Share

KABANATA DALAWAMPU'T APAT

APPROVED

“Hi, Babe. Dinalhan kita ng lunch.” Naglilinis ako sa shop ng makita ko si Adrian na pumasok.

“Hindi ka na sana nag abala.” Sagot ko sa kaniya.

Kinuha ko ang lunch box at tiningnan ko kung ano ang laman. Wow. Pork adobo. ‘di pa ako na kontento at tinapat ko pa sa ilong ko para maamoy ko nang husto. Bango.

“Ang bango, ah.”

“Syempre. Ako nagluto, eh.” Tiningnan ko siya ng matagal. Talaga? Parang wala sa itsura, ah.

“Grabe ka naman, Babe! I’m hurt you know!” humawak pa siya sa dibdib niya at madramang umaktong nasasaktan. “Ako nag luto niyan. Specialty ko kaya yan.”

“Wala akong sinabi.” I shrugged my shoulder.

“Wala daw sinabi pero parang hinuhusgahan mo ako base sa tingin mo, eh. Tsk tsk. Masama yan.”

“Ewan ko sa’yo.”

“Sabay na tayo mag lunch.” Tiningnan ko ang ginagawa ko at napakamot sa kilay.

“Nako! Naglilinis pa ako, eh. Mamaya pa ako makakakain. Mauna kana.” Kinuha niya ang dustpan at ang iniwan kong walis tambo.

“Tulungan na kita.”

“Baka hanapin ka sa inyo.” Tiningnan ko ang shop nila at may mga water gallon containers na wala pang laman. Kinuha ko sa kaniya ang walis pabalik.

“Sige. Punta ka muna sa inyo, marami pa yata kayong ginagawa.”

Kinuha niya sa akin ang walis. “Break pa naman kaya mamaya pa namin yan ide-deliver.”

“Wala ka kasama? Saan sila ate Michelle?”

Dahil wala si Jaja ay kami lang ang nakatoka dito ni ate Michelle. Umalis muna ang babae para mag deliver sa katabing barangay kaya ako lang naiwan mag-isa, buti na lang ay wala pang bumibili para may time ako makapag linis.

“Wala. Nag deliver. Tapos si jaja, hindi papasok.”

“Ito na lang ba ang gagawin mo?”

“Mag aayos pa ako ng mga box.”

“Sige. Ikaw na mag-walis, ako na ang mag aayos ng box para sabay na tayo kumain.” Binigay niya sa akin ang walis at pumunta sa gilid para kunin ang mga box ng pizza.

Tinapos ko na ang pag wawalis at nag hiwa lang ng mga gulay para sa may balak mag order ng vegetarian pizza mamaya.

Natapos din naman kami ni Adrian at nagsalo na sa pagkain.

“Masarap ang adobo mo.” Habang sumusubo.

“Masarap talaga yan. Dinamihan ko ng magic sarap, eh.”

“Kaya pala, eh.”

Tumawa siya. “Naniwala ka naman. Wala akong nilagay na magic sarap diyan pero malasa ‘di ba?” umoo ako. “Nilagyan ko lang ng asukal para ma balance at hindi masyadong maalat.”

“Pwede na?” tumango ako.

“Mag-asawa?”

“Asawahin ka?” Inubo ako kaya kinuha ko pa ang baso para maka inom ng tubig.

“Bawal. Pass sa’yo.”

“Luh? Pagkatapos kong ibigay buong buhay, pagmamahal at kaluluwa ko, ‘di mo ako aasawahin? Aba! Mali iyon, babe!”

“OA mo.” Kumuha ko ng kanin at ulam para isubo sa kaniya. Dinamihan ko talaga para mahirapan siya sa pag nguya. “Kumain kana lang. Bawal ka pa mag asawa. Hindi ka pa nga tuli.”

Not true. Tuli na siya. Nakita ko pa nga yan dati na naka suot ng palda ni aling alma pagkatapos magpatuli, eh.

I smirked. Hindi siya maka pagsalita dahil busy kaka nguya.

“Oh! Aba! Lovebirds, baka langgamin ang shop natin dito.” Sigaw ni ate Michelle.

“Kain, ‘te!” May ulam pa naman kaya inalok ko na siya.

