Share

Chapter 4

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2022-09-03 20:18:15

Maaga pa din na umalis ng bahay si Cory. Kailangan na niyang makahanap ng trabaho ngayon. Nauubos na ang ipon niya. Kahit ano tatanggapin niya. Kahit na kasambahay ay papasukin na niya.

"Carvie, ikaw na muna ang bahala dito sa bahay. Saka si Cathleen, alagaan mong mabuti. Huwag mong hayaan makalanghao ng alikabok sa labas. Palagi kong ipasuot ang facemask niya kapag lalabas kayo ng bahay" mga bilin ni Cory sa kapatid. Maigi na lamang at nalasahan na niya ito.

"Tatandaan ko po, Ate. Mag iingat kapa po. Sana pag uwi mo may trabaho kana" sagot ni Carvie. Hinawakan naman ni Cory ang kapatid sa pisngi at hinalikan.

"Salamat"

Umalis na si Cory. Siyang dating naman ni Ely. Kinuha niya sa compartment ng kotse niya ang kanyang mga pinamili na grocery para sa magkakapatid. Bitbit ang mga plastic ay pumunta siya sa harapan ng pinto ng bahay nina Cory. Inilapag niya muna ang mga dala at kumatok.

Pinagbuksan kaagad siya ng isang binatilyo na hula niya ay kinse anyos.

"Hi. Good morning. Ako nga pala ang boyfriend ng Ate mo. Ely ang pangalan ko. Ikaw anong name mo?" pakilala ni Ely sa kanyang sarili. Nagtataka naman si Carvie sa sinasabi ng lalaking kaharap niya.

"Boyfriend po kayo ni Ate? Bakit wala pong sinasabi siya sa amin?"

"Ah e, siguro nahihiya siya. Puwede ba akong pumasok? May mga dala akong mga pagkain at grocery para sa inyo" sagot ni Ely. Nakatingin lang si Carvie dito dahil sa pagtataka. 

Niluwagan ni Carvie ang pintuan at pinapasok sa loob ng bahay nila ang nagpakilalang boyfriend daw ng Ate niya. Dala ang mga pinamili ay ipinasok iyon ni Ely sa loob ng bahay nina Cory.

"Boy, saan ko ilalagay ang mga ito?" tanong ni Ely.

"Diyan na lang po muna sa lamesa. Hintayin na lamang po natin si Ate na mag ayos ng mga pinamili niyo. Ako nga po pala si Carvie. Pangalawang kapatid ni Ate Cory. At 'yung nasa loob po ng kuwarto ay ang bunso naming kapatid na si Cathleen. Maysakit po siya sa puso. Kaya madalas nasa loob lang po siya ng kuwarto" pakilala ni Carvie at kuwento na din nito.

"Ganoon ba. Puwede ko ba siyang makita? I want to help your sister. Sana hindi ko mamasamain, Carvie. From now on, I'm your Kuya Ely. Hindi ko kayo pababayaan na magkakapatid. Pati na ang Ate mo" sinserong sabi ni Ely. Ngumiti si Carvie. Ramdam niya na nagsasabi ng totoo ang lalaking kaharap.

"Sunod po kayo sa akin, K-Kuya" ani Carvie. Napangiti naman si Ely bang tinawag siya Kuya ni Carvie.

Pumasok sila sa isang maliit na kuwarto. May isang electric fan at may Napansin niya ang isang batang babae na naglalaro. Siya na siguro ang bunsong kapatid ni Cory na may sakit. Maputla ang kulay ng balat nito at mukhang hindi nakakalabas ng bahay.

"Cathleen, may bisita tayo. Siya si Kuya Ely. Boyfriend ni Ate. Siya naman po ang bunso naming kapatid ni Ate Cory si Cathleen" pakilala ni Carvie kina Ely at sa kapatid nito.

"Hi, Baby. Musta kana?" bati at tanong ni Ely.

"Okay lang po ako. Wow! May boyfriend na si Ate. Nice to meet you po Kuya" masayang sagot ni Cathleen. Napangiti si Ely sa bata. Masayahin si Cathleen at pa laging nakangiti. Parang walang sakit kung magsalita ito.

"May dala akong mga pagkain. Baka gusto niyo nang kumain?" tanong ni Ely.

"Talaga po? Anong pong dala ninyong pagkain?" tanong ni Cathleen.

"Spagetti, french fries at saka burger. May chicken din akong isinama. Dahil alam king magugustuhan niyo iyon" sagot ni Ely.

"Yehey! Kuya Carvie, narinig mo iyon?"

