Nadaanan ni Ely si Carvie sa labas ng ospital na nakaupo mag isa. May mga dala siyang mga damit at pagkain nila. Nilapitan niya ito.
"Carvie, anong ginagawa mo dito sa labas?" tanong ni Ely. Nagpunas bigla ng kanyang luha si Carvie.
"Wala po, Kuya Ely. Nagpapahangin lamang po dito sa labas ng ospital" pagsisinungaling nitong sagot sa kanya.
"Kung ang ikinababahala mo ay si Cathleen. Huwag ka nang mag alala. Diba, sinabi ko na simula ngayon ako ang bahala sa inyo. Hindi ko pababayaan na may masamang mangyari kay Cathleen" wika ni Ely. Napatunghay si Carvie kay Ely.
"Bakit mo po ito ginagawa?"
"Gusto ko lang makatulog sa inyo ng Ate mo" sagot ni Ely.
"Mahal mo po talaga si Ate, Kuya Ely. Kaya kahit na ipagtabuyan ka niya heto ka pa din tinutulungan kami" ngumiti si Carvie kay Ely. Masaya siya dahil handang tumulo ng ang Kuya Ely niya sa kanilang magkakapatid.
Inakbayan ni Ely si Carvie. "Masyado ka pang bata para maintindihan mo ang sa amin ng Ate mo. And yes, gusto ko ang Ate mo. Mahal ko na siya. Pero ayaw niya sa akin. Hindi ko nga alam kung anong mali sa akin. Kaya niya ako pinatatabuyan."
"Kuya, kinse na po ako. Alam ko na at naiintindihan ko na ang lahat ng mga sinasabi mo."
"Salamat, Kuya Ely sa pagmamahal mo para kay Ate Cory. Huwag ka sanang magsawa na mahalin siya. Alam mo po siguro po iniisip niya na mahirap lamang kami. At ang yaman mo po. Sa itsura niyo pa lamang po alangan ka na sa amin. Kilala ko si Ate Cory. Kaya alam ko na iyon ang iniisip niya." dagdag pang sabi ni Carvie.
"Sa pagmamahal walang mayaman o mahirap. E, ano kung mahirap kayo. Tao pa din kayo at pantay pantay tayo sa paningin ng Diyos. Basta ilakad mo ako sa Ate mo, ha" nakangiting sabi ni Ely.
"Ikaw pa, Kuya Ely. Ang lakas mo kaya sa akin. Kahit itakbo pa kita kay Ate, Bayaw" nakangiti ng sagot ni Carvie. Hinawakan sa ulo ni Ely si Carvie at ginulo ang buhok.
"Pasok na tayo sa loob. Baka hinahanap kana ng Ate mo" aya ni Ely kay Carvie. Tumango naman ang binatilyo sa kanya. Kinuha ni Carvie ang ibang dala ni Ely at naakbay na naglakad sila papunta sa kuwarto ni Cathleen.
Inilipat ng private room si Cathleen. At naitakda na ang araw ng operasyon ng bata.. Ang hinihintay na lamang nila ay ang donor na malusog na puso para kay Cathleen.
Nakabantay pa din si Cory sa kapatid. Si Ely ay nakaupo malayo kay Cory. Matiyaga itong kasama ni Cory magbantay kay Cathleen. Pinauwi na muna ni Cory si Carvie para makapagpahinga.
Napapasara na ang mga mata ni Ely dahil sa antok at pagod. Kahit si Cory ay pagod na din at halos walang tulog. Napalingon si Cory sa kanyang likuran. Nakapikit si Ely na nakasandal ang ulo sa pader. Nakaramdam naman ng awa si Cory kay Ely. Kaya nilapitan niya ito.
"Ely, Ely" gising ni Cory dito at niyuyugyog sa balikat. Napamulat ng kanyang mga mata si Ely. Nagtama ang mga tingin nilang dalawa ni Cory.
"U-Umuwi ka muna" sabi ni Cory na Umiwas ng tingin. Babalik na sana siya sa upuan niya nang hawakan ni Ely ang kamay niya.
"Cory, can we please talk?" pakiusap na tanong ni Ely.
"Hindi pa ito ang tamang panahon para pag usapan natin ang kung ano man ang gusto mong sabihin, Ely" pagmamatigas pa din ni Cory. Binitawan ni Ely ang kamay niya at nilapitan na ni Cory ang kapatid niya.
"Thank you, Ely. Sa lahat ng naitulong mo sa kapatid ko. Mababayaran din kita sa lahat ng naitulong mo" sabi ni Cory na hindi tumitingin kay Ely. At umupo sa upuan sa tabi ng bed ni Cathleen.
