Masuk"Pasensya na, anak. Nagkataon na may delivery ang papa mo sa kabilang kanto, kung hindi lang ito urgent order hindi kita tatawagan para humingi ng tulong, naistorbo ko pa tuloy ang lunch break mo," paghingi ng pasensya ng kanyang ina.
Nakangiting umiling siya. "Mama naman, hinding hindi kayo magiging istorbo sakin, okay lang naman ho na tumulong ako paminsan minsan dito sa food house natin at tutal naman malapit lang naman ang kumpanyang pinapasukan ko dito," masayang tugon niya. Inabot sa kanya nito ang dalawang box ng fried chicken, inilagay naman niya iyon sa insulation bag, kinuha ang helmet at sumakay sa orange na scooter. "Sa Royale Construction Co. yan ha, si boss Olan ang receiver," paalala nito. Tumango naman siya. Hindi naman na bago sa kanya ang pagdadalhan ng order, madalas magpadeliver ang mga empleyado sa kumpanyang iyon. "Noted po!" Nakangiting saad pagkuwa'y pinaandar na ang scooter. Bata pa lang siya ay katu-katulong na siya ng mga magulang sa pagpapatakbo ng fried chicken food house, nasanay na siyang magbenta, magserve at magdeliver ng mga orders. Kaya simpleng simple na lang ang mga ginagawa niya. Tinahak niya ang kahabaan ng industrial parkway na iyon. Kabi-kabila ang mga nakatayong kumpanya sa lugar. Doon din ang kumpanya kung saan siya nagtatrabaho. She's a Project Assistant Manager at the second big construction company, doon siya nag on-the-job training noong nag aaral pa siya ng kolehiyo sa kursong Civil Engineering. She's one of the top ojt's that time, and luckily, binigyan kaagad siya ng trabaho ng kumpanya pagkagraduate niya. Sa ngayon ay tatlong taon na siyang nagtatrabaho doon. Itinigil niya sa tabi ang scooter at saglit na tumingala, naroon na siya sa tapat ng Royale Construction Co, ang isa sa pinakamalaking construction company doon at madalas kakumpitensya ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. Ang RCC ang isa sa dream company na gusto niyang pasukan noon, bukod kasi sa malaki ang pasahod ng mga ito ay nabibigyan ng chance ang mga empleyado na makapag work abroad. Nagpapadala ang mga ito sa iba't ibang bansa na may International branch nila bilang representative. And being chosen for this opportunity is a significant honor for employees like her. Nag send din siya ng resume sa kumpanyang iyon noon at nakaschedule na for job interview kaya lang nauna lang talaga siyang tawagan ng Atlas Builders. Maya maya ay kumilos na siya at inilabas ang dalawang box ng fried chicken. Inayos niya ang suot na blazer, nakasuot pa din ang company ID niya na hindi na inalala pang tanggalin. Lumapit siya sa guard at in-inform na magdadala lamang ng order sa HR department. Pinapasok naman siya nang makita nito ang dala niya, madalas naman na magdeliver ang papa niya doon kaya kilala na din siya nito. Habang naglalakad ay hindi pa din mapigilan ni Selina na humanga sa laki at lawak ng kumpanya. The walls design and color scheme harmonize beautifully, and a big screen TV in the center showcase promotional ads for the construction company. Tumigil siya saglit nang tumunog ang cellphone. Isang text message mula kay sir Olan ang natanggap niya. Nasa 3rd floor daw ito at doon na lang daw niya dalhin ang order. Kibit-balikat na naglakad siya patungo sa elevator subalit napansin niyang madaming nakapila sa labas niyon. Lunch break kaya madaming empleyadong nagkalat, mukhang papunta sa cafeteria o pabalik sa kani-kaniyang department. Sinulyapan niya ang relong suot at nakitang alas dose kinse na, kailangan na niyang magmadali dahil baka mahuli din siya sa kanyang trabaho. Hindi pa din siya nagtatanghalian pero dahil kumain naman siya ng sandwich kanina bago mag alas dose ay hindi pa naman siya nakakaramdam ng gutom. Gumamit na siya ng hagdan upang akyatin ang tatlong palapag ng gusaling iyon. Habang paakyat ay nahagip ng mga mata niya ang isang tila pamilyar na bulto. Nakatalikod ito habang may kausap sa cellphone nito, nakatingin ito sa bintanang salamin habang nakapamulsa ang isang kamay. Why does this man looks familiar? Aniya sa sarili. Pinilig