“Sige lang. Dumaan na ako sa bahay para kumain kaya enjoy niyo lang yan at sa labas mo na ako habang wala pang customer.”

“Sige, Ate. Patapos na rin kami.”

“Okay. Sige, Alis na ako. Mukhang enjoy na enjoy si Adrian na sabayan kang kumain, eh.”

Nag tinginan pa ang dalawa at ngumisi.

Sinandukan pa ako ng kanin ni adrian. Pa sulyap sulyap siya sa akin at nag hihintay kung may makukuha na naman siyang butil ng kanin sa gilid ng labi ko.

“Tapos na ako.” Dumighay pa ako indikasyon na sobrang daming laman ng tiyan ko. Andami kong nakain. Bawat mauubos ang laman sa plato ay siyang lagay ulit ni adrian ng kanin at ulam.

“Nabusog ka ba?”

“Natural. Hindi mo ba narinig? Sobrang lakas ng dighay ko. Ngayon lang ako ulit nakakain ng ng adobo.”

“Mabuti naman. Sabay ulit tayo bukas. Dadalhan ulit kita ng masarap na ulam para marami kainin mo.”

“Tataba ako niyan.” Tabain pa naman ako. Mabagal pa naman mag digest itong tiyan ko ng pagkain.

“Exactly! That’s the reason why I’m doing this, Para tumaba ka.”

“Ayokong tumaba.” Hindi na ako makakapag suot ng mga paborito kong damit.

“Why? Maganda naman.”

“Ay, basta.”

Niligpit ko na ang pinagkainan namin at hinugasan ko na. Pinunasan ko at nilagay ulit sa plastic na pinaglagyan ni adrian.

“Sabay ulit tayo bukas. Anong gusto mo?”

“Huwag na. Baka magalit mama mo.”

“Takot ka ba kay mama?” agad sumeryoso ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Aba syempre!

“H-indi. Basta, huwag na.”

“Pero gusto kitang kasabay kumain.” Giit niya pa.

“Sige, pero ako naman ang taya sa ulam natin bukas. Pwede ba iyon?”

“Sige, basta masarap kahit ano na.”

Masarap? Wala sa bokabolaryo ko ‘yon pag magluluto ako, eh.

“Hindi ako masarap magluto.”

“Alam ko, kaya ako na ang magdadala ng pagkain natin bukas.”

“But...”

“Treat mo na lang ako pag sweldo mo. Ngayon, ako muna.”

“Pass. Waley sahod, bibigay ko kay mang dandan.” Napasimangot ako.

“Edi next time if nag sahod kana at wala kang ng binabayaran.” He smiled at me and gosh gwapuha oy!

“Uwi muna ako. Hatid ko na ‘to. Bukas ko na lang pag-iisipan kong anong ulam para lumakas ang katawan mo.” Hinalikan niya ako sa nuo at lumabas na.

Ganyan ang mga eksena sa mga sumunod pang mga araw. Dahil wala naman si Ma’am Nadia at minsan lang pumupunta, Laging tambay dito si Adrian. Mas tambay pa nga dito ‘yon kaysa sa water station nila, eh. Lagi siyang may dalang pagkain mapa tanghalian at meryendahan, pati sila ate Michelle at jaja na bumalik na rin ay binibigyan niya rin ng pagkain na katulad ng sa akin para sabay-sabay kaming kumain.

“Wow naman consistent hatid-sundo, ah. Naiinggit tuloy ako.” Sabi ni Jaja.

“Pahatid ka rin dito. Para Maranasan mo.” Sabay turo ko kay Adrian.

“Babe! Pinapamigay mo ba ako?” Halos sigaw na sagot ni adrian.

“Hindi. Pinapahiram lang kita.” Tumawa kami ng makita namin ang itsura ni adrian.

“Galit ka agad, Adrian. Parang hiram lang naman.” Panggagatong pa ni ate Michelle.

“Reto na lang kita, Jaja. Si Buknoy, waterboy namin. May gusto iyon sayo, baka gusto mo?”

Sumimangot naman ang babae.

“Hatid sundo ka nun. Pangarap ka pa naman niya, matagal na.”

“No way.” Dali-daling pumunta ang babae sa kitchen, Leaving us three. Laughing.

