Share

CHAPTER (7)

last update Last Updated: 2025-03-12 16:59:30

Kabanata 7: Mga Panuntunan ng Laro

"Sa isang kasunduan, ang malinaw na mga patakaran ang nagtatakda ng hangganan. Pero paano kung sa laro ng kasinungalingan, ang mga patakaran mismo ang unang malabag?"

Tahimik si Emma habang nakaupo sa harapan ni Chase. Nasa loob sila ng isang pribadong dining hall sa isang mamahaling restaurant sa Makati. Silang dalawa lang ang naroon, ngunit sa pakiramdam niya, para siyang nasa isang interrogation room.

Sa pagitan nila ay isang dokumentong halatang maingat na pinag-aralan—ang kasunduang magbubuklod sa kanila bilang mag-asawa… kahit sa papel lang.

"Basahin mo," malamig na sabi ni Chase, ipinapakita sa kanya ang kontrata. "Dito nakasaad ang lahat ng terms and conditions ng kasal natin."

Bumuntong-hininga si Emma. Kinuha niya ang papel at sinimulang basahin. Habang sinusuyod ng mata niya ang bawat linya, mas lalo lang bumibigat ang pakiramdam niya.

Kasunduan ng Pansamantalang Kasal:

1. Ang kasal ay tatagal ng isang taon bago ito maaaring tapusin.

2. Sa harap ng publiko, dapat silang magpanggap bilang isang tunay na mag-asawa.

3. Walang emosyonal na pagkakaugnay ang dapat mabuo sa pagitan nila.

4. Kailangang tumira si Emma sa penthouse ni Chase upang mapanatili ang imahe nila bilang mag-asawa.

5. Ang sinumang lalabag sa kasunduan ay may kaukulang parusa, kabilang ang legal consequences at financial penalties.

Napakuyom si Emma ng kamao habang binabasa ang huling bahagi. Financial penalties? Ibig sabihin, kung siya ang unang sumuko, may babayaran siyang halaga?

Napansin ni Chase ang reaksiyon niya. "I’m a businessman, Emma. Gusto kong siguruhin na hindi ka basta-basta aalis kung kailan mo gusto."

Tumaas ang kilay niya. "At paano naman kung ikaw ang unang sumuko?"

Ngumisi si Chase. "Hindi ako sumusuko."

Umiling si Emma. "Ang yabang mo."

Ngumiti lang si Chase na parang naaliw sa sinabi niya.

Nagpatuloy siya sa pagbabasa. Ngunit nang makarating siya sa isang partikular na linya, hindi niya napigilang itaas ang tingin.

"Sa loob ng itinakdang panahon ng kasal, ang babaeng partido ay walang karapatang makipagrelasyon sa iba, samantalang ang lalaking partido ay pinapayagang makipagkita sa iba basta’t walang media exposure."

Kumulo ang dugo ni Emma. "Ano ‘to? Hindi patas!"

Nagtaas ng kilay si Chase. "Business deal ‘to, Emma, hindi fairytale romance. Besides, ano namang pakialam mo kung makipagkita ako sa iba?"

Napahigpit ang hawak niya sa papel. "Kung ikaw ay may kalayaang gawin ‘yon, dapat pantay tayo. Bakit ako hindi pwedeng makipagkita sa iba?"

Lumapit si Chase, ang mga mata nito’y nangungusap ng isang babala. "Dahil asawa kita, Emma. At ang asawa ko, hindi tumitingin sa iba."

Nanlaki ang mata niya. Hindi siya makapaniwala sa pagka-possessive ng tono nito.

"Hindi totoo ang kasal na ‘to, Chase," paalala niya. "So huwag kang magpanggap na parang may tunay tayong relasyon."

Napatitig si Chase sa kanya. "Kung gusto mong baguhin ang rule na ‘yan, then go ahead."

Nagtagal ang titigan nila, parang isang laban na walang gustong umatras. Hanggang sa si Emma na mismo ang unang umiwas ng tingin.

Huminga siya nang malalim at tumingin muli sa kontrata. Napakaraming bawal. Napakaraming kondisyon.

At napakaraming bagay na hindi pa niya alam kung kaya niyang panindigan.

"May tanong ka pa ba?" malamig na tanong ni Chase.

Muling tumingin si Emma sa lalaki, alam niyang sa sandaling pirmahan niya ang kasunduang ito, wala nang atrasan.

Humigpit ang hawak niya sa ballpen bago dahan-dahang lumagda sa papel.

Chase watched her with an unreadable expression. Nang matapos siya, kinuha ito ni Chase at siya naman ang pumirma.

Nang mailapag niya ang ballpen, nagtagpo ang tingin nila.

"Simula ngayon, Mrs. Donovan ka na," aniya ni Chase, ang boses nito ay may kakaibang lalim.

Hindi siya sumagot. Pero sa loob-loob niya, alam niyang ito na ang simula ng isang laban na hindi niya alam kung paano niya tatapusin.