"Hindi naman ako naniningil, Cory. Naiintindihan ko kung ayaw mo talaga akong harapin at ayaw mo akong tanggapin sa buhay mo. Huwag mo naman iparamdam sa akin ang pambabalewala mo sa akin. Nakakasakit ka na, Cory. Nasasaktan na ako ng sobra. Kapag naging okay na si Cathleen. Babalik na ako ng Manila at hindi na ako magpapakita pa sayo. Uuwi muna ako sa hotel room ko. Kung may iba kapang kailangan. Sabihin mo na lamang kay Carvie. Kung hindi mo pa din ako kayang kausapin ng maayos" paalam ni Ely kay Cory. Malungkot na lumakad na ito paalis.
Nakalabas na ng kuwarto ni Cathleen si Ely nang napalingon si Cory sa pintuan nilabasan ni Ely. Tumulo ang luha niya. Hindi niya gusto na maging matigas kay Ely. Sa totoo lang mayroon naman na siyang nararamdaman para sa binata. Pero natatakot siyang sumugal. Ang daming dapat ikonsidera kung tama bang tugunin niya ang gustong mangyari ni Ely para sa kanilang dalawa. Isa pa a ng mga isang gabi na iyon ay hindi dapat maging rason para gusto ni Ely na mapalapit sa kanya. Gusto niya may pagmamahal. Wala pa naman sinasabi si Ely sa kanya. Pero ipinaparamdam niya sa pamamagitan ng mga pag tulong niya sa kanilang magkakapatid. Hindi ito umalis kahti na ipagtabuyan pa niya.
Nakabalik na si Ely sa kanyang hotel room. Ilang araw din siyang halos hindi umuwi dito ng matagal. Uuwi man siya para lamang maligo at magbihis ng damit. Inihiga ang sarili sa kama at pinilit na makatulog. Magpapabook na siya ng flight pabalik ng Manila. Siguro kailangan na niyang sumuko.
Ilang araw na lamang at ooperahan na si Cathleen. Hahayaan na lamang niya si Cory sa gusto niyang mangyari, ang huwag niyang guluhin ito."Tristan, please book a flight for me pabalik ng Manila. I want it by next week" utos ni Ely sa kabilang linya.
"Noted, Sir. I just want to inform you Sir that your Dad is looking for you. Sinabi ko po na nasa out of town business meeting kayo" sagot at imporma ni Tristan ang sekretarya ni Ely.
"Salamat. Pabalik naman na ako ng Manila. I will just call Dad" tugon ni Ely sa kausap sa telepono. Saka pinatay na ang tawag.
Bumalikwas ng bangon si Cory. Mataas na ang sikat ng araw sa labas. Tanghali na? Napasarap ang tulog niya. May mga pasok ang mga anak nila ngayon.Nagmamadali siya na bumaba ng kama ng kama. Saka pumunta ng banyo. Mabilis na ginawa ang morning routine niya. Nang matapos ay nagbihis siya at lumabas ng kuwarto nilang mag asawa.Bumaba siya sa sala. Tahimik ang paligid. Nasaan ang mga tao? Maaga bang umalis si Ely papunta sa opisina niya? Hindi man lang siya ginising ni Ely. Nafrustrated na hindi siya ang nag-asikaso sa mga anak.Pumunta na lang siya ng kusina. Para tignan kung anong niluluto ni Manang Ester. Pero wala siyang nadatnan na tao doon. "Nasaan ang mga tao dito sa bahay?" usal na tanong ni Cory sa isip.Umakyat siyang muli para puntahan ang mga anak sa kuwarto ng mga ito. Una niyang binuksan ang kuwarto ni Calli. Wala doon ang panganay na anak. Sinunod niya ang kuwarto ni Elias. Katulad kay Calli ay wala din doon si Elias. Pati si Mari ay wala doon. Pati na ang bunso nila.Ag
"Nanay, may nanliligaw na po kay Ate Calli sa school." sumbong ni Elias sa ina. Napatingin si Cory sa kanyang panganay na anak. Dalagita na ngayon si Calli."Totoo ba iyon, Calli?""No, Nanay. Hindi po iyon totoo. Nagsisinungaling lang po siya. Si Elias kaya ang may crush na. Nahuli ko po siya na may kausap na student sa kabilang school." tangging sagot ni Calli sa ina. Nagtuturuan na ang dalawang bata sa kanya.Nagsalubong ang kilay ni Cory sa narinig. Malalaki na talaga ang mga anak nila ni Ely. Nagkakaroon na nang crush o nagugustuhan."Pag aaral muna ang atupagin ninyong dalawa. Okay lang kung magka-crush. Huwag lang pabayaan ang pag aaral." pangaral niya sa mga anak. "Nag aaral po akong mabuti. Ewan ko lang po kay Elias." sagot ni Calli. Fifteen years old na si Calli at nasa high school na. Habang si Elias ay labing tatlong taong gulang.Apat na ang anak nina Cory at Ely. Si Calli ang panganay nila. Sumunod si Elias, pangatlo si Mari, pang apat si Eliseo Jr. Eliss ang palayaw na
