LOGINAs she opened her eyes, she locked gaze with the man. Selina's heart began pound once more.
Kung bakit kasi nakakaintimidate kung tumingin ang lalaking ito! He's one hell of a handsome man. Lihim na sinaway niya ang sarili pagkuwa'y marahas itong tinulak. "Don't touch me! Pervert!" asik niya. Nakita naman niya ang pangungunot ng noo nito. "Is this the way to thank a man who saved you from hitting the floor?" He said sarcastically. "Sinabi ko bang tulungan mo ako?" Irap niya. He snort. "Huh! So this is how you're going to seduce me again?" He said, grinning. Napahigpit naman ang paghawak niya sa handle ng fried chicken box. "Anong sabi mo?" Asik niya. Kaswal na pinag ekis nito ang mga braso. "You followed me here just to get my attention?" he said, his gaze piercing as he looked up from the food in her hands. "And you think a box of fried chicken is going to charm me?" he teased, suddenly bursting into mocking laughter. Pinigilan niya ang sariling isampal sa lalaki ang hawak. "What do you want now? Money? A car? A designer bag? Just name your price, and it's yours - after all, I had such a great time that night," he continued, his tone dripping with sarcasm. Hindi na niya napigilan ang sarili, binitawan niya ang hawak pagkuwa'y walang anu-anong sinuntok ito sa tiyan. Ganon na lamang ang paghalukipkip nito na halatang nasaktan. "You!" He exclaimed, his anger boiling over. She strode towards him, grasping his necktie and pulled him close, their face almost touching. "How dare you?! After what you did to me that night," she said, her voice trembling with rage. "Hindi mo alam kung paano mo sinira ang mga pangarap ko ng gabing iyon. And yes! I have one thing I want from you." Patuloy niya habang naniningkit ang mga mata. Hindi naman ito umimik, animo pinag aaralan lang nito ang buong mukha niya, mas tila curious ito sa kung ano kaysa sa galit niya. "I want you dead." Walang gatol na saad niya. Napalitan ng pagkamangha ang ekspresyon nito. "Oh, you want me dead? Well, go ahead and try to kill me," he said, his tone laced with mockery. Nakuyom niya ang mga palad. She hated the man. Hindi nito alam kung gaano kalaki ang galit niya dito. Nasa ganon silang sitwasyon nang bumukas ang exit door ng 3rd floor at bumungad ang isang lalaki. "Mr. Han, your guest are here for the meeting," bungad nito subalit nang makita na halos magkadikit ang mga mukha nila ay napipi ito. Mabilis naman niyang tinulak ang lalaki. Kita sa mukha ni Sir Olan ang pagkagulat sa ginawa niya. "Mi-mi Mr. Han! Okay lang ba kayo?" Nag aalalang tanong nito sa lalaki. Inayos ng lalaki ang suot na necktie at kaswal na nagsalita. "Yeah," sagot nito. Inirapan naman niya ang lalaki nang tumingin itong muli sa kanya. "Selina, come here, kukunin ko lang ang pambayad sa order ko," awkward naman na sabi nito. Marahan lang siyang tumango pagkuwa'y inabot ang dalawang box ng fried chicken. Bago siya maglakad ay sumulyap muna siya sa kanina'y kausap. "Just wait for that day," she declared boldly, then strode towards the open door. Nakita naman niya ang pagtataka sa mukha ni Sir Olan, gusto nitong magtanong subalit tila minabuting tumahimik na lamang. "Thank you, Sir Olan." Nakangiting sabi ni Selina nang ibigay nito ang perang pinambayad sa order nito. "Thank you din, hindi ko akalain na ikaw ang maghahatid nitong order ko, hindi ba at may pasok ka?" Anito. Tumango siya. "Nakisuyo lang si mama na ideliver ko ito, since lunch break at malapit lang naman sa kumpanya," sagot niya. "Napakabait na anak talaga," komento nito. Ngumiti lang siya. Maya-maya ay tinawag ito ng isang empleyado. Nagpasya na din siyang umalis doon, kalalabas lang niya ng office room ni Sir Olan nang makasalubong na naman niya ang nakakainis na lalaki. Mr. Han, tinawag nga pala itong Mr. Han kanina ni Sir Olan. Han, parang pamilyar sa akin ang apelyidong iyon. Pinilig niya ang ulo, ayaw niyang mag aksaya ng panahon para dito. Inis na nagbuga siya ng hangin. Kapag nga talaga minamalas ka! Wala na siyang balak pang pansinin ito kaya dire-diretso siyang naglakad pero talagang mapang asar ang lalaki. She stopped as he blocked her path. She took a step back as he brought his face close to her. "I'll wait for that day," he said, his lips curling into a smirk. She seethed, her teeth clenched in