Share

Kabanata 92

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-08-30 22:04:03

Sa hallway ng ospital, tahimik na naghihintay ang ilang staff. Naroon din ang Lolo Sebastian ni Elias na hindi makapaniwala sa nangyari. Sa labas ng operating room, ramdam ang tensyon at kaba ng lahat.

Samantala, nagpasya si Lyra na pumunta muna sa CR para maghilamos at bahagyang mapakalma ang sarili. Nanginginig ang mga kamay niya, ramdam pa rin ang takot at sakit ng nangyari kay Elias.

Habang nakatingin siya sa salamin at pilit na pinipigil ang luha, hindi niya alam na palihim pala siyang sinundan ni Beverly.

Mahigpit ang hawak ni Beverly sa syringe na may lamang gamot pampatulog. Nanginginig din ang kaniyang kamay. Hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa matinding galit at selos na bumabalot sa kaniya.

Pagpasok ni Lyra sa loob, hindi na siya nagulat nang bigla siyang sabunutan ni Beverly mula sa likod.

“A-Aray! Beverly!” sigaw ni Lyra habang pilit na inaalis ang kamay ng babae sa buhok niya. “Anong ginagawa mo?!”

“Hindi ka na dapat nandito, Lyra!” sigaw ni Beverly, halos pabulong nguni
Deigratiamimi

Stay tuned for more updates. Sa September na po ako babalik sa daily update dito. Please support my new book na kasali sa Writing Contest. Mas active ako roon muna lalo na't malapit nang matapos. Title: Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG) You can leave a comment/ratings and gem votes po if ever nagustohan ninyo. Maraming salamat!

| 13
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
Dami niyo pong radar, pero umabot kayo rito. Maraming salamat pa rin!
goodnovel comment avatar
Predesminda Asok
ay nko Anu ba yan na sturya yan
goodnovel comment avatar
fe closa
good luck author, praying na manalo kayo sa contest na sasalihan mo.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Dumped and Deceived, I Became the Zillionaire's Secret Wife   Kabanata 93

    Pagdating ng doktor at mga nars sa emergency room ay agad nilang inilipat si Lyra sa kama. Mabilis silang kumilos, kinuha ang mga gamit, at pinalibutan siya ng mga puting uniporme.“Check her BP! Hook her to the monitor! Oxygen, now!” utos ng doktor habang nakatingin sa monitor na dahan-dahang kumikislap.Habang abala ang mga doktor at nars, pinapuwesto si Layla sa gilid. Nanginginig siyang lumapit sa isang doktor, halos mahulog na sa pagkakayakap si Lianne.“Doc, pakiusap… anak ko siya. Buntis siya. Iligtas ninyo pati ang baby niya. Huwag ninyo silang pababayaan,” namamanhik niyang wika, halos hindi na makalabas ang boses dahil sa sobrang kaba.“Ma’am, we’ll do our best,” sagot ng doktor na seryoso ang ekspresyon. “Pero kailangan ninyo pong kumalma at hayaan kaming gawin ang trabaho namin. Kapag magulo ang paligid, mas lalong mahirap makapag-focus.”“Mama, bakit si Ate… bakit hindi siya gumigising?” tanong ni Lianne na umiiyak habang nakahawak sa braso ng ina.“Anak, manalangin tayo…

  • Dumped and Deceived, I Became the Zillionaire's Secret Wife   Kabanata 92

    Sa hallway ng ospital, tahimik na naghihintay ang ilang staff. Naroon din ang Lolo Sebastian ni Elias na hindi makapaniwala sa nangyari. Sa labas ng operating room, ramdam ang tensyon at kaba ng lahat.Samantala, nagpasya si Lyra na pumunta muna sa CR para maghilamos at bahagyang mapakalma ang sarili. Nanginginig ang mga kamay niya, ramdam pa rin ang takot at sakit ng nangyari kay Elias.Habang nakatingin siya sa salamin at pilit na pinipigil ang luha, hindi niya alam na palihim pala siyang sinundan ni Beverly.Mahigpit ang hawak ni Beverly sa syringe na may lamang gamot pampatulog. Nanginginig din ang kaniyang kamay. Hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa matinding galit at selos na bumabalot sa kaniya.Pagpasok ni Lyra sa loob, hindi na siya nagulat nang bigla siyang sabunutan ni Beverly mula sa likod.“A-Aray! Beverly!” sigaw ni Lyra habang pilit na inaalis ang kamay ng babae sa buhok niya. “Anong ginagawa mo?!”“Hindi ka na dapat nandito, Lyra!” sigaw ni Beverly, halos pabulong nguni