Pagkalagda sa kontrata, nanatili silang parehong tahimik. Parang may bigat sa ere na hindi nila alam kung paano aalisin.

Chase was the first to break the silence. "Tomorrow, lilipat ka na sa penthouse."

Napakunot ang noo ni Emma. "Agad-agad?"

"Yes." His voice was firm, leaving no room for argument.

Napalunok siya. Totoo na ito. Wala nang atrasan.

Sa puntong ito, hindi na niya pwedeng pagdudahan pa ang desisyon niya. Kailangan niyang panindigan ang kasunduang ito kung gusto niyang mailigtas ang bahay ng kanyang pamilya.

Kinabukasan

Dumating si Emma sa penthouse ni Chase na may dalang dalawang maletang puno ng kanyang gamit. Hindi niya alam kung paano siya dapat kumilos sa lugar na ito. Alam niyang magiging tahanan niya ito sa susunod na isang taon, pero hindi pa rin niya maiwasang makaramdam ng pagkailang.

Ilang saglit pa lang siya sa loob, ngunit pakiramdam niya, wala siyang karapatan na nandito.

"Ano’ng ginagawa mo sa pagtayo diyan?" tanong ni Chase, na kasalukuyang nakasandal sa may hagdan, suot ang isang itim na button-down shirt na bahagyang nakabukas sa may dibdib. "Hindi ka bisita dito, Emma. Tumira ka na dito."

Napailing siya. "Sinabi mo lang, pero hindi ko naman nararamdaman."

Naglakad si Chase palapit at tumingin sa kanya nang matalim. "Then let me make it clear—mula ngayon, dito ka titira. At bilang asawa ko sa mata ng publiko, may mga bagay tayong kailangang sundin."

"Like what?" taas-kilay niyang tanong.

Ngumisi si Chase, isang ngiting may bahid ng panunukso. "Una, sa harap ng mga tao, magpapakita tayo ng pagiging sweet couple."

Napataas ang kilay ni Emma. "Gaano ka-sweet?"

Umangat ang sulok ng labi ni Chase. "I guess you’ll find out soon enough."

Napabuntong-hininga siya. Hindi niya alam kung paano niya mapagtatagumpayan ito, pero wala na siyang magagawa kundi ang sumabay sa agos.

Naglakad siya papasok, iniwan si Chase na nakatingin sa kanya.

Habang tinatanaw siya nito, isang bagay ang hindi niya napansin—ang bahagyang pagbabago sa tingin ni Chase.

At sa kabila ng lahat ng patakaran nilang dalawa, may isang bagay silang hindi isinulat sa kontrata—ang posibilidad na may mahulog.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER [105]

    Kabanata 105 – Bagong SimulaMalamig ang simoy ng hangin nang lumabas ako ng hotel. Ilang beses kong pinunasan ang mga luhang ayaw tumigil sa pagpatak, ngunit para bang may sariling buhay ang mga ito—patuloy na dumadaloy kahit ayaw ko na.Tumigil sa tapat ko ang isang taxi, at marahan akong sumakay.“Sa Quezon City po,” mahina kong sabi, halos paos ang boses.Tahimik ang biyahe. Tanging tunog lang ng ulan sa salamin ng sasakyan ang maririnig, at bawat patak ay parang kasabay ng bigat ng dibdib ko.Habang nakasandal ako sa bintana, bumalik sa isip ko ang lahat—ang malamig na tinig ni Chase, ang masasakit niyang salita, at ang paraan ng pagtalikod niya na parang wala kaming pinagsamahan.Hindi ko alam kung anong nagawa kong mali.Bakit parang ang bilis niyang nagbago?Pagdating ko sa harap ng bahay, matagal muna akong nanatiling nakaupo sa taxi. Tinitigan ko ang lumang bahay na ito—ang bahay na minahal ko, at ang tanging hindi k

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER [104]

    Kabanata 104 : "Ang Huling Hatol ni Chase" Ang paligid ng banyo sa marangyang hotel ay nagpalakas sa mga alingawngaw ng aking desperadong pag-iyak. Dumaloy ang mga luha sa aking mukha, tila repleksyon ng mga nabasag na pangarap na nakakalat sa pagitan namin. Mahigpit kong hinawakan ang kuwelyo ng damit ni Chase Donovan — puno ng pagmamakaawa ang kapit ko, na para bang ang paghawak sa kanya ang tanging makapipigil sa tuluyang pagguho ng aming perpektong mundo.“Chase, please,” pagsusumamo ko, nanginginig ang boses sa hindi makapaniwalang kalungkutan. “Mukha tayong perpektong masaya, planado na natin ang lahat. Paano mo lang kayang itapon ang lahat ng ‘yon?”Bawat salita ay isang pakiusap na makita niya ang pag-ibig na minsang pinagsaluhan namin.Ngunit ang kanyang tinig ay pumutol sa hangin na parang malamig na hangin sa taglamig.“Emma, hindi ko na kaya ito.”Sa mabilis na kilos, inalis niya ang sarili mula sa pagkakahawak ko, iniwan akon

