Nagising si Ely na masakit ang ulo. Hawak niya ang sintido niya dahil kumikirot iyon sa hang over. Napamulagat siya. Biglang bangong ng maalala ang mga nangyari kagabi. At hinanap si Cory sa tabi niya. Bahid ng dugo ang nakita niya sa sahig. Napangiti siya nang malaman na siya ang unang lalaki sa buhay ni Cory.
"Cory?" tawag niya sa pangalan nito. Pero walang Cory siyang nakita sa loob ng VIP room. Bumangon at nagbihis siya. Saka lumabas na siya ng VIP room.
Ipinagtanong tanong niya kung nasaan si Cory sa loob ng bar. Pero walang makapagsabi sa kanya kung nasaan si Cory. Nililinis na ang buong bar at alas otso na ng umaga. Nang mapadaan siya sa counter.
"Do you see Cory? 'Yung singer dito" tanong ni Ely.
"Ay, sorry Sir. Nagresign na po si Cory. At nakaalis na po ng bar. Siguro po uuwi iyon sa probinsiya" sagot nito sa kanya.
"Ganoon ba. Ano ang address niya?" tanong ulit ni Ely. Gusto niyang malaman ang bahay ni Cory para kausapin. Ang naganap sa kanila kagabi ay hindi biro. Lalo pa at birhen si Cory.
Nanlulumong hindi niya naabutan si Cory. Bakit kailangang magresign ni Cory? Hindi ba nito gusto ang nangyari sa kanila? Mga tanong ni Ely sa isip.
"Itanong niyo na lang po sa management. Hindi ko po kasi alam" tugon nito sa kanya.
Napaisip si Ely. Kung kakausapin ba niya si Vitto para makukuha ng impormasyon kung saan ngayon si Cory. Sa huli ay nagpasya na lamang siyang lumabas ng bar. At diretsong pumunta sa parking lot. Binuksan ang pinto ng kanyang sasakyan at pinaharurot ang sasakyan pauwi.
"Ely, hindi ka umuwi. Saan ka natulog kagabi?" tanong ng Mommy niya ng madaanan niya nang papunta ito sa sala. Tiningnan lang niya ito. Hindi sinagot ang tanong ng Mommy niya at nagmamadali siyang umakyat papunta ng kanyang kuwarto.
Pumunta siya ng banyo para maligo. Nanlalagkit na ang buong katawan niya. At para maginhawaan sa nararamdaman niya ay malamig na tubig ang kanyang naipaligo. Pagkatapos maligo ay nakatapis pa siya ng tuwalya na naibagsak ang katawan sa kama niya. Walang kahit anong saplot ang meron siya.
Iniisip niya ang mga nangyari sa kanila ni Cory. Ibig sabihin niyon ay matinong babae si Cory. Dahil siya ang nakakuha ng iningatan nitong puri. Paano niya nagawang pansamantalahan ang kahinaan ni Cory? Isa pa napakabata pa nito. Siya ay magtrenta na.
"Anong ginawa mo Ely? Hindi kaba talaga nag iisip? Kawawa naman si Cory. Nawala na ang pinakaiingatan nitong puri. Nang dahil sayo" napasabunot si Ely ng kanyang at bumalikwas ng bangon. Dumiretso sa kanyang closet at naghanap ng maisusuot. Pagkatapos magbihis ay bumaba na siya.
"Ely, kauuwi mo pa lang aalis kana kaagad. At saan ka naman pupunta?" nakapameywang na tanong ng Mommy niya.
"Mom, I'm twenty eight. Hindi na ako bata para bantayan pa ang ginagawa ko. I am old enough to make decision for myself. At kung saan ako pupunta at kung anong gagawin ko. So, please. Stop asking" iritableng sagot niya.
"I'm just concern to you, Anak. You know how much I love you. At ayoko nang masaktan ka ulit. Please bring back my old son. Hindi ang Ely na anak ko ngayon" lumapit na si Eladia sa anak. Niyakap niya ito. Nasasaktan siya para kay Ely dahil sa nangyari sa kanila ni Cindy. Mahal na mahal ng anak niya si Cindy. Kaya nga sobrang nagdusa ang anak nuong naghiwalay ang dalawa. Pero hindi niya masisisi si Cindy. May asawa na ito.
Iniharap ni Ely ang ina sa kanya at hinalikan sa noo.
"I love you too, Mom. Don't worry I will be fine" paninigurado ni Ely sa ina. Ngumiti naman si Eladia sa anak. At pinayagan na din itong umalis.
