Share

CHAPTER (45)

last update Huling Na-update: 2025-03-27 05:58:03

Kabanata 45 – Pagtakas at Pag-amin

POV ni Emma

Malamig ang hangin habang naglalakad ako sa highway, pero hindi ito sapat para mapawi ang init na bumabalot sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng hininga sa bigat ng nangyari kanina. Hindi ko alam kung saan ako pupunta—basta gusto ko lang lumayo.

Ano bang nangyayari sa amin ni Chase? Bakit parang hindi ko na maintindihan ang sarili ko?

Napabuntong-hininga ako at tumingala sa langit. Walang bituin. Walang sagot. Para bang pati kalangitan ay hindi sigurado sa kung ano ang dapat kong maramdaman.

Biglang bumusina ang isang kotse sa tabi ko. Napatalon ako sa gulat.

"Hoy! Emma Sinclair! Ano bang ginagawa mo rito sa daan na parang napabayaan ng tadhana?"

Napalingon ako. Si Mia. Nakasungaw siya sa bintana ng kotse, nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin na parang isa akong batang nawawala sa mall.

"Ano? Nagso-soul searching?" tanong niya bago mabilis na binuksan ang pinto ng sasakyan. "Sumakay ka na nga rito bago ka pa tuluyang makuha ng kalungkutan mo."

Wala akong nagawa kundi ang pumasok sa kotse. Pagkaupo ko pa lang, agad akong tinitigan ni Mia na para bang binabasa niya ang buong pagkatao ko gamit ang kanyang radar ng pagiging best friend.

"Okay, spill. Anong nangyari?"

Nag-iwas ako ng tingin. "Wala."

"’Wala’ na naman? Emma, kilala mo ba ako? Hindi mo ako maloloko." Nagpakawala siya ng isang makahulugang tingin. "May kinalaman ‘to kay Chase, ‘no?"

Napabuntong-hininga ako. "Mia—"

"Alam mo, palagi na lang tayong ganito. Magpapakipot ka muna bago mo amining may something na naman kayo ni Mr. CEO." Tumawa siya ng mahina. "Kaya sige, hintayin ko na lang na kusa mong sabihin."

Nanatili akong tahimik. Alam kong hindi ako tatantanan ni Mia hangga’t hindi ako nagsasalita.

Ilang sandali pa, siya na rin ang bumasag ng katahimikan. "Alam mo, Emma, hindi ko maintindihan kung bakit ang dali mong lumayo kapag nagiging totoo na ang nararamdaman mo. Para kang may allergy sa commitment."

Nagtaas ako ng kilay. "Excuse me?"

"Oo! Kasi, girl, obvious naman na may feelings ka na kay Chase. At si Chase? Baka nga naka-tattoo na pangalan mo sa puso nun!" Nagkibit-balikat siya. "Pero bakit tuwing nararamdaman mong seryoso na siya, parang gusto mong umatras?"

Natahimik ako.

Tama siya. Alam kong tama siya.

Pero hindi ko alam kung paano ipaliwanag ang takot na bumabalot sa akin.

"Emma," mas malumanay ang boses niya ngayon. "Ano ba talaga ang pinanghahawakan mong dahilan para hindi mo siya tuluyang yakapin?"

Pumikit ako saglit at mahina kong sinabi, "Mia, paano kung masaktan lang ulit ako?"

Nakita kong lumambot ang ekspresyon niya.

"Emma, laging may risk ang pagmamahal. Pero minsan, mas nakakatakot ang hindi subukan kaysa sa masaktan." Ngumiti siya ng bahagya. "At ikaw lang ang nakakapagpasaya kay Chase. Halata naman ‘di ba?"

Hindi ko alam kung paano sumagot.

Ang alam ko lang, sa pagkakataong ito, wala akong kasiguraduhan sa kung anong mas matimbang—ang takot ko sa sakit o ang pagnanais kong manatili sa piling ni Chase.

POV ni Chase

Malakas ang ihip ng hangin sa rooftop habang nakatayo ako roon, nakatingin sa kawalan.

Nag-uusap kami ni Ryan Carter kanina, pero kahit nandito siya sa opisina ko, parang hindi ko marinig nang buo ang mga sinasabi niya.

