MALAKI ang pagtataka ni Aster. Pumayag siya kagabi sa sinabi ni Jai tungkol sa bakasyon, pero ang hindi niya inaasahan ay ngayon na agad iyon. Nag-eempake na ang Mama niya ng mga damit nila para sa pag-alis, kasama si Nanay Jena. Iyon ang sabi ng kanyang asawa. "Ano bang pumasok sa isip ng asawa mo at bigla-bigla tayong gustong magbakasyon, ha, Aster?" tanong ni Wendy, halatang litó. Naguguluhan siya sa inaakto ng manugang. Kababalik pa lang nila sa condo, tapos aalis na naman, at para sa bakasyon pa. "Ma, nagtataka rin po ako. Wala naman po siyang ibang sinabi kundi magbakasyon daw ako. Mas mabuti raw na magpahinga muna ako. Hindi ko na rin po alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng asawa ko," sagot ni Aster, sabay hawak sa tiyan. "Sinong maghahatid sa atin?" "Si Jai po, Ma. Pinuntahan po niya si Nanay Jena para sabay-sabay na tayong bumiyahe papunta sa private resort," sagot ni Aster. "Hindi ko nga rin po alam kung saang resort kami pupunta. Basta ang sabi niya, sa probinsya ra
"GABING-GABI ka na nakauwi, Jai. Ano bang pinagkakaabalahan n'yo sa restaurant? Pansin ko na palaging gabing-gabi ka na umuuwi, ah. Wala ka namang sinasabi. Hindi ko alam kung sa restaurant ka ba talaga pumupunta," bungad ni Aster sa asawa na kapapasok lang ng kuwarto nila. Tumayo siya at napahaplos sa kanyang tiyan na lumalapit kay Jai. Tinignan lang siya ng asawa at walang reaksiyon ang mukha. Mataman niyang tinitigan ang asawa. "May b-babae ka ba?" Nahihirapan na tanong ni Aster. Parang may bumara sa lalamunan niya. Biglang nangilid ang mga luha niya sa mata. "Sabihin mo lang sa akin kung may b-babae ka. Hindi kita pipigilan kung may nakita kang mas higit sa akin. Alam ko naman kung paano tayo nagsimula. Alam ko rin na hindi ganoon kalakas ang nararamdaman mo para sa akin." Marahas na napabuntong-hininga si Jai. "Kararating ko lang ang dami mo nang sinabi, wife. At, bakit ka nag-iisip ng ganyan? Wala akong babae. Nagtatrabaho ako ng maayos. Sobra lang akong abala kaya nitong mg
MAHINANG tapik ang naramdaman ni Jai sa kanyang balikat, si Dewei. "Nakaalis na ang doktor. Ibinilin ko na 'wag ipagsabi na buhay pa si Mr. Reynaldo," mahinang sabi ng kaibigan niya habang seryosong nakatingin sa kanya. Napaharap si Jai, bakas sa mukha ang pagod at pasasalamat. "Utang na loob ko sa'yo ang lahat ng ito. Kung hindi dahil sa'yo... baka hindi ko mailigtas ang tatay ko sa kamay ni Tito Renan. Alam ko na hindi pa siya kuntento sa ginawa niya kay tatay." Ang dami na ng ginawa ni Dewei para sa kanya. Noong halos wala na siyang mahawakang pag-asa, siya agad ang tinawagan ni Jai. Paos at nanginginig ang boses niya sa kabilang linya, habang pilit pinipigil ang takot. Wala siyang ibang taong maaring makatulong sa kanya kundi si Dewei. At hindi nagdalawang-isip si Dewei. Siya ang unang kumilos. Agad nitong tinawagan ang isang contact sa fire department na puwedeng gumamit ng controlled explosion. Pinlano nila ang eksenang parang sunog sa isang storage room sa ospital, malapi
NILALAGAY na ni Jai ang mga maleta nila sa loob ng sasakyan. Samantala, mahigpit ang yakap ni Aster kay Anya bilang pamamaalam. Hindi na nila kakailanganin ang serbisyo nito. Sa condo na sila titira, at si Mama Wendy na ang tututok sa pag-aalaga kay Aster. Tutal, tatlong buwan na lang ay manganganak na rin ito. "Salamat, Anya… sa lahat," mahina ngunit taos-pusong sabi ni Aster habang pinipigilan ang luha. Tumango lang si Anya, hindi makapagsalita. "Aster, let's go..." tawag ni Jai, may halong lambing ang boses. Napalingon si Aster sa kanya, saka dahan-dahang lumapit. Kasunod niya ang ina. Paglapit niya, ngumiti siya kay Mama Wendy. Tinugon naman ito ng isang tango na may kasamang ngiti. Inilahad ni Jai ang kamay niya at agad siyang pinagbuksan ng pinto. Maingat niyang inalalayan si Aster papasok sa loob ng kotse. Habang umiikot naman si Mama Wendy para pumasok sa kabilang pinto. Pagkatapos, maingat na isinara ni Jai ang pinto ni Aster. Binuksan niya ang pinto sa driver’s sea
HINDI iniwan ni Wendy ang anak niya habang ito'y natutulog at hindi pa nakakauwi si Jai sa mansyon. Nag-aalala na siya para sa kaligtasan ng anak niya habang nakatira sila sa mansyon. Hindi na sila ligtas dahil wala na si Reynaldo. Tiyak na maghahari na ang mag-asawang Renan at Carlita. Lalo na’t nasa kanila na ang kompanya, at hindi magtatagal, magiging kanila na rin ang mansyon na tinitirhan nila. Napamulat si Aster at bumangon. Napansin niya ang ina na parang malalim ang iniisip. “Ma, bakit andito ka pa? Magpahinga ka na po...” sambit ni Aster. Napalingon si Wendy sa anak na nakatingin sa kanya. Nginitian niya ito ng bahagya. “Mamaya na lang, pagdating ng asawa mo.” “Huh? Wala pa po si Jai?” Nilapitan ni Wendy ang anak at naupo sa gilid ng kama. “Baka pauwi na ’yon. Sige na, matulog ka ulit. Gigisingin na lang kita kapag dumating na siya.” “Ma, halika... tabi na lang tayo matulog,” sabi ni Aster na napangiti. Hinawakan pa niya ang kamay ng ina. Tumango si Wendy at tumabi ng
"TONY, hinihintay kitang umuwi, ah. Ilang araw ka nang nagbabad sa bahay ng ka-barkada mo. Hindi ka na umuuwi sa mansyon kaya hindi mo nalalaman ang mga nangyayari dito," bungad na sermon ni Renan sa anak, pagkapasok na pagkapasok ni Tony sa loob ng kuwarto niya. Nakapameywang si Tony, saka malalim na bumuntong-hininga. Nangingitngit ang mata nang humarap sa ama. "I know everything, Dad. Hindi ko kailangang nandito sa mansyon para malaman ang lahat. Kalat na kalat na sa balita. Wala na kayong naitatago. And you’re doing all of this for money and fame?" Napakuyom ang kamao niya. "You’re willing to ruin lives, to kill someone, just to protect your name? Our name? Is that what this family is now?" Tumigil siya saglit, bakas ang sakit sa tinig. "Kung ganito rin lang ang pamumuhay natin sa mansyon na 'to... baka mas mabuti pang wala ako rito." Napaigting ang panga ni Renan. Tinawid niya ang pagitan nilang mag-ama at malakas na sinuntok si Tony sa mukha. Nasapol si Tony, at umagos ang