Share

ESCANDALO DE SAN IGNACIO
ESCANDALO DE SAN IGNACIO
Author: Felicity

PROLOGUE 1: Scandal and Proviso

Maristella Del Franco’s POV

SIYEMPRE, present ang lahat ng apo ni Maristella sa San Ignacio Medical Hospital. Pati kanyang mga anak ay naroon rin nang mga sandaling iyon. Mababakas ang pag-aalala sa mga mukha ng mga ito. Ang akala siguro ay sasama na siya kay San Pedro patungong langit. Pero hindi siya puwedeng sumama kay San Pedro. Hindi pa ito ang tamang panahon para makipag-reunion siya sa kanyang asawa na nauna nang umakyat sa langit some years ago. Kailangan niyang iayos ang buhay ng mga apo niya bago siya mamatay.

            “Mamita! Mabuti naman at nagising ka na,” bungad sa kanya ng apong si Daisuke. Sa lahat ng kanyang mga apo, ito ang pinaka-palikero. Sa katunayan, ito ang dahilan kung bakit siya isinugod sa hospital. Isang babae ang nagtungo sa kanilang bahay claiming that Daisuke had raped her.

“Stay away from, Mamita, Daisuke. Baka mamaya ay atakihin pa siya sa puso dahil sa ginawa mo,” sabi ni Noah –ang pinakamabait naman sa lahat ng kanyang mga apo. Sa sobrang bait nito, pinakasalan ang babaeng inulila ng kuya nitong si Anton na isang sundalo. She knows that Noah loves that girl, ang kaso, hindi naman iyon madaling nauunawaan ng mga tao sa paligid nila lalo at wala namang maituturing na lihim ang kanilang pamilya. Their lives was an open book, sa loob man o labas ng San Ignacio. Sila lang naman kasi ang nagmamay-ari ng pinakamalaking korporasyon sa bansa –ang Del Franco Group of companies.

“Nagsalita ang ulirang apo,” sabi ni KL kay Noah na hayun at halata ang pinipigilang inis para sa pinsan.

Namagitan si Leon sa dalawang pinsan. Sa lahat ng mga apo niya, ito ang pinakamalapit sa kanya. Palibhasa ay siyalang ang itinuturing nitong kakampi noong mga panahong nagloloko ito noon. “Manahimik na kayong dalawa at hindi makakabuti kay Mamita kung makikita niya kayong nagbabangayan,” panenermon nito sa mga pinsan.

Napangiti ng mapait si Maristella. Paano ba naman kasi, maging itong si Leon ay may problema rin naman. Alam na alam niyang kaya lang ito nagbalik sa San Ignacio ay para naman ipagpatuloy ang panliligaw sa dating guro nito na halos tiyahin na nito. Napabaling siya sa natahimik na si Daisuke –ang pinakabata sa kanyang mga apo at siyang namamahal ngayon sa kanilang hacienda. Buhat ng mangyari ang eskandalong kinasuungan nito seven years ago ay naging aloof na ang apo niyang ito sa kanya.

Napabuntong hininga na lang siya. Sumasakit na ang ulo niya sa pag-iisip ng paraan kung paanong ilalagay sa tamang direksiyon ang buhay ng mga apo niya. Kanina, habang wala pa ang mga ito ay nabuo ang isang plano sa isip niya. Kailangan na niyang mapilit na magpakasal ang mga apo niya, by hook or by crook.

At alam na alam niya kung paanong gagawin ang planong iyon.

“Give me the folders, Alejandro,” ang sabi niya sa kanyang anak at ama ni KL. Kanina ay inutusan na niya itong dalhin ang folder na iyon doon sa hospital. Isa-isa niyang ibinigay ang mga folder sa apat na apo.

“Ano po ito?” tanong ni KL na napatayo mula sa kinauupuan nito sa sulok ng marangyang hospital room na iyon. Dahil sila ang nagmamay-ari ng hospital na iyon, isa sa mga prebelehiyo nila ay ang magkaroon ng pirmihang kuwarto roon para sa kanilang pamilya.

