LOGINUmiiyak na nayakap ni Selina ang sarili habang nakahalukipkip sa tabi ng kama.
Tuliro ang isip habang ramdam pa ang sakit ng katawan lalo na ang ibabang bahagi niya. That man was a monster in bed. Her first time was a nightmare, with her body bruised and marked. She had thought that night would be memorable for her and Morris, but it turned out to be a violent encounter with a stranger who took her innocence. Sa nobyo niya dapat iyon, it was her anniversary gift. Napahigpit ang hawak niya sa roba niya ng may sunod-sunod na kumatok sa pinto. Bigla siyang kinabahan. Mabilis siyang tumayo para siguraduhing nakalock ang pinto pero huli na ang lahat nang bumukas iyon. Nanlamig si Selina sa kinatatayuan nang makita niya ang gulat na ekspresyon ng nobyo. Nabitawan nito ang pumpon ng bulaklak sa kamay nito. She was speechless and helpless nang hagurin nito ang hitsura niya na nagtagal sa leeg niyang puno ng kiss marks. Nakita niya na mula sa pagkagulat ay napalitan iyon ng pagsalubong ng mga kilay. Galit na itong nakatingin sa kanya. "What is the meaning of this, Selina?" Morris asked in disgust. Bago pa niya magawang makagpaliwanag ay narinig niya ang tinig ng kaibigan. "Oh my God, Selina! What happened to you?" May pag aalala sa tinig ni Tanya. Sumulyap siya dito at tumingin ng nagpapasaklolo. "Tanya, help me. I don't know what happened. A man suddenly came in my room and then- " natigil ang sasabihin pa sana niya ng salubungin siya nang malakas na sampal mula sa kung saan. "How dare you cheated on my son!" Galit na tinig iyon ng ina ni Morris. Nasa singkwenta na ito subalit posturang postura pa din. Sunod sunod siyang umiling. "It's not what you think, Mrs Fuentes. Hindi ako nagloko kay Morris." Mangiyak ngiyak na wika niya habang sapo ang nanakit na pisngi. Nanliit naman ang mga mata nito sa galit. "Itinatanggi mo pa din?! Eh, ayan ang ebidensya!" Turo nito sa kanya pagkuwa'y sa nakahigang lalaki na walang kamalay-malay sa nangyayari. "I knew you were only after my son's wealth. You're nothing but a gold-digger, I don't like you anyway!" Gigil na duro nito. Lumuluha na umiling siya at pilit na pinapaunawa sa mga ito na hindi siya nagloko at mahal niya ang anak nito. "Mahal ko si Morris! Hindi ko magagawang lokohin siya." Umiiyak na sabi niya. Sumulyap siya kay Morris na ngayon ay lumambot ang ekspresyon. Alam niyang mahal siya nito. "Morris, please believe me! Hindi kita niloko. That man he rap-." Naputol ang sasabihin ng muli siyang sampalin ng ina nito. "Sinong maniniwala sayo?! Hindi kami bulag para lokohin mo! Layuan mo ang anak ko! Nakakadiri Ka! Kung sinu-sino na lang siguro ang dinadala ka sa hotel para manghuthot sa yaman ng nakakasama mo!" Akusa nito sa kanya. Napasinghap siya sa narinig. Hindi niya kayang tanggapin ang mga akusa ng ina nito subalit sa pagkakataong iyon ay kailangan niyang tiisin upang makausap at mapaniwala ang nobyo na hindi siya nagloko. Umiiyak na bumaling muli siya kay Morris at hinawakan ang mga kamay nito. "Honey, hindi kita niloko! Hindi ko kayang gawin iyon sayo! Mahal na mahal kita, alam mo iyan." Nagsusumamong saad niya sa lalaki. Bago pa man ito makapagsalita ay malakas na siyang itinulak ng ina nito. "Don't touch my son! Simula ngayon huwag ka nang magpapakita sa anak ko! Maliwanag?!" asik nito pagkuwa'y bumaling sa anak. "Son, Morris, let's get out of here! That woman wasn't worthy of our family. You can see now what she's really like. She's a leech!" Anito na muli siyang tiningnan ng masama. Hinila na nito papalayo ang anak na hindi na nakapagsalita dahil sa mga nasaksihan. Umiiyak na tinawag niya si Morris. "Morris! Morris!" Hagulgol niya, naramdaman naman niya ang paghagod ng kaibigang si Tanya sa likuran niya. "Selina, I'm sorry..." anito. Tumingin siya dito. "Tanya, do you believe me? Hindi ko niloko si Morris." Aniya sa kaibigan. Tumango ito. "Alam ko, mahal mo si Morris. I'll try to talk to him okay?" Pag alo nito sa kanya. "Thank you, Tanya," umiiyak pa ding saad niya. Nagpaalam na din ito upang sundan ang mag ina. Sinabi nitong paliliwanag nito ang mga sinabi niya. Nang mawala na sa paningin niya ang