Pawis na pawis na si Cory habang naghahanap ng bagong trabaho. Inabot na siya ng tanghalian wala pa din siyang nakukuhang bagong trabaho. Mahirap talagang makahanap ng trabaho ang hindi nakatapos ng kolehiyo. Ilang araw na din siyang naghahanap. Pero hanggang ngayon ay wala pa din. Hindi naman siya nawawalan ng pag asa na makahanap ng bagong trabaho. Mauubos na din ang ipon niya. Hindi pa din niya nakukuha ang seapeation pay niya sa bar na dating pinagtatrabahuhan.
Napadaan siya sa isang fast food chain. Naiinggit siya sa nakikitang mga batang masaya kumakain. Kasama ang buo nilang pamilya. Sana kahit makatikim man lang ang mga kapatid niya masasarap ba pagkain. Masaya na siya. Pero parang malabong mangyari iyon. Dahil kailangan pa niyang bumili ng gamot ni Cathleen. Higit na mas kailangan ni Cathleen nang gamot. Dadating din ang panahon na maibigay niya ang gusto ng kanyang dalawang kapatid.
Naisipan ni Cory na pumasok sa loob ng fast food at tingnan ang presyo ng mga pagkain. Titingnan din niya kung may sobra pa sa pera niya. Kahit pangpasalubong lang niya sa dalawang nakababatang kapatid niya.
Sa di kalayuan ay may matiyagang nag aabang na lumabas si Cory sa fast food. Sout ang kanyang cap at shades para hindi siya makilala.
"Baby, enough for your hide and seek" sabi ni Ely. Maya maya pa ay nakita niyang lumalabas ng fast food si Cory. Malungkot itong naglalakad. Nagtagal doon si Cory wala itong dalang supot ng pagkain.
Mabagal na pinaandar ni Ely ang kanyang kotse. At hindi inaalis ang mga mata kay Cory. Inihinto niya ang kotse niya sa gilid ng daan at lumabas ng kotse. Hinabol niya si Cory.
"Cory" tawag ni Ely dito.
Napahinto si Cory nang may tumawag sa kanya. Parang pamilyar sa kanya ang boses na iyon. Bumilis ang tibok ng puso niya. Kilala niya ang boses na iyon.
"Hindi puwede. Hindi siya yan" nakapikit na sabi ni Cory sa isip.
"Cory, can we talk? Basta mo na lamang ako iniwan ng hindi man lang tayo nagkakausap" hinawakan na ni Ely si Cory sa braso at pilit na inihaharap ito sa kanya.
Naestatwa si Cory at ayaw nitong humarap kay Ely. Hindi maari. Ang bilis naman nila magkita ulit. Ayaw pa sana nitong makaharap si Ely. Pero anong gagawin niya gagawin niya ngayon, andito si Ely sa likuran niya?
"Wala man lang ba sayo ang nangyari sa ating dalawa. Cory, you lost your virginity b'ciz of me. And I will take the responsibility to you and of course. Kapag nabuntis kita. Hinanap kita. Bakit kaba nagtatago dito? Iniiwasan mo ba ako?"
"Ely, gusto ko ng tahimik na buhay. Layuan mo na ako. Hindi ako mabubuntis at wala kang dapat na panagunatan sa akin. Wala tayong relasyon" tanggi ni Cory.
"Please, Cory. Humarap ka nga sa akin. Tingnan mo ako. Sabihin mo sa harapan ko na wala lang talaga sayo ang nangyari sa ating dalawa. Ang isang gabi na pinagsaluhan nating dalawa"
Napilitang humarap si Cory kay Ely.
"W-Wala lang s-sa akin. Okay na ba? Kuntento kana ba? Sige na umalis kana, Ely!"
"Eh, bakit hindi ka makatingin sa akin? Why you stutter? Hindi ako naniniwala, Cory. Can you give me a chance? Gusto ko lang mapalapit sayo. Lalo lang lumala ang guilt ko dahil sa sinabi mo"
"Ely, bumalik kana ng Manila. Hayaan mo na ako dito. Hindi tayo bagay. Mayaman ka mahirap lang ako. Kaya tigilan mo na ako" saad ni Cory at muling tumalikod kay Ely. Nalaglag na ang luhang kanina pa niya pinipigilan na bumagsak mula sa mga mata niya. Pinunasan ni Cory ang mga luha niya, saka nagmamadaling naglalakad palayo kay Ely.
Naiwan si Ely na napabuga ng hangin. At nakapameywang na tinitingnan lang si Cory na papalayo sa kanya.
Muling binalikan ni Ely ang kanyang kotse at pumasok sa loob. Binuhay niya ang makina at pinaandar. Sinundan niya si Cory. Hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha si Cory. Kung kailangan na suyuin niya ito ay gagawin niya. Basta maniwala lang si Cory na wala siyang intensyon na masama sa kanya.
"Ely, inlove kaba kay Cory?" pasipol sipol na tanong niya sa sarili. Malawak ang ngiti na nakatingin kay Cory na naglalakad.
