Share

Chapter 3

Author: GrindnShine
last update Last Updated: 2025-11-20 11:04:06

Chapter 3 - The Heiress

Nang makitang papasok na si Erich sa sasakyan, mabilis na hinabol ni Bryan ito para sumabay sa kotse.

Sa ganitong oras, lagi silang magkasabay pumapasok sa trabaho.

“Magpasundo ka na lang sa assistant mo, may appointment ako ngayon sa ahente ng real estate, titingin ako ng bahay.”

Sandaling nagulat si Bryan sa sinabi ni Erich. 

“Pero may conference sa kumpanya ngayon…”

“This house is in high demand, and if I don't go today, it may be gone.”

 “Di ba sabi mo noon, wag puro trabaho at matuto rin akong magpasaya sa sarili ko?” dagdag ni Erich, puno na lambing. May ngiting abot hanggang mata. Ngunit may kakaiba sa paraan ng kanyang pagtitig.

Hindi maintindihan ni Bryan pero bigla siyang kinilabutan.

Agad siyang ngumiti. “Sige, hindi rin ako papasok. Sasamahan na lang kita sa pagbili ng bahay.”

“No, no need.”

Mas lalo pang ngumiti si Erich. Lumapit siya, marahang tinapik ng daliri ang dibdib ni Bryan. 

“Gusto kong ako ang pumili. Pagkatapos kong makapili, saka kita dadalhin para makita mo.”

Alam ni Erich ang gusto nitong mangyari. Kaya nito gustong sumama dahil  gusto siya nitong bantayan.

Sa estilo ni Bryan, ipapangalan niya ito sa kanya, kokombinsihin siya ba conjugal property, at mapupunta lang iyon sa kanya at kay Sandra.

Ngumiti si Erich ng mapang-akit kaya hinawakan ni Bryan ang kamay nito. 

“Surprise ba ito para sa akin?”

“Oo.”

Tsaka mabilis na binawi ang kanyang kamay.

“Okay, ikaw ang masusunod.” nakangiting sabi ni Bryan habang marahang niyakap siya.

Wala na siyang nagawa, tiniis na lang ni Erich, kahit nandidiri siya sa yakap nito.

Pagkaalis ng sasakyan ni Erich, nawala ang ngiti ni Bryan.

Pakiramdam niya, may nagbago kay Erich.

O baka naman dahil sensitibo talaga ang mga babae, kaya nagseselos ito kay Sandra.

Nabugnot si Bryan habang inaayos ang kanyang necktie.

Hindi na dapat siya naguguluhan pa. Dahil kahit gaano pa kaganda, kabait, o kasincere si Erich...

Isa lang ang asawa niya, si Sandra.

………..

Pagkatapos ng isang oras, narating na ni Erich ang kanyang destinasyon. 

Nagustuhan niya agad ang penthouse. High ceiling, modernong disenyo, minimalistic pero marangya, higit 300 square meters ang laki.

Hindi man ito ang pinakamalawak, pero ito ang may pinakamagandang lokasyon sa buong building.

Na-imagine na ni Erich kung gaano kaganda dito kapag umiilaw na ang buong siyudad sa gabi.

“Kunin ko na to. Ayusin na ang papeles at ilagay sa pangalan ko.”

Masayang sabi ni Erich sa sales manager.

Pwede na siyang lumipat agad, ibig sabihin, pwede na rin siyang umalis kahit kailan mula sa nakakasakal at nakakasuklam nilang “tahanan.”

“Okay po!”

Masayang-masaya ang sales manager, akala kasi niya, silip lang ang gagawin ni Erich.

Agad siyang inasikaso, dinala sa VIP area, binigyan ng meryenda, at siya mismo ang kumuha ng kontrata.

Habang hinihintay ni Erich ang kontrata, biglang may umalingawngaw na boses ng babae.

“Balak mo bang agawin ang bahay na gusto ko?”

Lumingon si Erich sa nagsalita, isang eleganteng  babae, branded ang damit, bags at may kasamang dalawang bodyguard at sales manager.

“Are you talking to me?” tanong ni Erich, bahagyang nagulat.

“Yes, who else! Una kong nakita ang location na yon. Gusto kong bilhin ‘yon!”

Inalis ng babae ang kanyang sunglasses at tumingin kay Erich nang mayabang.

“Hindi naman sinabi ng manager na may nag-reserve na, at wala ka pang deposit. Kung ako ang unang magbayad, akin ‘yon.”

Malamig na sagot ni Erich, ayaw na niyang makipagtalo sa walang katwiran. Tumayo siya para lumipat ng pwesto.

Galit na galit ang babae, napadiin ang tapak sa sahig.

“It doesn't matter, just so you know, I have Priority, and you have to give in even if you don't give in!

“Priority?” tanong ni Erich, nagtataka.