niya ang ulo at inalis ang tingin sa lalaki pagkuwan ay pinagpatuloy ang pag akyat. Mag iisang buwan na din simula ng mangyari ang insidente sa hotel at sa panahong iyon ay palagi pa ding pumapasok sa isip niya ang estrangherong lalaki. That man! I'll never forgive him! Sigaw ng isip niya, hanggang sa mga sandaling iyon kasi ay hindi pa sila nagkikita o nagkakausap ni Morris. She tried to contact him but always rejected. Mukhang nagpalit ito ng bagong numero, sinubukan din niyang tawagan ang office telephone nito subalit palagi raw itong nasa meeting or abala sa trabaho. Kapag humihingi naman siya ng saklolo sa kaibigan ay palagi din itong bigong pagtagpuin sila. Masyado daw hectic ang schedule ng binata. Namamag asa siya na isang araw ay makaharap niya ang nobyo at makausap ito. She wanted to explain everything to him. Kahit kailan ay hindi niya naisip na lokohin ang lalaki gayong mahal na mahal niya ito. Tahimik pa din ang pag akyat ni Selina, iniiwasan niyang gumawa ng ingay upang hindi maistorbo ang nakatalikod na lalaki. Mukhang importante pa naman ang pinag uusapan nito at ng taong kausap sa kabilang linya. Hindi nga niya sinasadyang marinig ang ilan sa mga sinabi nito. "Are you sure there aren't any CCTV copies from that night? How come?" Tila inis na sabi nito sa kausap. His voice seems familiar pero pinagkibit balikat din niya iyon, madami namang magkakaboses kaya nagkataon lang siguro iyon. Nagulat siya ng bigla na lamang itong nagalit sa kausap. "To hell with this! Keep investigating! I want my hunny tart back!" He roared. She rolled her eyes, thinking, "Hunny tart? Really? What an odd nickname" Eksaktong nasa tapat na siya nito ng bigla itong humarap. Their eyes met, hindi niya alam kung nabingi lang ba siya sa katahimikan o dahil nabingi sa biglang pagkabog ng dibdib. Her eyes widened in shock as she recognized the man. Hindi siya maaaring magkamali, ito ang estrangherong lalaki na umangkin sa kanya noong gabi mag iisang buwan na ang nakararaan. Dahil sa pagkagilalas ay na out of balance siya, napapikit siya dahil alam niyang mahuhulog siya sa malamig na marmol subalit kung bakit mainit ang dumampi sa katawan niya ay hindi niya alam.Hindi pa nagtatagal ang pag alis ni Eachen nang tumunog ang cellphone ni Selina, inabot niya ang bag sa ibabaw ng kama at kinuha ang aparato. Sinulyapan niya ang numero subalit hindi iyon pamilyar sa kanya, gayunpaman, sinagot pa rin niya ang caller. "Hello?" "Kumusta?" tinig ng isang babae. "Tanya?" bulalas niya, kaagad niyang nabosesan ang kausap. Narinig niya ang mahinang pagtawa nito. "Nagulat ka ba? Hindi mo ba ine-expect na buhay pa ako?" sarkastikong tanong nito. "Wala naman akong sinabi," bagot na sabi niya. "Ganyan ka na ba kayabang ngayon?" matigas na sabi nito, nakikita niya sa balintataw ang matalim na tingin nito. "Hindi ako nagbabago, Tanya, ito pa rin ako simula ng makilala mo ako," saad niya. Narinig niya ang nakakalokong pagtawa nito. She sounded like a real villainess in a movie. Nagbuga siya ng hangin, sa totoo lang ay naaawa siya dito. Nang dahil sa labis na obsesyon nito sa isang lalaki ay nasira ang buhay nito. "Siguro masayang masaya ka
"Wait, talaga bang sasakay tayo diyan?" manghang tanong ni Selina na tinuro ang helicopter na nasa gitna ng helipad. Niyakag siya ni Eachen para mag stroll, ang akala naman niya ay road trip, sky trip pala ang gusto. "Yes, I want to show you how beautiful the city lights are. We'll just be a moment, one quick trip," he says, a hint of excitement in his voice, maingat na isinuot nito sa kanya ang ear protection para hindi siya mabingi sa rotor blades. Hinawakan nito ang kamay niya at mabilis silang naglakad papasok sa helicopter. "We're ready now, Kylus!" sabi ni Eachen sa piloto. Sumenyas naman ang lalaki. "Okay, Let's take off!" sabi ng piloto, habang nagsimulang tumakbo ang mga rotor blades ng helicopter. Ganon na lamang ang paghangang naramdaman niya nang masilayan niya ang ganda ng city skyline. "Wow... ang ganda!" bulalas niya, hindi makapaniwala sa tanawin sa ibaba nila. Ang mga iluminated buildings, ang mga kumikislap na kalsada, at ang mga kumikinang na ilog ay