Ang lalaki ng hakbang na pumasok kaagad ng bahay nila si Cory. Inilock ang pinto at napasandal sa pintuan. Naghahabol ng hininga na animoy hinahabol. Napahawak siya sa kanyang dibdib.
"Ate, andito kana pala? " bungad na tanong ni Carvie. Nilapitan ni Cory ang kapatid.
"Musta si Cathleen?"
"Nasa kuwarto na. Doon ko nalang siya pinaglaro. Ate, may problema kaba?"
"Wala naman. Maliligo lang ako at pupuntahan ko si Cathleen" sagot ni Cory sa kapatid.
"Okay, Ate. Guyom kana ba?"
"Mamaya na lang. Sige na" tumango ng ulo si Carvie sa kapatid. May kakaiba dito. Parang natatakot at kinakabahan.
Inihinto ni Ely ang kanyang sasakyan sa gilid ng kalsada. Sinisilip ang bahay na pinasukan ni Cory. Pagkaraan ng ilang minuto na pagmamasid ay umalis na din si Ely. Babalik siya para kumbinsohin ulit si Cory.
Pagkatapos maligo ni Cory at makapagbihis ay diretso agad siya sa kuwarto nila. Naabutan ang bunsong kapatid na nakaupo at naglalaro ng kanyang lumang manika.
"Ate!" masayang sabi ni Cathleen. Nilapitan kaagad ni Cory ang kapatid at niyakap.
"Musta ang pakiramdam mo? May iba ka bang nararamdaman? Kapag hindi ka makahinga sabihin mo kaagad sa Kuya mo o kaya sa akin" mga bilin ni Cory sa kapatid nuong iniharap niya ito sa kanya. Umiling iling ng ulo si Cathleen.
"Huwag kana pong mag alala sa akin, Ate. Okay na okay po ang pakiramdam ko ngayon" nakangiting sagot ni Cathleen. Napangiti si Cory at muling niyakap ang kapatid.
"Mahal na mahal ka namin ng Kuya Carvie mo" saad ni Cory at hinalikan sa buhok ang bunsong kapatid.
"Mahal ko din kayo, Ate" tugon ni Cathleen.
Kinabukasan, hindi nakatulog ng maayos si Cory sa pag iisip. Paano nga kaya kung mabuntis siya? Anong gagawin niya? Dumadagdag pa siya ng problema. Kung buntis nga siya. Paano niya bubuhayin ang magiging anak niya? Hindi naman niya iyon pinagsisisihan. Pero ang hirap na ng buhay nila. Saan siya kukuha ng pera para ibuhay sa anak niya?
Bumalikwas ng bangon si Cory. Mataas na ang sikat ng araw sa labas. Tanghali na? Napasarap ang tulog niya. May mga pasok ang mga anak nila ngayon.Nagmamadali siya na bumaba ng kama ng kama. Saka pumunta ng banyo. Mabilis na ginawa ang morning routine niya. Nang matapos ay nagbihis siya at lumabas ng kuwarto nilang mag asawa.Bumaba siya sa sala. Tahimik ang paligid. Nasaan ang mga tao? Maaga bang umalis si Ely papunta sa opisina niya? Hindi man lang siya ginising ni Ely. Nafrustrated na hindi siya ang nag-asikaso sa mga anak.Pumunta na lang siya ng kusina. Para tignan kung anong niluluto ni Manang Ester. Pero wala siyang nadatnan na tao doon. "Nasaan ang mga tao dito sa bahay?" usal na tanong ni Cory sa isip.Umakyat siyang muli para puntahan ang mga anak sa kuwarto ng mga ito. Una niyang binuksan ang kuwarto ni Calli. Wala doon ang panganay na anak. Sinunod niya ang kuwarto ni Elias. Katulad kay Calli ay wala din doon si Elias. Pati si Mari ay wala doon. Pati na ang bunso nila.Ag
"Nanay, may nanliligaw na po kay Ate Calli sa school." sumbong ni Elias sa ina. Napatingin si Cory sa kanyang panganay na anak. Dalagita na ngayon si Calli."Totoo ba iyon, Calli?""No, Nanay. Hindi po iyon totoo. Nagsisinungaling lang po siya. Si Elias kaya ang may crush na. Nahuli ko po siya na may kausap na student sa kabilang school." tangging sagot ni Calli sa ina. Nagtuturuan na ang dalawang bata sa kanya.Nagsalubong ang kilay ni Cory sa narinig. Malalaki na talaga ang mga anak nila ni Ely. Nagkakaroon na nang crush o nagugustuhan."Pag aaral muna ang atupagin ninyong dalawa. Okay lang kung magka-crush. Huwag lang pabayaan ang pag aaral." pangaral niya sa mga anak. "Nag aaral po akong mabuti. Ewan ko lang po kay Elias." sagot ni Calli. Fifteen years old na si Calli at nasa high school na. Habang si Elias ay labing tatlong taong gulang.Apat na ang anak nina Cory at Ely. Si Calli ang panganay nila. Sumunod si Elias, pangatlo si Mari, pang apat si Eliseo Jr. Eliss ang palayaw na