"Cathleen, kumalma ka. Baka atakehin ka" saway ni Carvie sa bunsong kapatid.

"Sorry po Kuya" malungkot itong nagyuko ng ulo. Naawa naman si Ely sa bata.

"Cathleen, concern lang ang Kuya mo sayo. Dalhin ko na lamang ang food dito sa kuwarto niyo" paliwanag ni Ely. Tumango naman si Cathleen at ngumiti.

Lumabas muna siya ng kuwarto at kinuha ang binili niyang pagkain. Kumuha siya ng dalawang kutsara, tinidor at baso. Bumalik siya sa loob at siya, na din ang nag asikaso sa, magkapatid. Masayang masaya ang dalawang bata dahil ngayon lang sila nakakain ng ganitong masasarap na pagkain.

Pagkatapos kumain ng magkapatid ay iniwan muna nila si Cathleen sa loob ng kuwarto. Inayos ni Ely ang kanyang mga pinamili at isinalansan iyon sa tokador sa kusina. Naparami ata ang pinamili niya at hindi nagkasya.

Kinuha ni Ely ang phone niya at may tinawagan. Nag order siya online ng mga laruan at mga damit para kina Carvie at Cathleen. Ilang oras pa ang hinintay niya ang dumating na din ang mga binili niya online.

Ibinigay ni Ely kay Carvie ang isang pares ng damit, robot, at ipad. Nanlaki ang mga mata ni Carvie ng makatanggap ng mamahaling ipad.

"Salamat po dito, Kuya Ely. Alam niyo pangarap ko magkaroon ng ganito" tuwang tuwa na niyakap ni Carvie si Ely.

"No problem, Carvie. Kuya mo na ako, diba? Marami pa aking ibibigay sayo na mga gusto mo. Mag aaral ka ulit. Gusto mo ba iyon?" sagot ni Ely.

Napaiyak si Carvie. Gusto niyang makapag aral ulit pero kulang na kulang ang pera nila. Dahil sa mga pangangailangan ni Cathleen. Inakbayan ni Ely si Carvie. At ginulo ang buhok.

Sunod naman niyang pinuntahan si Cathleen sa loob ng kuwarto. Inabot ni Ely ang dalawang pares ng bestida, sapatos at bagong manika.

"Salamat po, Kuya Ely. Ngayon lang po nagkaroon ng kapalit si Dory ko" umiiyak na sabi ni Cathleen.

"Tahan na, Baby. Bawal ka umiyak" alo at paalala ni Ely.

"Masaya lang po ako. Salamat po ay dumating kayo sa buhay ni Ate Cory" sagot ni Cathleen. Niyakap ni Ely ang batang si Cathleen.

Pauwu na si Cory. May masayang balita siyang sasabihin sa kanyang mga kapatid. May trabaho na siya. Tagahugas ng pinggang sa isang karinderia. Kahit maliit ang kita ay okay na iyon para sa kanya. Alangan pa nga siyang tanggapin dahil hindi daw siya bagay na taga hugas ng pinggan. Maganda daw siya at maputi. Saka makinis daw ang balat niya. Nagmakaawa na lamang siya para tanggapin.

Nagtaka si Cory na bukas ang pinto ng bahay nila. Marami ding mga de lata, noodles, itlog, tinapay at kung ano ano pa sa kusina nila.

Bigla siyang pumasok sa kuwarto at nadatnan si Ely doon. Kausap ang mga kapatid niya.

"Anong ginagawa mo dito? Diba sinabi ko nang umalis kana! Huwag mo na akong guluhin pa!" galit na galit na sigaw ni Cory.

"Cory, please let me explain" pakiusap ni Ely.

"Ate" tawag ni Carvie sa kapatid.

"Huwag kang makialam dito, Carvie!" galit na, saway ni Cory sa kapatid.

"Cory, huwag mo namang sigawan ang kapatid mo. Hindi mo na nakikita na kailangan nila ng tulong. Kaya andito ako para tumulong sa inyo" sita ni Ely kay Cory. Pero kita pa din niya ang galit sa mga mata ni Cory.

"Sino kaba para sabihin iyan? Mga kapatid ko sila at ako ang kailangan nila. At hindi ikaw! Kaya umalis kana dito sa bahay namin!" bulyaw ni Cory.

"Please, Cory. Pakinggan mo naman muna ako. Wala akong intensiyon na masama sa lahat ng ibinigay ko. At ibibigay pa na tulong sa inyo" pagmamakaawa ni Ely sa matigas na si Cory.

"Umalis kana sabi! Alis!" taboy pa din ni Cory kay Ely. Panay na ang iyak ng dalawang kapatid ni Cory.

