"Waitress, ang order namin! Kanina pa kami naghihintay, ah" angal ng customer."Sandali po" sagot ni Cory. Kinukuha niya ang order ng isa pang customer sa ibang lamesa."Cory, halika nga dito!" sigaw ng may ari sa kanya. Natataranta na si Cory. Kung sino ang uunahin. Mag isa lang kasi siyang serbedora sa isang kainan."Ah Ma'am ano po iyon?" magalang na tsnign niya."Kanina ka pa sa lamesang iyon. Nagrereklamo na 'yung nasa kabilang lamesa. Hala! Kunin muna ang order 'nun sa loob ng kusina!" galit na utos ni Meding."Pasensiya na po. Kukunin ko na po" nagmamadali naman ito na pumunta ng kusina para kunin ang order nung customer na nagrereklamo.Nagpatuloy ang buhay ng magkapatid na sina Carvie at Cory. Nawala man ang isa ay kailangan nilang bumangon at tumayo muli. Si Carvie ay muling nagpatuloy ng pag aaral. High school nga lang. Pero ang sabi ng gur9 niya ay puwedeng mag exam si Carvie para sa susunod na pasukan ay kolehiyo na siya. Ang bilis ng panahon. Kaya ito nagtitiyaga si Cory
Ito ang araw ng pag alis at pagpunta ng Maynila nila Carvie at Cory. Kasama si Calli. Nakasakay sila ng barko. At bukas ng umaga ay nasa Maynila na sila. Ang daming pumapasok sa isip ni Cory. Paano kung magkita sila ulit ni Ely? Ano ang gagawin niya kapag nalaman nito na may anak pala sila? Dalawang taon din niyang itinago si Calli. Baka kapag nalaman ito ni Ely ay ilayo nito ang anak niya sa kanya."Ang lalim ng iniisip mo, Ate" napalingon si Cory sa kapatid na tumabi na umupo sa higaan nila."Iniisip ko lang si Calli. Natatakot ako, Carvie. Ngayon na pupunta tayo ng Maynila. Kinakabahan ako para sa anak ko" hindi na niya na itago ang kanyang nararamdaman."Dapat nga matuwa ka pa. Dahil babalik na sayo si Kuya Ely. Kapag nalaman niyang may anak kayo. Hindi mo na ba talaga mahal si Kuya?" "Alam mong wala akong ibang lalaki sa buhay ko. Kundi si Ely lamang. Siyempre dahil mahal na mahal ko siya. Kahit na isang pagkakamali ang gabi na iyon sa aming dalawa. Hindi ko pinagsisihan iyon. I
"Mr. Andrew, sana na ma-final na natin ang resolusyon sa napipintong project sa Tagaytay. Kailangan na nating maayos kung kailan natin sisimulan ang project na ito" sabi ni Siegfrid Baltazar. Isa sa mga shareholder ng Andrew Industrial Corporation. Ito ay pag aari ng pamilya nina Ely. Sina Ely ay shareholder din sa HMG na pag aari ng ama ni Cindy."Yes, Fred. I will ask Dad kung ano ang gusto niya. Mas maganda na alam niya ang tungkol sa napakalaking project sa Tagaytay Sunrise. Sila ang mamahala sa construction sa napakalaking subdivision sa Tagaytay."Okay, Ely. But we need it as soon as possible. Alam namin na si Mr. Allen ang isa sa pioneer ng kompanya. But we trust you Ely that you can decide better than your father" ani Mr. Bert Sinas. Tumango at ngumiti si Ely."Salamat sa inyong tiwala sa akin. Pero mas gusto ko pa rin na si Daddy ang magdedesisyon para sa Tagaytay Sunrise" saad ni Ely.Nang matapos ang kanilang meeting ay isa isang nakipagkamay si Ely sa kanyang mga, empleyad
Hinihintay ni Ely si Cory na matapos sa trabaho nito. Nasa opisina ito ng Manager ng restaurant naghihintay. Nagbubulungan naman ang mga kasamahan niya dahil sa nalaman na magkakilala pala sina Cory at Mr. Andrew. Ang iba ay kinikilig habang ang iba naman ay naiinggit. Mayroon ding galit sa kanya. Si Eliseo Andrew kaya iyon. Ang may ari ng Andrew Industrial Corporation. At iba pang mga negosyo na pagmamay ari ng pamilya niya. Siyempre siya ang nag iisang anak na magmamana ng lahat nang iyon."Sir Andrew, baka po may kailangan po kayo? Juice or coffee?" baling na tanong ng Manager kay Ely. Napapansin niya ang mga malalagkit na tingin nito sa kanya. Umiling ng ulo si Ely. Siyang pasok naman ni Cory. Nakangiti itong sinalubong ni Ely."Tapos ka na?" masuyong tanong ni Ely."Oo, tapos na ako. Out na nga ako" sagot ni Cory. Hinawakan ni Ely ang kamay ni Cory."Let's go" aya ni Ely. Muling sumulyap ni Cory ang Manager nila."Ma'am, alis na po kami. Salamat po" paalam ni Cory. Hindi naman n