Cory's POV After nang kasal namin ni Ely sa simbahan ay mas lalong tumibay ang relasyon naming dalawa. Mas lalong napamahal si Ely sa akin. He is so perfect to me. Kung puwede lang sabitan siya nang medalya sa pagka uliran niyang asawa at ama ng mga anak namin ay ginawa ko na. Ilang beses kaming pinaglayo ng tadhana. Pero si Ely ang mas lumaban para matalo namin ang mga pagsubok ni Tadhana. Magsucced kami. At ngayon nga ay masayang masaya na nagsasama kasama ang aming mga anak. "Mahal, umuwi kana" tinawagan ko si Ely sa phone para lamang pauwiin sa bahay. "Why, Baby? Hinif pa tapos ang trabaho ko" "Kapag hindi ka umuwi. Aalis ako ngayon. Bibitbitin ko ang tatlong anak mo!" pananakot ko sa asawa ko. Ganito ako ngayon maglihi sa aming pang apat na anak. Navison ko na napasabunot ng buhok ang asawa ko. Kilalang kilala ko ang asawa ko. Kilos pa lang niya alam na alam ko na. "Okay. Uuwi na po" napabuga ito nang hangin na pumayag sa gusto ko. Hinid siya under de saya. Mahal na mahal
This is it! Ang araw na ikakasal sina Ely at Cory sa simbahan. Sa loob ng simbahan ay halos mapuno na ng mga bulaklak na paborito ni Cory. Ang tulips at white roses.Lahat ay excited na makita ang bride. Habang ang groom ay naghihintay sa pagpasok ni Cory sa loob ng simbahan. Si Omar ang kanyang bestman. Invited ang lahat ng kaibigan niya. Si Peter ay kasama sa mga abay at si Carvie. Pati na din si Vince. Kasama din sa mga groomsmen si Francis at Ashton. Kaibigan ni Parker. Habang ang kay Cory na maid of honor ay si Sierra. Pinsan ni George. Kasama sa bridesmaid sina Edna, Ditas, Sandra at Glenda. Naaliw sila kay Francis dahil hindi ito umaalis sa tabi ni Glenda. Si Glenda naman panay ang taboy kay Francis. Si Peter ay hindi na naalis ang tingin kay Edna. Naiinis naman si Sandra kay Ashton na kanina pa siya kinukulit. While Vince, tahimik lang sila ni Ditas. Napipi ang madaldal na si Ditas. Si Carvie ay isinama ang girlfriend na si Anastacia na maging partner niya.Ang flower girl ay
Buhat ni Cory ang isang bag na pinaglagyan ng mga gamit ng kanyang mga anak. Damit, laruan at kung ano ano pa. Nauna nang pumasok sina Ely kasama ang dalawang bata. Habang si Yaya Katring ay akay ang bunsong anak. Si Ditas ay nauna na ding pumunta ng kusina para tingnan kung ano pa ang puwede niyang iluto para sa hapunan nila.Nagulat si Cory nang biglang namatay ang ilaw sa buong kabahayan. Nanlaki ang mga mata niya. Naisip kaagad ang mga anak. Tiyak na mag iiyak ang bunso nilang si Mari. Pati na din si Elias. Takot pa naman sa dilim ang panganay na anak.Ang ipinagtataka niya ay walang tumatakbo para puntahan siya at igiya papasok sa loob ng bahay. Tangan ang cellphone na siyang nagsilbing flashlight sa kanyang daraanan."Ely!" tawag niya sa asawa. Tahimik ang buong paligid. Wala siyang marinig na ingay mula sa mga anak.Inilapag ni Cory ang dalang bag sa sofa saka dahan-dahan na humakbang. Sa sobrang dilim ay halos mangapa siya. Idagdag pang ramdam niyang mag isa lamang siya sa iba
"Sobrang miss ko na kayo. Mama, Papa at Cathleen. Nagsasaya na kayo diyan sa Itaas. Salamat po, Mama. Binigyan mo po ako ng isa pang kapatid. Si Kuya George. Masaya ako na nadadagdagan ang aking pamilya. May Kuya na ako at Ate pa kami ngayon ni Carvie. Hindi po kami ulila dahil palagi kayong andiyan para sa amin. Hindi man namin kayo kasama o nakikita. Andito kayo sa puso namin. Kailanman ay hindi mawawala" nitong nakalipas na dalawang taon ay hindi pumalya si Cory na dalawin ang namayapang magulang at kapatid. Pumupunta sila ng Samar para madalaw sila at muling makasama kahit na tuwing Araw ng mga Kaluluwa.Dalawang taon ang lumipas nuong nangyari ang insidente ng pagdukot kina Calli at Elias. Akala ni Cory ay tuluyan nang may mawawala sa kanyang buhay. Magluluksa kagaya nuong nawala si Cathleen sa kanilang magkapatid.Halos gumuho ang mundo niya nang malaman na isinugod sa ospital si Ely. Nagkaroon ito ng tama sa balikat. Dahil sa tama ng baril mula na kagagawan ni Mr. Martino. Nagp