Sumingit sa usapan ang babaeng sales manager, “Ma’am, kailangan po muna naming i-verify ang pera ng buyer. Ang priority po ay depende sa yaman ng kliyente” 

Hindi man lang tiningnan ng babae si Erich at halatang mapangmata.

"This regulation is really ...... A little speechless."

Napakunot ang noong sabi ni Erich.

Sakto namang bumalik ang manager na kumuha ng kontrata, may halong pag-aalangan sa mukha.

“Pasensya na po, Miss Herera,” pabulong niyang sabi, 

“Siya po si Miss Tan, galing siya sa pamilya ng Tan Toys, isa sa pinakamalalaking brand ng laruan sa buong bansa.”

Naalala ni Erich Tan’s Toys. Pang-lima sa pinakamalaking negosyo sa bansa.

“Pasensya na, Miss, alam kong hindi patas, pero rules is rules. Kailangan naming sumunod.” sabi ulit ng manager.

“It’s OK,” kalmado ang sagot ni Erich. 

“I have a high Priority, so I will get the house. Please prepare the necessary contract” 

Diretsong utos niya sa manager.

Nagulat ang lahat.

“Ha? Ano raw? Mas mataas daw ang priority niya?” bulalas ni Miss Tan.

“Impossible,” bulong ng female manager habang tinitingnan ang listahan. “Mukha lang siyang ordinaryo… paano siya lalampas sa net worth ni Miss Tan?”

“Here, you can check my net worth." sabay abot niya ng ID.

Hindi siya galit, sanay na siya sa ganitong mapanghusgang tingin ng tao.

Habang chine-check ng lalaki ang dokumento, biglang gumalaw ang kurtina sa VIP area sa itaas.

Tumayo ang isang lalaking may karisma sabay sabing.

 “Sabihin n’yo sa kanila, hindi na kailangang i-check ang net worth  nito. Siya ang tagapagmana ng pamilyang Castro.”

Nabigla ang lahat.

Kilala ang mga Castro sa pinakamayaman sa bansa. Pero wala silang alam na may anak pala silang babae?

Tahimik lang si Erich, ngunit halatang nagulat din.

“Miss, huwag niyo na pong palakihin. Dito kailangan namin ng kapital verification..” inis na sabi ng sales manager. Magsasalita pa sana ito ngunit naputol nang marinig nito ang susunod na sinabi ng isang babae.

Ang babae raw na kausap nila ay may hawak na assets na aabot sa daan-daang bilyon  at siya ang nag-iisang anak ng yumaong si Mr. Frank Castro!

Napaluhod sa kaba ang female manager.

“Pasensya na po, Miss Castro! Hindi ko po kayo nakilala!”

Nanlaki ang mata ni Miss Tan.

“Castro family?!” halos hindi siya makapaniwala.

Kilala ng lahat ang Castro family, kapag kumilos sila, nanginginig ang buong financial world!

“Can you expedite the process!” malamig na utos ni Erich.

“ yes ma’am.” Natatarantang sabi ng manager. 

Mabilis nitong natapos lahat. Ngunit bago pa siya makalabas, biglang dumating ang isang grupo ng mga lalaki na naka itim na suit.

Nanguna ang isang matandang lalaki, elegante, may suot na gold glasses at makapangyarihang dating

“Miss Tan,” sabi niya, “Mr. Li, punong tagapangasiwa ng pamilya Castro.”

Nanigas si Miss Tan.

“Mr Li… siya ba talaga ang anak ni Mr. Castro?”

Tumango si Mr. Li. “Tama. Siya ang tunay na anak ni Mr. Frank Castro at ang nag-iisang tagapagmana ng pamilya Castro.”

Pagkasabi noon, yumuko siya ng 90 degrees kay Erich.

“Maligayang bati sa unang pagkikita, Senyorita.”

Sabay-sabay ding yumuko ang lahat ng lalaki sa itim.

Halos hindi makagalaw si Erich sa gulat.

Si Miss Tan naman ay namutla.

“Aahh Miss Castro… pasensya na…” halos hindi makatingin si Miss Tan habang humihingi ng tawad.

Tumango lang si Erich, “it’s ok. No damage done”

Ngunit si Mr. Li, hindi kotento.

“Miss Tan, mag-sorry ka nang maayos sa aming senyorita, para maging maayos ang samahan ng ating mga pamilya.”

Lumunok si Miss Tan, lumuhod ng bahagya, at bumigkas, “Pasensya na po.”

Pagkatapos noon, umalis siya nang namumula ang mukha sa hiya.

Tahimik lang si Erich, habang lumalapit si Mr Li.

“Senyorita, kung tapos na po kayo rito. Nasa labas na ang sasakyan, maaari na po kayong sumakay.”

Tiningnan siya ni Erich. Kalmado.

“Saan tayo pupunta?”

