 Masuk
MasukKabanata 6 LABAN KUNG LABAN
"Minsan, ang mga desisyong iniiwasan mo ang siyang magpapabago sa buhay mo—isang desisyong hindi mo kayang takasan." --- Nanatiling tahimik si Emma habang nakatitig sa lalaking nasa harapan niya. Ang huling sinabi ni Chase ay patuloy na umaalingawngaw sa kanyang isipan. "Hindi mo ako matatanggihan." Napakuyom siya ng kamao. Sino ba ang lalaking ito para magsalita nang ganoon? Para bang hawak nito ang buong mundo at wala siyang ibang pagpipilian kundi sumunod. Humugot siya ng malalim na hininga, pilit pinakakalma ang sarili. Pero hindi niya mapigilang balikan ang mga sinabi ni Chase. "Kailangan kong magpakasal." "Ikaw ang tamang pagpipilian." "Walang komplikasyon. Wala tayong dapat maramdaman sa isa’t isa." Mas lalo lang bumigat ang pakiramdam niya. Gusto niyang tumanggi. Gusto niyang sabihin kay Chase na hindi siya isang bagay na basta na lang pipiliin para sa isang kasunduan. Pero alam din niya ang totoo—wala siyang ibang opsyon. Ang bahay niya. Ang tanging alaala ng kanyang pamilya. Wala siyang ibang paraan para mailigtas ito. Huminga siya nang malalim at itinuwid ang likod. Kung ito ang larong gustong laruin ni Chase, hindi siya papayag na siya ang matalo. "Kung papasok ako rito, kailangan kong siguraduhin na hindi ako dehado." "Ipagpalagay na pumayag ako," malamyang sabi niya, tinitigan ang lalaki. "Ano ang makukuha ko bukod sa pera para sa bahay ko?" Nagtaas ng kilay si Chase, tila nagugustuhan ang direksyon ng usapan. "Bukod sa seguridad na hindi mo na kailangang mag-alala tungkol sa utang, makukuha mo rin ang pangalan ko. At alam mong may halaga iyon." Napasinghap si Emma. Totoo ang sinasabi ni Chase. Ang apelyido nito ay hindi lang may timbang—isa itong impluwensiya, isang proteksyon laban sa kahit anong panganib. Pero hindi siya basta-basta magpapadala. "At kung hindi kita pakasalan, anong mangyayari?" Isang mapanganib na ngiti ang lumitaw sa labi ni Chase. "Then you lose everything, Emma. The house, your stability, and possibly, your future." Kumulo ang dugo niya. "Napaka-arrogante mo." "I just state facts." Chase stepped closer, halos magkadikit na ang kanilang mga katawan. "And the fact is… alam mong wala kang ibang opsyon." Nag-init ang pisngi ni Emma. Gusto niyang labanan ang presensiya ni Chase, pero kahit anong gawin niya, hindi niya kayang ikaila ang katotohanan. "Tanggap ba ako ng pamilya mo?" Walang babala, diretsong tanong niya. Saglit na natahimik si Chase. Isang kisapmata lang iyon, pero sapat para mapansin ni Emma. "Wala silang pakialam," sagot nito. "Isa lang itong pormalidad." "Sigurado ka?" Umangat ang isa niyang kilay. "Paano kung may tumutol? O paano kung ang mismong pamilya mo ang maging problema natin?" Huminga nang malalim si Chase bago tumingin sa kanya. "Ang kasal na ito ay para sa akin, Emma. Hindi para sa kanila." "Ibig mong sabihin… hindi mo sila ka-close?" Natawa si Chase, pero walang halong saya ang tunog nito. "Don Esteban is old-fashioned. At hindi niya gusto ang mga desisyon ko sa buhay. He wants full control." Napakunot-noo si Emma. "At ito ba ang paraan mo para ipakita na ikaw ang may kontrol?" Hindi sumagot si Chase. At doon siya nagkaroon ng realization. "So, hindi lang ito tungkol sa akin o sa bahay ko. May mas malalim kang dahilan kung bakit mo gustong magpakasal." Tinitigan siya ni Chase nang matagal. "Ikaw ang napili ko, Emma. That should be enough." Pero hindi iyon sapat. Tumalikod siya, naglakad papunta sa bintana ng opisina ni Chase at dumungaw. Mula roon, kita niya ang