Share

Chapter 5

Penulis: RIDA Writes
last update Terakhir Diperbarui: 2022-09-03 21:18:55

Buhat-buhat ni Ely si Cathleen papasok sa loob ng emergency. Kasunod sina Cory at Carvie na iyak ng iyak.

"Doctor! Nurse!" tawag na sigaw ni Ely. Tumatakbo naman na lumalapit ang isang Nurse sa kanila.

"Ano pong nangyari sa bata?" tanong nito at tiningnan ang batang pasyente.

"May sakit siya sa puso. Nahihirapan na siyang huminga" sagot ni Ely.

"Ihiga niyo na po doon sa loob ng emergency room. Tatawag lang po ako ng doktor" utos nito kay Ely at sumunod naman si Ely. 

Pumasok sila sa loob ng emergency room at inihiga si Cathleen sa bed doon. Ang Nurse ay mabilis na tumawag ng doktor. Nilapitan nina Cory at Carvie ang bunsong kapatid. Umiiyak sila at hinahaplos ni ulo ng kapatid nila. Habang si Ely ay nakatayo sa gilid.

Napalingon silang lahat ng pumasok ang doktor. Kasunod din nito ang isang Nurse. Nilapitan nito kaagad si Cathleen. At sinuri.

"Nurse, ready the oxygen. Then the machine" utos nito sa Nurse na kasama niya. Sumunod kaagad ang Nurse at umalis.

"Sino po ang pamilya ng pasyente?" tanong nito na nagpalipat lipat ng tingin kina Ely at Cory.

"Ako po. Kapatid ko po siya" nakataas ang kamay na sagot ni Cory. Hilam ng luha ang kanyang mga mata. 

"Miss, kailangan na siyang maisalang sa operasyon. We need to do an urgent heart transplant sa kanya. Bago mahuli pa ang lahat" wika ng Doktor kay Cory. Napatakip sa bibig si Cory at humagulgol iyak. Iniisip na niya kung saan siya kukuha ng pera na ipapambayad niya sa operasyon ni Cathleen. 

"I'm sorry. Pero we need to do it fast to save her life. Paki-settle na lang ang bill para sa operasyon ng bata" dagdag pa nito. Nakatingin lang at nakikinig si Ely sa sinasabi ng doktor.

"Magkano po ang kakailanganin, Doktor?" tanong ni Cory.

"Estimated mga five hundred thousand pesos. Or mas malaki pa doon. Hindi ko pa alam magkano aabutin. Mas maganda maghanda kayo ng isang milyon" sagot nito sa kanya. Saka binalingan muli ang kapatid niya. Mas lalo naman napaiyak si Cory. Saan siya kukuha ng ganoon kalaking halaga? Wala pa siyang trabaho ngayon. Napahigpit ang yakap ni Carvie sa Ate niya.

"Ate, mawawala po ba sa atin si Cathleen?" tanong ni Carvie na umiiyak pa din. Napalingon si Cory sa kapatid. 

"Hindi mangyayari iyon, Carvie. Gagawa ng paraan si Ate. Gagaling si Cathleen" sagot ni Cory habang umiiyak. Nahabag si Ely sa magkapatid. Wala siyang kapatid kaya mas lalong masakit para sa kanya ang nakikita sa kanila.

"Aalis na ako. Kung may itatanong ka pa, Miss. Puwede mo akong puntahan sa ward" paalam ng Doktor. Tumango ng ulo si Cory bilang tugon. At nagpasalamat sa doktor na tumingin sa kapatid. 

Lumabas na ang Doktor. Sumunod si Ely na lumabas ng emegency room.

"Doc, please do anything to save the life of the kid. Ako na ang aako sa lahat ng gagastusin sa operasyon ni Cathleen. Just dont tell to her big sister" pakiusap na sabi ni Ely. Tinapik ng Doktor si Ely sa balikat. 