rage, inuubos talaga nito ang pasensya niya. Magsasalita sana siya subalit naagaw ang atensyon niya ng may magsalita sa likuran niya. "Good afternoon, nice to see you, Mr. Han!" A familiar voice said. "Yeah, nice to see you," Mr. Han replied. Nakita niyang nakipagkamay ito sa bagong dating na lalaki. In her curiosity, she look at the man with a familiar voice. Napaawang ang labi niya nang makita ang nobyo. Sabi na! Hindi ako maaaring magkamali! It's Morris! She restrained herself from approaching him and embracing him tightly. She held back her tears, not wanting to draw attention. "I'm sorry, late na yata ako sa lunch meeting. " paghingi ng pasensya ni Morris. "It's okay, kadarating lang din naman ng mga pagkain," agaw ni Sir Olan na hawak pa pala ang dalawang box ng fried chicken. Napansin niyang nag iba ang ekspresyon ni Morris nang makita ang hawak nito. "Oh, Selina. Nandito ka pa pala?" Bigla ay sabi ni Sir Olan. Doon lang napansin ni Morris ang presensya niya. Nang magtama ang mga mata nila ay hindi na niya napigilan ang sarili. "Morris, puwede ba tayong mag usap?" Tanong niya. Inilihis naman nito ang tingin. "I'm busy right now," mabilis na sagot nito. Lalapitan sana niya ito pero mabilis na tumalikod ang nobyo. "What about later, after you're done with your meeting?" Muling tanong niya. Nakita niya ang pagbuga nito ng hagin. "I have meeting with directors later," anito na nagsimula nang maglakad. Sinundan niya ito at hinawakan ang isang kamay. Wala naman siyang pakealam sa mga taong naroon. Ni hindi niya pinansin ang reaksyon ng mga ito. "Morris, wala ka ba talagang time para kausapin ako?" Mangiyak ngiyak na sabi niya "Maghihintay ako, just tell me when. I need to talk to you and explain everything." Giit niya. Muling nagbuga ng hangin ang binata pagkuwa'y binawi ang kamay na hawak niya. "I don't have time," maikling saad nito, she felt a sudden pain in her heart. Bumaling ito kay Sir Olan na nagtataka sa mga nangyayari. "Sir, I apologize for the interruption, may we continue our conversation?" Pormal na sabi nito. Mabilis namang kumilos si Sir Olan at ginabay ang binata papunta sa meeting room. Naiwan naman siyang naglulumo. Wala na ba talagang pag asa na maayos ang relasyon nila ni Morris? Is this the end of our relationship? Hindi niya napansin ang luhang kumawala sa mga mata niya. Mabilis niya iyong pinunasan nang maramdaman ang isang bulto sa tabi niya. Nang makabawi ang sarili ay binalingan niya ang bulto sa tabi. Mr. Han studied her face with an intense gaze, as if trying to decipher her thought. "Get lost!" Asik niya at nagmartsa papalayo dito.Nanggaling si Pola sa mayamang pamilya at nag iisang anak lang siya kaya alam niyang siya ang magmamana ng lahat ng kayamanan ng mga magulang niya pero nang magtapos ng kolehiyo, nagkaroon ng problema ang negosyo ng pamilya niya, na isang investment company, bumagsak ang stock market at bumaba ang balik ng mga in-invest ng mga kliyente dahil sa economic downturns, at dahil doon nagwithdraw ang kalahati sa mga may shares sa kumpanya dahilan para ma bankrupt ang negosyo nila. Ang mga ari-arian nila ay nawala, ang mga sasakyan, ang mga bahay, at ang mga alahas ay naibenta upang mabayaran ang mga utang. Ang malaking mansiyon na lamang ang tanging natira sa kanila. Ang mga magulang niya, lalo na ang kanyang ama, ay labis na naapektuhan. Ang pagkawala ng matagal na itinayong negosyo ay mabilis na nawala na naging sanhi ng pagkakasakit nito. Bagaman hindi siya maluho at hindi apektado sa pagkawala ng mga materyal na bagay, alam niya na kailangan nila ng malaking pera para sa pagpapagamot
College Days... Bigla ay bumuhos ang ulan, nagtatakbong sumilong si Pola sa waiting shed, nakalimutan niyang magdala ng payong, hindi naman kasi nagpahiwatig ang kalangitan kanina ng umalis siya ng bahay, tirik na tirik ang araw ng lisanin niya ang mansiyon. Pinagpag niya ang kanyang uniporme, tila mga luha ng langit ang mga patak ng ulan na dumadaloy sa kanyang mukha. Bahagya namang nabasa ang mga libro niyang dala, ngunit ang kanyang salamin ang higit na nagdusa— nanlabo ang lente niyon na tila ba sumasagisag sa kanyang mga mata na ngayon ay tila nawalan ng linaw. Hindi tuloy niya maaninag ng malinaw ang lalaking nagtatakbong sumilong din sa shed. "Tch, sana pala dinala ko ang sasakyan ko," inis na bulong nito. Inalis ni Pola ang kanyang salamin at pinunasan ng laylayan ng damit. At nang muling isinuot niya iyon, eksaktong naghinang ang mga mata nila ng lalaki. Awtomatik na umawang ang bibig niya ng masilayan niya ang pinakaguwapong lalaking nakita niya sa personal, sa K