Cory's POV After nang kasal namin ni Ely sa simbahan ay mas lalong tumibay ang relasyon naming dalawa. Mas lalong napamahal si Ely sa akin. He is so perfect to me. Kung puwede lang sabitan siya nang medalya sa pagka uliran niyang asawa at ama ng mga anak namin ay ginawa ko na. Ilang beses kaming pinaglayo ng tadhana. Pero si Ely ang mas lumaban para matalo namin ang mga pagsubok ni Tadhana. Magsucced kami. At ngayon nga ay masayang masaya na nagsasama kasama ang aming mga anak. "Mahal, umuwi kana" tinawagan ko si Ely sa phone para lamang pauwiin sa bahay. "Why, Baby? Hinif pa tapos ang trabaho ko" "Kapag hindi ka umuwi. Aalis ako ngayon. Bibitbitin ko ang tatlong anak mo!" pananakot ko sa asawa ko. Ganito ako ngayon maglihi sa aming pang apat na anak. Navison ko na napasabunot ng buhok ang asawa ko. Kilalang kilala ko ang asawa ko. Kilos pa lang niya alam na alam ko na. "Okay. Uuwi na po" napabuga ito nang hangin na pumayag sa gusto ko. Hinid siya under de saya. Mahal na mahal
This is it! Ang araw na ikakasal sina Ely at Cory sa simbahan. Sa loob ng simbahan ay halos mapuno na ng mga bulaklak na paborito ni Cory. Ang tulips at white roses.Lahat ay excited na makita ang bride. Habang ang groom ay naghihintay sa pagpasok ni Cory sa loob ng simbahan. Si Omar ang kanyang bestman. Invited ang lahat ng kaibigan niya. Si Peter ay kasama sa mga abay at si Carvie. Pati na din si Vince. Kasama din sa mga groomsmen si Francis at Ashton. Kaibigan ni Parker. Habang ang kay Cory na maid of honor ay si Sierra. Pinsan ni George. Kasama sa bridesmaid sina Edna, Ditas, Sandra at Glenda. Naaliw sila kay Francis dahil hindi ito umaalis sa tabi ni Glenda. Si Glenda naman panay ang taboy kay Francis. Si Peter ay hindi na naalis ang tingin kay Edna. Naiinis naman si Sandra kay Ashton na kanina pa siya kinukulit. While Vince, tahimik lang sila ni Ditas. Napipi ang madaldal na si Ditas. Si Carvie ay isinama ang girlfriend na si Anastacia na maging partner niya.Ang flower girl ay
Buhat ni Cory ang isang bag na pinaglagyan ng mga gamit ng kanyang mga anak. Damit, laruan at kung ano ano pa. Nauna nang pumasok sina Ely kasama ang dalawang bata. Habang si Yaya Katring ay akay ang bunsong anak. Si Ditas ay nauna na ding pumunta ng kusina para tingnan kung ano pa ang puwede niyang iluto para sa hapunan nila.Nagulat si Cory nang biglang namatay ang ilaw sa buong kabahayan. Nanlaki ang mga mata niya. Naisip kaagad ang mga anak. Tiyak na mag iiyak ang bunso nilang si Mari. Pati na din si Elias. Takot pa naman sa dilim ang panganay na anak.Ang ipinagtataka niya ay walang tumatakbo para puntahan siya at igiya papasok sa loob ng bahay. Tangan ang cellphone na siyang nagsilbing flashlight sa kanyang daraanan."Ely!" tawag niya sa asawa. Tahimik ang buong paligid. Wala siyang marinig na ingay mula sa mga anak.Inilapag ni Cory ang dalang bag sa sofa saka dahan-dahan na humakbang. Sa sobrang dilim ay halos mangapa siya. Idagdag pang ramdam niyang mag isa lamang siya sa iba