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER [103]

    CHAPTER 103: Ang Gabi ng Katotohanan(Narrator’s POV)Tatlong araw na ang lumipas mula nang magdesisyon si Chase Donovan na magdaos ng isang espesyal na event sa mismong gusali ng Donovan Enterprises. Ayon sa kanya, ito raw ay “pasasalamat sa mga taong patuloy na nagtitiwala.”Pero sa likod ng bawat ngiti at palamuti, may itinatagong plano si Chase — isang gabi ng katotohanan.---(Chase’s POV)Nakatayo ako sa harap ng salamin sa dressing room ng opisina ko.Suot ko ang isang custom-made black tuxedo, may manipis na silver lining sa gilid ng blazer. Ang inner shirt ay kulay puting garing, at sa bulsa ng coat ay nakaayos ang dark wine-red pocket square — kulay ng kumpanyang itinayo ko.Sa braso ko ay nakasabit ang Rolex na galing pa kay Don Esteban, at sa bulsa ng pantalon ay nakatago ang maliit na sulat na ilang gabi ko nang paulit-ulit na binabasa.Huminga ako nang malalim.“Handa na po ang lahat,

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER [102]

    CHAPTER 102: Mga Lihim sa Likod ng Salamin(Chase’s POV)Kinaumagahan, tumila na ang ulan, pero hindi pa rin humuhupa ang bigat sa dibdib ko.Pagpasok ko sa Donovan Enterprises, sinalubong ako ng pamilyar na amoy ng kape at papel — pero iba na ang pakiramdam ngayon.Habang naglalakad ako sa hallway, isa-isang bumabati ang mga empleyado.“Good morning, Sir Donovan!”“Welcome back, Sir!”Ngumiti lang ako at tumango. Pero sa bawat ngiti nila, hinahanap ng isip ko kung sino ang tunay — at sino ang nagtatago ng kutsilyo sa likod.Sa dulo ng hallway, sinalubong ako ni Ryan Carter.“Morning, boss,” bati niya, bitbit ang folder. “Narito na po ang updated report tungkol sa security breach kagabi.”Inabot ko iyon at binuklat habang naglalakad papunta sa opisina.“May nakitang kakaiba?” tanong ko.“Wala pa pong solid lead. Pero may kakaibang access sa network kagabi. Parang internal login.”Tumaas ang k

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER [101]

    CHAPTER 101: Mga Aninong Hindi Tulog Tahimik ang gabi sa Donovan estate. Walang tunog kundi ang mahinang ugong ng hangin at ang marahang pagpatak ng ulan sa bubong. Sa unang tingin, parang payapa ang lahat — ngunit sa loob ng bahay, hindi na alam ng pamilya ang tunay na ibig sabihin ng katahimikan. --- (Chase’s POV) Hindi pa rin ako dalawin ng antok. Tatlong araw na mula nang barilin ako sa harap ng simbahan, pero bawat sulyap ko sa sugat sa braso, parang paalala iyon na may nakatingin pa rin sa amin. Na hindi pa tapos ang laban. Sa ibabaw ng mesa, nakabukas ang tablet ko. Paulit-ulit kong pinapanood ang footage ng lalaking bumaril. Parehong galaw, parehong tikas, parehong bilis. Hindi siya ordinaryo. Trained. At higit sa lahat—may koneksyon sa loob. “Victoria…” mahinang sambit ko. Mula sa hagdan, narinig ko ang mga yapak ni Emma. Nakasuot pa siya ng pajama, bitbit ang isang tasa ng tsaa. Tahimik siyang lumapit at inilapag iyon sa tabi ko. “Hindi ka pa rin nat

  • ENEMIES WITH BENEFITS: THE CEO'S MATCHMAKER STRIKES-   CHAPTER [100]

    CHAPTER 100: Bala ng Katahimikan Makulimlim ang langit habang tinatahak nina Chase, Emma, at Amarah ang daan patungong simbahan. Isang simpleng araw lang dapat ito. Panata ni Chase na kahit abala siya, gugugol siya ng oras para sa kanyang pamilya. May misa ng pasasalamat silang dadaluhan—unang beses nilang tatlo bilang isang buo sa harap ng Diyos. Si Amarah, nakasuot ng puting dress na may pink ribbon, masayang kumakanta sa likod ng sasakyan. Si Emma naman ay tahimik na nakatingin sa bintana, tila ba ninanamnam ang simpleng sandali ng kapayapaan. Ngunit hindi iyon nagtagal. Pagbaba nila sa harapan ng simbahan, sinalubong sila ng mga matang nakangiti. Ilang tao ang nakatingin, may kumakaway pa nga sa kanila—kilala ang pamilyang Donovan, lalo na ngayon. At saka ito nangyari. “Bang!” Napalingon si Emma. Napasigaw si Amarah. Naramdaman ni Cha

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status