Hindi ko alam kung dahil ba sa inis ko sa kanya o dahil nasa isip ko pa rin si Emma.

"Bakit hindi mo pa pag-isipan ngayon? bukas o sa susunod ganun pa din naman, Chase?" tanong ni Ryan kanina.

Hindi ko nasagot si Ryan dahil magulo utak ko kanina at ngayon.

Pero hindi ko masabi na hindi pa ako makakapag concentrate.

Ngayon, nakatingin ako sa malawak na siyudad sa ibaba ko, iniisip kung ano ang susunod kong gagawin.

Isa lang ang sigurado ako—hindi ko hahayaang lumayo si Emma.

Bumuntong-hininga ako at iniikot ang baso ng alak sa aking kamay. Matagal ko nang hindi ginagawa ito—ang umakyat sa rooftop nang mag-isa para mag-isip. Pero ngayon, parang ito na lang ang tanging lugar kung saan ko mailalabas ang bigat sa dibdib ko.

Si Emma.

Lagi na lang siya ang iniisip ko.

At sa bawat segundo na lumilipas nang hindi ko siya nakikita, parang may kung anong nawawala sa akin.

Muli akong napatingin sa ibaba. Ilang sasakyan ang dumaan, mga ilaw na kumikislap sa kalsada, mga taong naglalakad—lahat sila abala sa kani-kanilang buhay.

Pero ako?

Ako, nandito. Hindi makagalaw.

Kailangan ko siyang hanapin. Kailangan kong sabihin sa kanya ang totoo.

Napatayo ako at mabilis na bumaba mula sa rooftop. Naglakad ako pabalik sa opisina at kinuha ang coat ko.

"Sir, aalis na po ba kayo?" tanong ng sekretarya ko.

"Hindi na ako babalik ngayong gabi," sagot ko bago dumiretso palabas ng gusali.

Hindi ko alam kung saan siya pumunta, pero may kutob ako kung sino ang una kong dapat lapitan.

POV ni Emma

"Sigurado ka bang okay ka na?" tanong ni Mia habang hawak ang isang baso ng hot chocolate.

Nasa apartment niya kami ngayon, nakaupo sa maliit niyang sofa. Matapos akong sunduin kanina, dinala niya ako rito kahit ilang beses kong sinabi na kaya ko naman mag-isa.

"Hindi ko kailangan ng yaya, Mia," sabi ko, bahagyang tumatawa.

"Hindi kita binabantayan. Sinisigurado ko lang na hindi mo na uulitin ‘yung paglalakad mo sa highway na parang leading lady sa isang heartbreak scene!" Bumuntong-hininga siya. "Kung gusto mo talagang mapag-isa, fine. Pero please, Emma, ‘wag mong takasan ‘yung problema mo."

Napayuko ako. "Hindi ko siya tinatakasan…"

"Talaga?" Tinaasan niya ako ng kilay. "O baka naman tinatakasan mo ang sarili mong nararamdaman?"

Hindi ko alam ang isasagot ko.

Sakto namang may kumatok sa pinto.

Nagkatinginan kami ni Mia.

"Sino ‘yan?" tanong niya.

Wala akong sagot. Pero kahit hindi pa niya binubuksan ang pinto, may kung anong kaba na akong nararamdaman.

Maya-maya, binuksan ni Mia ang pinto.

At doon ko siya nakita.

Si Chase.

Nakatayo siya sa may pintuan, nakasuot pa rin ng coat niya, pero halatang hindi ito sapat para itago ang pagod sa mukha niya.

Napasinghap ako.

"Emma," mahinang tawag niya.

Napatigil si Mia sa tabi ko at dahan-dahang lumingon sa akin.

"Okay, I think this is my cue," bulong niya bago mabilis na lumabas ng apartment.

Pagkasara ng pinto, nanatili kaming tahimik ni Chase, kapwa hindi alam kung sino ang unang magsasalita.

Hanggang sa siya na mismo ang bumasag ng katahimikan.

"Emma, pwede ba tayong mag-usap?"

Nanatili akong tahimik, hindi makagalaw. Ramdam ko ang kabog ng dibdib ko habang nakatitig kay Chase.

"Puwede ba tayong mag-usap?" muling tanong ni Chase, mas malambot na ang boses.