Naramdaman ni Selina ang pagtigil nang elevator. "We're here," bulong ni Eachen sa kanyang tainga, bukod sa kilabot na naramdaman dahil sa mainit nitong hininga na dumampi sa kanyang balat, nakakaramdam siya ng matinding nerbyos. Hindi niya alam kung ano bang sorpresang date ang sinasabi nito. Is he going to propose? lalong tumindi ang nerbyos niya, napakapit tuloy siya ng mahigpit sa braso ng binata. "I'm nervous," she says with a nervous laugh, her voice trembling with excitement. "Me too, sweetie," Eachen says tenderly. "Let's just make this night memorable." Tumango siya, inalalayan siyang maglakad ng kaunti pagkuwa'y muling tumigil. "I'm going to remove the blindfold now," wika nito. Dahan-dahang iminulat ni Selina ang mga mata, napaawang ang labi niya nang makita ang paligid. Naroon sila sa rooftop ng Han Hotel, the whole place is transformed into a breathtaking winter wonderland, twinkling with fairy lights that resemble stars. May mga scented candles din sa p
Hawak ang bibig habang nakatitig si Eachen sa hawak na maliit na litrato, his eyes brimming with tears, a radiant smile spreading across his face. Hindi napigilang mapangiti ni Selina habang pinagmamasdan ang binata, his reaction to the black and white ultrasound image was already overwhelming, imagining how he'd react to a 3D ultrasound where their baby's features would be clearly visible. Nasa parking lot sila, sa loob ng sasakyan nito. "I'm so excited to see our baby," sabi nito nang balingan siya. "Excited na rin akong makita at mahawakan siya," aniya na masuyong hinimas ang tiyan. Eachen reached for her hand, giving it a gentle squeeze. Her heart skipped a beat as he looked at her intently, his touch sending waves of reassurance and safety through her. "Selina, tomorrow.." "Hmm..yes, tomorrow?" Takang tanong niya dahil binitin pa nito ang sasabihin. Sumilay ang magandang mga ngiti nito. "Tomorrow, let's date. Wear the dress we bought at the Han mall." Anito. N
Marahang kumatok sa pinto si Selina bago pumasok. "Delivery!" nakangiting sabi niya sa pag aakalang si Eachen lamang ang naroon, bahagya siyang napaurong nang sabay-sabay na napatingin ang apat na lalaking umaapaw ang kaguwapuhan. Sumilay kaagad ang mga ngiti ni Eachen nang makita siya, tumayo ito sa kinauupuang stool at lumapit sa kanya. "Hi, sweetie. I thought my request for the most beautiful woman on earth to deliver my fried chicken order wouldn't be granted," Nakangiting sabi ni Eachen, niyakap siya nito at kinintalan ng halik sa labi, "I miss you." "Ang sabi kasi sa request call, may malaking tip ang umorder kaya nagprisinta ako," sagot niya. Kakaibang ngiti naman ang bumakas sa mukha nito. "That's a special tip just for you only, you want to claim your tip now or save it for later?" Bulong nito sa kanya, ganon na lamang ang pamumula ng pisngi niya. Buti na lamang, kinuha ni Clifford ang atensyon nito. "Hey, stop flirting, let's eat first then proceed to the meeti
"Make sure everything is perfect, I don't want any mistakes on that day, or else you know what will happen." Eachen said while talking to the event organizer on the phone. Nang ibaba niya ang telepono, inabot niya ang kulay pulang kahita sa ibabaw ng desk table pagkuwa'y sumandal sa swivel chair. Binuksan niya ang maliit na kahon, at tumambad sa kanyang mga mata ang isang diamond ring, his carefully chosen proposal gift for Selina. Nalalapit na ang araw ng proposal niya, the day he'd been waiting for had finally arrived, and he yearned to make the woman he loved his wife at the earliest possible moment. kung maaari nga lang na pakasalan na kaagad niya ito, but he wanted Selina to savor every moment of being a blushing bride. He longed to lavish her with the romance she deserved, to make her feel like a ravishing queen, cherished and adored by her devoted king. Binulsa niya ang kahita nang marinig niya ang pagtunog ng intercom. "Mr. Han, your brothers are here." Sabi ng clerk.