  • Dumped and Deceived, I Became the Zillionaire's Secret Wife   Kabanata 91

    Nakahawak si Lyra sa malamig na upuan sa labas ng operating room. Hindi na niya halos namamalayan ang panginginig ng mga kamay niya dahil sa sobrang kaba at takot. Paulit-ulit niyang naiisip ang eksenang nabaril si Elias habang nakayakap sa kaniya. Parang ayaw niyang tanggapin na maaaring mawala ang taong nagligtas sa kaniya at sa dinadala niyang bata.Patuloy ang pag-agos ng luha niya nang biglang bumukas ang pintuan ng hallway. Dumating si Beverly—nagmamadali, galit na galit, at halatang hindi mapakali.“Lyra!” sigaw nito, halos umaalingawngaw sa loob ng ospital. Lumapit siya agad kay Lyra na nakaupo at umiiyak. “Anong ginawa mo?! Bakit nandiyan si Elias ngayon, nakikipaglaban para mabuhay?! Kasalanan mo ‘to!”Napalingon si Lyra, nanlalaki ang mata. “Beverly… wala akong kasalanan. Hindi ko alam na may mga taong susugod sa amin. Hindi ko alam—”“Walang alam?!” singhal ni Beverly, halos mawalan ng boses sa sobrang taas ng tono. “Kung hindi mo siya sinama sa mga kalokohan mo, hindi san

  • Dumped and Deceived, I Became the Zillionaire's Secret Wife   Kabanata 90

    Paglabas nila ng store, abot-tainga ang ngiti ni Elias habang bitbit ang ilang paper bags na siya mismo ang pumili para sa anak nila. Kahit paulit-ulit nang sinasabi ni Lyra na kumpleto na ang gamit dahil binilhan na siya ni Carlos, hindi alintana ni Elias. Masaya siya na may nagagawa siyang bilang ama. “Lyra, tingnan mo naman ‘to,” nakangiting wika ni Elias habang itinaas ang isang maliit na white onesie na may nakalagay na Daddy’s Little Angel. “Bagay na bagay sa magiging baby natin, ‘di ba?” Umirap si Lyra pero hindi naitago ang munting ngiti sa kaniyang labi. “Ang kulit mo rin, no? Sabi nang kompleto na ‘yong mga gamit.” “Eh ano naman kung kumpleto na?” sagot ni Elias habang ibinalik iyon sa bag. “Iyong mga binili ko, may kasamang pagmamahal ko. Hindi ko hahayaang ibang lalaki ang mag-prepare para sa anak natin. Ako ang ama, Lyra. Ako dapat.” Hindi na kumibo si Lyra. Sa kabila ng inis, hindi rin niya mapigilan ang kilig na nararamdaman. Ilang beses na niyang tinangkang kalimuta

  • Dumped and Deceived, I Became the Zillionaire's Secret Wife   Kabanata 89

    Kinausap ni Elias ang ina ni Lyra na si Layla sa sala, habang nakaupo sa isang malambot na sofa.“Mama, gusto kong sabihin sa inyo na hinding-hindi ko na sasaktan si Lyra. Pangako ko, palagi ko siyang pipiliin, lalo na’t magkakaanak na kami,” malumanay ngunit determinado niyang sabi.Nakangiti si Layla, ramdam ang sincerity ng binata. “Alam ko, Elias. Nakikita ko sa mga mata mo kung gaano mo siya mahal. Pero tandaan mo, anak ko, buntis si Lyra. Madali siyang maapektuhan. Kailangan mo siyang intindihin, hindi lang ngayon kundi sa buong panahon ng kaniyang pagbubuntis.”Tumango si Elias. “Yes po. Iintindihin ko siya. Hindi ko hahayaang masaktan muli. Wala nang ibang pipiliin pa kaysa sa kaniya.”“Napakabuti mo, Elias. Pero huwag mong isipin na madali ang pagpapatawad ni Lyra. Nasaktan siya noon. Sobrang nasaktan. Ang ginawa mong pagpili kay Beverly dati, ramdam niya iyon hanggang ngayon. Kaya kailangan mo ng pasensya. Mabagal siyang magbago ng loob, pero alam ko, mahal ka pa rin niya ng

  • Dumped and Deceived, I Became the Zillionaire's Secret Wife   Kabanata 88

    Nanatili pa rin si Elias sa bahay nila Lyra hanggang sa gumaling siya. Kahit labag sa loob ni Lyra, inalagaan niya pa rin ito.Pagkagising ni Elias isang umaga, naamoy niya agad ang sabaw na niluluto sa kusina. Dahan-dahan siyang bumangon, hawak ang tiyan na kunwari’y masakit pa rin, at dumiretso sa kusina kung saan abala si Lyra.“Good morning,” mahina niyang bati, sabay umupo sa upuan.Hindi man lang siya nilingon ni Lyra. “Umupo ka na lang diyan. Huwag kang mag-ikot. Hindi ka pa fully healed.”Umismid si Elias at nilakasan ang boses. “Lyra, I’m not that weak. Kaya ko nang kumilos.”Huminto sa paghahalo ng sabaw si Lyra at tumingin sa kaniya, malamig ang mga mata. “Hindi ko pinoproblema kung kaya mo o hindi. Ang iniisip ko, ayokong madagdagan ang sakit ng ulo ko kapag pinilit mong magpaka-bida.”Napakamot si Elias sa batok, alam niyang sinasadya rin niyang mag-inarte para mapalapit kay Lyra. “Hindi naman ako nagbibida. Gusto ko lang makatulong kahit papaano. Ikaw na lang lagi gumaga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status