"No problem, Mr. Andrew. I hope that your father will not know about this. Kilala mo ang Mommy mo, Ely" sagot ng Doktor.

"Yes po, Tito Carl. Don't worry po I can handle this" tugon ni Ely. Si Doc. Carl Marasigan ay kaibigan ng Daddy niyang si Allen Andrew.

"Importante po sa ngayon ay ang makaligtas si Cathleen. Saka ko na po iisipin ang tungkol kay Mommy" ani Ely.

"Okay, Ely. Don't worry I will do my best. And maganda siya. Bagay kayo. Sana lang siya na ang babaeng para sayo, Ely"

"Thank you po Tito. I hope so"

Nagpaalam na si Doc. Marasigan kay Ely. Muling bumalik si Ely sa loob at tiningnan ang magkapatid. Nakaupo si Cory sa tabi ni Cathleen. Habang si Carvie ay nakatayo sa tabi ng higaan ni Cathleen.

"Cory, lalabas lang ako. May ipabibili kaba?" paalam ni Ely. Umiling ng ulo si Cory.

"Ikaw, Carvie?"

"Wala po Kuya Ely. Salamat po" sagot nito sa kanya. Tumango ng ulo si Ely at lumabas na ng kuwarto ni Cathleen.

Aalis lang siya sandali para asikasuhin ang mga kailangan ni Cathleen dito sa ospital. Nag aalala lang siya para sa magkakapatid. Lalong lalo na para kay Cory. It break his heart to see her crying so much in pain. Kung may magagawa lamang siya na patigilin ang mga pag iyak niya. At ang sakit na nararamdaman niya ay gagawin niya. Pero, halos pandirihan naman siya nito.

"Ate, bakit ka po ganoon kay Kuya Ely? Mabait po siya. Saka ang dami po niyang binili para sa amin ni Cathleen. Ayoko pong maging bastos sa inyo dahil sa pagiging matigas niyo kay Kuya Ely. Pero hindi po tama ang ipinakita niyo sa kanya" tanong ni Carvie sa kapatid. Napatingin si Cory sa kapatid.

"Wala po siyang ginawang masama sa amin. Ang dami pa ngang ibinigay niya para sa amin ni Cathleen. Kung tutuusin nga po kayo ang may kasalanan kung bakit inatake si Cathleen" dagdag pang sabi ni Carvie na may paninisisi sa Ate niya sa mga nangyari.

"Carvie?"

"Pasensiya na Ate. Gusto ko lang sabihin ang nasa loob ko. Ayaw ko pong mawala si Cathleen sa atin. Pero sa nangyayari ngayon. Wala na po tayong pag asa. Napakalaki ng halaga na kakailanganin ni Cathleen sa operasyon niya. Alam ko pong wala na tayong pera" umiiyak na panay ang punas sa mga luha niya na saad ni Carvie. Masakit na sumbat iyon para kay Cory. 

"I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Kahit ako ayaw kong mawala si Cathleen sa atin. Mahal na mahal ko kayo na mga kapatid ko. Pero wala akong magawa. Wala akong kayang gawin para matustusan ang pagpapagamot ni Cathleen. Pero ginagawa ko pa makayaya ko para masagip si Cathleen. Patawarin mo ako, Carvie"

Tumakbo palabas si Carvie ng kuwarto ng kapatid. Hinabol naman ng tanaw ito ni Cory. Galit ang kapatid niya sa kanya. Kasalanan naman niya kung bakit nagalit si Carvie sa kanya. Binalingan ni Cory ang kapatid na natutulog na nakahiga. Hinawakan niya ang kamay ng kapatid at hinalikan iyon habang umiiyak.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • ESCAPE From My Estranged Husband    Chapter 71