“Una na kami, Ate Michelle.”

“Sige. Ingat kayo.” Kumaway lang ako sa kaniya at umalis na kami ni Adrian.

Pagdating namin sa bahay ay nasa labas agad si mama.

“Kanina pa kita hinihintay.” Sabay tingin kay adrian.

“Una na ako, kane. Aling Susan.”

“Sige. Mag iingat ka, Adrian.” Nginitian ni mama si adrian kaya malaki ang ngiti ng lalaki habang lumalayo sa pwesto namin.

Pag pasok ko ng bahay ay may malaking bag sa upuan.

“Kanino yan, Ma?”

“Sa papa mo yan.” Mahina niyang sabi.

“Huh?!” She signal na tumahimik ako.

“Huwag mong lakasan ang boses mo. Alam ko na kung saan nagtatago ang tatay mo. Hindi ko naman matiis kaya pupuntahan ko siya sa pinagtataguan niya para ibigay itong mga damit at pagkain bukas.”

Akala ko hahayaan para magtanda.

“Mama...”

“Walang pero pero, tatay mo pa rin 'yon. Hindi ko lang matiis kasi baka hindi nakakain ng maayos. Alam mo naman ang sitwasyon niya, ‘di ba?”

Kung gano’n ay dapat siyang umuwi na at harapin na lang niya ang problema kasi andito naman ako para mag back up sa kaniya. Babayaran naman lahat ng utang niya para hindi na siya lumayo. Nakabayad na ako kay mang dandan ng Seven thousand, buti walang topak at pumayag na sa susunod na sahod na lang ang three thousand. Ang ibang utang naman ay to be follow na lang pag nakaluwag luwag na ako.

“Puuwin mo na lang, mama.” Naghahanap na si Kiana. Nagtataka na siya bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi si papa.

“Ayaw niya. Matigas ang ulo. Papalamig na lang daw muna niya ang init ng ulo ng mga tao sa kaniya bago siya bumalik sa atin.”

“Matagal pa iyon.” Baka abutin pa ng ilang buwan ang paglamig ng ulo ng mga taong inutangan niya. So, Magtatago lang siya ng gano’ng katagal?

“Pinipilit ko, kino konsensya ko na nga para umuwi pero nahihiya rin yata sa’yo, anak. Pasensya kana, kane. Pati sarili mong pera ay dumadaplis lang sa kamay mo.” Okay lang naman.

Matagal pa naman ang next year kaya makakaipon pa naman ako ng pera niyan. Bata pa naman ako, kung hindi next year edi next life este hanggang sa pwede na.

“Kumain kana ba? May pritong manok diyan, bigay ng tita mo. Kumain kana at magpahinga.”

“Si kiana?”

“Tulog na.”

“Bukas na lang, Ma. Inaantok na rin kasi ako. Bukas na lang ako kakain.” Lumambot ang ekspresyon ni mama.

“Sige na. Magpahinga kana.”

“Goodnight.”

“Goodnight, Anak.”

Kinaumagahan ay agad akong nag ayos at naligo para deretsyo alis na lang pagkatapos kumain ng almusal.

“Susundin ka ba ni Adrian?” bungad sa akin ni mama pagka baba ko ng hagdan.

“Oo, Ma. Lagi naman andito ‘yon.”

“Tingan mo sa labas at baka andiyan na. Papasukin mo para makapag almusal.”

Ano daw?

“Ano?”

“Papasukin mo. Lagi kang hatid-sundo ng tao. Dito man lang ay makabawi ako.”

“Himala at gusto mong papasukin dito, ma.” Hindi ako makapaniwala. Medyo bumibigay na si mama.

“Parang hindi ko naman alam na nanliligaw ‘yon sa’yo. Kung hindi ka laging safe ditong umuuwi dahil sinusundo ka ay hindi ko naman yan papasukin dito.”

Well sabi mo, eh.

Pumunta ako sa labas para tingnan si adrian. Wala pa naman kaya nag text na lang ako sa kaniya na gusto siyang papasukin ni mama sa bahay para ibigay ang blessing niya sa amin.

Agad naman nag text si adrian na on the way na daw siya. Hindi makapaniwala na ma aaproba na ni mama ang panliligaw niya.

