Share

Chapter 2

Author: GrindnShine
last update Last Updated: 2025-11-20 11:02:51

Chapter 2 - Stop and Watch, I am his mother

Hindi nakapaghanda si Erich kaya natapunan ng juice ang mukha niya.

Nataranta ang kasambahay at nagtulong tulong sila na punasan si Erich. 

“Kevin!” galit na sigaw ni Bryan. Dahil sa takot, tumakbo ang bata paakyat. 

Mabilis na tumayo si Sandra para sundan ito.

“Bryan, bata pa lang siya, hindi puwede ganoon kalakas ang boses mo. Ako na ang bahala.”

Pagkatapos niyang sabihin iyon, tumingin siya kay Erich na nag-aayos ng sarili, tila may gusto sabihin pero hindi niya tinuloy. 

“Okay ka lang ba? Tingnan ko nga.” nag-aalalang tanong ni Bryan kay Erich. Hahawakan niya sana ang mukha ni Erich para tignan pero umiwas ito. 

“Marumi ang kamay mo! Huwag mo akong hawakan!” malakas na sabi nito.

 “What’s with the reaction? Ang gusto ko lang ay alagaan ka.” nalilitong tanong nito.

“Kung alam ko lang na ganito pala kasalbahe si Kevin, hindi ko sana hinayaan na ikaw ang mag-alaga sa kanya.”

Ngumiti si Erich nang bahagya at nang-asar, 

“Oo, kung nasa tunay na ina siya, mas maayos sana ang pag-aalaga nito kaysa sa akin. Pero sa kasamaang palad, patay na ang ina niya, at ako bilang adoptive mother, hindi ko siya maalagaan ng maayos?”

Nabigla si Bryan sa narinig, napakatigas ng mukha niya.

“Anong sinasabi mo? Si Kevin ay inampon natin, ikaw lang ang pwedeng maging ina niya.”

Pagkatapos niyang sabihin iyon, hinaplos niya ang ulo ni Erich nang may lambing.

Hindi nakailag si Erich, at biglang nag-iba ang pakiramdam niya, parang may masamang kirot sa loob.

Pagdating niya sa kwarto, dali-dali siyang nag-shower.

Sumunod si Bryan, dahil gusto nitong pag-usapan nila ang pananatili ni Sandra sa kanilang Villa.

Ngunit alam ni Erich ang kanyang plano, wala siya sa posisyon para magdesisyon. Pakiramdam niya, tila siya impostor lamang sa kanilang relasyon.

“Ngayon, nasa kritikal na yugto ang kumpanya para sa listing, at kailangan ka ng kumpanya. Si Teacher Sandra muna ang bahala kay Kevin. She is an expert in education. At nakita mo kanina, nakikinig si Kevin sa kanya…”

“Sige, ayos na iyon.” walang lakas na sagot ni Erich.

Ayaw nang makinig ni Erich pa sa mahabang paliwanag ng Bryan. Mas lalo lang siyang naiinis at gustong masuka.

“Rich, I know you are reasonable and you know how much I love you.”

Pagkatapos niyang sabihin iyon, hinila niya ang manipis na beywang ni Erich at niyakap ito ng mahigpit.

Ngunit, agad na kumawala si Erich. Nandidiri siya yakap at sa kapal ng pagmumukha ni Bryan. 

Umiwas siya at agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at ipinakita ang larawan ng isang penthouse na may tanawin ng ilog, na malapit sa lahat. 

“Bryan, what do you think of this house?” malambing na tanong nito.

“Maganda, and the location is very strategic. Malapit sa lahat.”

Tumingin siya kay Erich na nagtataka at nagtatanong?

“Birthday ko next month right? gusto ko talaga ang bahay na ito. Puwede mo ba itong bilhin para sa akin bilang regalo?”

Ngumiti si Erich, matamis at malambing ang tinig.

Niloko siya ni Bryan sa loob ng dalawang taon. Sa loob ng dalawang taon, nawala hindi lang ang oras niya kundi pati ang career niya.

Upang tulungan si Bryan sa kumpanya, isinuko niya ang pagkakataon na mag-aral pa at nagtrabaho sa maliit na kumpanya ng asawa.

Sa loob lamang ng dalawang taon, nakatulong siya sa turnaround ng kumpanya, at sa ilang buwan, maililista na ito sa stock market, na magbabalik ng 10 bilyong halaga.

At siya? Wala pa rin siyang pag-aari, at halos naabandona. Pinagkatiwala niya lahat sa asawa.

