Share

KABANATA LABING-SIYAM

SUFFERING

Migs...

“Surprise.”

Para akong na nanlamig sa kinatatayuan ko. Nakatutok ng direkta ang bunganga ng baril ni migs sa mukha ko, gahibla lang ang layo nito.

“Kane!” mula sa likod ay narinig ko si Adrian na tumatakbo ngunit mabilis ang dalawa sa harap ko at nakuha nila ako, pinaharap at tinutukan ng baril ni Migs ang gilid ng ulo ko.

Nakarating si Adrian sa pwesto ko ngunit huminto ng nakita ang ayos namin lahat.

Tikom ang bibig sa gulat at takot na nadarama, hindi ko magawang maglapag ng kahit maliit na salita.

“Bitawan niyo siya!”

Pinaputukan ni Gerald ang gilid ni Adrian at tumama ito sa pader ng bahay. Labis ang galit na namumutawi sa kaniyang mata at igting ang panga.

“Tsk. Tsk. Mahina pala ‘to eh. Binigyan ka na namin ng chance para maging kwits na lahat kaso tanga ka.” Sabay tawa nila.

Nang makabawi ako sa lahat ay nagpumiglas ako ngunit mabilis mahila ni migs ang buhok ko kaya hindi ako tuluyang nakaalis sa pwesto ko.

“Bitawan mo ako! Aray!”

“Migs, dalhin mo na yan sa bangka. Ako na bahala dito!”

Sinapak ni Migs ang tiyan ko kaya nanghina ako at hindi na nagpumiglas pa. Binuhat ako nito na parang sako ng bigas.

“Kane!”

Tiningnan ko ang kinalalagayan ni Adrian at nakikipag ayaw na ito sa iba pang tauhan nila gardo. Awang-awa ako sa kaniya habang buhat-buhat ako ni migs. Wala siyang laban sa mga malalaking katawan ng mga lalaki at pinaputukan pa siya ni gardo sa paa kaya natumba siya. Nakakalaban siya nung umpisa ngunit hindi rin kinaya dahil kaliwa’t-kanan ang nagtangkang sumuntok sa kaniya.

“Bitawan mo ako...” mahina kong sabi.

Hilam na ang luha ko sa lahat magmula pa kanina.

“Sa tingin mo makakatakas ka sa amin? Hibang ka kung ganun!”

Nakarating kami sa bangka at pabalya niya akong Ibinaba. Sinampal niya ako sa kanang pisnge at kinuha pa ang isa para masampal niya ng malakas.

Sobrang sakit at feeling ko namamaga na ang dalawang pisnge ko sa kanina pa nilang sampal.

“Alam mo, dahil sa’yo nagkadaletsye letsye ang buhay namin! Put*ngina! Nagtatago kami sa mga pulis at pati pamilya namin tinitiktikan!” sabay suntok niya sa likod ko.

Kaunti na lang talaga ay mahahalikan ko na ang lapag ng bangka.

“Kung napatay ka na lang sana, edi wala kaming problema ngayon! Pati matatas na pulis, kapit mo!”

“Halika na!” sigaw ni Gerald.

“Papunta na daw ang mga pulis dito! Bilisan niyo, bilis!”

Ang huli ko na lang naalala ay ang pagmamadali ni gardo at pag andar ng sinasakyan naming bangka.

Nagising ako sa buhos ng malamig na tubig sa katawan ko.

Grabeng lamig ang naramdaman ng balat ko, iba pa ang sakit at hapdi nito sa iba pang bahagi ng katawan ko.

Nakita ko si boss na may inilalagay pa na tubig at malalaking yelo sa isang timba. Ibubuhos pa ulit yata sa akin.

“B-oss..”

Napukaw ko ang kaniyang atensyon. Halos magkulay puti ako ng dumapo ang kaniyang itim na itim at punong-puno ng galit ang kaniyang mga mata.

“You’re finally awake, huh. Ano masarap ba bakasyon mo?!”

Pumunta siya sa pwesto ko at hinila ang buhok ko. Hindi ko mahawakan ang buhok ko dahil dalawang kamay ko ay naka tali sa magkabilang dulo ng bangko, at ang aking paa naman ay naka tali rin ng sobrang higpit.

“Tama na,” mahina kong sagot.

“Tama na? Tama na?! Sa dami ng binigay mong perwisyo, tama na?” halos makita na ang kaniyang ugat sa leeg ng ibuga niya sa akin ang mga salita.

“T*ngina! Para kang sa pusa at hindi ka mamatay- matay. Marami ka bang buhay, huh?!”

“Papahirapan muna kita bago kita patayin para maranasan mo ang hirap dahil nabuhay ka pa. Sisiguraduhin kong mas hihilingin mo na lang ang mamatay kesa ang mabuhay pa!”

Tinanggal niya ang hawak sa aking buhok at binagsak sa aking katawan ang tubig na may lamang yelo. Hindi pa siya nakuntento at tinorture niya pa ako dahil ang hawak niyang makapal na bakal ay gigil niyang hinampas ng dalawang beses sa binti ko.

“Ahhhh tama na!”

“Parang -awa mo na...”