kabuuan ng lungsod. Mga ilaw na nagliliwanag sa gabi, mga sasakyang hindi tumitigil sa paggalaw, mga taong patuloy na lumalaban sa kanilang sariling laban. Iyon ba ang kailangan niyang gawin? Lumaban? Pinikit niya ang mga mata. Pagbukas niya ulit, bumaling siya kay Chase na nanatili sa kanyang pwesto, nakamasid sa kanya. "Okay," mahina ngunit matigas niyang sabi. "Paano natin sisimulan ito?" Napatango si Chase, tila nagustuhan ang sagot niya. "Good choice." Ngunit bago pa ito makapagsalita muli, tinaasan siya ng kilay ni Emma. "Pero, Mr. Donovan, huwag mong isipin na madali mo akong matatalo. Kung may laban kang hinahanap, ibibigay ko sa’yo." Nagningning ang mga mata ni Chase. Para bang mas lalo siyang naengganyo sa hamong ibinato ni Emma. "Laban kung laban, Emma," sagot nito, isang mapanganib na ngiti ang lumitaw sa labi nito. "Tingnan natin kung sino ang unang susuko." At sa sandaling iyon, alam nilang pareho—nagsisimula pa lang ang tunay na laro. Nagpamulagat si Emma sa sagot ni Chase. Hindi nito diretsong sinagot kung tatanggapin ba siya ng pamilya nito. Sinabi lang nito na walang pakialam ang mga ito. "Don Esteban…" mahina niyang bulong. "Paano kung hindi niya ako tanggapin?" Dumilim ang ekspresyon ni Chase. "Huwag mong alalahanin si Don Esteban." "Hindi mo naiintindihan, Chase," giit ni Emma, tumitig sa kanya. "Kung papasok ako rito, ayaw kong maging problema. Ayaw kong maging dahilan ng gulo sa pamilya mo." Tumawa si Chase, pero halata ang lamig sa tono. "Kung gulo ang iniiwasan mo, Emma, then you’re making the wrong choice." Napakurap siya. "Anong ibig mong sabihin?" Lumapit si Chase, itinukod ang kamay sa mesa sa harapan niya. "My family is already a battlefield. Matagal na." "Pero—" "At kung gusto mong malaman ang sagot," putol ni Chase sa sasabihin niya. "Don Esteban won’t accept you. But that doesn’t matter. Ako ang nagdesisyon, hindi siya." Malamig na katahimikan ang bumalot sa pagitan nila. Napasinghap si Emma. Totoo ang kinatatakutan niya. Hindi siya tatanggapin ng lolo ni Chase. "So… laban pala talaga ang kasal na ‘to." Mahinang natawa siya, pero walang halong saya. "Hindi lang para sa’yo, kundi pati para sa akin." "Kaya nga sinabi ko," aniya ni Chase, bahagyang yumuko palapit sa kanya. "Laban kung laban." Tinitigan siya ni Emma, pilit na inaaninag ang lalim ng mga mata nito. Naramdaman ni Emma ang lalong pagbibigat ng sitwasyon. Ang kasal na ito ay hindi lang basta pormalidad—isa itong laban. Hindi lang para kay Chase, kundi pati para sa kanya. Hindi siya sigurado kung kaya niyang harapin ang pamilya nito, lalo na si Don Esteban. Pero sa isang bagay, klaro na siya. Kung susuong siya rito, hindi siya papayag na matapakan. Napatingin siya kay Chase, na tahimik na nakamasid sa kanya. May kakaibang kislap sa mga mata nito, tila hinihintay ang kanyang susunod na galaw. "Kung pinoproblema mo ang lolo ko, huwag kang mag-alala," biglang sabi ni Chase, malamig at walang pag-aalinlangan. "Dahil siya mismo ang may gusto na mag-asawa ako—para mailipat na niya sa pangalan ko ang kumpanyang ito." Napakunot-noo si Emma. "Ibig sabihin… hindi siya ang magiging problema?" "Hindi siya," sagot ni Chase. "Pero hindi rin siya kakampi natin." Bahagyang lumamig ang pakiramdam ni Emma. "Kung gano’n… sino ang dapat kong ipag-alala?" Matalim ang naging sagot ni Chase, ngunit may bahid ng babala. "Ibang family members namin di ba sinabi ko na sayo kanina, my family is already a battlefield." Saglit siyang natigilan. Isang pilit na ngiti ang lumitaw sa labi ni Chase. "Sa