Siyempre, hindi siya papayag. 

Kita ang pagtataka at pag-aalinlangan sa mukha ni Bryan, 

“Bakit biglang gusto mong bumili ng bahay? Hindi ba sapat na ang bahay natin?”

“Maganda ang bahay natin, pero hindi sapat ang investment value. Iba ang bahay na ito, malaki ang potensyal sa hinaharap. Bukod pa doon, malapit nang maging public ang kumpanya mo, at sa bahayna ito puwede kang mag-entertain ng bisita. It’s good for your image.”

Napangiti si Bryan, tila nakaramdam ng kaunting guilt para kay Erich.

“You are my pride Rich, wala na akong kailangan pa.”

Gusto sanang yakapin muli ni Bryan si Erich, pero umatras ito.

“Di ba sabi ko birthday gift mo to sa akin, don't tell me you are hesitant to buy me a gift?”

Ngumiti si Erich, tila biro ang tono.

“Magkano ba ang bahay na ito?” tanong ni Bryan bigla.

“Not that expensive, 70 milyon lang,” sagot ni Erich, sabay ngumiti.

Napalulon ng laway si Bryan. Mahal, pero dahil malapit nang mag-IPO ang kumpanya, pumayag siya.

“Sige, kung gusto mo, bibilhin ng asawa mo ito para sa iyo.” malambing na sabi nito.

Agad niyang tinawagan ang finance, at noong gabing iyon, 70 milyon ang pumasok sa personal account ni Erich.

Kasama sa transfer note: “Buy a house for Erich, happy birthday.”

Mula sa dating 150,000, naging,220,000 ang balanse niya.

Simula nung kinasal sila, si Bryan lahat ang humahawak ng pera. Ang tanging pera na nasa atm ni Erich ay ang perang inipon niya nung nagwork study pa siya. Ni isang beses hindi niya tinanggap ang kanyang sweldo.

Kinabukasan, pagkalabas ni Erich sa kwarto, nakita niya sa kusina na naka-apron si Bryan, masayang nakikipag-usap kasama ni Sandra.

Andoon rin si Kevin na masayang nakabuntot kay Sandra.

Pero biglang naputol ang moment ng pamilya nang bumaba si Erich.

Mabilis na inalis ni Sandra ang kamay niya sa balikat ni Bryan, at lumapit si Bryan kay Erich.

“Gising ka na pala? Tamang tama luto na lahat, kain na tayo, tumulong ako sa pagluluto.” proud na sabi nito.

Tumingin si Erich sa masasarap na pagkain sa mesa.

May tagaluto sa bahay, at hindi sanay si Bryan na kumain ng breakfast, ngunit nag-effort ito ngayon. 

Bukod pa rito, kadalasan Filipino food ang breakfast nila, pero ngayon puro Western, maraming detalye, alam mo agad kung para kanino ito.

Ngumiti si Erich at tinanong si Sandra, “Lahat ba ‘to siya nagluto?”

“Yes, he cook them all, hindi kasi ako mahilig sa ibang food. Hindi lahat ng lalaki ganito ka-considerate, swerte ka talaga na may mabuting kang asawa.”

Malaking ngiting sabi ni Sandra. Matang kumikislap.

“Oo, lagi naman considerate si Bryan. Hindi lang sa akin, mabait siya sa lahat ng babae.”

“Salamat Rich, naku wala lang to. Gusto ko ring magluto para sayo” masayang sabi nito sabay tingin kay Erich.

Nawala ang ngiti ni Sandra sa narinig. 

Napansin iyon ni Kevin kaya nang kunin ni Erich ang huling piraso ng fried egg, agad niyang pinisil ang ketsup.

Dahil sobrang tigas, tumalsik ito sa kamay ni Erich.

“Kevin, anong ginagawa mo?!”

Agad na iniabot ni Sandra ang tissue kay Erich, tapos mahina siyang bumulong kay Kevin, 

“Kevin, kahit busog ka na, hindi puwede mag-aksaya ng pagkain. Tingnan mo, nadumihan ang kamay ng mommy mo, mag-sorry ka.”

Pinunasan ni Erich ang kamay niya at tumingin sa mag-ina.

Nakataas ang baba ni Kevin habang nagso-sorry, hindi sincere.

“Sige, puwede ka nang bumalik sa kwarto pagkatapos kumain.”

Bago pa nakasagot si Erich, unang nagsalita si Sandra.

“Sandali.” 