Gusto kong tumanggi. Gusto kong sabihin na wala na kaming dapat pag-usapan. Pero bakit hindi ko magawang ibuka ang bibig ko?

Dahan-dahan siyang lumapit, at sa bawat hakbang niya palapit, parang lumiliit ang mundo ko. Hanggang sa tuluyan na siyang nakatayo sa harapan ko—masyadong malapit, masyadong mapanganib.

"Emma," bulong niya, at ramdam ko ang init ng hininga niya nang lumapat ito sa balat ko.

Napakurap ako, pilit na nilalabanan ang epekto niya sa akin. Pero bago pa ako makapag-isip ng maayos—

Biglang tumunog ang cellphone ko.

Napatingin kaming dalawa sa screen. Unknown number.

Kumunot ang noo ko. Walang pangalan, walang clue kung sino ang tumatawag.

"Tatanggapin mo ba ‘yan?" malamig na tanong ni Chase.

Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong kinabahan. Para bang kahit hindi ko pa sinasagot, alam kong may mali.

Dahan-dahan kong pinindot ang sagot. "Hello?"

Saglit na katahimikan.

Hanggang sa isang malalim, pamilyar na tinig ang lumabas sa kabilang linya—mahina, pero puno ng isang bagay na nagpatayo ng balahibo ko.

"Emma... nakikita kita."

Napalunok ako. Napalingon sa paligid.

At doon ko lang napagtanto—hindi lang kami ang dalawa.

---

"feel free to comment nga bebe 😘 sabihin niyo lang anong gusto niyo" ♥️

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER [100]

    CHAPTER 100: Bala ng Katahimikan Makulimlim ang langit habang tinatahak nina Chase, Emma, at Amarah ang daan patungong simbahan. Isang simpleng araw lang dapat ito. Panata ni Chase na kahit abala siya, gugugol siya ng oras para sa kanyang pamilya. May misa ng pasasalamat silang dadaluhan—unang beses nilang tatlo bilang isang buo sa harap ng Diyos. Si Amarah, nakasuot ng puting dress na may pink ribbon, masayang kumakanta sa likod ng sasakyan. Si Emma naman ay tahimik na nakatingin sa bintana, tila ba ninanamnam ang simpleng sandali ng kapayapaan. Ngunit hindi iyon nagtagal. Pagbaba nila sa harapan ng simbahan, sinalubong sila ng mga matang nakangiti. Ilang tao ang nakatingin, may kumakaway pa nga sa kanila—kilala ang pamilyang Donovan, lalo na ngayon. At saka ito nangyari. “Bang!” Napalingon si Emma. Napasigaw si Amarah. Naramdaman ni Cha

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER [99]

    Kabanata 99: "PANATAG SA GITNA NG BAGYO"Matapos ang mabigat na usapan, tahimik na pinatulog nina Chase at Emma si Amara. Maingat si Emma habang hinahaplos ang buhok ng kanilang anak na mahimbing nang natutulog sa kwarto nito.Pagbalik niya sa living room, nadatnan niya si Chase na nakaupo sa sofa, nakasandal ang ulo at tila wala sa sarili. Mabigat pa rin ang mga mata nito—hindi lang dahil sa pagod, kundi dahil sa bigat ng damdaming pinipigil.Lumapit si Emma at mahinang tinapik ang balikat ni Chase. "Halika na," wika niya, may ngiti sa mga labi. "Ang bigat ng gabi. Gusto kitang aliwin kahit saglit lang."Tinaasan siya ng kilay ni Chase. "Aliw?" tanong nito, may bahid ng pagtataka.Tumango si Emma at hinawakan ang kamay niya. "Wine tayo. 'Yung luma mong tinatago sa wine cellar—panahon na para buksan mo 'yon."Napangiti si Chase kahit pilit. Tumayo siya at naglakad kasunod ni Emma patungo sa wine area ng penthouse—isang mala-silid

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER [98]