Pola' POV Tahimik na sumakay ng sasakyan si Pola, ang katahimikan ng kapaligiran ay sinasalamin ng tahimik na lalaki sa tabi niya, na may malungkot na mga mata habang nakatanaw sa food house na kaniyang pinanggalingan. Ang bigat ng katahimikan ay bumalot sa kanyang buong pagkatao. Sinundan niya ang mga mata ng lalaki sa tabi niya, na nakatuon sa iisang tao - ang babae sa loob ng food house, na tilang bumalik dito ang mga alaala ng nagdaang taon. Hindi nagbabago ang tingin ni Morris, puno ng mga alaala at emosyon na tanging sa babaeng iyon lamang nakalaan. Sa tagal na niyang nakasama ang lalaki bilang kaibigan at assistant nito, nasaksihan ni Pola kung paano masaktan si Morris, kung paano nitong tiniis ang sakit. Palagi nitong sinasabi na naka-move on na ito kay Selina, ang unang babaeng minahal nito. Ngunit ang mga mata nito ay nagsasabi ng totoong nararamdaman nito, ang mga lumbay na nakakubli sa likod ng mga salita, ang pag-ibig na hindi maikakaila. Kahit matagal nang walang r
Tumigil ang sasakyan sa tapat ng Fried Chicken Food House. Bumaba si Eachen at pinagbuksan siya ng pinto sa passenger side. "Thank you," nakangiting sabi niya. Ngumiti lang ito sa kanya. "Let me hold Ella," saad nito, pinasa niya ang anak sa kabiyak. "Mukhang madaming kumakain," komento ni Selina nang muling binaling ang atensyon sa food house. Nag umpisa na siyang maglakad papasok sa kainan, nakasunod naman ang kanyang mag ama. Dumiretso sila sa kitchen kung nasaan ang mga magulang. "Ma! Pa!" agaw niya sa atensyon ng mga ito. Mabilis na nagbaling ng tingin ang mga ito sa gawi nila. Kitang-kita niya ang pagliwanag ng mukha ng mga magulang niya nang makita sila. "Oh my! Ang apo ko!" bulalas ng kanyang ina na dumiretso kay Ella. "Ang cute talaga ng baby namin, pabuhat naman sa apo ko," masayang saad nito, ipinasa naman ng kabiyak si Ella sa kanyang ina. "Kumain na ba kayo mga anak?" tanong ng kanyang ama sa kanila ni Eachen, hinalikan muna niya sa pisngi ang ama bago na
Sa conference room ng RCC, lahat ng mga matataas na opisyal at manager ng kumpanya ay seryosong nakatutok ang atensyon sa unahan, ang araw na iyon ay buwanang pagpupulong tungkol sa bagong estratehiya para sa tagumpay ng kumpanya. Habang nakikinig ang lahat sa nagsasalita sa unahan, ang presidente naman ay seryosong nakatingin sa mga dokumentong papel at nirerebisa ang mga ipinasang reports ng bawat departamento, hindi niya alintana ang mumunting ingay na ibinibigay ng karga niyang bata, hawak ang rattle toy tumayo sa kandungan niya ang anak at umakyat sa lamesa, hinablot nito ang mga papel na binabasa niya, imbis na magalit ay nakangiting binalingan niya ito at nagsalita. "Ella, that's dirty," sabi niya nang makitang isusubo ng bata ang papel, maagap niya iyong kinuha sa kamay ng anak. Nang makita niyang nag iba ang mood nito at napipinto ang pag iyak ay mabilis niya itong binuhat at hinalikan sa pisngi, natigil naman ang akmang pagtotoyo nito at sumilay ang ilang maliliit at mapup
Pagbukas ng mataas na pinto ng simbahan, bumungad ang napakagandang bride, si Selina. Sa kanyang napakaganda at mamahaling wedding gown, nakataklob ang puting belo, tila ba kumikinang siya sa kagandahang taglay. Nakita niya ang maraming taong dumalo sa importanteng araw na iyon ng kanyang buhay. Nag-umpisang tumugtog ang malamyos na tunog ng piano at kasabay niyon ay nag-umpisa na rin siyang maglakad, natuon ang mga mata niya sa lalaking nakatayo sa harap ng altar. Tumahip ang dibdib niya nang masilayan niya kung gaano kaguwapo ang kanyang groom. Mababakas sa mga mata nito ang pagmamahal at paghanga habang nakatingin sa kanya. Tahimik ang lahat habang nakatayong nakatingin sa kanya. Sinalubong siya ng kanyang ama at naglakad sila patungo sa altar. Habang papalapit ay hindi na tumigil ang pagkabog ng dibdib niya. Sa wakas kasi ay matutuloy na ang kasal nila ng lalaking mahal niya. "Ingatan mo ang anak ko, Eachen. Mahalin at alagaan mo siya at ang anak ninyo," nakangiting sabi ng ka







