Good afternoon po. Kumusta? Hopefully, makabawi ako ngayon. 🥹
Gulat na gulat si Beverly nang malamang lockdown ang lahat ng airport. Nasa departure area na siya, dala ang maliit na maleta, at ilang minuto na lang sana ay makakasakay na siya ng flight papuntang Hong Kong. Nanginginig ang mga daliri niyang mahigpit na nakakapit sa ticket, habang nakatitig sa electronic board na malinaw na nag-anunsyo ng “All flights cancelled until further notice.”“Hindi… hindi puwede ‘to…” bulong niya, nanginginig ang labi.Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa malaking glass wall ng airport at doon siya natigilan. Malinaw na nakapaskil sa digital billboard ang mukha niya—her ID photo as a doctor. May nakalagay sa ilalim:WANTED: Dr. Beverly Jimenez – For Criminal Negligence and Intentional Harm.Parang biglang nawala ang lakas niya. Hindi niya in-expect na aabot sa ganito. Nanginginig ang buong katawan niya, lalo na nang sumunod na video clip ang lumabas. Sina Elias at Lyra—naka-wheelchair si Lyra, may benda pa sa braso, habang si Elias ay hawak ang kamay nito
Sabay na nagising sina Elias at Lyra, pero nasa magkaibang silid silang dalawa. Si Elias, na kagigising lang matapos makuha ang bala sa katawan niya, agad na napansin ang katahimikan sa paligid. Pagmulat pa lang ng mata niya, hinanap na niya agad si Lyra. Nang makita niyang wala ito sa loob ng kuwarto, biglang sumikip ang dibdib niya.“Lolo, where’s my wife?” mahina pero puno ng pag-aalala na tanong ni Elias habang pilit bumabangon kahit masakit pa ang katawan niya.“Nasa kabilang silid lang siya,” sagot ni Lolo Sebastian na nakaupo sa gilid ng kama niya. May bigat ang tinig nito, halatang may mas malalim na ipinahihiwatig. “Pinalipat ko. Someone tried to kill your wife and the baby inside her womb. But she’s fine na. Safe na silang mag-ina.”“What?” Halos sumigaw si Elias, gulat na gulat. Hindi makapaniwala sa narinig. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.Bumukas ang pintuan at pumasok ang isa sa tauhan ni Lolo Sebastian. “Don Sebastian, Miss Lyra is awake,” anunsiyo nito.Kahi
Sa bahay ni Beverly, hindi siya mapakali. Nanginginig ang buong katawan niya habang paulit-ulit na pumapasok sa isip niya ang nangyari sa CR kanina. Pinilit niyang isantabi ang mga alaala pero mas lalo lang siyang kinakabahan.She’s a doctor. She knows better. Pero kanina, para siyang ibang tao—isang taong walang pakialam, handang gumawa ng mali para lang maprotektahan ang sariling interes. Hindi niya akalain na kaya niyang magawa iyon. Para lang kay Elias. Para lang sa lalaking masaya sa piling ng asawang si Lyra.Hawak niya ang baso ng tubig pero nanginginig ang kamay niya. Tumulo pa ang tubig sa sahig kaya agad siyang napatayo.Ilang minuto pa lang ang lumipas nang bumukas ang pinto. Dumating ang kaniyang mga magulang at ang kuya niyang si Brandon.“Bev?” tawag ng kaniyang ina na agad napansin ang sobrang putla niya. “Anak, what happened to you? Bakit parang namumutla ka?”Nagkatinginan si Brandon at ang ama nila. Si Brandon agad ang lumapit sa kanya. “Sis, are you okay? Parang nan
Pagdating ng doktor at mga nars sa emergency room ay agad nilang inilipat si Lyra sa kama. Mabilis silang kumilos, kinuha ang mga gamit, at pinalibutan siya ng mga puting uniporme.“Check her BP! Hook her to the monitor! Oxygen, now!” utos ng doktor habang nakatingin sa monitor na dahan-dahang kumikislap.Habang abala ang mga doktor at nars, pinapuwesto si Layla sa gilid. Nanginginig siyang lumapit sa isang doktor, halos mahulog na sa pagkakayakap si Lianne.“Doc, pakiusap… anak ko siya. Buntis siya. Iligtas ninyo pati ang baby niya. Huwag ninyo silang pababayaan,” namamanhik niyang wika, halos hindi na makalabas ang boses dahil sa sobrang kaba.“Ma’am, we’ll do our best,” sagot ng doktor na seryoso ang ekspresyon. “Pero kailangan ninyo pong kumalma at hayaan kaming gawin ang trabaho namin. Kapag magulo ang paligid, mas lalong mahirap makapag-focus.”“Mama, bakit si Ate… bakit hindi siya gumigising?” tanong ni Lianne na umiiyak habang nakahawak sa braso ng ina.“Anak, manalangin tayo…
Sa hallway ng ospital, tahimik na naghihintay ang ilang staff. Naroon din ang Lolo Sebastian ni Elias na hindi makapaniwala sa nangyari. Sa labas ng operating room, ramdam ang tensyon at kaba ng lahat.Samantala, nagpasya si Lyra na pumunta muna sa CR para maghilamos at bahagyang mapakalma ang sarili. Nanginginig ang mga kamay niya, ramdam pa rin ang takot at sakit ng nangyari kay Elias.Habang nakatingin siya sa salamin at pilit na pinipigil ang luha, hindi niya alam na palihim pala siyang sinundan ni Beverly.Mahigpit ang hawak ni Beverly sa syringe na may lamang gamot pampatulog. Nanginginig din ang kaniyang kamay. Hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa matinding galit at selos na bumabalot sa kaniya.Pagpasok ni Lyra sa loob, hindi na siya nagulat nang bigla siyang sabunutan ni Beverly mula sa likod.“A-Aray! Beverly!” sigaw ni Lyra habang pilit na inaalis ang kamay ng babae sa buhok niya. “Anong ginagawa mo?!”“Hindi ka na dapat nandito, Lyra!” sigaw ni Beverly, halos pabulong nguni
Nakahawak si Lyra sa malamig na upuan sa labas ng operating room. Hindi na niya halos namamalayan ang panginginig ng mga kamay niya dahil sa sobrang kaba at takot. Paulit-ulit niyang naiisip ang eksenang nabaril si Elias habang nakayakap sa kaniya. Parang ayaw niyang tanggapin na maaaring mawala ang taong nagligtas sa kaniya at sa dinadala niyang bata.Patuloy ang pag-agos ng luha niya nang biglang bumukas ang pintuan ng hallway. Dumating si Beverly—nagmamadali, galit na galit, at halatang hindi mapakali.“Lyra!” sigaw nito, halos umaalingawngaw sa loob ng ospital. Lumapit siya agad kay Lyra na nakaupo at umiiyak. “Anong ginawa mo?! Bakit nandiyan si Elias ngayon, nakikipaglaban para mabuhay?! Kasalanan mo ‘to!”Napalingon si Lyra, nanlalaki ang mata. “Beverly… wala akong kasalanan. Hindi ko alam na may mga taong susugod sa amin. Hindi ko alam—”“Walang alam?!” singhal ni Beverly, halos mawalan ng boses sa sobrang taas ng tono. “Kung hindi mo siya sinama sa mga kalokohan mo, hindi san