Share

PROLOGUE 2 “INSIDE THE BOX”

TWO DAYS LATER...

“PAPA?” hindi maunawaan ni Lara kung saan nanggaling ang matinding takot na kaagad niyang naramdaman nang mapagbuksan niya ng pinto ang humahangos na si Ompong.

“Anak, magtago ka, gusto ka nilang kunin!” anitong itinulak siya papasok ng kabahayan saka siya hinila papasok sa loob ng kaniyang kwarto.

Lalong nagtumindi ang takot na nraramdaman ni Lara dahil doon. “A-Anong ibig ninyong sabihin? S-Sinong kukuha sa akin?” sa kabila ng lahat ng hindi magandang emosyon na nang mga sandaling iyon ay nagsasalimbayan na sa kaniyang dibdib,

“Wala nang maraming tanong, makinig ka nalang kay Papa, bilisan mo!”

Wala na ngang nagawa si Lara kung hindi ang sumunod. Nagtago siya sa loob ng kaniyang kwarto, sa likuran ng isang antique na aparador. Pero sa kabila nang lahat ay naririnig parin niya ang pakikipagtalo at hindi magagandang salitang sinasabi ng kung sino sa kaniyang ama.

“Magbabayad ka o papatayin kita?” ang galit na galit na sigaw ng lalaki.

Noon napatayo ang dalaga mula sa pagkakasiksik niksik niya sa sulok. Nanlalamig ang buong katawan niyang maingat na humakbang upang makaiwas sa paggawa ng kahit anong kaluskos sa sahig na yari sa malalaking tabla ng narra.

Nang marating niya ang saradong pintuan ng kaniyang silid ay nood siya sumilip sa maliit na butas. Nakita niya ang tatlong lalaking nakapalibot sa Papa niya. Ang isa ay may hawak na baril na sa tingin niya ay siyang lider ng mga ito.

“Magbabayad ka o papatayin kita?”

Kung magkano man ang naging pagkakautang ng ama niya sa kanila, siguro hindi naman iyon sapat na dahilan upang buhay nito ang maging kabayaran. Pero iba ang nangyari nang marinig niyang tumunog ang baril.

Mabilis siyang lumabas ng silid saka sumigaw habang umiiyak.

“Huwag! Huwag po ninyong papatayin ang Papa ko!” aniyang umiiyak na tumakbo saka niyakap ang ama niyang nang mga sandaling iyon ay halatang nagulat sa paglabas niya.

“Anak! Ano ba, hindi ba sinabi ko sa iyo magtago ka?” ang galit pang sita sa kaniya ni Ompong pero hindi niya iyon pinansin.

“Kung magkano man po ang pagkakautang sa inyo ng Papa ko willing po akong magbayad, kung gusto po ninyo ako nalang ang kunin ninyo, basta ipangako po ninyo sa akin na patatahimikin na ninyo siya,” aniya umiiyak na nagmamakaawa.

“Lara!” ang ama niya.

“Ganoon naman pala eh, bakit hindi mo sinabi kaagad na may maganda kang anak, ha Ompong?” ang nakangising saad ng lalaking may hawak na baril saka nito hinawakan ng mahigpit ang kaniyang mukha.

“Boss, pwede na iyan,” ang isa pang lalaki.

“Oo nga, mahal narin nating maibebenta iyan,” ang isa pa.

Ang iba pang sumunod na nangyari ay hindi na namalayan ni Lara. Pakiramdam niya nang mga sandaling iyon ay binabangungot lang siya habang kinakaladkad siya ng lalaking may hawak na baril palabas ng kanilang bahay habang ang Papa niya ay umiiyak na nakasunod sa kanila. Nagmamakaawa.

“Papa, ingatan mo ang sarili mo, pangako babalikan kita,” aniya bago isinara ng mga ito ang bintana ng kotse kung saan siya isinakay.

*****

THREE DAYS LATER

HAWAK na kulay pulang lipstick ay nanginginig ang kamay na ipinahid iyon ni Lara sa kaniyang mga labi. Hindi niya inakala na aabot sa ganito ang lahat. Hindi niya inakala na sa kagustuhan niyang iligtas ang kaniyang ama mula sa tiyak na kamatayan ay ang pagkakasadlak naman niya sa ganitong klase ng prostitusyon.