Samantala, inaayos na ni Cory ang mga damit nilang tatlo. Inilagay niya iyon sa drawer. Bumalik sila ng Samar.
"Ate, sigurado kaba na dito na tayo titira? Paano ang pagpapacheck up ni Cathleen?" tanong ni Carvie. Ang sumunod kay Cory. Labing limang taong gulang na si Carvie. Samantalang sampu naman si Cathleen.
"Dito na din natin siya ipapagamot. May naipon naman ako. Saka maghahanap na lang din ako ng bagong trabaho dito sa atin. Huwag kang mag alala, Carvie. Kapag nakuha ko na ang separation pay ko sa bar. Makakaraos tayo kahit paano. May panggastos na tayo sa gamutan ni Cathleen" sagot ni Cory. Hindi naman kumbinsido si Carvie sa sagot ng kapatid niya.
Sumugal siyang umuwi kung saan sila dating nakatira. Ayaw niya munang magkita sila ni Ely. Alam niyang may kaya ang pamilya ni Ely. Isa lang siyang mahirap. Kaya hindi siya nababagay dito.
Tiningnan ni Cory ang bunsong kapatid na natutulog sa higaang kahoy na banig lamang ang sapin. Awang awa na siya sa mga kapatid niya. Pati ang mga ito ay nadadamay sa kahirapan ng pamilya nila. Kung buhay lamang ang kanyang mga magulang ay hindi ganito ang kalagayan ng buhay nila.
"Sige na, Carvie. Lumabas kana at ihanda mo na ang pagkain natin. Ako na ang bahala na magbabantay kay Cathleen" utos nito sa nakababatang kapatid. Tumango ng ulo si Carvie sa Ate niya. Lumabas na ito ng kuwarto nilang magkakapatid at pumunta ng kusina.
Maliit lamang ang bahay nila. Isa ang kuwarto at gawa lamang sa kahoy. Nasa malayong probinsiya sila sa Samar. Dito sila ipinanganak na magkakapatid. Pagkatapos ay tumulak ang mga magulang nila sa Maynila para sumubok ng swerte. Sa kasamaang palad ay naaksidente ang Inay at Itay nina Cory. Nasagasaan sila ng rumaragasang truck nang patawid sila sa high way at pauwi na sa kanilang bahay. Maaga silang naulila at umaasa lamang sa mga tulong ng kamag anak. Pero wala din silang kakayahan na magbigay ng palaging tulong sa kanilang tatlong magkakapatid. Kaya iginapang ni Cory ang buhay nila. Nagtrabaho siya sa murang edad niya pa lamang.
Lalo lamang silang nagkaproblema nang magkasakit ang bunso niyang kapatid ng sakit sa puso. Kailanganng operahan si Cathleen. Pero wala pa silang pera para sa operasyon nito. Nagbabakasali siyang kapag nakatapos siya ng kolehiyo at magkaroon ng magandang trabaho ay maipapagamot na niya ang kapatid. Pero kailan pa. Matagal pa iyon. Lalo lamang magagrabe ang kapatid niya.
Pero sadyang mailap ang magandang kapalaran para sa kanila. Binigyan na ng taning ang buhay ng kapatid. Kapag daw hindi pa ito naoperahan at mapalitan ang puso nito ay baka kapag inatake ito ay puwede nitong ikamatay.
Hindi napigilang umiyak ni Cory para sa bunsong kapatid. Napakabata pa nito para mawala sa mundo ng ito. Gusto pa sana niyang makita na makapagtapos ng pag aaral ito. Maging masayang naglalaro sa labas. At magkapamilya. Pero anong magagawa niya sa kalooban ng Diyos. Kundi ang humingi ng awa para bigyan pa siya ng lakas para makahanap siya ng pera pampaopera ni Cathleen.
Samantala sa Maynila ay halos mabali na si Ely kahahanap kay Cory. Wala na siyang choice kundi ang humingi ng tulong kay Vitto. Ang may ari ng bar. Kung saan nagtatrabaho si Cory.
"Anong maipaglilingkod ko sayo, Eliseo?" tanong ni Vitto. Habang umuupo si Ely sa upuan sa harap ni Vitto.
"I want to ask information about Cory Luna"
"Bakit naman gustong malaman ang tungkol sa empleyado ko?"