Paalis na ito ngunit pinigilan siya Erich at hinila sa Pader

“Tayo!”

“Bruhang babae, pakawalan mo ako!”

Lumalaban si Kevin pero sanay na si Erich sa kanya. Inikot niya ang braso nito, idiniin sa pader, kinuha ang manipis na rattan sa vase, at pinalo ito nang malakas sa puwet.

“Argh, huhuhu”

Sakit at takot ang nadama ni Kevin kaya napaiyak ito.

“Erich, anong ginagawa mo? Nag-sorry na si Kevin, kailangan mo pa ba siyang saktan ng ganito?”

Galit na lumapit si Sandra kay Erich para pigilan siya.

“Teacher Sandra, anak ko si Kevin. Bilang ina niya, natural lang na turuan ko siya. You seems protective. Anak mo ba siya?”

Malamig na sagot ni Erich, habang tuloy ang pagpalo. Ilang ulit na napalo ang puwet ni Kevin.

Biglang namutla si Sandra, pinisil ang mga daliri sa palad, at kinulubot ang lalamunan niya, “Iniisip ko lang kasi, bata pa siya… at hindi naman malaki ang kasalan niya…”

“Kung hindi itutuwid ang maliliit na pagkakamali, magiging malaki ‘yan pag lumaki. Hindi ko alam paano ka nagtuturo ng bata, Teacher Sandra, at kung hindi ko siya papatnubayan ngayon, mahihirapan akong ituwid siya.”

Walang nagawa si Sandra kung hindi panoorin si Erich.

Nagulat din si Bryan. Kahit gaano pa ka-strikto si Erich, at gaano kakulit ni Kevin, never niya itong itong sinaktan.

Nakita ni Bryan ang galit na tingin ni Sandra kaya nilapitan niya si Erich para pigilan ito.

“Sige na, sige na, tama na yan.”

Matapos ang ilang palo, nawala na ang galit ni Erich. Ibinato niya ang rattan sa sahig. Mabilis namang nagtago si Kevin sa likod ni Sandra, humihingal sa sobrang iyak. 

Huminga ng malalim si Sandra. Pigil ng galit.

“Kevin, tandaan mo, Ako pa rin ang nanay mo. Kailangan mo akong igalang. Kung hindi ka matututo, ninipis ang rattan na yan sayo.” sigaw ni Erich puno ng awtoridad. Tsaka siya umalis.

Gusto sanang habulin ni Bryan si Erich, pero pinigilan siya ni Sandra.

“Bryan…”

Puno ng sama ng loob ang mata ni Sandra, hindi niya matiis.

Mahal niya si Sandra at nakita niya na nasaktan ito sa ginawa ni Erich. Ayaw na niyang saktan ito.

Noon, Nasaktan na niya ito nung naghiwalay sila dahil sa lolo niya.

Hindi pa tapos sa pag-aaral si Bryan kaya hindi siya makalaban. Natanggal si Sandra sa pagiging Adviser sa university kaya naging Parenting teacher na lang ito.

Sa desperasyon, ginamit ni Bryan si Erich bilang shield.

Tinanong din ni Sandra noon kung bakit si Erich ang kanyang pinili. Isa lang ang  dahilan. Maganda si Erich, matalino, madiskarte sa buhay. Kaya siya nitong iangat sa buhay.

Ulila si Erich ngunit matatag, walang malapit na pamilya, at isa sa pinakamatalinong babae sa finance.

Ang pakikipag-date kay Erich ay makakatulong din sa kanyang career.

Ngunit para makasiguro kay Sandra, pinakasalan niya ito.

Sa ganitong paraan, kahit magkasama sila ni Erich, lahat ng property nila ay sa kanilang dalawa mapupunta ni Sandra.

Nangako rin si Bryan kay Sandra na kapag naging secure ang kanyang negosyo, aaminin na niya sa lahat ang tungkol sa kanila ni Sandra.

At mula simula, si Erich ay isang kasangkapan lamang!

Kaya ganoon na lang ang galit ni Sandra dahil sinupalpal siya ni Erich at wala siyang nagawa.

