Share

PROLOGUE 3 "THE KINDEST MAN SHE EVER MET"

"KINAKABAHAN ka ba, Venus?" tanong kay Lara ng driver ng van na maghahatid sa kanya sa party na kaniyang pupuntahan.

Si Delfin ang matandang driver ng club na sa tingin niya ay kasing edad lamang ito ng tatay niya. At katulad ng kaniyang ama, soft spoken ang matanda. Ibig sabihin, bakas sa tono ng pananalita nito ang pagiging mabait.

Tumango siya kasabay ng sandaling pagsulyap niya rito, pagkatapos noon ay ibinaling na niyang muli sa labas ng bintana ang kaniyang paningin.

"H-Hindi ko po alam kung kaya ang ang ipinapagawa nila sa akin," aniyang nabasag ang tinig pero nagpigil parin siyang mapaiyak.

Narinig niya ang mabigat na buntong hiningang pinakawalan ng matanda. "Nasa sa iyo iyan," anito sa makahulugan siyang sinulyapan nang saktong nakatingin siya rito.

"Ano pong ibig ninyong sabihin?" tanong niya.

Nagkibit ito ng mga balikat. "Alam mo bang nahuli na ng mga pulis iyong tatlong lalaking nagbanta sa iyo dito? Nag-report pala kaagad ang tatay mo sa mga awtoridad," anitong binigyan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status