"Please, Vitto. Gusto ko lang siyang makausap"
"Hmm... Bakit ang isang Eliseo Andrew ay nagkakaganyan sa isang singer ng bar ko? Anign mayroon sa inyo ni Cory, Ely?"
"Tutulungan mo ba ako o hindi? Ang dami pang tanong" naiinis na tanong ni Ely.
"Patience, Ely. Napakaiksi naman ng pasensiya mo. Why did you want to try other woman outside my bar? Napakabata pa ni Cory at hindi siya katulad ng mga babaeng umaaligid sayo!"
"Vitto, I know na galit ka sa akin. Dahil kay Arthur. At ang sa amin ni Cindy ay tapos na. Masaya na ang kaibigan mo sa asawa niya. Can you just give a chance to find my own happiness, please?" mga pakiusap ni Ely. Natigilan si Vitto.
"Okay. Just wait me here. Kukunin ko lang ang files ni Cory sa HR" sabi ni Vitto. Napangiti si Ely at nabuhayan ng loob.
"Thank you" ani Ely.
"Huwag ka munang magpasalamat sa akin. Tandaan mo na kargo de konsensiya ko si Cory. At hindi ako pumapayag sa pagreresign niya na ikaw pala ang dahilan" sabi naman ni Vitto.
"You can't runaway form me, Baby. Kahit saan ka magpunta susundan kita. Just wait for me, Baby" sabi ni Ely sa isip.
Bumalikwas ng bangon si Cory. Mataas na ang sikat ng araw sa labas. Tanghali na? Napasarap ang tulog niya. May mga pasok ang mga anak nila ngayon.Nagmamadali siya na bumaba ng kama ng kama. Saka pumunta ng banyo. Mabilis na ginawa ang morning routine niya. Nang matapos ay nagbihis siya at lumabas ng kuwarto nilang mag asawa.Bumaba siya sa sala. Tahimik ang paligid. Nasaan ang mga tao? Maaga bang umalis si Ely papunta sa opisina niya? Hindi man lang siya ginising ni Ely. Nafrustrated na hindi siya ang nag-asikaso sa mga anak.Pumunta na lang siya ng kusina. Para tignan kung anong niluluto ni Manang Ester. Pero wala siyang nadatnan na tao doon. "Nasaan ang mga tao dito sa bahay?" usal na tanong ni Cory sa isip.Umakyat siyang muli para puntahan ang mga anak sa kuwarto ng mga ito. Una niyang binuksan ang kuwarto ni Calli. Wala doon ang panganay na anak. Sinunod niya ang kuwarto ni Elias. Katulad kay Calli ay wala din doon si Elias. Pati si Mari ay wala doon. Pati na ang bunso nila.Ag
"Nanay, may nanliligaw na po kay Ate Calli sa school." sumbong ni Elias sa ina. Napatingin si Cory sa kanyang panganay na anak. Dalagita na ngayon si Calli."Totoo ba iyon, Calli?""No, Nanay. Hindi po iyon totoo. Nagsisinungaling lang po siya. Si Elias kaya ang may crush na. Nahuli ko po siya na may kausap na student sa kabilang school." tangging sagot ni Calli sa ina. Nagtuturuan na ang dalawang bata sa kanya.Nagsalubong ang kilay ni Cory sa narinig. Malalaki na talaga ang mga anak nila ni Ely. Nagkakaroon na nang crush o nagugustuhan."Pag aaral muna ang atupagin ninyong dalawa. Okay lang kung magka-crush. Huwag lang pabayaan ang pag aaral." pangaral niya sa mga anak. "Nag aaral po akong mabuti. Ewan ko lang po kay Elias." sagot ni Calli. Fifteen years old na si Calli at nasa high school na. Habang si Elias ay labing tatlong taong gulang.Apat na ang anak nina Cory at Ely. Si Calli ang panganay nila. Sumunod si Elias, pangatlo si Mari, pang apat si Eliseo Jr. Eliss ang palayaw na