kaibigan ay nanlulumong bumalik siya sa loob ng silid. Doon ay pinagpatuloy niya ang pag iyak. Ilan taong tumagal ang kanilang relasyon ng kanyang nobyo subalit dahil sa pangyayaring iyon ay nawala ang tiwala nito sa kanya. Ang mga pangarap nila na magkasama habang buhay mukhang malabo ng mangyari. Her dreams shuttered into pieces... and because of this man! Muhing sinulyapan niya ang lalaki, tahimik na nilapitan niya ito. "Because of you...." Galit na usal niya habang nakatingin sa nakatalikod na lalaki, mahimbing pa din itong natutulog. She thought of all sorts of evil ways to get revenge. But how? Should she strangle him? But what if he woke up before she could finish the job and killed her first, given his size? Maybe she could stab him instead, but she couldn't find a knife. All sorts of murderous thoughts crossed her mind, fueled by the anger she felt when she saw the object partially covered by the clothes on the floor. Kunot noong nilapitan iyon at napaawang ang labi nang damputin ang bagay. It was a silver gold plated pistol. It was small and handy. Bakit may dala itong baril? Hindi ba pinagbabawal ang pagdadala ng baril ng isang sibilyan? Is he a policeman or a politician? Or maybe a villain who kidnap and rape a woman like her? Kumulo ang dugo niya sa huling naisip. Siguro nga rapist ito na nagpapanggap na professional upang madaling makapang biktima. She's only a simple and weak woman, simple lang ang pamumuhay niya. Isang hamak na emplayado ng isang kumpanya. Ang kasalanan lang naman niya ay umibig siya sa nobyo na mayaman. Alam niyang mahirap lang siya at hindi nababagay kay Morris pero mahal din siya nito. Nangako na ito ng kasal sa kanya. At hindi ba at may surpresa nga sana ito sa kanya. Baka magpopropose na sana ito sa kanya ng kasal. Pero dahil sa lalaking ito! Sinira nito lahat ng mga plano nila! Ang pangarap niyang makasama ang pinakamamahal niya! Her anger erupted, and she lost control as she pointed the gun at the sleeping man. "Walanghiya ka! Sinira mo ang pangarap ko!" Asik niya saka walang anumang pinindot ang gatilyo. Napapikit siya sa pag aakalang mapapatay na niya ito subalit walang lumabas na bala. "Swerte mo, nakaligtas ka ngayon! Pero sa susunod na pagkikita natin sisiguraduhin kong mabubura ka na sa mundo!" Galit na sabi niya.Nanggaling si Pola sa mayamang pamilya at nag iisang anak lang siya kaya alam niyang siya ang magmamana ng lahat ng kayamanan ng mga magulang niya pero nang magtapos ng kolehiyo, nagkaroon ng problema ang negosyo ng pamilya niya, na isang investment company, bumagsak ang stock market at bumaba ang balik ng mga in-invest ng mga kliyente dahil sa economic downturns, at dahil doon nagwithdraw ang kalahati sa mga may shares sa kumpanya dahilan para ma bankrupt ang negosyo nila. Ang mga ari-arian nila ay nawala, ang mga sasakyan, ang mga bahay, at ang mga alahas ay naibenta upang mabayaran ang mga utang. Ang malaking mansiyon na lamang ang tanging natira sa kanila. Ang mga magulang niya, lalo na ang kanyang ama, ay labis na naapektuhan. Ang pagkawala ng matagal na itinayong negosyo ay mabilis na nawala na naging sanhi ng pagkakasakit nito. Bagaman hindi siya maluho at hindi apektado sa pagkawala ng mga materyal na bagay, alam niya na kailangan nila ng malaking pera para sa pagpapagamot
College Days... Bigla ay bumuhos ang ulan, nagtatakbong sumilong si Pola sa waiting shed, nakalimutan niyang magdala ng payong, hindi naman kasi nagpahiwatig ang kalangitan kanina ng umalis siya ng bahay, tirik na tirik ang araw ng lisanin niya ang mansiyon. Pinagpag niya ang kanyang uniporme, tila mga luha ng langit ang mga patak ng ulan na dumadaloy sa kanyang mukha. Bahagya namang nabasa ang mga libro niyang dala, ngunit ang kanyang salamin ang higit na nagdusa— nanlabo ang lente niyon na tila ba sumasagisag sa kanyang mga mata na ngayon ay tila nawalan ng linaw. Hindi tuloy niya maaninag ng malinaw ang lalaking nagtatakbong sumilong din sa shed. "Tch, sana pala dinala ko ang sasakyan ko," inis na bulong nito. Inalis ni Pola ang kanyang salamin at pinunasan ng laylayan ng damit. At nang muling isinuot niya iyon, eksaktong naghinang ang mga mata nila ng lalaki. Awtomatik na umawang ang bibig niya ng masilayan niya ang pinakaguwapong lalaking nakita niya sa personal, sa K
