Share

CHAPTER 6 "REMEMBERING VENUS"

"GOOD morning Papa!" ang masayang bati ni Joaquin sa ama niya nang umagang iyon.

"Mabuti naman ang nagkita na tayo. Kumain ka na at marami tayong kailangang pag-usapan,"  anito sa kaniya.

Araw iyon ng Sabado at dahil walang pasok sa opisina ay tinanghali na ng kaniyang gising kaysa karaniwan si Joaquin.

"Let me guess, tungkol ito sa pag-aasawa, tama ba?" tanong niya habang malapad ang pagkakangiti.

Noon siya tinitigan ng tuwid sa ng kaniyang ama. "You are not getting any younger hijo, akala mo ba hindi ko alam kung ano ang ginagawa mo sa mga babae?"

Nagkibit siya ng mga balikat saka sinimulan ang pagkain ng agahan. "Papa, nagiging mapagbigay lang ako sa kanila," biro pa niyang kinindatan pa ang matanda.

"Mag-asawa ka na," ang sa halip ay maikling isinagot ni Joaquin Sr. sa kaniya.

Amuse niyang pinakatitigan ang kaniyang ama.

"Papa the way you speak parang napakadali lang ng ipinapagawa ninyo sa akin," katwiran niya.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status