Matapos siyang dalhin ng tatlong lalaking iyon ay diretso siyang ipinagbili ng mga ito kay Nati sa halagang isang daang libong piso. Ang alam niya wala pang sampung libong piso ang utang ng ama niya sa tatlong demonyong kumuha sa kaniya pero naipagbili siya ng mga ito sa ganoon kalaking halaga. Habang siya, ang sabi ni Nati ay malaking bahagi ng perang kikitain niya tuwing may maglalabas sa kaniya ay mapupunta rito.

Agad na tumulo ang kaniyang mga luha.

Kung binigyan lang sana siya ng pagkakataon ng tatlong lalaking iyon, sana nagawan niya ng paraan ang utang ng Papa niya at hindi na sana niyang kailangan pang gawin ngayon ang ganito.

Pero wala na siyang magagawa.

Marangal siyang babae. Oo ang ina niya noon ay isang waitress pero kahit minsan ay hindi ito nagkulang ng pangaral sa kaniya. Na kailangan ay hindi na niya sundan ang naging buhay nito noon. Kailangan maging mas maayos siya, at iyon naman ang pinagsikapan niya.

Pero kung minsan kahit anong iwas mo sa kasalanan at tukso, kahit pinipilit mong huwag gumawa ng mali, may mga pagkakataon talaga na tanging ang paggawa lamang ng mali ang option na mayroon ka para masolusyonan ang isang problema.

“Bilisan mo Venus, naghihintay na sila sa iyo, galingan mo at huwag mo akong ipapahiya!” ang boses ng club manager na si Nati ang narinig niyang tumatawag sa kaniya mula sa labas ng dressing room.

Nang hindi siya sumagot ay nagpatuloy ito.

"Alam mo ba? Napaka-swerte mo dahil isang napakayamang tao ang magiging unang parukyano mo. Bukod pa doon ay talagang nakapa-gwapo kaya hindi masasayang ang virginity mo," anito pa na saka sinundan ang sinabi ng isang nasisiyahang tawa.

Doon ay malungkot na napailing ang dalaga. Gaano man kasidhi ang galit na nararamdaman niya nang mga sandaling iyon ay wala naman siyang magagawa. Kaya minabuti niya ang manahimik nalang.

"Malaki ang ibinayad nila at dahil dyan malaki rin ang makukuha mong parte. At kung gagalingan mo ang pagtatrabaho mamaya siguradong bibigyan ka ng malaking tip ng customer mo. At kapag nagustuhan ka niya, baka siya ay maging suki mo!"

Sa tono ng pananalita ni Nati ay halatang kabisado na nito ang pasikot-sikot sa ganoong klase ng trabaho. Pero wala siyang maramdaman na kahit ano. Pinalitan nito pati ang pangalan niya dahil iyon daw ang SOP sa ganoong hanapbuhay. Nasa kaniya nalang kung ibibigay niya sa magiging parukyano niya ang tunay niyang pangalan.

Magkakasunod ang paglunok na ginawa niya. Pagkatapos ay lumabas na siya sa likurang pintuan ng club at doon niya nakita ang isang malaking kahon na ayon kay Nati ay gagamiting props mamaya. Natawa siya ng mahina. Hindi niya inakalang totoo ang ganito.

Dati sa TV lang niya nakikita ang mga babaeng inilalagay sa loob ng kahon at lumabas doon nang nakamaskara habang sumasayaw. Ngayon, gagawin na niya iyon.

Parang gustong mapunit ng puso niya sa labis na sakit at hinanakit.

Hindi siya galit sa Papa niya. Ang totoo galit siya sa tatlong lalaki na kumuha sa kaniya bilang bayad utang ng kaniyang ama. Galit siya sa may ari ng club na ito na kahit ilegal ay ginagawa parin ang ganitong klase ng hanapbuhay nang hindi iniisip kung ilang pamilya ba ang pwede nilang masira.

Ito ang unang beses na gagawin niya ang ganito at talagang takot na takot siya. Kung anuman ang buhay na naghihintay sa kaniya mamay paglabas niya ng kahon na iyon, hindi niya alam.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mery Tolentino
it's perfect
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status