Kung wala pang tumawag kay Ely ay hindi ito uuwi at doon na muna sa bahay nina Cory matutulog. Sobrang ayaw nang malayo ni Ely sa anak. Dalawang taon niya itong hindi nakasama. Siyempre nangungulila pa siya sa anak niya na itinago ni Cory."Carvie, ikaw na muna ang bahala sa mag ina ko. Uuwi lang ako. Bukas ay babalik ako para makasama silang muli" bilin nitong kay Carvie."Oo naman, Kuya Ely. Ako naman talaga ang laging tumitingin sa mag ina mo" sagot ni Carvie.Hinalikan ni Ely sa noo ang anak. Pagkatapos ay hinalikan niya sa labi si Cory."I will be back. And get ready, Cory when I'm back. Dahil isasama ko na kayo sa bahay ko" paalam ni Ely kay Cory."Baby, uwi muna si Tatay. Babalik si Tatay, ha. Hintayin mo ang Tatay" paalam din nitong sabi sa anak. Yumakap naman si Calli sa ama na nakasampay ang mga kamay sa leeg ni Ely. Tumalikod na si Ely sa kanyang mag ina. At sumakay ng kanyang kotse. Muling sinulyapan si Ely ang kanyang mag ina. Bago pumasok sa loob ng kanyang kotse. Kumaw
Nagising si Cory na katabi si Ely. Nasa sahig sila natulog na dalawa habang ang anak nila ay nasa higaan. At tulog pa din ito. Nakangiti na pinagmamasdan ni Cory si Ely. Naulit na naman ang mga nangyari sa kanila. Ibinigay na naman niya ang sarili ng buong puso dahil mahal niya si Ely.Kinintalan ng halik ni Cory si Ely sa pisngi saka tumayo. Diretso siyang pumunta ng banyo para maligo. Pagkatapos maligo at makapagbihis ay pumunta na siya ng kusina para magluto ng almusal ng mag ama niya.Masayang inaayos niya ang lamesa nang may marinig siyang boses."Gemma, I'm not at home. Okay. I have important thing to do today. So I can't be with you" ang sabi ni Ely habang nasa tenga niya ang telepono niya."Just wait when I come to the office. Bye" saka pinatay ni Ely ang tawag ni Gemma.Dali daling umalis si Cory sa may pinto at bumalik sa kusina. Nagkunwaring inaayos ang mga pinggan at baso. Nang may yumakap sa kanya. Kahit hindi niya tingnan ay alam niyang si Ely iyon."Good morning, Baby"
Pagkapark ng kotse ni Ely ay dumiretso na siyang lumabas ng kanyang sasakyan. At pumasok sa loob ng bahay nila. Naabutan niya ang Mommy niya na nasa sala at kausap si Gemma. Parehong napalingon silang dalawa. At malawak na ngumiti si Gemma ng makita si Ely.Tumayo at sinalubong ni Gemma si Ely ng yakap. Pero hahalikan na niya sa labi si Ely nang umiwas ito. Nagtatakang tumingin si Gemma kay Ely."What's wrong?" tanong ni Gemma. Umilig lang ng ulo si Ely."Kanina pa naghihintay si Gemma sayo, Ely. Saan ka ba galing?" singit na tanong ni Eladia sa anak."May pinuntahan lang pong importante, Mom" sagot ni Ely. Makahulugang tiningnan ni Gemma si Ely."Oh siya. Maiwan ko na kayo diyan. Mag usap kayo" sabi ni Eladia sa dalawang magkasintahan. At umalis na ito para pumunta ng kusina.Hinahawakan ni Gemma sa braso si Ely. Pero umiiwas ito."Can you sit down? And let's talk" pakiusap ni Ely kay Gemma."Sa akin ka pa ngayon nakikiusap para makipag usap sa akin. Why Ely? What happening to you?"
Kinabukasan ay masigla na si Ely na pumasok sa kompanya. Nabunutan siya ng tinik sa dibdib nang marinig ang sinabi ng Daddy niya. Akala niya ay mahihirapan siyang ipaintindi ang kanyang sitwasyon."Ah, Wendy please ready the file of Mr. Dela Cruz. And bring to me inside my office" utos ni Ely sa sekretarya niya."Okay, Sir" tugon ni Wendy. Papasok na sana si Ely sa loob ng opisina niya nang may pahabol na sinabi si Wendy sa kanya."Nasa loob po ang girlfriend niyo" imporma ni Wendy. Napalingon ang amo sa kanya. Saka tumango ng ulo. At tumuloy ng pumasok sa loob ng opisina niya. Andoon nga sa loob si Gemma na nagbabasa ng diaryo. Diretso siyang pumunta sa swivel chair niya. At umupo."Good morning, Babe" bati ni Gemma. Tumayo ito at hinalikan sa pisngi si Ely."Good morning din" walang ganang bati din ni Ely. Napansin iyon ni Gemma at hindi na lamang kinontra si Ely."Nagbreakfast ka na ba? Ang aga mo naman pumunta dito" tanong na dugtong ni Ely."Hindi pa nga, e. Gusto ko sana kasaba