"Ate, si Cathleen" natatakot na sabi ni Carvie habang yakap ang kapatid na kinakapos ng hininga. Agad nilapitan ito ni Cory.

"Cathleen, Cathleen.. Huminahon ka, Cathleen!" puno ng pag aalala na sabi ni Cory. Lumabas siya at pumunta ng kusina para kumuha ng tubig. Bumalik siya at pinainom niya ito ng tubig. Pero ganoon pa din si Cathleen.

"A-Ate" hirap na hirap na bigkas ni Cathleen. Lumapit na si Ely at agad binuhat si Cathleen.

"We need to rush her to the hospital. Mamaya kana magalit sa akin, Cory. Please" pakiusap ni Ely habang buhat si Cathleen. Agad na inilabas ni Ely si Cathleen at ipinasok sa kanyang kotse. Yakap ni Cory si Cathleen sa backseat. Habang katabi ni Ely si Carvie.

"Cathleen, lumaban ka. Please, kapatid ko. Huwag kang bibitaw" umiiyak nang sabi ni Cory. Pati si Carvie ay umiiyak na din. Mabilis na pinaandar ni Ely ang kanyang sasakyan. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ESCAPE From My Estranged Husband    Chapter 71

    Bumalikwas ng bangon si Cory. Mataas na ang sikat ng araw sa labas. Tanghali na? Napasarap ang tulog niya. May mga pasok ang mga anak nila ngayon.Nagmamadali siya na bumaba ng kama ng kama. Saka pumunta ng banyo. Mabilis na ginawa ang morning routine niya. Nang matapos ay nagbihis siya at lumabas ng kuwarto nilang mag asawa.Bumaba siya sa sala. Tahimik ang paligid. Nasaan ang mga tao? Maaga bang umalis si Ely papunta sa opisina niya? Hindi man lang siya ginising ni Ely. Nafrustrated na hindi siya ang nag-asikaso sa mga anak.Pumunta na lang siya ng kusina. Para tignan kung anong niluluto ni Manang Ester. Pero wala siyang nadatnan na tao doon. "Nasaan ang mga tao dito sa bahay?" usal na tanong ni Cory sa isip.Umakyat siyang muli para puntahan ang mga anak sa kuwarto ng mga ito. Una niyang binuksan ang kuwarto ni Calli. Wala doon ang panganay na anak. Sinunod niya ang kuwarto ni Elias. Katulad kay Calli ay wala din doon si Elias. Pati si Mari ay wala doon. Pati na ang bunso nila.Ag

  • ESCAPE From My Estranged Husband    Chapter 70

    "Nanay, may nanliligaw na po kay Ate Calli sa school." sumbong ni Elias sa ina. Napatingin si Cory sa kanyang panganay na anak. Dalagita na ngayon si Calli."Totoo ba iyon, Calli?""No, Nanay. Hindi po iyon totoo. Nagsisinungaling lang po siya. Si Elias kaya ang may crush na. Nahuli ko po siya na may kausap na student sa kabilang school." tangging sagot ni Calli sa ina. Nagtuturuan na ang dalawang bata sa kanya.Nagsalubong ang kilay ni Cory sa narinig. Malalaki na talaga ang mga anak nila ni Ely. Nagkakaroon na nang crush o nagugustuhan."Pag aaral muna ang atupagin ninyong dalawa. Okay lang kung magka-crush. Huwag lang pabayaan ang pag aaral." pangaral niya sa mga anak. "Nag aaral po akong mabuti. Ewan ko lang po kay Elias." sagot ni Calli. Fifteen years old na si Calli at nasa high school na. Habang si Elias ay labing tatlong taong gulang.Apat na ang anak nina Cory at Ely. Si Calli ang panganay nila. Sumunod si Elias, pangatlo si Mari, pang apat si Eliseo Jr. Eliss ang palayaw na

  • ESCAPE From My Estranged Husband    Chapter 69

    Cory's POV After nang kasal namin ni Ely sa simbahan ay mas lalong tumibay ang relasyon naming dalawa. Mas lalong napamahal si Ely sa akin. He is so perfect to me. Kung puwede lang sabitan siya nang medalya sa pagka uliran niyang asawa at ama ng mga anak namin ay ginawa ko na. Ilang beses kaming pinaglayo ng tadhana. Pero si Ely ang mas lumaban para matalo namin ang mga pagsubok ni Tadhana. Magsucced kami. At ngayon nga ay masayang masaya na nagsasama kasama ang aming mga anak. "Mahal, umuwi kana" tinawagan ko si Ely sa phone para lamang pauwiin sa bahay. "Why, Baby? Hinif pa tapos ang trabaho ko" "Kapag hindi ka umuwi. Aalis ako ngayon. Bibitbitin ko ang tatlong anak mo!" pananakot ko sa asawa ko. Ganito ako ngayon maglihi sa aming pang apat na anak. Navison ko na napasabunot ng buhok ang asawa ko. Kilalang kilala ko ang asawa ko. Kilos pa lang niya alam na alam ko na. "Okay. Uuwi na po" napabuga ito nang hangin na pumayag sa gusto ko. Hinid siya under de saya. Mahal na mahal