Biro ko lang naman iyon.

“Babe! Goodmorning.” Masayang bungad niya. Amoy na amoy ang pabangong ginamit niya. Pinanligo pa yata, ah.

“Good morning. Pasok ka.”

Pagkapasok namin ay hinintay pa niyang sabihin ni mama na maupo para maupo na siya.

“Kanina ka pa namin hinihintay.” Ani ni mama.

“Good morning po, Aling susan.” Magaan na pagkakasabi ni Adrian.

“Good morning din. Kumain kana ba?”

“Huh? Ah opo. Tapos na po.”

Sumubo muna si mama bago magsalita ulit.

“Gan’on ba? Papaalmusalin muna sana kita bilang pasasalamat at lagi mong hatid-sundo ang anak ko.”

“Ah. Thank you na lang po, aling Susan. Maliit na bagay lang naman po ang hatid sundo.”

Binaba ni mama ang kutsara at uminom.

“Tsk. Ako dapat ang magsabi ng thank you. I know nanliligaw ka sa anak ko.” Nanlaki naman ang mata ni adrian. Well, hindi naman nakakapagtaka. Araw-araw siyang andito para sa akin kaya malamang ay alam ni mama na nanliligaw siya. “Kaya lagi mo siyang hatid-sundo. Salamat at ginagawa mo ‘yon. Dati pa naman ay alam kong patay na patay ka dito sa dalaga ko.”

“Pasensya na po. Ganda kasi ng anak niyo.” Sabay kamot sa batok. Nahihiya pa.

“Alam ko. Mana sa akin.” Tawa naman ni mama.

Tahimik lang akong kumakain dito at pinapakinggan sila. Inalok ko si adrian na kumain pero tumanggi siya.

“Ayaw sa anak ko ng mama mo. Paano yan?”

Kumunot ang nuo ni adrian. “Ako naman po ang nanliligaw.”

“Baka iwan mo ang anak ko dahil ayaw sa amin ng mama mo.”

“I won’t let my mom meddle with my relationship with kane po. Sinabi ko na po kay mama na nililigawan ko na si kane. Wala naman po siyang nagawa dahil desidido naman po ako. Never ko pong iiwan ang anak niyo. Seryoso po ako sa kaniya.”

“Gusto man or ayaw ni mama kay kane, i will respect her side but it doesn’t mean that i will stop pursuing kane po.”

“Bata pa kayo. Baka magsawa kayo.” But parang tanungang kasalan agad ‘to?

“Hindi po mangayayare ‘yon.”

Matagal silang nagtitigan at unang bumitaw si mama.

“Okay. Papayagan kitang manligaw sa anak ko but know your limitations, Iho. Huwag kayong gagawa ng kahit anong kabulastugan, kane.”

“Mama!” halos mangamatis ang pisnge ko sa hiya.

“Masyadong mapusok ang mga kabataan ngayon. May tiwala naman ako sa inyo pero kailangan pa rin na paalalahanan kayo.”

Hindi naman mangayayare ‘yon.

“Wala po kaming gagawing ikakasisira namin sa inyo, Aling Susan.” Pormal na sabi ni adrian.

“Mabuti at nagkakaintindihan. Tawagin mo na lang akong tita tutal naman nanliligaw ka na sa anak ko.”

“Sige po...tita.”

Masaya si Adrian hanggang sa maka alis kami ng bahay. Tinatanong naman kami sa shop kung bakit good mood daw ang manliligaw ko kaya sinabi ko na approved na si mama na ligawan ako ni adrian. Tuwang-tuwa sila ate Michelle at Jaja dahil pinaka importante daw ay ang blessing ng magulang.

“Paano ang mama ni adrian, kane? Ayaw nun sa’yo, ‘di ba?” isang beses na tanong ni Jaja.

“Oo pero sabi naman ni Adrian hindi niya hahayaan ang mama niya na makealam sa amin, and knowing adrian gagawa ‘yon nang paraan para magustuhan ako ng mama niya.”

“Mabuti naman kung ganun! Believe rin ako kay adrian, ah? Patay na patay sa’yo. Ganda mo. Eh no?” sabay tawa namin pareho.

Well. Ako lang ‘to.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status