“I want you to read the letter inside that folder,” aniya na kinakausap ang lahat ng apo. “Matanda na ako at hindi na rin magtatagal ang buhay ko. Naisip ko lang, bago ako mamatay ay kailangan ko kayong makita sa maayos na kalagayan.”

Napakunot ang noo ni Noah. “Don’t tell me, this is your last will and testament, Mamita.”

“Sabihin nating ganoon na nga. Laman ng sulat na iyan ang kung ano mang mamanahin ninyo mula sa akin. Pero bago n’yo ‘yon makuha, kailangan n’yo munang tuparin ang aking proviso,” aniya na para bang walang ibang pagpipilian ang mga apo kung hindi ang sumunod sa kanya.

“Proviso?” kunot-noong tanong ni KL.

Sumagap siya ng hangin bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Well, bago n’yo basahin ang sulat na ‘yan ay gusto kong malaman n’yo na gusto ko nang magkaapo. Bukod sa kung ano mang nakasulat diyan sa mga sulat na hawak n’yo ngayon, I want you to give me a grandchild. Iyon ang isa sa mga bagay na kailangan n’yong gawin para makuha ninyo ang mana ninyo. Bukod doon, bawat isa sa inyo ay may kailangang gawin at nariyan sa sulat na hawak ninyo ang bagay na tinutukoy ko. Kung sino man sa inyo ang makakatupad sa nakasulat diyan sa hawak ninyong folder at makapagbibigay sa akin ng apo ay siyang magkakamit ng kanyang mana,” sabi niya.

Napuno ang kuwartong iyon ng bulungan. Maging ang kanyang mga anak ay nagsimula na ring magpanic. Kilala siya ng mga ito, hindi niya gagawing madali ang kung ano mang proviso na iyon. Pagkatapos ng mahaba-haba pang pagtatalo ay pinalabas na niya ang lahat ng mga ito sa kanyang kuwarto. Gusto niyang magpahinga. Ngayong nasabi na niya ang gusto niyang sabihin sa mga ito, ang tanging gagawin na lang niya ay maghintay.

Pero naging mailap para sa kanya ang pamamahinga lalo at isa-isa niyang naisip ang mga eskandalong ginawa ng mga apo na muntik nang sumira sa dangal ng kanilang pamilya.

Una sa mga eskandalong iyon ang ginawa ni Leon. Niligawan lang naman nito ang teacher nito na halos kasing-tanda na yata ng nanay nito. Kilala ang mga Del Franco na mapili sa mga babae kaya hindi niya talaga lubos-maisip kung ano ang nagustuhan ni Leon sa babaeng iyon.

Ikalawa ay ang kinasuungang problema ni Noah. Matapos na mamatay ang kakambal nitong si Anton sa isang malagim na sagupaan ng mga sundalong kinabibilangan nito at mga taong labas sa Mindanao ay pinakasalan naman ni Noah si Miracle –ang kasintahan ng kakambal nito. Umugong ang balitang iyon lalo pa at wala pang isang linggo matapos mamatay si Anton nang maganap ang kasal –isang nakakahiyang kasalan para sa mata ng mga kritiko.

Si Kristian naman ay nag-uwi ng isang babae mula sa kumbento. Sa laking gilalas ng lahat ay gust pa yata nitong mag-asawa ng madre kaisa maghanap ng babaeng walang pananagutan sa Diyos. Malaking problema iyon lalo pa at nalalaman ng lahat na ang kasintahan ng kanyang apong si Kristian ay ang anak ng pangulo ng bansa.

At ang pinakahuli pero pinakamasaklap na eskandalo ay ang pagpatol ni Daisuke sa anak ng kanilang labandera. Hayun at ang huling balita niya ay hindi pa raw nagpapakita sa san Ignacio ang babae at tumakas dahil sa kahihiyan.

Napabuntong-hininga ang matandang Del Franco. Ayaw man niyang magbigay ng proviso ay wala siyang nagawa. Iyon ang tanging solusyon para maayos ang mga eskandalong iyon na ilang taon na ring naghahanap ng closure. Sinikap niyang ipikit ang mga mata at sa pagkakataong iyon ay nagtagumpay siyang maidlip.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status