"Sobrang miss ko na kayo. Mama, Papa at Cathleen. Nagsasaya na kayo diyan sa Itaas. Salamat po, Mama. Binigyan mo po ako ng isa pang kapatid. Si Kuya George. Masaya ako na nadadagdagan ang aking pamilya. May Kuya na ako at Ate pa kami ngayon ni Carvie. Hindi po kami ulila dahil palagi kayong andiyan para sa amin. Hindi man namin kayo kasama o nakikita. Andito kayo sa puso namin. Kailanman ay hindi mawawala" nitong nakalipas na dalawang taon ay hindi pumalya si Cory na dalawin ang namayapang magulang at kapatid. Pumupunta sila ng Samar para madalaw sila at muling makasama kahit na tuwing Araw ng mga Kaluluwa.Dalawang taon ang lumipas nuong nangyari ang insidente ng pagdukot kina Calli at Elias. Akala ni Cory ay tuluyan nang may mawawala sa kanyang buhay. Magluluksa kagaya nuong nawala si Cathleen sa kanilang magkapatid.Halos gumuho ang mundo niya nang malaman na isinugod sa ospital si Ely. Nagkaroon ito ng tama sa balikat. Dahil sa tama ng baril mula na kagagawan ni Mr. Martino. Nagp
Matalim na tingin ang ipinukol ni Ely. Tumatagos ito sa katawan ni Gerardo. "Bitawan mo ang anak ko! Kung hindi mauubos ang pasensiya ko na kanina ko pa tinitimpi! I can be evil that you cannot imagine. Sinusubukan kong pigilan ang konti kong pasensiya. Pero, nasasagad na ang pasensiya ko! Sobrang maiksing-maiiksi na. Better to let go of my child, now!" mga babala ni Ely habang nakatiim bagang at nasa likod ang kanyang kamay.Papalapit siya kay Gerardo nang hindi nito napapansin. Habang si Calli ay panay ang piglas sa hawak ni Gerardo sa kanya."Bitawan niyo po ako! Maawa po kayo sa akin. Sabi niyo Lolo namin kayo ni Elias" umiiyak na sabi ni Calli. Tumingin si Gerardo sa bata."Kaya po kami sumama ni Elias sa inyo kasi mabait kayo. Binilhan niyo pa po kami ng ice cream. Binantayan namin si Tita Gemma. Kasi sabi niyo gusto ninyong bumalik si Tita Gemma sa dati. Kagaya po ni Nanay. Pero, bakit po ngayon sinasaktan niyo kami ni Elias? Wala naman po kaming ginawa kay Tita Gemma na masama
Isa isang nagsibabaan ang mga pulis sa mga patrol car nila. Kasama nina Ely si Omari sa HiAce van na lulan sila."Dito lang kayo. Huwag na kayong sumunod pa sa amin sa loob" bilin ni Omari sa magkakaibigan. Magsasalita na sana si Ely nang pigilan ito ni Omari."Huwag nang matigas ang ulo, Ely" saad ni Omari ka Ely. Walang nagawa si Ely kundi ang magpaiwan sa loob ng van.Lumabas na ng sasakyan si Omari. Naiwan ang magkakaibigan sa loob. Hindi mapakali si Ely. Dalawang anak niya ang nasa loob ng bahay ng mga Martino. Napapapikit siya sa isiping puwedeng mangyari sa dalawang bata. Maghahanap pa siya ng mga salitang puwedeng ibigay na ipaliwanag sa asawa. Sa nakikita palang niya na gagawin ni Cory ay nanghihina na siya.Makakaya kaya niya na may mawala sa mga taong importante sa buhay niya?"Payagan niyo na ako. Kailangan kong makita ang mga anak ko!" pamimilit ni Ely. Hawak siya sa braso ni Parker at Nickson."Pare, hayaan mo na ang mga pulis. Ililigtas nila ang mga bata. Maghintay na l
Malakas na nahampas ni Ely ang manibela. Kung kailan siya nagmamadali. Saka pa siya maiipit sa traffic. Wala siyang magawa kundi ang maghintay. Masyado na siyang nag aalala para sa kalagayan ng mga anak. Pati na din sa kalagayan ng asawa niya. Kagagaling lang ni Cory at ayaw na ni Ely na bumalik ang sakit ng asawa. Sana lang ay hindi totoo ang hinala niya. Huwag naman sana ang kanilang dalawang anak."Cory!" alalang alala na tawag ni Ely sa asawa. Mabilis ang paghinga sa hingal dahil sa pagmamadali. Hinahanap ng mga mata niya ang asawa na ayon kay Edna ay kanina pa hindi humihinto sa pag iyak."Sir Ely?" si Edna ang nasalubong niya sa sala."Ang Ma'am Cory mo?""Nasa kuwarto niyo po. Kasama si Ditas at Yaya Katring. Kanina pa po umiiyak si Ma'am. Nag aalala na po kami ni Ditas" sagot ni Edna. Mababanaag ang ang takot para sa kaniyang aamong babae. Mabilis pa sa alas kuwatro na tumakbo si Ely pataas ng hagdan. Papunta sa kuwarto nilang mag asawa. Nang makarating sa tapat ng pinto ay k