“Sa Mansyon ng Castro,” mahinahong sagot ni Mr. Li, ngunit punô ng awtoridad.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire   Chapter 13

    Chapter 13 - 10 million, for forgiveness?Mabilis na bumalik sa ulirat si Bryan.“Rich, ano bang nangyayari sa’yo? Hindi mo naman iniintindi ang mga ganitong bagay noon. Ang Jose Corporation ay pinagsikapan nating buuin. Mag-asawa tayo, kalahati ng shares ko ay parang sa’yo na rin. Hindi mo na kailangan pang humingi niyan. At saka…”“Alam mo ang sitwasyon sa kumpanya. Mas malaki ang hawak na shares ng papa ko at ng mga major shareholders kaysa sa akin. Kahit gusto kong ibigay sa’yo ang hinihingi mo, hindi ko kaya.”“At saka yung mga matatandang board members, hinding-hindi sila papayag na babae ang mamahala ng kumpanya. Kapag ipinilit mo ’yan, ikaw lang ang mahihirapan. Ayo

  • Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire   Chapter 12

    Chapter 12: Three Day Rule, Erich Chat’s HarveyNagulat si Bryan. “Anong ibig mong sabihin na hindi siya umuuwi?”Bago pa man masagot ang tanong niya, nag-vibrate ang telepono niya. Isa na namang problema sa kumpanya.Pinaalis niya muna ang katulong, saka mabilis na lumayo para sagutin ang tawag.Pagbalik niya, napansin ni Sandra na biglang dumilim ang mukha ng lalaki kaya ninerbiyos ito. “Ano na naman ang nangyari?”“Isa na

  • Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire   Chapter 11

    Kabanata 11 — Erich hasn’t been coming home anymoreBago pa man mag-load ang picture, biglang nag-ring ang cellphone ni Bryan.Si Sandra ang tumatawag.Pagka-sagot ni Bryan, agad niyang narinig ang iyak ng babae.“Ano’ng nangyari? Ba’t ka umiiyak?”Nanikip ang dibdib niya, puno ng kaba ang boses.Pero kahit anong tanong niya kay Sandra, puro iyak lang ang sagot nito, ayaw magsalita.“Nasaan ka? Nasa bahay ka ba? Pupuntahan kita ngayon.”Pero bago niya matapos ang tanong, ibinaba nito ang tawag.

  • Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire   Chapter 10

    Chapter 10 - The Daughter of the Castro FamilySumasakit ang ulo ni Bryan. Mataas ang pride ni mommy at si Ely naman ay may pagkaspoiled. Kapag kukumbinsihin niya ang mga ito na humingi ng pasensiya kay Erich, siguradong magkakagulo lalo.“Erich, alam mo naman ang ugali ng Mommy ko. Pagbigyan mo na siya, hayaan mong humingi siya ng pasensiya sayo……”Napasiklab ang panga ni Bryan, piniling isantabi muna ang problema sa pamilya para mapakalma si Erich.On the other hand, ang kumpanya ang pinakaimportanteng dapat ayusin ngayon.“Naniniwala akong nagbabago ang tao. Para sa akin at sa kumpanya, sana pag-isipan mo muna ito ng mabuti at nang maingat.”Hindi nagdalawang-is

  • Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire   Chapter 9

    Chapter 9 - Let me quit to be your family’s Nanny“Sa tanda kong ito, tuturuan pa ako ng leksiyon ng manugang ko, nakakahiya! Anong tingin niya sa sarili niya? Kung hindi mo lang siya pinakasalan, sa tingin mo ba… karapat-dapat siyang makapasok sa pamilya natin?”Nang makita ni Mrs Jose na walang reaksyon si Bryan, humarap siya dito at sinimulang hampasin ang dibdib at hita nito sa galit.“Ma, ano ba tama na. OK, ok.. Kakausapin ko si Erich.Pagsasabihan ko siya at Dadalhin dito para himingi ng tawad kay Ely.Pag-alis niya sa bahay ni Ely, agad tumawag si Bryan kay Erich.Matagal bago sinagot ni Erich ang tawag, at may bahid ng inis sa boses ni Bryan.

  • Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire   Chapter 8

    Chapter 8 – Erich’s Counter Attack and Threat"Ikaw…" Nabilaukan si Mrs. Jose, hindi malaman kung ano ang sasabihin. Tahimik at masunurin si Erich noon, bakit bigla siyang natutong lumaban ngayon?"Sige na, Mom. Tanungin n’yo na lang si Ely kung ano’ng gusto niyang kainin at itawag n’yo na lang sa restaurant. May ginagawa pa ako rito, ibababa ko na muna."Pagkasabi noon, diretsong ibinaba ni Erich ang tawag.Nang marinig ang busy tone sa kabilang linya, halos hindi makahinga si Mrs. Jose sa inis.“Etong batang ‘to… paano niya nagawang ibaba ang tawag ko?!”

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status