ngayon, huwag mo muna silang intindihin." Ngunit kahit sabihin pa ni Chase na huwag siyang mag-alala, alam niyang hindi ito ganoon kasimple. Hindi pa man nagsisimula ang kasal nila, pero ramdam na niyang hindi ito magiging ordinaryong laban. At sa pagkakataong ito, hindi lang pangalan ni Chase ang dala niya—kundi pati ang mga kaaway nito. Bahala na, saka ko nalang iisipin ang mga ito". Papayag ako Mr. Donovan lahat ng sinabi mo sa akin kanina dapat tuparin at gawin mo. Hindi mo ako pababyaan. Napangiti si Chase, ngunit sa ilalim ng ngiting iyon ay may kung anong misteryong hindi mabasa ni Emma. "Alam mo, Emma," malalim ang tinig nito, "hindi kita pababayaan. Pero sana handa ka rin sa kapalit ng kasunduang ito." Napasinghap siya. "Ano'ng ibig mong sabihin?" Lalong lumapit si Chase, ang titig nito ay matalim ngunit may bahid ng kung anong emosyon na hindi niya mawari. "Kapag tinanggap mo ang alok ko, wala nang atrasan. Sa mata ng lahat, mag-asawa tayo. At sa laban na ito... wala kang ibang kakampi kundi ako." Muli niyang binalikan ang kanyang desisyon. Sa loob-loob niya, alam niyang walang kasiguraduhan ang lahat, ngunit isa lang ang sigurado siya ngayon—wala nang balikan. Huminga siya nang malalim at tumingin nang diretso sa mga mata ni Chase. "Kung gano’n... laban kung laban." Sa sagot niyang iyon, tila may kung anong nagbago sa ekspresyon ni Chase. Hindi lang ito isang kasunduan para sa kanya. Hindi lang ito isang laro. Ito ang simula ng isang laban na maaaring magbago sa buhay nilang dalawa—at sa pagkakataong ito, wala nang urungan.
Kabanata 105 – Bagong SimulaMalamig ang simoy ng hangin nang lumabas ako ng hotel. Ilang beses kong pinunasan ang mga luhang ayaw tumigil sa pagpatak, ngunit para bang may sariling buhay ang mga ito—patuloy na dumadaloy kahit ayaw ko na.Tumigil sa tapat ko ang isang taxi, at marahan akong sumakay.“Sa Quezon City po,” mahina kong sabi, halos paos ang boses.Tahimik ang biyahe. Tanging tunog lang ng ulan sa salamin ng sasakyan ang maririnig, at bawat patak ay parang kasabay ng bigat ng dibdib ko.Habang nakasandal ako sa bintana, bumalik sa isip ko ang lahat—ang malamig na tinig ni Chase, ang masasakit niyang salita, at ang paraan ng pagtalikod niya na parang wala kaming pinagsamahan.Hindi ko alam kung anong nagawa kong mali.Bakit parang ang bilis niyang nagbago?Pagdating ko sa harap ng bahay, matagal muna akong nanatiling nakaupo sa taxi. Tinitigan ko ang lumang bahay na ito—ang bahay na minahal ko, at ang tanging hindi k
Kabanata 104 : "Ang Huling Hatol ni Chase" Ang paligid ng banyo sa marangyang hotel ay nagpalakas sa mga alingawngaw ng aking desperadong pag-iyak. Dumaloy ang mga luha sa aking mukha, tila repleksyon ng mga nabasag na pangarap na nakakalat sa pagitan namin. Mahigpit kong hinawakan ang kuwelyo ng damit ni Chase Donovan — puno ng pagmamakaawa ang kapit ko, na para bang ang paghawak sa kanya ang tanging makapipigil sa tuluyang pagguho ng aming perpektong mundo.“Chase, please,” pagsusumamo ko, nanginginig ang boses sa hindi makapaniwalang kalungkutan. “Mukha tayong perpektong masaya, planado na natin ang lahat. Paano mo lang kayang itapon ang lahat ng ‘yon?”Bawat salita ay isang pakiusap na makita niya ang pag-ibig na minsang pinagsaluhan namin.Ngunit ang kanyang tinig ay pumutol sa hangin na parang malamig na hangin sa taglamig.“Emma, hindi ko na kaya ito.”Sa mabilis na kilos, inalis niya ang sarili mula sa pagkakahawak ko, iniwan akon