Cory's POV After nang kasal namin ni Ely sa simbahan ay mas lalong tumibay ang relasyon naming dalawa. Mas lalong napamahal si Ely sa akin. He is so perfect to me. Kung puwede lang sabitan siya nang medalya sa pagka uliran niyang asawa at ama ng mga anak namin ay ginawa ko na. Ilang beses kaming pinaglayo ng tadhana. Pero si Ely ang mas lumaban para matalo namin ang mga pagsubok ni Tadhana. Magsucced kami. At ngayon nga ay masayang masaya na nagsasama kasama ang aming mga anak. "Mahal, umuwi kana" tinawagan ko si Ely sa phone para lamang pauwiin sa bahay. "Why, Baby? Hinif pa tapos ang trabaho ko" "Kapag hindi ka umuwi. Aalis ako ngayon. Bibitbitin ko ang tatlong anak mo!" pananakot ko sa asawa ko. Ganito ako ngayon maglihi sa aming pang apat na anak. Navison ko na napasabunot ng buhok ang asawa ko. Kilalang kilala ko ang asawa ko. Kilos pa lang niya alam na alam ko na. "Okay. Uuwi na po" napabuga ito nang hangin na pumayag sa gusto ko. Hinid siya under de saya. Mahal na mahal
This is it! Ang araw na ikakasal sina Ely at Cory sa simbahan. Sa loob ng simbahan ay halos mapuno na ng mga bulaklak na paborito ni Cory. Ang tulips at white roses.Lahat ay excited na makita ang bride. Habang ang groom ay naghihintay sa pagpasok ni Cory sa loob ng simbahan. Si Omar ang kanyang bestman. Invited ang lahat ng kaibigan niya. Si Peter ay kasama sa mga abay at si Carvie. Pati na din si Vince. Kasama din sa mga groomsmen si Francis at Ashton. Kaibigan ni Parker. Habang ang kay Cory na maid of honor ay si Sierra. Pinsan ni George. Kasama sa bridesmaid sina Edna, Ditas, Sandra at Glenda. Naaliw sila kay Francis dahil hindi ito umaalis sa tabi ni Glenda. Si Glenda naman panay ang taboy kay Francis. Si Peter ay hindi na naalis ang tingin kay Edna. Naiinis naman si Sandra kay Ashton na kanina pa siya kinukulit. While Vince, tahimik lang sila ni Ditas. Napipi ang madaldal na si Ditas. Si Carvie ay isinama ang girlfriend na si Anastacia na maging partner niya.Ang flower girl ay
Buhat ni Cory ang isang bag na pinaglagyan ng mga gamit ng kanyang mga anak. Damit, laruan at kung ano ano pa. Nauna nang pumasok sina Ely kasama ang dalawang bata. Habang si Yaya Katring ay akay ang bunsong anak. Si Ditas ay nauna na ding pumunta ng kusina para tingnan kung ano pa ang puwede niyang iluto para sa hapunan nila.Nagulat si Cory nang biglang namatay ang ilaw sa buong kabahayan. Nanlaki ang mga mata niya. Naisip kaagad ang mga anak. Tiyak na mag iiyak ang bunso nilang si Mari. Pati na din si Elias. Takot pa naman sa dilim ang panganay na anak.Ang ipinagtataka niya ay walang tumatakbo para puntahan siya at igiya papasok sa loob ng bahay. Tangan ang cellphone na siyang nagsilbing flashlight sa kanyang daraanan."Ely!" tawag niya sa asawa. Tahimik ang buong paligid. Wala siyang marinig na ingay mula sa mga anak.Inilapag ni Cory ang dalang bag sa sofa saka dahan-dahan na humakbang. Sa sobrang dilim ay halos mangapa siya. Idagdag pang ramdam niyang mag isa lamang siya sa iba
"Sobrang miss ko na kayo. Mama, Papa at Cathleen. Nagsasaya na kayo diyan sa Itaas. Salamat po, Mama. Binigyan mo po ako ng isa pang kapatid. Si Kuya George. Masaya ako na nadadagdagan ang aking pamilya. May Kuya na ako at Ate pa kami ngayon ni Carvie. Hindi po kami ulila dahil palagi kayong andiyan para sa amin. Hindi man namin kayo kasama o nakikita. Andito kayo sa puso namin. Kailanman ay hindi mawawala" nitong nakalipas na dalawang taon ay hindi pumalya si Cory na dalawin ang namayapang magulang at kapatid. Pumupunta sila ng Samar para madalaw sila at muling makasama kahit na tuwing Araw ng mga Kaluluwa.Dalawang taon ang lumipas nuong nangyari ang insidente ng pagdukot kina Calli at Elias. Akala ni Cory ay tuluyan nang may mawawala sa kanyang buhay. Magluluksa kagaya nuong nawala si Cathleen sa kanilang magkapatid.Halos gumuho ang mundo niya nang malaman na isinugod sa ospital si Ely. Nagkaroon ito ng tama sa balikat. Dahil sa tama ng baril mula na kagagawan ni Mr. Martino. Nagp