Share

CHAPTER 167 (SS: 24)

Author: Hiraya ZR
last update Last Updated: 2026-02-11 00:24:51

Mula sa back seat ng sasakyan ni Brent ay tahimik lang si Pola habang nakikinig sa dalawang lalaki na nag uusap sa harapan ng sasakyan.

Magmula noong college days hanggang sa business ang naging topic ng mga ito, tila na out of place naman siya kaya bumaling siya sa labas ng bintana. Doon ay nagkaroon siya ng sarili niyang mundo, inabala niya ang sarili kung bakit ba biglang sumama sa kanila si Morris, palaisipan sa kanya ang naging pagkilos nito kanina.

Talaga nga kaya na gusto lang siya n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rebecca Brown
Sana umamin na si Morris
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • EACHEN HAN, The Obsessive CEO   CHAPTER 170 (SS: 27)

    “Anong sabi ni Brent? Bakit ka niya tinawagan?” tanong ni Morris, binasag nito ang katahimikan sa pagitan nila. Dagling nilingon ni Pola ang binata, nakita niyang nakatuon ang mga mata nito sa daan habang nagmamaneho. Gabi na at papauwi na sila ng mga sandaling iyon. Nagdalawang-isip siya kung sasabihin ba niya ang totoo. “Ah, sinabi niya lang sa akin ang oras at lugar kung saan kami magdedate ngayong weekend,” sagot niya, pilit na pinapakalma ang sarili. Pinili niyang huwag magsinungaling—para sa kanya, walang saysay ang itago ito kay Morris, lalo na’t kaibigan lang naman ang tingin nito sa kanya. Bigla itong napapreno. Mabuti na lamang at papasok na sila sa village kung saan siya nakatira. “B-bakit?” gulat na tanong niya, mahigpit na nakahawak sa strap ng seatbelt. “Ah, sorry. May dumaang pusa kaya napapreno ako,” paliwanag ni Morris. Tumingin si Pola sa labas, pero wala naman siyang nakitang pusa na tumawid. “So, you’ve bought a dress for your date with Brent this weeken

  • EACHEN HAN, The Obsessive CEO   CHAPTER 169 (SS:26)

    “Are you free this weekend? Let’s date.” Nabasa ni Pola ang text message ni Brent, mabilis niya itong nireplyan. “Yes, I’m free. Okay, let’s date.” Pagkatapos, ibinaba niya ang cellphone at nagpatuloy sa paggawa ng report. Palihim niyang sinulyapan si Morris na nasa kabilang mesa. Bahagya siyang napapiksi nang makitang nakatingin ito sa kanya. Nagkataon lang ba, o kanina pa siya nakamasid? “Do you need something, Sir?” tanong niya, pilit na nagpapakanormal. Nagbuntong-hininga ito. “I’m actually asking if you can accompany me today,” sabi nito, nagtatanong ang mga matang nagsalita siya. “Saan?” “Sa Han Mall. Bibili ako ng regalo. May birthday party akong pupuntahan this weekend,” sagot ng binata. Mabilis siyang tumango. “Okay, perfect timing. I need to buy something at Han Mall too.” Aniya. “What are you going to buy?” Curious na tanong ng binata. “I’m getting a new dress,” kaswal na sagot niya. Ngumiti ito. “Okay. Let’s go later, after work.” Tumango si Pola

  • EACHEN HAN, The Obsessive CEO   CHAPTER 168 (SS: 25)

    “Pola is my friend and has become family to me, I'm happy to know she's been with me through the saddest moments of my life. That's why I was able to get through all of that.” Sabi ni Morris na nakatingin na sa kanyang mga magulang. ‘Friend. Yeah, she’s always just the friend who’s there for him, never the woman who loves and cares for him.’ Sabi niya sa isip, pinamahayan ng kalungkutan ang puso niya. Masakit pa rin marinig mula dito na kaibigan lang talaga ang tingin nito sa kanya. Nabaling ang tingin niya kay Brent na pinagmamasdan pala siya. His eyes seem to know something—or maybe it’s just her imagination. Pagkatapos ng hapunan ay nagpaalam na rin ang dalawang lalaki. “Salamat po sa masarap na hapunan, auntie,” nakangiting sabi ni Brent. “Dalasan mo ang dalaw para makakain ka ng masasarap na specialty ng aming cook,” nakatawang sabi ng kanyang ina. Nagliwanag naman ang mukha ni Brent. “Sure po! Hindi ko po iyan tatanggihan.” Sagot ni Brent. Nabaling ang tingin n