Pola' POV Tahimik na sumakay ng sasakyan si Pola, ang katahimikan ng kapaligiran ay sinasalamin ng tahimik na lalaki sa tabi niya, na may malungkot na mga mata habang nakatanaw sa food house na kaniyang pinanggalingan. Ang bigat ng katahimikan ay bumalot sa kanyang buong pagkatao. Sinundan niya ang mga mata ng lalaki sa tabi niya, na nakatuon sa iisang tao - ang babae sa loob ng food house, na tilang bumalik dito ang mga alaala ng nagdaang taon. Hindi nagbabago ang tingin ni Morris, puno ng mga alaala at emosyon na tanging sa babaeng iyon lamang nakalaan. Sa tagal na niyang nakasama ang lalaki bilang kaibigan at assistant nito, nasaksihan ni Pola kung paano masaktan si Morris, kung paano nitong tiniis ang sakit. Palagi nitong sinasabi na naka-move on na ito kay Selina, ang unang babaeng minahal nito. Ngunit ang mga mata nito ay nagsasabi ng totoong nararamdaman nito, ang mga lumbay na nakakubli sa likod ng mga salita, ang pag-ibig na hindi maikakaila. Kahit matagal nang walang r
Tumigil ang sasakyan sa tapat ng Fried Chicken Food House. Bumaba si Eachen at pinagbuksan siya ng pinto sa passenger side. "Thank you," nakangiting sabi niya. Ngumiti lang ito sa kanya. "Let me hold Ella," saad nito, pinasa niya ang anak sa kabiyak. "Mukhang madaming kumakain," komento ni Selina nang muling binaling ang atensyon sa food house. Nag umpisa na siyang maglakad papasok sa kainan, nakasunod naman ang kanyang mag ama. Dumiretso sila sa kitchen kung nasaan ang mga magulang. "Ma! Pa!" agaw niya sa atensyon ng mga ito. Mabilis na nagbaling ng tingin ang mga ito sa gawi nila. Kitang-kita niya ang pagliwanag ng mukha ng mga magulang niya nang makita sila. "Oh my! Ang apo ko!" bulalas ng kanyang ina na dumiretso kay Ella. "Ang cute talaga ng baby namin, pabuhat naman sa apo ko," masayang saad nito, ipinasa naman ng kabiyak si Ella sa kanyang ina. "Kumain na ba kayo mga anak?" tanong ng kanyang ama sa kanila ni Eachen, hinalikan muna niya sa pisngi ang ama bago na
Sa conference room ng RCC, lahat ng mga matataas na opisyal at manager ng kumpanya ay seryosong nakatutok ang atensyon sa unahan, ang araw na iyon ay buwanang pagpupulong tungkol sa bagong estratehiya para sa tagumpay ng kumpanya. Habang nakikinig ang lahat sa nagsasalita sa unahan, ang presidente naman ay seryosong nakatingin sa mga dokumentong papel at nirerebisa ang mga ipinasang reports ng bawat departamento, hindi niya alintana ang mumunting ingay na ibinibigay ng karga niyang bata, hawak ang rattle toy tumayo sa kandungan niya ang anak at umakyat sa lamesa, hinablot nito ang mga papel na binabasa niya, imbis na magalit ay nakangiting binalingan niya ito at nagsalita. "Ella, that's dirty," sabi niya nang makitang isusubo ng bata ang papel, maagap niya iyong kinuha sa kamay ng anak. Nang makita niyang nag iba ang mood nito at napipinto ang pag iyak ay mabilis niya itong binuhat at hinalikan sa pisngi, natigil naman ang akmang pagtotoyo nito at sumilay ang ilang maliliit at mapup
Pagbukas ng mataas na pinto ng simbahan, bumungad ang napakagandang bride, si Selina. Sa kanyang napakaganda at mamahaling wedding gown, nakataklob ang puting belo, tila ba kumikinang siya sa kagandahang taglay. Nakita niya ang maraming taong dumalo sa importanteng araw na iyon ng kanyang buhay. Nag-umpisang tumugtog ang malamyos na tunog ng piano at kasabay niyon ay nag-umpisa na rin siyang maglakad, natuon ang mga mata niya sa lalaking nakatayo sa harap ng altar. Tumahip ang dibdib niya nang masilayan niya kung gaano kaguwapo ang kanyang groom. Mababakas sa mga mata nito ang pagmamahal at paghanga habang nakatingin sa kanya. Tahimik ang lahat habang nakatayong nakatingin sa kanya. Sinalubong siya ng kanyang ama at naglakad sila patungo sa altar. Habang papalapit ay hindi na tumigil ang pagkabog ng dibdib niya. Sa wakas kasi ay matutuloy na ang kasal nila ng lalaking mahal niya. "Ingatan mo ang anak ko, Eachen. Mahalin at alagaan mo siya at ang anak ninyo," nakangiting sabi ng ka