“Papatayin kita!”

“Papatayin kita!” sinakal niya ako ngunit tumigil rin kalaunan.

Akala ko mamatay na ako sa sakal niya buti na lang at tumigil siya.

“As much as i want to torture and kill you, i want you to beg me for your own death.”

“Kunin niyo ang kapatid niya!”

Sumunod naman sa utos ang tauhang sinabihan niya at kinuha ang kapatid ko.

Pumasok ang tauhan na inutusan niya at buhat na nito ang kapatid kong wala sa katinuan na kinikiskis ang gitnang bahagi ng katawan niya sa gitnang bahagi ng lalaking may buhat sa kaniya.

“Kiana! Kiana!” Lulong sa droga at wala sa katinuan ang kapatid ko at tuloy lang sa pinaggagawa niya.

“Anong ginawa niyo sa katapid ko!” nagwawala na ako sa upuan na kinalalagyan ngunit wala itong saysay para makawala ako.

Ang lahat ng tao sa paligid ko ay tumatawa lang sa mga nagaganap at parang tuwang-tuwa pa sa mga nangyayare.

Sinabayan pa ng malanding tawa ng kapatid ko ang sakit at bigat ng puso ko ngayon.

“Nakikita mo ba kapatid mo? Lulong na iyan sa droga!” tumawa siya ng parang dimunyo. “Ibat-ibang lalaki ang tum*tira at nambababoy sa kaniya!” sabi ng boss ko.

Mga hayup sila! Mga Baboy!

“Pakawalan niyo na ang kapatid ko! Parang-awa niyo na!”

“Awa? Wala ako niyan, tanga!”

“Kiana! Kiana! Andito na si ate! Please, makinig ka! Tama na! Andito na si ate!” Bingi. Bingi siya sa lahat ng sinisigaw ko.

“Baby, please! Andito na si Ate!” Humahagulgol na ako ngunit wala pa rin. Para lang akong tanga at nakikipag usap sa kawalan at tanging hangin lang ang nakakarinig.

Si kiana ay wala sa sarili na hinihulog ang sarili niya sa kumunoy. Patuloy na kinikiskis ang private part niya sa lalaking unti-unting nabubuhayan na ng kakaibang emosyon.

“Parang-awa muna, boss! Please! Huwag naman ang kapatid ko!” patuloy lang ako sa pagsigaw hanggang sa dapuan siya ng kaunting konsensya at pakinggan ang sigaw ko.

Hanggang kailan ba ito matatapos?

Parang wala naman itong katapusan.

Ang paghihirap naming magkapatid ay nakatadhana na at hindi na yata magwawakas pa.

“Alam mo bang galit na galit yan sa’yo? Lagi kong sinasaksak sa utak niyan kung gaano ka kawalang kwentang kapatid at kung paano mo siya itakwil para sumama sa lalaki mo!”

“Nabuhay ng may galit sa puso at nawalan ng pag-asa. Araw-araw binababoy at pinapatira ng Ibat-ibang klase ng droga.”

“Maayos na usapan natin, eh. Huwag kang magpapahuli, pero matigas ang ulo mo at nagpahuli ka pa. Tsk tsk. Binigyan na rin kita ng chance na huwag ituloy ang paglaya at huwag lumaglag pero hindi mo na naman sinusunod ang utos ko! Aba, ang tindi mo talaga! Mayabang ka porket may mga parak kang connection?”

Pumunta siya sa pwesto ko at hinawakan ng madiin ang panga ko.

“Andami-dami ko nang binigay na mga chance sa’yo. Binaba ko pa ang pride ko para mauto ang boyfriend mo! Sabi ko 50 million na lang kapalit mo at ng kapatid mo kaso nagdala naman ng pulis. Muntik na eh. T*ngina nakatunog pa ang g*go! Imbes na 50 million ibigay, putok ng baril ang binigay kasama ng mga pulis tapos maangas pang hingin ang kapatid mo. Ano ako, tanga?!”

“Wala nang pera pero basta andito ka at kapatid mo pwede na.”

“Makakalis ako dito!”

“Makakaalis? B*bo! Sa tingin mo mahahanap ka pa dito?”

“No matter what you do, and effort that you give, you will never out of her!” Binitawan niya ako at naglakad siya paalis sa akin.

“Bantayan niyo yan. Baka makawala pa yan, kayo ang papatayin ko!”

“Opo, boss!”

“Akin na ang kapatid, Hindi ko pa tapos tikman yan!”

Sumunod naman sila sa pinapagawa ng boss nila. Dinala nila ang kapatid ko sa kung saan at sinirado ang pinto pagkaalis ng boss nila. May mga lalaking nakabantay sa akin. Mga nasa sampo ang naiwan dito.

Lumipas ang ilang oras at nakatali pa rin ako dito. Pagod at gutom na rin ako. Magmula ng magising ako ay hindi ko na alam kung ilang oras na ba ng andito ako at wala pang laman ang tiyan ko simula ng nasa isla pa ako.