  • ESCAPE From My Estranged Husband    Chapter 68

    This is it! Ang araw na ikakasal sina Ely at Cory sa simbahan. Sa loob ng simbahan ay halos mapuno na ng mga bulaklak na paborito ni Cory. Ang tulips at white roses.Lahat ay excited na makita ang bride. Habang ang groom ay naghihintay sa pagpasok ni Cory sa loob ng simbahan. Si Omar ang kanyang bestman. Invited ang lahat ng kaibigan niya. Si Peter ay kasama sa mga abay at si Carvie. Pati na din si Vince. Kasama din sa mga groomsmen si Francis at Ashton. Kaibigan ni Parker. Habang ang kay Cory na maid of honor ay si Sierra. Pinsan ni George. Kasama sa bridesmaid sina Edna, Ditas, Sandra at Glenda. Naaliw sila kay Francis dahil hindi ito umaalis sa tabi ni Glenda. Si Glenda naman panay ang taboy kay Francis. Si Peter ay hindi na naalis ang tingin kay Edna. Naiinis naman si Sandra kay Ashton na kanina pa siya kinukulit. While Vince, tahimik lang sila ni Ditas. Napipi ang madaldal na si Ditas. Si Carvie ay isinama ang girlfriend na si Anastacia na maging partner niya.Ang flower girl ay

  • ESCAPE From My Estranged Husband    Chapter 67

    Buhat ni Cory ang isang bag na pinaglagyan ng mga gamit ng kanyang mga anak. Damit, laruan at kung ano ano pa. Nauna nang pumasok sina Ely kasama ang dalawang bata. Habang si Yaya Katring ay akay ang bunsong anak. Si Ditas ay nauna na ding pumunta ng kusina para tingnan kung ano pa ang puwede niyang iluto para sa hapunan nila.Nagulat si Cory nang biglang namatay ang ilaw sa buong kabahayan. Nanlaki ang mga mata niya. Naisip kaagad ang mga anak. Tiyak na mag iiyak ang bunso nilang si Mari. Pati na din si Elias. Takot pa naman sa dilim ang panganay na anak.Ang ipinagtataka niya ay walang tumatakbo para puntahan siya at igiya papasok sa loob ng bahay. Tangan ang cellphone na siyang nagsilbing flashlight sa kanyang daraanan."Ely!" tawag niya sa asawa. Tahimik ang buong paligid. Wala siyang marinig na ingay mula sa mga anak.Inilapag ni Cory ang dalang bag sa sofa saka dahan-dahan na humakbang. Sa sobrang dilim ay halos mangapa siya. Idagdag pang ramdam niyang mag isa lamang siya sa iba

  • ESCAPE From My Estranged Husband    Chapter 66

    "Sobrang miss ko na kayo. Mama, Papa at Cathleen. Nagsasaya na kayo diyan sa Itaas. Salamat po, Mama. Binigyan mo po ako ng isa pang kapatid. Si Kuya George. Masaya ako na nadadagdagan ang aking pamilya. May Kuya na ako at Ate pa kami ngayon ni Carvie. Hindi po kami ulila dahil palagi kayong andiyan para sa amin. Hindi man namin kayo kasama o nakikita. Andito kayo sa puso namin. Kailanman ay hindi mawawala" nitong nakalipas na dalawang taon ay hindi pumalya si Cory na dalawin ang namayapang magulang at kapatid. Pumupunta sila ng Samar para madalaw sila at muling makasama kahit na tuwing Araw ng mga Kaluluwa.Dalawang taon ang lumipas nuong nangyari ang insidente ng pagdukot kina Calli at Elias. Akala ni Cory ay tuluyan nang may mawawala sa kanyang buhay. Magluluksa kagaya nuong nawala si Cathleen sa kanilang magkapatid.Halos gumuho ang mundo niya nang malaman na isinugod sa ospital si Ely. Nagkaroon ito ng tama sa balikat. Dahil sa tama ng baril mula na kagagawan ni Mr. Martino. Nagp

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status