    Kabanata 98: Lason sa Likod ng PangalanSa Penthouse ni Chase DonovanSa itaas ng isang matayog na building sa Makati, ang penthouse ni Chase ay isang modernong oasis ng kapayapaan at kapangyarihan. Ang malalaking salamin na bintana ay nag-aalok ng isang panoramic na view ng buong lungsod. Ngunit ngayon, ang kalangitan ay madilim, at ang mga ilaw mula sa mga gusali ay kumikislap na parang mga alitaptap sa gabing walang hangin.Tahimik ang penthouse, maliban sa tunog ng mga click ng keyboard mula sa desk kung saan si Chase ay abala sa pagtanggap ng mga updates tungkol sa plano niyang pagbagsak kay Victoria.Hindi siya nakatayo mula sa kanyang desk. Hindi pa rin siya umiimik. Ang mga mata niyang nakakuyom sa galit, nanatiling nakatutok sa screen habang ang mga ebedensya laban kay Victoria ay ipinadala sa lahat ng pangunahing media outlet.---Paniniwala ni ChaseHabang tinatanggap ni Chase ang mga update sa kanya

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER (97)

    Kabanata 97: Simula ng PagbagsakSa malamig na opisina ng Donovan Enterprises, hindi gumagalaw si Chase Donovan habang nakatitig sa isang folder sa harap niya.Hindi ito ordinaryong dokumento.Ito ang folder na naglalaman ng lahat ng kasinungalingan, panlilinlang, at pagkakadamay niya sa isang kasalang hindi niya pinili.Victoria Laurent.Isang pangalan na kailanman ay hindi niya pinangarap maging bahagi ng buhay niya.---Flashback: Ang Sikretong Nakaraanlimang taon bago ang lahat ng kaguluhang ito, dumalo si Chase sa isang private event para sa VIP investors ng kumpanya.Kasama ang ilang bigating pangalan sa mundo ng negosyo, ang gabi ay puno ng mamahaling alak, malalakas na tawanan, at mataas na presyon para makuha ang kanilang tiwala. At sa kaning side ng upuan nakita niya si Alessandra, kaya nga ito ang kanyang napagbintangan nuon.Bilang respeto, kahit hindi siya mahilig sa alak, uminom

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER (96)

    Kabanata 96: Pagputok ng KatotohananAng malamig na ihip ng hangin ay tila nagbibigay ng hudyat ng isang malupit na pagsabog ng katotohanan.Sa loob ng isang eleganteng hotel ballroom, tahimik na naglakad si Victoria Laurent. Suot niya ang isang ivory white na damit na simple ngunit matapang ang dating, sinadya niyang magmukhang inosente sa panlabas, ngunit sa loob niya ay nagngangalit ang apoy ng galit at paghihiganti.Nakahawak siya sa isang itim na leather folder — laman nito ang mga dokumentong magpapabagsak kay Chase Donovan.Sa isang gilid ng silid, abala ang media. May mga camera, mikropono, ilaw na sumasabog ng liwanag, at mga reporter na sabik sa eksklusibong balita. Naroon ang mga kinatawan ng pinakamalalaking news outlets — alam ni Victoria, kapag nagsalita siya ngayon, walang makakapigil sa pagkalat ng kwento."Everything is set, ma'am," bulong ng kanyang PR manager.Tumango lamang si Victoria, malamig ang ekspre

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER (95)

    Kabanata 95: Taliwas na LandasSa mga sumunod na araw, nagpatuloy ang pagpapalakas ni Victoria ng kanyang mga hakbang laban kay Chase. Hindi siya tinatablan ng pagod, at ang galit na nararamdaman niya ay patuloy na tumitindi. Habang si Chase ay abala sa pag-aayos ng mga business matters at personal na buhay, si Victoria naman ay tahimik na nagmamasid, pinapalakas ang kanyang plano sa likod ng mga pader ng kanyang pamilya.---Pagharap ni Victoria kay ChaseIsang hapon, tumawag si Victoria sa opisina ni Chase at nagtakda ng isang private meeting. Gusto niyang iparating ang mga kahihinatnan ng plano niyang masira ang buhay ni Chase, ngunit alam niyang hindi pa siya handa upang ipakita ang lahat ng kanyang baraha.Pagdating ni Victoria sa opisina ng Donovan Enterprises, binati siya ni Chase na may kalmado at matigas na anyo."Victoria," sabi ni Chase, "What’s this all about? Kung may problema ka pa, I suggest we settle it profe

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status