isa at sinabunutan siya, pilit siyang iniangat mula sa sahig. “Bakit, ha? Ayan na naman ‘yung drama mo? Akala mo ba maaawa kami sa iyo