Ramdam ni Bryan ang galit ni Sandra kaya niyakap niya ito para aluhin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire   Chapter 13

    Chapter 13 - 10 million, for forgiveness?Mabilis na bumalik sa ulirat si Bryan.“Rich, ano bang nangyayari sa’yo? Hindi mo naman iniintindi ang mga ganitong bagay noon. Ang Jose Corporation ay pinagsikapan nating buuin. Mag-asawa tayo, kalahati ng shares ko ay parang sa’yo na rin. Hindi mo na kailangan pang humingi niyan. At saka…”“Alam mo ang sitwasyon sa kumpanya. Mas malaki ang hawak na shares ng papa ko at ng mga major shareholders kaysa sa akin. Kahit gusto kong ibigay sa’yo ang hinihingi mo, hindi ko kaya.”“At saka yung mga matatandang board members, hinding-hindi sila papayag na babae ang mamahala ng kumpanya. Kapag ipinilit mo ’yan, ikaw lang ang mahihirapan. Ayo

  • Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire   Chapter 12

    Chapter 12: Three Day Rule, Erich Chat’s HarveyNagulat si Bryan. “Anong ibig mong sabihin na hindi siya umuuwi?”Bago pa man masagot ang tanong niya, nag-vibrate ang telepono niya. Isa na namang problema sa kumpanya.Pinaalis niya muna ang katulong, saka mabilis na lumayo para sagutin ang tawag.Pagbalik niya, napansin ni Sandra na biglang dumilim ang mukha ng lalaki kaya ninerbiyos ito. “Ano na naman ang nangyari?”“Isa na

  • Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire   Chapter 11

    Kabanata 11 — Erich hasn’t been coming home anymoreBago pa man mag-load ang picture, biglang nag-ring ang cellphone ni Bryan.Si Sandra ang tumatawag.Pagka-sagot ni Bryan, agad niyang narinig ang iyak ng babae.“Ano’ng nangyari? Ba’t ka umiiyak?”Nanikip ang dibdib niya, puno ng kaba ang boses.Pero kahit anong tanong niya kay Sandra, puro iyak lang ang sagot nito, ayaw magsalita.“Nasaan ka? Nasa bahay ka ba? Pupuntahan kita ngayon.”Pero bago niya matapos ang tanong, ibinaba nito ang tawag.

  • Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire   Chapter 10

    Chapter 10 - The Daughter of the Castro FamilySumasakit ang ulo ni Bryan. Mataas ang pride ni mommy at si Ely naman ay may pagkaspoiled. Kapag kukumbinsihin niya ang mga ito na humingi ng pasensiya kay Erich, siguradong magkakagulo lalo.“Erich, alam mo naman ang ugali ng Mommy ko. Pagbigyan mo na siya, hayaan mong humingi siya ng pasensiya sayo……”Napasiklab ang panga ni Bryan, piniling isantabi muna ang problema sa pamilya para mapakalma si Erich.On the other hand, ang kumpanya ang pinakaimportanteng dapat ayusin ngayon.“Naniniwala akong nagbabago ang tao. Para sa akin at sa kumpanya, sana pag-isipan mo muna ito ng mabuti at nang maingat.”Hindi nagdalawang-is

  • Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire   Chapter 9

    Chapter 9 - Let me quit to be your family’s Nanny“Sa tanda kong ito, tuturuan pa ako ng leksiyon ng manugang ko, nakakahiya! Anong tingin niya sa sarili niya? Kung hindi mo lang siya pinakasalan, sa tingin mo ba… karapat-dapat siyang makapasok sa pamilya natin?”Nang makita ni Mrs Jose na walang reaksyon si Bryan, humarap siya dito at sinimulang hampasin ang dibdib at hita nito sa galit.“Ma, ano ba tama na. OK, ok.. Kakausapin ko si Erich.Pagsasabihan ko siya at Dadalhin dito para himingi ng tawad kay Ely.Pag-alis niya sa bahay ni Ely, agad tumawag si Bryan kay Erich.Matagal bago sinagot ni Erich ang tawag, at may bahid ng inis sa boses ni Bryan.

  • Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire   Chapter 8

    Chapter 8 – Erich’s Counter Attack and Threat"Ikaw…" Nabilaukan si Mrs. Jose, hindi malaman kung ano ang sasabihin. Tahimik at masunurin si Erich noon, bakit bigla siyang natutong lumaban ngayon?"Sige na, Mom. Tanungin n’yo na lang si Ely kung ano’ng gusto niyang kainin at itawag n’yo na lang sa restaurant. May ginagawa pa ako rito, ibababa ko na muna."Pagkasabi noon, diretsong ibinaba ni Erich ang tawag.Nang marinig ang busy tone sa kabilang linya, halos hindi makahinga si Mrs. Jose sa inis.“Etong batang ‘to… paano niya nagawang ibaba ang tawag ko?!”

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status