    Bumalikwas ng bangon si Cory. Mataas na ang sikat ng araw sa labas. Tanghali na? Napasarap ang tulog niya. May mga pasok ang mga anak nila ngayon.Nagmamadali siya na bumaba ng kama ng kama. Saka pumunta ng banyo. Mabilis na ginawa ang morning routine niya. Nang matapos ay nagbihis siya at lumabas ng kuwarto nilang mag asawa.Bumaba siya sa sala. Tahimik ang paligid. Nasaan ang mga tao? Maaga bang umalis si Ely papunta sa opisina niya? Hindi man lang siya ginising ni Ely. Nafrustrated na hindi siya ang nag-asikaso sa mga anak.Pumunta na lang siya ng kusina. Para tignan kung anong niluluto ni Manang Ester. Pero wala siyang nadatnan na tao doon. "Nasaan ang mga tao dito sa bahay?" usal na tanong ni Cory sa isip.Umakyat siyang muli para puntahan ang mga anak sa kuwarto ng mga ito. Una niyang binuksan ang kuwarto ni Calli. Wala doon ang panganay na anak. Sinunod niya ang kuwarto ni Elias. Katulad kay Calli ay wala din doon si Elias. Pati si Mari ay wala doon. Pati na ang bunso nila.Ag

  • ESCAPE From My Estranged Husband    Chapter 70

    "Nanay, may nanliligaw na po kay Ate Calli sa school." sumbong ni Elias sa ina. Napatingin si Cory sa kanyang panganay na anak. Dalagita na ngayon si Calli."Totoo ba iyon, Calli?""No, Nanay. Hindi po iyon totoo. Nagsisinungaling lang po siya. Si Elias kaya ang may crush na. Nahuli ko po siya na may kausap na student sa kabilang school." tangging sagot ni Calli sa ina. Nagtuturuan na ang dalawang bata sa kanya.Nagsalubong ang kilay ni Cory sa narinig. Malalaki na talaga ang mga anak nila ni Ely. Nagkakaroon na nang crush o nagugustuhan."Pag aaral muna ang atupagin ninyong dalawa. Okay lang kung magka-crush. Huwag lang pabayaan ang pag aaral." pangaral niya sa mga anak. "Nag aaral po akong mabuti. Ewan ko lang po kay Elias." sagot ni Calli. Fifteen years old na si Calli at nasa high school na. Habang si Elias ay labing tatlong taong gulang.Apat na ang anak nina Cory at Ely. Si Calli ang panganay nila. Sumunod si Elias, pangatlo si Mari, pang apat si Eliseo Jr. Eliss ang palayaw na

  • ESCAPE From My Estranged Husband    Chapter 69

    Cory's POV After nang kasal namin ni Ely sa simbahan ay mas lalong tumibay ang relasyon naming dalawa. Mas lalong napamahal si Ely sa akin. He is so perfect to me. Kung puwede lang sabitan siya nang medalya sa pagka uliran niyang asawa at ama ng mga anak namin ay ginawa ko na. Ilang beses kaming pinaglayo ng tadhana. Pero si Ely ang mas lumaban para matalo namin ang mga pagsubok ni Tadhana. Magsucced kami. At ngayon nga ay masayang masaya na nagsasama kasama ang aming mga anak. "Mahal, umuwi kana" tinawagan ko si Ely sa phone para lamang pauwiin sa bahay. "Why, Baby? Hinif pa tapos ang trabaho ko" "Kapag hindi ka umuwi. Aalis ako ngayon. Bibitbitin ko ang tatlong anak mo!" pananakot ko sa asawa ko. Ganito ako ngayon maglihi sa aming pang apat na anak. Navison ko na napasabunot ng buhok ang asawa ko. Kilalang kilala ko ang asawa ko. Kilos pa lang niya alam na alam ko na. "Okay. Uuwi na po" napabuga ito nang hangin na pumayag sa gusto ko. Hinid siya under de saya. Mahal na mahal