  • EACHEN HAN, The Obsessive CEO   CHAPTER 167 (SS: 24)

    Mula sa back seat ng sasakyan ni Brent ay tahimik lang si Pola habang nakikinig sa dalawang lalaki na nag uusap sa harapan ng sasakyan. Magmula noong college days hanggang sa business ang naging topic ng mga ito, tila na out of place naman siya kaya bumaling siya sa labas ng bintana. Doon ay nagkaroon siya ng sarili niyang mundo, inabala niya ang sarili kung bakit ba biglang sumama sa kanila si Morris, palaisipan sa kanya ang naging pagkilos nito kanina. Talaga nga kaya na gusto lang siya nitong i-treat ng dinner kaya siya nito niyaya kanina? O kaya nga ba sumama ito sa kanila para mabisita ang kanyang mga magulang? Teka, namamag asa ba siya na may ibang dahilan pa? Umaasa pa rin ba siya na baka nagbago ito, na baka may gusto na rin ito sa kanya. “Oh about Joan, tumawag siya kanina, kasama mo raw siya. Nagyayaya nga ang mga iyon mag beach outing,” sabi ni Brent, naagaw ang pagmumuni muni niya at itinuon ang pakikinig sa usapan ng mga ito. "Ah, yeah, I'm with her earlier,"

  • EACHEN HAN, The Obsessive CEO   CHAPTER 166 (SS: 23)

    "I'm sorry, I'm running late. Tell the warehouse manager to wait a few minutes, I just need a quick break," bungad ni Morris nang bumukas ang pinto ng opisina at pumasok ang binata. Tiningnan ito ni Pola, sa nakikita niyang ekspresyon ng binata mukhang pagod ito. Saan galing ito kasama si Joan? Hindi kaya? No, she shouldn't be thinking about that – she was trying to move on. ‘Yes, I’m trying to move on, wala akong pakealam kung saan pumunta ang mga ito.’ Giit niya sa sarili. “Pola.” Tawag nito sa kanya, pero nanatili siyang nakatulala kaya naman tumayo ito at nilapitan siya. Naramdaman niya ang pagtapik nito sa balikat niya. "Pola?" Nagtatakang tawag nito sa kanya, nang makabawi ay nagulat siya ng makita itong nasa harap niya. “Ha? B-bakit?” Bahagya siyang napapiksi. Nangunot ang noo nito. “Are you okay? Parang wala ka sa sarili mo.” Komento nito, inayos niya ang sarili at umupo ng diretso. "I'm okay, I'll let the manager know you're running a bit behind," sabi niya n

  • EACHEN HAN, The Obsessive CEO   CHAPTER 165 (SS: 22)

    “Pola, may naghahanap sayo sa labas,” sabi ni manang, katatapos lang niya kumain ng agahan. Nangunot ang noo niya. “Sino daw po?” Tanong niya. “Hindi ko kilala pero lalaki.” Sagot nito. “Lalaki?!” Halos sabay-sabay na bulalas ng kanyang pamilya na naroon sa harap ng hapag, napangiwi naman siya sa lakas ng tinig ng mga ito. Tila big deal na may naghahanap na lalaki sa kanya. Doon naman niya naalala na susunduin siya ni Brent dahil coding ang sasakyan niya. “Aalis na po ako, baka nandyan na si Brent,” paalam niya at tumayo na. Muling nag chorus ang mga ito. “Brent?!” Sabay sabay na sabi ng mga ito. Nahaplos niya ang tainga, nabingi yata siya saglit. “Anong problema ninyo?” Naiiling na tanong niya sa mga ito. “Sino si Brent, ate Pola?” tanong ni Lovely, tumingin siya dito at nakita niya ang matinding kuryusidad sa mukha nito. “Siya iyon naka-blind date ko kahapon, at kaklase ko noong highschool.” Kaswal na sagot niya, tuwang tuwa na napatayo ang kanyang ina. “Talag

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status