CHAPTER 103: Ang Gabi ng Katotohanan(Narrator’s POV)Tatlong araw na ang lumipas mula nang magdesisyon si Chase Donovan na magdaos ng isang espesyal na event sa mismong gusali ng Donovan Enterprises. Ayon sa kanya, ito raw ay “pasasalamat sa mga taong patuloy na nagtitiwala.”Pero sa likod ng bawat ngiti at palamuti, may itinatagong plano si Chase — isang gabi ng katotohanan.---(Chase’s POV)Nakatayo ako sa harap ng salamin sa dressing room ng opisina ko.Suot ko ang isang custom-made black tuxedo, may manipis na silver lining sa gilid ng blazer. Ang inner shirt ay kulay puting garing, at sa bulsa ng coat ay nakaayos ang dark wine-red pocket square — kulay ng kumpanyang itinayo ko.Sa braso ko ay nakasabit ang Rolex na galing pa kay Don Esteban, at sa bulsa ng pantalon ay nakatago ang maliit na sulat na ilang gabi ko nang paulit-ulit na binabasa.Huminga ako nang malalim.“Handa na po ang lahat,
CHAPTER 102: Mga Lihim sa Likod ng Salamin(Chase’s POV)Kinaumagahan, tumila na ang ulan, pero hindi pa rin humuhupa ang bigat sa dibdib ko.Pagpasok ko sa Donovan Enterprises, sinalubong ako ng pamilyar na amoy ng kape at papel — pero iba na ang pakiramdam ngayon.Habang naglalakad ako sa hallway, isa-isang bumabati ang mga empleyado.“Good morning, Sir Donovan!”“Welcome back, Sir!”Ngumiti lang ako at tumango. Pero sa bawat ngiti nila, hinahanap ng isip ko kung sino ang tunay — at sino ang nagtatago ng kutsilyo sa likod.Sa dulo ng hallway, sinalubong ako ni Ryan Carter.“Morning, boss,” bati niya, bitbit ang folder. “Narito na po ang updated report tungkol sa security breach kagabi.”Inabot ko iyon at binuklat habang naglalakad papunta sa opisina.“May nakitang kakaiba?” tanong ko.“Wala pa pong solid lead. Pero may kakaibang access sa network kagabi. Parang internal login.”Tumaas ang k
CHAPTER 101: Mga Aninong Hindi TulogTahimik ang gabi sa Donovan estate.Walang tunog kundi ang mahinang ugong ng hangin at ang marahang pagpatak ng ulan sa bubong. Sa unang tingin, parang payapa ang lahat — ngunit sa loob ng bahay, hindi na alam ng pamilya ang tunay na ibig sabihin ng katahimikan.---(Chase’s POV)Hindi pa rin ako dalawin ng antok.Tatlong araw na mula nang barilin ako sa harap ng simbahan, pero bawat sulyap ko sa sugat sa braso, parang paalala iyon na may nakatingin pa rin sa amin.Na hindi pa tapos ang laban.Sa ibabaw ng mesa, nakabukas ang tablet ko. Paulit-ulit kong pinapanood ang footage ng lalaking bumaril. Parehong galaw, parehong tikas, parehong bilis.Hindi siya ordinaryo. Trained.At higit sa lahat—may koneksyon sa loob.“Victoria…” mahinang sambit ko.Mula sa hagdan, narinig ko ang mga yapak ni Emma. Nakasuot pa siya ng pajama, bitbit ang isang tasa ng tsaa. Tahimik
CHAPTER 100: Bala ng Katahimikan Makulimlim ang langit habang tinatahak nina Chase, Emma, at Amarah ang daan patungong simbahan. Isang simpleng araw lang dapat ito. Panata ni Chase na kahit abala siya, gugugol siya ng oras para sa kanyang pamilya. May misa ng pasasalamat silang dadaluhan—unang beses nilang tatlo bilang isang buo sa harap ng Diyos. Si Amarah, nakasuot ng puting dress na may pink ribbon, masayang kumakanta sa likod ng sasakyan. Si Emma naman ay tahimik na nakatingin sa bintana, tila ba ninanamnam ang simpleng sandali ng kapayapaan. Ngunit hindi iyon nagtagal. Pagbaba nila sa harapan ng simbahan, sinalubong sila ng mga matang nakangiti. Ilang tao ang nakatingin, may kumakaway pa nga sa kanila—kilala ang pamilyang Donovan, lalo na ngayon. At saka ito nangyari. “Bang!” Napalingon si Emma. Napasigaw si Amarah. Naramdaman ni Cha



![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