Nilibot ko ang aking paningin. Ang sampong tao na nagbabantay sa akin ay mga mga kaniya-kaniyang ginagawa. Ang iba ay nagbabaraha at ang iba ay nag iinom. Usok din ng sigarilyo ang namumutawi sa hangin.

Iisa lang ang pinto at puro box ang mikikita sa paligid. Tatlo lang ang Bintana at ang mga ito ay nasa pinakatas pa ng haligi.

Sa higpit ng pagkakagapos at itsura ng paligid ay walang chance na makaalis ako dito.

Adrian...

Hindi ko alam kung makikita pa kita. Hindi ko alam kung magiging okay pa ang lahat. Nakakapanghina sa kawalan ng pag-asa. Nakakatakot sa mga susunod pang magaganap.

Hinihiling ko na sana ay makalaya na ako dito. Na mtapos na ang lahat ng ito. Makapiling ko na sa wakas ang kapatid ko at mabuhay na kaming masaya at walang takot.

Kung totoong galit siya sa akin dahil akala niya ay iniwan ko siya, ibababa ko ang sarili ko. Araw-araw kong ipaparamdam sa kaniya na mahal na mahal ko siya at mali lahat ng nalalaman niya. I will not give up on her, i will do everything for her to heal, mawala lang kami dito.

Mama at papa if naririnig niyo ito, gabayan niyo kami. Gagawin ko ang lahat para makuha ang kapatid ko sa kanila. Magkakasama kami at tutuparin namin ang pangako namin sa inyo.

Pumikit ako at nag usal ng dasal. Lahat ng hinanakit at nararamdaman ay ibinuhos kuna. Ang sakit, pagod at pag-asa ay pinakawalan ko. Naghihintay na lang ako ng kung ano mang tugon.

“Kain na.”

Mula sa pagpikit ay minulat ko ang aking mata. Isang lalaki na may maliit ang naka ngiti sa akin habang hawak ang isang plato na may pagkain.

“Hindi ako gutom.” Maliit na sabi ko sa kaniya.

“Yeah, right. Kaya pala tumutunog na ang tiyan mo kanina pa.”

Ngumiti siya ng maliit sa akin.

“Stupid. How can i eat with this kind of situation?” ang dalawang kamay ay nakatali.

“Then, i will feed you.” Kumuha siya gamit ang kutsara ng maliit na portion ng pagkain. Itinapat niya ito sa bibig ko ngunit inilayo ko lang ang mukha ko.

“Wala itong lason kung yan ang iniisip mo.”

“Paano ako nakakasigurado? Madumi maglaro ang mga tao dito.” Sagot ko naman.

“Kailangan mo ng lakas.” Sagot lang niya.

Still hindi pa rin ako panatag.

“Kulit mo. Subo mo na ito. Ako mayayari sa jowa mo eh.”

Sa binanggit niya ay nakuha nito ang atensyon ko.

“Sino ka?”

Tumingin siya sa paligid niya at nang nakita na wala ang atensyon ng mga bantay sa amin ay ibinaba niya ang dala niyang pagkain at kumuha ng bangko sa tabi ko at hinarap sa akin.

Galit ang ekspresyon ngunit malambot ang tingin.

“Pwede ba kumain kana! Aba sinusubun ka na nga eh!” biglang sigaw eh. Siraulo ba ‘to?

Napatingin naman ang mga bantay sa amin ngunit bumalik lang rin ang atensyon nila sa mga pinaggawa nila.

“Listen carefully, Miss. Peña Vega. Kilala ko ang boyfriend mo, We are on the same brotherhood. I’m one of the agent from FBI and matagal ko nang tinitiktikan ang grupo na ‘to.”

“Pero hindi kita napapansin before.”

“That’ because ako ang isa sa mg asset ng leader nila dito kaya madalas ako sa mga transaksyon.”

Kumuha siya ng pagkain at sinusubuan ako. Palingon-lingon din siya at baka may nakakahalata sa amin dito.

“Ako ang nagbibigay ng mga impormasyon sa boyfriend mo iba pa ang tao ng pulis dito. Lahat ng Impormasyong sinasabi ng asset ng pulis dito ay manipulado na. Sa boyfriend mo lang ako at kay stefan nagpapadala ng mga ebidensya. Nalintikan lang at nawalan ako ng communication sa kanila ng isang linggo dahil muntik na ako mahuli kaya nag lie low muna ako.”

“Nag update na ako sa kanila na andito tayo sa isa mga property ni Hayden Williams sa batangas. And, Malapit na sila kunting oras na lang.”

“Nagsinungaling siya sa akin... sabi niya ayos ang kapatid ko.” May hinanakit kong sumbong.

Akala ko... naniwala pa rin ako na okay ang kalagayan ng kapatid ko at hindi ganito na sobra sobra ang hirap na dinaanan niya.

“Maybe he need that for your safety and hindi kana mag-alala. I don’t know kung anong kasinungalingan ang sinabi niya but believe in him. Trust him. Wait until his explanation para magkaliwanagan kayo.”

“We will d*mn get you and your sisters out of here. I will sure of that.” Nakitaan ko ng galit ang kaniyang mga mata.

“Malapit na. Kaunti na lang.”

“Thank you.”

“Sana nga.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status