  • ESCAPE From My Estranged Husband    Chapter 68

    This is it! Ang araw na ikakasal sina Ely at Cory sa simbahan. Sa loob ng simbahan ay halos mapuno na ng mga bulaklak na paborito ni Cory. Ang tulips at white roses.Lahat ay excited na makita ang bride. Habang ang groom ay naghihintay sa pagpasok ni Cory sa loob ng simbahan. Si Omar ang kanyang bestman. Invited ang lahat ng kaibigan niya. Si Peter ay kasama sa mga abay at si Carvie. Pati na din si Vince. Kasama din sa mga groomsmen si Francis at Ashton. Kaibigan ni Parker. Habang ang kay Cory na maid of honor ay si Sierra. Pinsan ni George. Kasama sa bridesmaid sina Edna, Ditas, Sandra at Glenda. Naaliw sila kay Francis dahil hindi ito umaalis sa tabi ni Glenda. Si Glenda naman panay ang taboy kay Francis. Si Peter ay hindi na naalis ang tingin kay Edna. Naiinis naman si Sandra kay Ashton na kanina pa siya kinukulit. While Vince, tahimik lang sila ni Ditas. Napipi ang madaldal na si Ditas. Si Carvie ay isinama ang girlfriend na si Anastacia na maging partner niya.Ang flower girl ay

  • ESCAPE From My Estranged Husband    Chapter 67

    Buhat ni Cory ang isang bag na pinaglagyan ng mga gamit ng kanyang mga anak. Damit, laruan at kung ano ano pa. Nauna nang pumasok sina Ely kasama ang dalawang bata. Habang si Yaya Katring ay akay ang bunsong anak. Si Ditas ay nauna na ding pumunta ng kusina para tingnan kung ano pa ang puwede niyang iluto para sa hapunan nila.Nagulat si Cory nang biglang namatay ang ilaw sa buong kabahayan. Nanlaki ang mga mata niya. Naisip kaagad ang mga anak. Tiyak na mag iiyak ang bunso nilang si Mari. Pati na din si Elias. Takot pa naman sa dilim ang panganay na anak.Ang ipinagtataka niya ay walang tumatakbo para puntahan siya at igiya papasok sa loob ng bahay. Tangan ang cellphone na siyang nagsilbing flashlight sa kanyang daraanan."Ely!" tawag niya sa asawa. Tahimik ang buong paligid. Wala siyang marinig na ingay mula sa mga anak.Inilapag ni Cory ang dalang bag sa sofa saka dahan-dahan na humakbang. Sa sobrang dilim ay halos mangapa siya. Idagdag pang ramdam niyang mag isa lamang siya sa iba

  • ESCAPE From My Estranged Husband    Chapter 66

    "Sobrang miss ko na kayo. Mama, Papa at Cathleen. Nagsasaya na kayo diyan sa Itaas. Salamat po, Mama. Binigyan mo po ako ng isa pang kapatid. Si Kuya George. Masaya ako na nadadagdagan ang aking pamilya. May Kuya na ako at Ate pa kami ngayon ni Carvie. Hindi po kami ulila dahil palagi kayong andiyan para sa amin. Hindi man namin kayo kasama o nakikita. Andito kayo sa puso namin. Kailanman ay hindi mawawala" nitong nakalipas na dalawang taon ay hindi pumalya si Cory na dalawin ang namayapang magulang at kapatid. Pumupunta sila ng Samar para madalaw sila at muling makasama kahit na tuwing Araw ng mga Kaluluwa.Dalawang taon ang lumipas nuong nangyari ang insidente ng pagdukot kina Calli at Elias. Akala ni Cory ay tuluyan nang may mawawala sa kanyang buhay. Magluluksa kagaya nuong nawala si Cathleen sa kanilang magkapatid.Halos gumuho ang mundo niya nang malaman na isinugod sa ospital si Ely. Nagkaroon ito ng tama sa balikat. Dahil sa tama ng baril mula na kagagawan ni Mr. Martino. Nagp

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status